Chapter 12

"It's been what, Sora? Five years? How's leaving with the Montealegre?"

Tahimik kong pinagmasdan ang magkapatid sa harapan ko. Nakangiti si Kisha habang nagsasalita samantalang seryoso at tahimik lang itong si Sora. I silently sighed then approached Sora. "Let's go?" yaya ko sa kanya at binalingan ang kapatid nito. "It was nice seeing you too, Kisha," sambit ko rito at tipid na nginitian ito. Mayamaya lang ay tinalikuran ko na si Kisha at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya. Hindi na naman umimik si Sora at sinundan lang din ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na hindi ko naman talaga alam ang daan patungo sa chamber na tinutukoy kanina ng Archmage. Mayamaya lang ay natigilan ako sa pagkilos noong tawagin ako ni Sora.

"This way, Lady Maddie," anito ay itinuro sa akin ang daan patungo sa building kung saan ako maninirahan dito sa Salvatierra Empire. Napatango na lamang ako sa kanya at tinahak na ang daang tinuro nito sa akin.

"About Kisha," wika ko habang naglalakad pa rin kaming dalawa. "She's already a S+ class wizard." I stated. Napansin ko kasi ang pin na nakakabit sa kanang bahagi ng dibdib nito. That pin symbolizes her rank as a wizard.

"She is," mahinang wika ni Sora at narinig ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. "And she deserved it. She worked so hard to achieve that rank."

"And you're okay with that?" maingat na tanong ko sa kanya.

Simula noong napunta si Sora sa Montealegre Empire, sa mansyon namin, nanatili ang rank nito at hindi na tumaas pa. She remained a S class wizard and worked as my personal maid. She's a powerful wizard, but she chose to stay with us, and worked with me.

"Of course, Lady Maddie. It's just a rank. Hindi malaking bagay iyon sa akin. Your safety is my top priority," ani Sora na siyang ikinatigil ko sa paglalakad. Binalingan ko ito at matamang tiningnan sa mga mata niya.

Mayamaya lang ay nginitian ko ito at nagpasalamat sa lahat nang ginawa niya para sa akin. Simula noong natuto akong gumamit ng kapangyarihan, Sora was with me. Kaya naman ay laking pasasalamat kong nanatili ito sa Montealegre Empire kahit na ilang beses halos sumuko na rin ako sa sarili ko.

Hindi na ako muling nagsalita at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Minuto lang din ang lumipas ay nasa tapat na kami ng isang matayog na gusali. Ipinaliwanag nito sa akin ang tungkol sa chamber na tinutukoy kanina ni Archmage Quiro na kung saan puro VIP ang naninirahan dito. Hindi na lamang ako nagkomento sa ganda ng gusali at pumasok na kami sa main door nito.

"Ang ilang tagapagmana ng kanya-kanyang empiryo ng Agartha ay narito sa Salvatierra Empire. This place has the best wizards that can train and protect the VIPs. At ikaw, bilang nag-iisang tagapagmana ng Montealegre Empire, dito ka sa chamber na ito," aniya at binuksan ang isang malawak na silid. "This will be your room until we finished our task here, Lady Maddie. This place is safe. Walang ibang makakapunta dito kung hindi mga VIP at iilang high rank wizards na may pahintulot na tumapak sa lugar na ito."

"How about you and Val Isaac? Makakapasok din ba kayo sa chamber na ito?" wala sa sariling tanong ko at naupo sa kamang namataan ko sa loob ng silid.

"Of course, Lady Maddie. I'm your personal maid. And about Sir Val Isaac, he's the heir of this empire, he can easily access this place."

Napatango na lamang ako sa tinuran nito at napatayo noong may nakita akong papel sa mesang naroon sa gawing kanan ko. Kunot noo kong pinagmasdan iyon at mayamaya lang ay ipinilig ko ang ulo pakanan. "What is this?" mahinang tanong ko sa sarili at dinampot ang envelope na naroon. Dahan-dahan ko itong binuksan at natigilan noong makitang isang invitation card ito. Tahimik kong binasa ang laman ng invitation card at noong mapagtanto ko kung para saan iyon, napaarko ang isang kilay ko. "There's a masquerade ball this evening?"

Mabilis na lumapit sa akin si Sora kaya naman ay binalingan ko ito. Inabot ko sa kanya ang papel na nakuha ko sa loob ng envelope.

"Never heard about this, Lady Maddie. Let me confirm this event first with the assigned scribe to us," ani Sora at mabilis nagpaalam na sa akin. Lumabas ito ng chamber ko dala-dala iyong invitation card na nakita ko kanina.

Noong napag-isa na ako sa silid ko ay marahan akong naglakad muli patungo sa kama ko. Naupo ako sa gilid nito at tahimik na pinagmasdan ang kabuuan ng silid.

Halos walang pinagkaiba ang silid na ito sa silid na mayroon ako sa Montealegre Empire. Natitiyak kong gawa sa mga mamahaling materyales ang lahat ng kagamiting mayroon ng silid na ito. Mula sa kama, sa palamuti at hanggang sa mga kabinet na narito, tila mag-aalangan kang gamitin dahil alam mong hindi ito isang ordinaryong gamit lamang.

I sighed and stared blankly at the walls.

"Nasaan na kaya si Val Isaac?" wala sa sariling tanong ko at ibinagsak ang katawan sa kama. Muli akong napabuntonghininga at napanguso na lamang. "I need to know that he's safe first bago ako magpahinga nang tuluyan sa silid na ito." Marahan kong ipinikit ang mga mata at ipinanatag ang kalooban. Mayamaya lang ay mabilis akong napamulat ng mga mata at napaupo mula sa pagkakahiga.

"Val?" mahinang tanong ko noong marinig ko ang boses nito. "Is that you, Val Isaac?"

"Yes, Maddison."

Napakurap ako at umayos nang pagkakaupo sa kama. "Val! Are you okay? Where are you?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Open your door." aniya na siyang ikinatigil ko. Napabaling ako sa nakasaradong pinto ng silid ko at napaawang na lamang ang mga labi ko.

"You're here?" halos walang lakas na sambit ko at naglakad patungo sa may pinto. Dahan-dahan kong hinawakan ang door handle at binuksan na ito. At kagaya nang inaasahan ko, naroon nga si Val Isaac! He's now standing in front of me, wearing different clothes, and a wound on his right cheek.

"What happened? Bakit may sugat ka?" nag-aalalang tanong ko rito. Kusang umangat naman ang kamay ko at hinaplos ang sugat nito sa pisngi. "Dapat pinagaling mo na ito, Val!"

"I can't heal my own wounds, Maddison," anito at hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya. Nagulat ako sa ginawa nito, lalo na noong hilain niya ako papasok sa silid ko.

"Val Isaac!" Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Val kaya naman ay sinamaan ko ito nang tingin. Isinara nito ang pinto ng silid at binitawan na ang kamay ko. Tiningnan ko itong naglakad patungo sa bintana at isinara ang kurtinang naroon.

"The Archmage is looking for me," sambit niya na siyang ikinakunot ng noo ko. "I don't want to talk to him right now. Mas mabuting dito lang muna ako, kasama ka."

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Val, that's the Archmage you are talking about. Dapat ay sundin mo ang nais nito! Go and talk to him!"

"Yes, he's the Archmage but, he's my father, too," walang ganang sambit nito at nagkibit-balikat na lamang sa akin. Napailing na lamang ako sa inasal nito. That's Val Isaac. Kahit sinong kaharap nito, gagawin at gagawin niya ang gusto niyang gawin. Kahit si Uncle Van Angelo pa, the one who took care of him for years, ganito rin ang ginagawa niya. He's stubborn, yes, pero mas malala yata ako kumpara sa kanya. Siguro ganito yata ang mga Montealegre. May mga sariling desisyon sa buhay at hindi basta-bastang nagpapadikta sa iba.

"Nakausap mo ba siya kanina?" mayamaya'y tanong ni Val na siyang ikinatigil ko. Marahan akong tumango sa kanya at naupong muli sa gilid ng kama ko.

"He told me that we'll have our wedding ceremony before my birthday," mahinang sambit ko at napayuko na lamang. "And that's a month from now."

"Is that okay with you?" marahang tanong ni Val Isaac na siyang nagpakabog ng dibdib ko. Is it okay with me? I don't know. I'm too young for this. Pero kung ito lang ang paraan para maprotektahan ang sarili at ang pamilya ko, hindi ako magdadalawang-isip na gawin ito. At isa pa, si Val Isaac ang pakakasalan ko. I don't need to worry about this. Alam kong ligtas ako sa kanya.

Mayamaya lang ay halos hindi ako huminga noong naramdaman ko ang presensya ni Val sa harapan ko. Marahan akong tumingala at sinalubong ang titig nito sa akin.

"I can always protect you, Maddison, even without this marriage," aniya at lumuhod sa harapan ko. "Ngunit ayaw kong magpanggap sa harapan ng mga magulang natin. You know my feelings and I'm willing to do everything for you. And I'm willing to be your other half just to protect you and the Montealegre Empire."

"Val Isaac-"

Hinawakan ni Val ang kamay ko at marahang hinalikan ito. Napaawang naman ang mga labi ko sa ginawa niya. Ang kaninang nagwawalang puso ko ay mas lalong nagwala sa loob ng dibdib ko. My heart beats so damn fast right now. Tila lahat ng pader na ginawa ko noong hindi ko pa alam na isa pala itong Salvatierra ay unti-unting natibag. The way he touches me, the way he looked at me, slowly melting my hard and strong walls.

"Magpahinga ka na lang muna, Maddison," aniya at tumayo na mula sa pagkakaluhod. Hawak-hawak pa rin nito ang kamay ko kaya naman ay doon nakatuon ang mga mata ko. "I'll be back later. Susunduin kita. Sabay na tayong pumunta sa Masquerade Ball."

Napalunok ako at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "Okay." Iyon lang ang naisagot ko kay Val at muling tiningnan ito sa mukha. Namataan ko itong ngumiti sa akin at binitawan na ang kamay ko.

"Aalis na ako." Paalam nito sa akin at tinalikuran na ako. Walang ingay itong lumabas sa silid ko at noong naiwan na naman akong mag-isa ay mabilis akong nahigang muli sa kama ko. Tinakpan ko ang buong mukha gamit ang mga palad at hindi makapaniwala sa nangyari!

He just kissed me on my freaking hand but hell, I can feel my whole body turned into red! Damn it! Looks like he's not stopping this time. Ngayong alam ko na ang totoong katauhan nito ay natitiyak kong hindi na ito magpapapigil sa akin o kahit sino mang hahadlang sa nais nitong mangyari!

Wala sa sarili akong napatampal sa pisngi ko at kinalma na lamang ang sarili. Napailing ako at muling napahugot ng isang malalim na hininga.

"I better prepare for the Masquerade Ball! Hindi ako makakapagpahinga sa nangyayari!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top