Chapter 10

Gusto kong magsalita ngunit ayaw gumalaw ng mga labi ko. Nakatingin lang ako kay Val na naghihintay lamang ng mga tanong na ibabato ko sa kanya.

I sighed. Muli akong napahawak sa sintido ko at marahang hinilot ito.

Kanina pa sumasakit ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. I can't believe this! This is too much for me! Paano nila nagawa ang mga bagay na ito? Paano nila naitago ito sa amin? O sa akin lang? Ako lang ba ang hindi alam ang katotohanang hindi siya parte ng pamilya ko? All this time, hindi pala isang Montealegre si Val Isaac? He's the freaking son of the Archmage of Agartha! A Salvatierra! The next Archmage of our Kingdom! Oh my God!

"Maddison, please... talk to me. Ask me-"

"Don't," pigil ko sa kanya at mariing ipinikit ang mga mata. "Can we rest for a while? Sumama bigla ang pakiramdam ko."

Naramdaman ko ang pagkilos ni Val sa puwesto nito. Napamulat na lamang ako ng mga mata ko noong marahang kinuha nito ang kamay ko na nasa sa sintido at siya na mismo ang naghilot nito. Napaawang ang labi ko sa ginagawa nito. Hindi ako nakaalma pa sa ginagawa niya at mayamaya lang nawala ang sakit ng ulo ko. Napabaling ako kay Val at noong makita ko ang seryosong titig nito sa akin, napaiwas na lamang ako nang tingin sa kanya.

"Don't waste your healing magic on me, Val," mahinang sambit ko at inalis ang kamay nito sa akin. "I'll be fine."

"You don't look fine, Maddison. You're pale," puna ni Val Isaac at muling bumalik sa kinauupuan nito kanina. "Rest for a minute. Mawawala rin iyang sakit ng ulo mo. You rejected my healing magic kaya naman ay babagal ang epekto nito sa'yo."

Napailing na lamang ako sa kanya at marahang hinarap ito. Ganoon pa rin ang uri nang titig ni Val Isaac sa akin. The intensity of his stares gives me chills all over my body! Damn it! "Kailan mo pa nalamang hindi ka isang Montealegre?" mahinang tanong ko na siyang ikinaayos ni Val nang pagkakaupo nito.

"I knew all along that I wasn't a Montealegre, Maddie," seryosong sagot niya sa akin. "I was born before you, remember?"

"Pero, bakit? Bakit kailangang magpanggap ka bilang isang Montealegre? You're a Salvatierra. Mas makapangyarihan ang ama mo kaysa sa imperyo namin."

"For my safety," simpleng sagot nito sa akin. "Our families trusted each other. Noong nasa panganib ang buhay ko, Van Angelo Montealegre, your uncle, took care of me. The Archmage can't afford to lose a son. It will be the end of the Salvatierra Empire if something bad happens to me." Natigilan ako sa mga naririnig mula sa kanya. So, that's the reason why he's here.

"And now, the Archmage returning the favor he asked years ago. Siya naman ang proprotekta sa isang Montealegre," mahinang sambit ko at nag-iwas nang tingin kay Val Isaac.

"I was against this proposal, Maddison, but when I've heard about the Wilhelm's plan about you and the Montealegre Empire, I've decided to accept it. After all, matagal ko na rin namang gustong sabihin sa'yo ang tungkol sa katauhan ko. I wanted to tell you the truth, Maddison." Wala sa sariling napaawang ang mga labi ko at mabilis ko itong binalingang muli. Napakurap ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Alam kong alam mo ang rason ko kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito, Maddie," dagdag pa nito na siyang nagpakabog ng puso ko sa dibdib.

"Val-"

"If you're scared because you thought that we're both a Montealegre, then, I'm not, Maddison," muling sambit ni Val Isaac at muling tumayo sa kinauupuan nito. Naglakad itong muli papalapit sa akin at lumuhod sa harapan ako. "I'll do everything to stop the Wilhelm. I'll do everything to protect you."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Napatingin na lamang ako sa kamay ni Val na marahang hinawakan ang kamay ko. Marahan akong napabuntonghininga at hindi na nagawa pang magsalita. I can't even open my freaking mouth now. Nabibingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Damn it!

Simula pagkabata, sobrang laki na nang tiwala ko kay Val Isaac. Kahit anong sabihin at gawin nito ay magtitiwala ako. At hindi iyon nagbago kahit ilang taon na ang lumipas. I trust him, and it will never change.

Hindi ko pa alam kung ano ang tunay na pakay ng mga Wilhelm sa pamilya namin at kung pagbabasehan ang naging desisyon ng mga magulang ko, natitiyak kong may hindi magandang mangyayari kung makukuha nila ako ngayon. I need to protect myself to protect our empire.

I don't need someone's protection but in my current condition, I can't even control my own magics. I need to be strong para naman ay hindi na ako umasa pa sa mga taong nasa paligid ko, lalo na kay Val Isaac.

Mabilis na lumipas ang araw. Nakahanda na ang lahat para sa pag-alis namin ni Val sa Montealegre Empire. Nasa tabi ko si Sora at tahimik na hawak-hawak ang isa sa bagahe ko. Binalingan ko ito at kita kong mataman lang itong nakatingin sa sasakyang nasa harapan namin.

"Let's go." Napaayos ako nang pagkakatayo noong marinig ang boses ni Val sa likuran ko. Napakagat na lamang ako sa pang-ibabang labi ko at pilit na ikinakalma ang sarili. "Sora, ako na maglalagay niyan sa likod ng sasakyan."

"Ako na po, Sir Val," ani Sora at siya na mismo ang nagbuhat ng bagahe ko. Napatingin ako sa kanya at noong naipasok na nito ang bagahe ko, tahimik na sumakay ito sa passenger seat ng sasakyan. Napabaling ako kay Val at nakita ang pagkibit-balikat sa akin.

"I think she's mad at something," ani Val at pinagbuksan na ako ng pinto ng sasakyan. "Get in. We need to be there before the sun's down."

Napatango na lamang ako at sumakay na rin sa sasakyan. Mabilis namang isinara ni Val ang pinto at umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan at pumasok na rin. Nasa backseat kami ngayon ni Val Isaac samantalang nasa harapan naman ang driver at si Sora. Kahit na tutol ako sa pagsama ng personal maid ko, mommy insisted to bring Sora with me. Sora knows me well. At kagaya nang sinabi ni mommy sa akin, Sora can help me live peacefully inside the Salvatierra Empire. Mas magiging panatag daw sila kapag ito mismo ang mag-aasikaso sa akin habang nasa ibang imperyo ako.

"Matulog ka na lang muna, Maddison. This will be a long drive," narinig kong sambit ni Val Isaac sa tabi ko. Binalingan ko ito at matamang inilingan.

"This will be my first time leaving the Montealegre Empire. Gusto kong makita ang daan patungo sa kung saan nakatira ang Archmage ng Agartha."

"Alright," ani Val at nginitian ako. "Don't hesitate to ask me if you want to know something." Tumango ako at nagpasalamat kay Val sa sinabi nito. Itinuon ko na ang paningin sa labas ng sasakyan at binusog ang mga mata sa magagandang tanawing nadaraanan namin.

Naging matiwasay ang biyahe namin. Ilang oras na rin ang lumipas mula noong umalis kami sa Montealegre Empire at natitiyak kong malayo-layo na rin ang inilakbay namin. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nagpatuloy sa pagmamasid sa labas ng sasakyan. Mayamaya lang ay napaayos ako nang pagkakaupo at mabilis na napatingin sa likuran ng sasakyan namin. Napakunot ang noo ko noong wala akong nakitang kahit ano roon. Nanatili ang mga mata ko roon at noong wala pa rin akong makita ay tumingin muli ako sa harapan ng sasakyan.

"What is it? May problema ba?" rinig kong tanong ni Val sa tabi ko. Marahan akong tumango sa kanya at tahimik na pinakiramdaman ang paligid. Kahit nasa loob ako ng sasakyan ay ramdam ko ang pagkilos nito. I can't see it, but I can feel its light movement.

"There's something behind us," mahinang sambit ko at ipinikit ang mga mata ko. "I can feel it. Someone's following us."

"Midnight, full speed," rinig kong utos ni Val Isaac sa driver namin. Napamulat ako ng mga mata at muling tiningnan ang likuran ng sasakyan. Bakit hindi ko ito makita? Is it invisible? That's insane! Mahirap gawin ang ganoong klaseng kapangyarihan. That's a high-level type of magic!

"Sora, please create a barrier outside the car," ani ulit ni Val na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Lalabas ako sa sasakyan. Once na makalabas ako, make sure to protect Maddison. I'll deal with them."

"What? No, Val!" Mabilis na pigil ko sa kanya. "Mukhang wala naman silang gagawin. Kanina pa sila nakasunod sa atin at wala silang ginagawang masama."

"Don't let your guard down, Maddison. That's one of the rules of the Montealegre," anito na siyang ikinatigil ko. "Do it, Sora," muling sambit nito sa kasama namin at mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan.

Nanlaki ang mga mata ko noong mabilis itong tumalon habang mabilis na umaandar pa rin ang sasakyan na kinaroroonan namin. Napalunok ako at walang pag-aalinlangang isinara ang pinto. Muli akong napatingin sa likuran namin ngunit bigo akong makita si Val Isaac. Masyadong mabilis ang takbo nang sasakyan at idagdag mo pa ang barrier na ginawa ni Sora, halos wala na akong maaninag sa labas nito!

"Don't worry about, Sir Val." Napatingin ako kay Sora noong magsalita ito sa may passenger seat ng sasakyan. "He's a Montealegre and a Salvatierra, Lady Maddie."

Napatango na lamang ako sa tinuran ni Sora at pinanatag ang kalooban ko. Sora's right. Kung totoong kalaban namin ang kanina pa nakasunod sa amin, hindi nila basta-bastang matatalo si Val. He's one of the best Montealegre we have in our empire. And he's a Salvatierra, too. Paniguradong marami pa itong kayang gawin na hindi ko alam.

I trust him. He'll be fine.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top