#7 HMFMI

Seven's POV:

"eto na to nandito lang naman ako sa isang building kung san nakalocate ang pagmemeetingan ngayon, hindi naman sa assuming ako pero since makakameeting namin ang manager nila may posibilidad na makita ko ang 24 hrs *_____________* kelangan makaya ko nakaya ko nga nung nakaraan eh actually gusto ko na talagang sumigaw nun buti nalang nauna si Paz."

"hoi" pangugulat ni Paz kay Seven.

"ah nandito ka na pala." sabi ni Seven.

"hindi ako to noh XD" pagbibiro naman ni Paz

"tara na sa loob?" tanong ni Seven kay Paz.

"tara na," tapos eh pumasok na nga sila sa loob, ang daming taon, lahat busy wala kang makikitang papetik-petiks, lahat aligaga sa kanya kanya nilang trabaho. 

"Ms. Pangilinan and Ms. Quintana?" tanong samin nung isang girl baka secretary.

"ah oo kami nga yun." sabi ni Paz.

"this way po ma'am." tapos eh inalalayan sila nung babae papunta sa isang opisina.

"anlaki naman ng office nato." nasabi ni Seven.

"pwede nang bahay ano?" sabi naman ng isang lalaki na nasa likod nila at nung nilingon nila kung sino ito , well si Lou lang naman.

"Lou?" sabay na sabi ng dalawa na nakanganga, sino ba namang hindi nasa harapan mo na idol mo di ka nganganga 

"Ahahahaha tama na nga yan para naman kayong nakakita ng multo niyan eh." sabi ni Lou sabay hampas sa dalawa, FC lang ang peg pero kung idol mo naman ang FC sayo aba magpapakachoosy ka pa ba?

"ah eh kasi ano." hindi maipaliwanag ni Paz ang sasabihin niya lalo naman si Seven.

"upo muna kayo, kukuha lang akong coffee para sating tatlo." sabi ni Lou sabay nagtimpla ng kape sa loob ng opisina

"Kape na siya ang nagtimpla? pwede bang wag ko nalang inumin yun, ipalaminate ko nalang?" sabi ni Seven.

"oo nga eh emeged hindi ako makahinga sis." sabi ni Paz, nang may biglang pumasok sa pinto.

"oh nandito na pala kayo?" sabi ni Manager Rev., tapos eh sunod sunod na pumasok ang mga miyembro ng 24 hrs band.

"hindi joke lang itu." sagot naman sa kanya ni Lou XD

"Tss oh sige na maupo na kayo." tapos eh umupo na rin yung manager para makapagsimula na.

"ah wait Coffee niyo pala." sabay abot ni Lou kila Seven at Paz nung coffee na tinimpla niya.

"wow! buti pa sila pinagtimpla mo kami ilang years mo ng kasama di mo pa kami napapagtimpla." pagrereklamo naman ni Kermit

"babae ba kayo?" sagot naman ni Lou.

"oh sige na tama na yan," pag-awat ni Manager Rev.

"kaya tayo nandito ngayon ay para i welcome ang bagong personal assistant niyong 5, si Seven at si Paz." sabi ni manager Rev sa kanila habang tinuturo ang dalawa.

"Socrates asan yung contract?" tanong neto.

"ito po." sabay abot ni socrates nung kontrata nila.

"1 year contract. sa usapan naman tungkol sa studies niyo, i already spoke to your school super intendent which is my Friend napagdesisyunan namin na magtetext nalang kami, no i mean ako, sa school if walang gig para naman maisingit pa natin ang studies niyo :)" sabi ni Manager Rev. tapos eh inabot na niya sa dalawa ang kanilang kontrata agad namang pinirmahan ng dalawa ang kontrata ng walang pagdadalawang isip.

"Welcome to the band" pagsasabi ni manager Rev tapos eh winelcome na din sila nila Lou, Socrates,Kermit tsaka si Grover na siyang ikinatunaw naman ng puso ng dalawa, habang si Calix naman ay tahimik lang sa isang sulok na para bang may kung anong iniisip.

"oh punta tayo sa bar mamaya for the celebration ah" pag iinform ni Manager Rev sa banda at kela Seven at Paz.

"yyiippppeeee! CELEBRATION NA NAMAN!" sigaw ni Grover na tuwang tuwa.

"tss." napabuntong hininga nalang si Calix,minsan na nga lang magsasalita yan lang ang sasabihin =__=

Paz's POV

"1 year kasama ang aking pinakamamahal na banda emeged grabi na itu akala ko dati panaginip lang eh pero ngayon abot kamay ko na oh tanaw na tanaw ko na sila. kayang kaya ko na silang abutin."

Seven's POV

"kape mula kay Lou, 1 year contract kasama ang banda, ito ba yung sinasabi nilang nanalo sa lotto? ganito ba yung feeling? ang lapit ko na sa taong tinatanaw ko noon mula sa malayo oh, problema ko nalang kung pano ko siya iaapproach. :3 pero ok na to marami pang araw, tsaka luh araw araw kong makakasama ang aking pangarap sa buhay sinong hindi magdidiwang feeling ko tuloy pwede nakong madeds pero syempre wag muna kasi hindi pa ko nakakapagsimula sa trabaho ko eh saka na pag wala na de joke wag din kelangan ko pang matupad ang pangarap ko na makasama hanggang pagtanda si Calix Lenden."

___________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: