#6 HMFMI

Seven's POV:

"anak ka nga ng swerte oh! sino namang mag-aakala ng dahil sa pagkakamali eh magkakaron kami ng trabaho kasama ang 24 hrs? utang na loob lord in case na nananaginip lang po ako or nagdadaydreaming wag niyo na po akong gisingin ah ok na yung ganito eh "

*riinnnnngg*

"seven sagutin mo nga yang telepono mo." pag-uutos saken ni Kuya Primo hindi ko nalang pinansin kung gusto niya siya sumagot :3

*rriiiinnngg*

"seven patulog ka." sabi ni Kuya Cosmo sabay talukbong ng kumot niya

ano ba yan ang aga pa may tumatawag na =___=

"hello." sinagot ko na yung telepono naistorbo na naman ang tulog ko.

"hello Seven?" sabi nung nasa kabilang linya, ang lamig ng boses parang yung mga nasa movies na tumatawag ng disi oras ng gabi kaya lang siya umagang-umaga eh :3

"speaking." sabi ko.

"this is Dranrev, yung manager ng 24 hrs. yung meeting mamaya, 2:00 pm punta ka nalang sa office ko sa may *tooot tooot toot* place, alam mo ba yun?" dun nagpantig ang tenga ko aba hindi siya distorbo noh! isa siyang anghel!

"ah sige po sige po! pupunta po ako dun di ako malalate!" masiglang sabi ko, sino bang di sisigla sa binalita niya noh.

"oh sige kitakits nalang mamaya." tapos eh ibinaba niya na ang telepono.

"OOOOOOOOOMMMMMMMGGGGGGG!!!!!" yan lang naman ang napaka lakas na sigaw ko na siyang ikinagising ng lahat ng natutulog sa bahay.

"HOY! SEVERINA AH! KUNG AYAW MONG MATULOG MAGPATULOG KA!" sita saken ni Kuya Primo, nakakainis tinagalog niya pa ang pangalan ko muntanga kaya :3 kaya naman walk out nako aba maliligo nalang ako, ako ang nagluto ng almusal namin ngayon.

"aba anong nakain mo nak?" tanong saken ni Mama, once in a blue moon lang kasi talaga ko ganito.

"ah ma wag kayong magugulat ah." sabi ko kay mama.

"ah oo, ano ba yun?" tanong saken ni Mama.

"MAAA! MAKAKASAMA KO NA SA TRABAHO ANG 24 HRS!!!" yan ang napakagandang balita ko kay mama.

"naku anak sinasabi ko sayo ah pinagbibigyan ko lahat ng trip mo, pero wag ka namang mag drugs.'" yan naman ang sabi ni mama, tama bang paghinalaan niya kong nagdudrugs ako =___=

"ma naman eh, seryoso kaya ko kita mo." tapos eh pinakita ko yung Text ni Manager, pati yung mga tawag. 

"talaga nak? totoo ba yan?" tanong niya ulit sa akin.

"oo nga ma! wala ka bang tiwala saken?" nasabi ko kay mama =___=

"syempre meron , eh pano ang pag-aaral mo niyan?" sabi ni mama saken

"ay hala oo nga! tatanungin ko nalang po siya about dun." sabi ko kay mama. tapos eh bumaba na din si papa.

"oh ang aga mo ata nak" pagtataka saken ni papa.

"eh kasi nga pa! ma ikwento mo." sabi ko kay mama mahirap kaya ikwento ulit maya niyan hindi na naman ako paniwalaan eh.

"kasi ganito yun, makakatrabaho niya na ang 24 hrs!" sabi ni mama kay papa.

"talaga nak?" kitams sabi sa inyo eh di din maniniwala =___=

"oo nga po." sabi ko. at nung marinig nila kuya yun sabay sabay nilang sinabi ang salitang

"WEH?" ano hanep din tong pamilya ko eh noh magtatanong tapos ayaw maniwala , kaya minsan hindi ko sinasagot tong mga to eh nakakainis kaya yung magtatanong sayo tapos pag sinagot mo ayaw ka namang paniwalaan :3 haixt makapaghanda na nga lang may ilang oras pa kong natitira, aabsent nalang muna siguro ko, tatawagan ko nalang si Paz na mauna na siya =___=

__________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: