#11 HMFMI

1st day of Job na ngayon nila Paz at Seven kaya naman ang aga magising ng dalawa at sabay na rin silang pumunta sa 2u2 place. nang dumating sila eh dumiretso agad silang kusina kaya lang pagdating nila dun eh nandun pala si Socrates.

"oh?" gulat na reaksyon ni Socrates.

"ah eh kasi sabi ni manager kami na daw ang magluluto." sabi ni Seven.

"ah eh ganun ba? oh sige." tapos eh nag give way si Socrates sa dalawa tapos pinanood niyang magluto ang dalawa. inabot din sila ng isang oras sa pagluluto

"Pwede pakitawag nalang po sila?" sabi ni Paz

"ahahahah may po talaga, wag mo na kong PO-in XD sige sige." tapos eh umakyat na ito.

"tama ba yung nakita natin?" tanong ni Paz kay Seven.

"ngumiti ba si Socrates Stanislav saten" tanong ni Seven habang inaalog alog pako.

"dali na kelangan na nating maihanda ito sa mesa." tapos eh kinuha na nila yung mga niluto nila.

"KAINAN NA!" sigaw ni Lou at Kermit tapos eh lumapit na ito sa mesa at naupo, 

"AHHHHH!" sigaw ni Seven at Paz tapos eh tinakpan nila yung mata nila, aba sinong di mapapasigaw eh si Grover nakatopless tapos naka boxer lang nang lumabas.

"ANO BA MAGBIHIS KA DUN!" sabi ni Kermit at Lou sabay tulak kay Grover sa kwarto niya

"pasensya na kayo nakalimutan kong sabihan si Grover na nandito kayo." paghingi ng pasensya ni Socrates.

"ahahah ok lang yun." sabi ni Paz na tuwang tuwa ata sa nakita niya :3 tapos eh lumabas na si Grover ng naka plain white t-shirt tapos nag-peace sign sa dalawa tsaka kindat kaya naman binatukan siya ni Socrates. tapos eh naupo na silang lahat.

"ito na ba yun?" tanong ni Calix,

"ah eh kasi, ano eh." sabi ni Seven.

"ayoko ng ganitong luto, sa labas nalang ako kakain." sabi ni Calix tapos eh lumabas na para maghanap ng makakainan.

"pasensya na kayo dun ah." sabi ni Kermit

"ganun talaga yun."sabi naman ni Lou.

"pero kami gusto namin yung niluto niyo! :)" masiglang sabi ni Grover, musta naman kasi ang luto nila, ang kanin tutong, ang ulam fried egg na hindi mo alam kung fried egg ba yun oh ano na, tapos ham na nasunog :3 sino nga namang gaganahang kumain niyan.

"pasensya na talaga." sabi ni Seven at Paz.

"hindi ok lang, kain din kayo." pag-aaya naman ni Grover, si Grover ang nag-aya kaya naman siniko ni Paz si Seven para maupo ito at kakain din sila.

Seven's POV:

"kaya ko to, yun lang naman ang sinabi niya eh, hindi naman masakit hindi pa nga tumama saken eh ."

tapos eh nagsimula na silang kumain matapos kumain eh nagkanya kanya na sila Lou, Kermit,Grover, tsaka si Socrates para na rin sa paghahanda sa gig nila mamaya. habang sila Seven naman at Paz eh naghugas muna ng pinagkainan nila at tapos niligpit ang kwarto nila hanggang sa matapos na silang lahat sa paghahanda at aalis na sila.

"wait ilolock niyo ba to dito si Calix baka." sabi ni Seven

"didiretso na yun dun sa location." sabi ni Grover.

"ah ganun ba." sabi ni Seven tapos eh isinara na nila ang bahay at pumasok na sa Van ng 24hrs.

"YYIIIEEEE!" sa sobrang tuwa eh napasigaw na si Paz.

"ahahahha!" natawa naman bigla si Lou at Kermit,

"anong nakakatawa?" tanong ni Paz.

"ikaw." singit naman ni Grover na napatingin kay Paz eh si Paz nailang, chance niya na nga yun eh bigla pa niyang nilihis ang tingin, habang si Seven eh nag-eemote sa may bintana habang nagkakagulo ang 4

"hey." sabi ni Socrates.

"oh?" tanong naman ni Seven.

"wala lang, ang tahimik mo kasi," sabi ni Socrates.

"ahahah di naman." sabi ni Seven tapos tumahimik ulit.

"kung dahil to sa sinabi ni Calix, masanay ka na ganun talaga yun." nasabi ni Socrates.

"hindi ko alam yung side niyang  yun, alam kong kilala siya bila MR. COLD HEARTED PRINCE. pero di ko aakalaing ganun talaga siya." malungkot na sabi ni Seven.

"tss kalimutan mo na nga yun." sabi ni Socrates sabay abot ng isang Story book alam niyo yung pang bata? ganun

"para san to?" tanong niya.

"basahin mo pag wala kang time." sabi nito sabay headphones in at nakinig nalang ng music.

"pero alam ko na to eh." nasabi niya kaya lang di na siya narinig ni Socrates

*the Beauty and the Beast*

___________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: