Chapter 13

Muli kong pinasadahan nang tingin ang kabuuan ko sa harap ng salamin. Tipid akong gumalaw at mayamaya lang ay napangiti na lamang ako at binalingan si Sora sa tabi ko.

"Thank you so much, Sora," sambit ko rito at muling tiningnan ang repleksiyon sa salamin. Si Sora na ang nag-ayos sa akin para sa Masquerade Ball dito sa Salvatierra Empire. Wala akong alam sa ganitong bagay at talagang umaasa lang ako sa husay ni Sora sa pag-aayos. She knows me too well. Alam talaga nito ang kung anong magugustuhan ko! I'm just wearing a combination of white and black ball gown. Simple yet elegant. Saktong-sakto rin ang sukat nito sa katawan ko kaya namn ay mabilis akong naging komportable sa suot na damit! I really liked it!

"Lady Maddie, huwag niyo pong kakalimutan ang bilin ko sa inyo. Huwag kang lalayo kay Sir Val sa bulwagan kung saan gaganapin ang Masquerade Ball." Tumango ako sa tinuran ni Sora at inalala ang mga bilin nito kanina habang inaayusan niya ako.

"You need to be extra careful here, Lady Maddie. Lalo na't maraming mga VIP sa lugar na ito. Yes, this place is being protected from the outsiders, but we can't let our guards down. Mas mapanganib ang mga taong nandito sa loob. You can't trust them. Huwag kang lalayo kay Sir Val. He knows who's the enemy in just a single glance."

Mayamaya lang ay may kumatok sa may pinto ng silid ko. Nagkatinginan kami ni Sora at siya na mismo ang kumilos para tingnan kung sino ito.

It must be Val Isaac.

Napangiti na lamang ako at muling tiningnan ang repleksiyon sa salamin.

"Is she ready?" rinig kong tanong ni Val kaya naman ay napabaling ako sa may pinto. Namataan ko itong humakbang para makapasok na nang tuluyan sa silid ko at noong magtagpo ang mga mata namin, kita ko ang bahagyang pagkabigla nito. What? May mali ba sa itsura ko? Wala sa sariling napakunot ang noo ko habang na kay Val Isaac ang paningin.

"Take care of her, Sir Val," matamang sambit ni Sora kay Val at nagpaalam na sa aming dalawa. Muli akong nagpasalamat sa kanya at sinabihang susundin ko lahat ng mga bilin nito sa akin kanina. Mayamaya lang ay tahimik na itong lumabas sa silid ko samantalang naglakad naman papalapit sa puwesto ko si Val.

Tipid akong ngumiti ito at dinampot ang maskara na nakapatong sa ibabaw ng kama ko. It was a black mask with golden glitters on the side part of it. Maingat akong bumalik sa harapan ng salamin at inilagay ang maskara sa mukha ko. Tamang itatali ko na ito sa likuran ko noong maramdam ko ang presensya ni Val Isaac doon. Hinawakan nito ang kamay ko at kinuha ang tali na siyang dapat ibubuhol ko.

"Let me," aniya at siya na mismo ang nag-ayos ng maskara ko. Napangiti ako sa kanya at nagpasalamat na lamang. "You look stunning, Maddison."

"Thank you, Val," muling sambit ko habang hindi inaalis ang paningin ko sa repleksiyon naming dalawa sa salamin. "You looked great, too," puri ko sa suot niya. He's just wearing simple black and white tuxedo, but he screams elegance and authority. Masyadong malakas ang presensya nito kahit sa simpleng suot nito! Mukhang ngayon ay napapansin ko na ang pagkapareho nito sa tunay niyang ama. He looked like a real Salvatierra now!

"Shall we?" tanong ni Val sa akin noong matapos ito sa pag-aayos ng maskara ko. Binalingan ko ito at walang pag-aalinlangang tinanggap ang nakalahad na kamay nito sa harapan ko. Ngumiti si Val sa akin at naglakad na kaming dalawa palabas ng silid ko.

Ang sabi ni Val ay nasa main building ng Salvatierra Empire gaganapin ang Masquerade Ball na taonang pagdaraos dito sa imperyo ng ama niya. Tila sakto nga ang pagdating namin sa lugar na ito ngayong araw. This will be my first Masquerade Ball here in Salvatierra Empire. Noong mga nakaraang taon kasi ay hindi ako sumasama sa ganitong mga pagtitipon. Well, my father doesn't want me to attend any events outside our empire kaya naman ay hindi na ako namimilit pa na sumama sa kanila.

And now that we're here, I can't hide my excitement! Pansamantala ko na lamang isinantabi ang mga problemang mayroon ako ngayon at itinuon sa event ang buong atensiyon.

"Sa tingin mo, sinu-sino ang nasa Masquerade Ball?" tanong ko kay Val habang nasa isang sasakyan kami patungo sa main building ng Salvatierra Empire. Actually, pupuwede namang maglakad na lamang kami ni Val pero dahil nga sa suot kong damit ngayon, mahihirapan ako. At isa pa, lahat yata ng VIP ay may kanya-kanyang sasakyan dito sa loob ng Salvatierra Empire! Noong una ay nagulat pa ako pero sa estado ng mga VIP sa lugar na ito, talagang mas gugustuhin nilang sumakay sa magarbong sasakyang tulad nito kaysa maglakad.

"High rank wizards," simpleng sagot ni Val habang pinaglalaruan nito ang kamay ko. Napatingin tuloy ako sa mga kamay namin. Ayaw niyang bitawan ito! Napailing na lamang ako at hinayaan na lamang ito sa ginagawa. I don't know his reasons, but I feel comfortable with his warm hands. "Don't worry, ako bahala sa'yo," dagdag pa niya na siyang napatango sa akin. Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at itinuon na ang atensiyon sa daang tinatahak ng sasakyan namin.

Mayamaya lang ay nakarating na kami sa main building ng Salvatierra Empire. Naunang bumaba si Val Isaac at pinagbuksan ako ng pinto. Muli niya akong hinawakan sa kamay at marahang iginiya papasok sa malaking entrance ng main building.

"Goodevening, Sir Val, Lady Maddison," bati ng isang babae at sinamahan kami sa assigned seat namin sa pagtitipong ito. Nagpasalamat ako sa babae at marahang naupo sa upuang nakalaan para sa akin.

"This is awesome," mahinang puna ko habang namamangha sa kabuuan ng event hall. Lahat ng nakikita ko'y sumisigaw ng karangyaan! I can't believe that I'm here! Isa ito sa hindi ko naranasan habang nasa Montealegre Empire ako! I consider that place as my own cage kaya naman ay wala akong alam sa mga ganitong bagay! And this, this is what a real Masquerade Ball is! Ibang-iba sa mga okasyong ginanap sa imperyo namin!

"Val Isaac!" Napabaling ako sa gawing kanan ko noong may tumawag kay Val. Napakunot ang noo ko noong makita ang isang hindi pamilyar na bulto ng babae na dahan-dahang naglalakad papalapit sa mesa kung saan kami nakaupo na ngayon ni Val. She's wearing her mask kaya naman ay hindi ko mahinuha kung sino talaga ang babaeng ito. Do I know her? Nakita ko na ba ito noon sa Montealegre Empire? I don't know! Damn! "So, you're here! Sino mga kasama mo? Mga Montealegre ba?" sunod-sunod na tanong pa nito kay Val na siyang lalong nagpakunot ng noo ko. Napabaling tuloy ako sa tahimik na si Val at napataas na lamang ng kilay noong makitang wala sa babae ang atensiyon nito.

"Val-"

"Nagugutom ka na ba?" biglang tanong ni Val sa akin at hindi pinansin ang babaeng lumapit sa amin. Hindi ako sumagot sa naging tanong niya at pasimpleng hinarap ang babae. Mayamaya lang ay nakita ko ang pag-irap nito sa akin at hindi na nagsayang pa ng oras at mabilis na tinalikuran kami. Nagsimula na itong maglakad palayo sa amin kaya naman ay bahagya akong napangisi.

"You're rude, Val," komento ko sa inasal niya at muling hinarap ito.

"I'm not interested with her." Parang walang ganang sambit ni Val na siyang lalong ikinangisi ko sa kanya.

"She recognizes you kahit may suot kang maskara. May gusto yata iyon sa'yo." Lalo akong ngumisi noong maramdaman ang pagkairita nito sa nangyari kanina.

"I don't like her." Mas lalong nawala ang buhay sa boses ni Val. This time, hindi ko na napigilan pa ang tawa ko. Napahawak ako sa bibig ko at doon kinulong ang mga tawa. Napailing na lamang ako at mayamaya lang ay natigil na ako sa pagtawa. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at kinalma ang sarili. Akmang magsasalita na sana ako noong biglang dumilim ang kabuuan ng event hall. Mabilis akong napaayos nang pagkakaupo at napabaling sa entablado kung nasaan ang iilang high rank wizard ng Salvatierra Empire. Inisa-isa ko ang mga naroon at napansin na halos lahat sila ay S+ class wizard dahil sa mga nakasuot na pins sa damit nila.

Segundo lang ay napakunot naman ang noo ko noong hindi ko nakita si Archmage Quiro at si Irish, Salvatierra Empire's High Priestess, sa may entablado ng bulwagan. Wala sa sarili akong napatingin sa kabilang bahagi ng event hall at palihim na hinanap ang presensiya ng Archmage.

"Goodevening, ladies and gentlemen," ani ng tagapagsalita at itinaas ang hawak na baso nito na naglalaman ng inumin. "Let's have a toast for another fruitful year to our empire!"

Tahimik akong kumilos at tiningnan ang basong nasa harapan ko. Akmang kukunin ko na iyon noong biglang pigilan ako ni Val. Napabaling ako sa kanya at natigilan noong makita ang pag-iling nito sa akin.

"Don't," aniya at hinawakan ako sa kamay. "Hex," aniya at binalingan ang basong nasa ibabaw ng mesa namin. Napalunok ako at matamang tiningnan din ang tinutukoy nito. I don't know how Val Isaac can immediately tell if there's a hex on something. That's awesome for him!

Pero sa sitwasyong mayroon kami, dapat ay balaan namin ang ibang narito sa pagtitipong ito! Hex is not good for us! Ikamamatay ito ng kahit sinong may mahinang tolerance sa ganitong klaseng spell!

"If something's happen, don't run," ani Val na siyang ikinakunot ng noo ko.

"What?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "What's happening, Val? Bakit may hex sa inumin natin?" kinakabahang tanong kong muli at mariing kinagat ang pang-ibabang labi.

"Someone's set that up. Don't touch the glass," saad pa niya na siyang mabilis kong ikinalingon sa paligid namin. So, it's an insider. Ito ba ang tinutukoy ni Sora sa akin kanina?

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan ang mga bisitang nasa loob ng bulwagan. Halos lahat ay nakataas na ang mga baso nila. At noong nagsimula na silang inumin ang mga alak, isang sigaw ang namayani sa buong event hall.

Damm! A victim!

Agad namang nagbukas ang kaninang namatay na mga ilaw. Nagkaroon ng komusiyon sa gawing kanan namin kaya naman ay naging alerto ako. Nagkagulo ang mga taong narito sa loob ng event hall at mayamaya lang ay nagsimula na silang magkumpulan.

"She's a Dominica! The heir of the Dominica Empire!" sigaw ng isang lalaki na siyang nagpaingay sa lahat ng bisita.

Napatingin ako kay Val at natigilan ako noong humigpit ang hawak nito sa kamay ko. Mayamaya lang dumating ang iilang guwardiya at pinaalis ang mga taong nasa kumpulan. Natigilan naman ako noong mamataan si Irish, ang High Priestess ng Salvatierra Empire, na pumasok sa bulwagan. Hindi ito nakasuot ng gown kagaya namin kaya naman ay natitiyak kong hindi ito dapat na dadalo sa pagtitipong ito. Tahimik ko itong pinagmasdan at noong tuluyan itong nakalapit sa biktima, maingat itong naupo at sinuri ang kalagayan nito.

Silence.

Naging tahimik ang lahat at matamang nakatingin lamang sa High Priestess. Mayamaya lang ay napailing ito kaya naman ay mabilis akong kinabahan. "She's dead," deklara niya noong alisin nito ang kamay sa palapulsuan ng babae. Napalunok ako at wala sa sariling napahigpit na rin nang pagkakahawak sa kamay ni Val. "Shut all the doors now! Search ever corner of this room, even the whole empire! Huliin ang sino mang may ginagawang hindi naayon sa batas dito sa Salvatierra Empire!"

Mabilis na kumilos ang mga guwardiyang inutusan ni Irish. May iilang bisita pa akong namataang pilit na lumalapit sa puwesto ng biktima ngunit agad din silang hinaharang ng mga guwardiyang naiwan sa bulwagan. Muli na lamang akong napahugot ng isang malalim na hininga at pilit na inaaninag ang mukha ng babaeng nawalan ng buhay ngayong gabi.

I can't believe this! Sino ang maglalakas loob na gawin ito sa mismong imperyo ng Archmage?

Napailing na lamang ako at noong akmang babalingan ko na sana si Val Isaac, mabilis akong natulos sa puwesto ko. Kusang napaawang ang mga labi ko noong makita kung sino ang naging biktima ng inuming inihanda para sa pagtitipong ito.

That girl... she was the one who greeted Val Isaac earlier! Kahit hindi ko naman talaga nakita ang mukha nito, natatandaan ko ang suot na damit nito kanina! Shit! She drank the hex, and her body was defeated by it! That was a freaking strong dark magic spell!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top