Chapter 9: Massacre to Nature
Chapter 9
Massacre to Nature
PAANO ko kaya papatigilin si Vitani sa panggigisa sa'kin? Hindi naman kasi pwedeng palagi ko na lang siyang iwasan. At mas lalong hindi ko siya pwedeng paslangin. Bukod sa ilegal ito, malaki rin kasi ang maitutulong niya sa akin sa magiging kompetisyon namin sa Grand Magic Tournament, kahit ayaw ko mang aminin.
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Mabuti na lang at inalam ko na agad kanina sa mapa ni Melina kung saan ang lokasyon ng aming susunod na klase.
Nag-iisa lang kasi ako ngayong naglalakad papunta sa susunod naming academic subject which is Loriciology. Loriciology is the study of Famous Lorics, Heroes and even Villains. Kumbaga parang Magic History din siya kaso nga lang, ang inaalala sa Magic History ay mga past events habang sa Loriciology ay mga kilalang Lorics naman.
Sobrang tago ng classroom namin sa Loriciology. Dumaan pa ako sa isang makitid na hallway. Sa sobrang kitid, tanging dalawa katao lang ang kakasya sa pasilyong ito.
Sa mga pader ng hallway na ito ay may mga nakasabit na picture frames. Ang mga nasa bawat larawan ay ang mga tanyag na Lorics sa buong Magic Dome. At malamang, lahat sila dito ang pag-aaralan namin sa Loriciology. Karamihan sa kanila ay kilala ko na. Nabasa ko na kasi sila sa libro kong Greatest Lorics of All Times.
Sinuri ko ang mga larawan. Unang nakahagip sa aking paningin ay ang larawan ng isang babae na nasa mid 30's na ang edad sa tantiya ko. Ang kaniyang buhok ay purong itim ngunit ang ilang bahagi ay kulay asul. Sa ilalim ng kaniyang imahe ay nakasulat ang Pamela Percival: Water Elementalist. Siguro, dito sa klaseng 'to ko rin malalaman kung kaanu-ano nga talaga ni Percival ang babaeng 'to.
Sa katabing picture frame ay nakapaloob ang larawan ng isang lalake na may mahabang kulot na buhok na umaabot hanggang balikat. Mahaba rin ang kaniyang bigote. Ang dulo ng bawat buhok nito ay kulay apoy. Magkasalubong rin ang kaniyang dalawang kilay marahil ay ayaw niyang magpakuha ng litrato. Nakasulat ang kaniyang pangalan sa baba ng kaniyang larawan. Felix Fernandez: Fire Elementalist.
Sa sumunod na picture frame ay naglalaman naman ng larawan ng isang babaeng napakaamo ng mukha na dumagdag pa ang kaniyang napakagandang ngiti. Hindi rin nagpapahuli ang kakinisan at kaputian ng kaniyang kutis. Hindi mo aakalaing kasing edad na niya ang mga taong nasa naunang mga picture frame. Kumikislap din ang kaniyang mga mata na parang mga bituin sa madilim na langit. Katulad ng mga naunang larawan, sa ilalim nito ay nakasulat ang kaniyang pangalan. Seraphina Celeste: Wind Elemenalist. Ang pinakakilalang Wind Elementalist sa buong Magic Dome. Not because of her strength but because of her looks.
Napadako naman ako sa susunod na kuwadrado. Nakalagay sa loob nito ang larawan ng isang lalakeng medyo bata pa. Sa tingin ko ay mga mula dalawa hanggang apat na taon lang ang agwat nito sa akin. Halata sa kaniyang mukha ang tapang na tinataglay. Kapansin-pansin rin ang malapad niyang balikat tanda ng kaniyang malaking katawan. Parang siya at ang lore niya ay iisa. Jared Jackson: Earth Elementalist. Oo. Magkaparehas kaming dalawa ng lore. Pero alam ko namang mas malakas ako sa kaniya.
Lumipat na ako sa susunod na larawan ng marinig ko ang ingay ng mga paparating kong kasamahan.
"Ikaw Melina ha! May tinatago ka palang landi ha!" rinig kong pangangantiyaw ni Percival.
"Poteks! Nagde-daydreaming ka pala kanina kay Yojan, Melina," sawsaw din ni Nero sabay tawa nilang dalawa ni Percival.
"Anong malandi!? Kayong dalawa ang malandi palagi kayong naghaharutan!" todo tanggi naman si Melina.
Narinig ko ang mabilis na paghakbang ni Melina. Tumingin ako sa direksiyon nila at dahil sa inis, naunang maglakad si Melina. Salubong ang dalawa niyang kilay at humahaba ang nguso. Dinamay niya pa ako sa inis niya dahil tiningnan niya ako nang masama at saka nilampasan.
May ginawa ba ako? Bakit ako nadamay? Ang dalawang tukmol naman ay tawa lang nang tawa.
"Kita mo 'yun Yojan? In denial pa ngayon si Melina," sabi pa ni Percival saka pinagpatuloy ang pagtawa.
Hindi naman sila pinansin ni Yojan at yumuko lang.
"Hala! Kuya Yojan namumula ka oh! Kinikilig siya," nakisali rin si Luca sa panunukso at sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ni Yojan.
"No I'm not!" diretso naman niyang panananggi. Inayos niya ang pagkakasuot niya ng kaniyang bag saka nauna na ring maglakad. Katulad ng ginawa ni Melina ay tiningnan lamang ako ni Yojan saka nilampasan.
Mga bata talaga ngayon. Tsk! Tsk! Tsk!
"Oh Drape! Nandiyan ka na pala," tawag sa akin ni Percival.
Lumapit naman silang tatlo sa kinaroroonan ko.
"Anong ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?" patutsadang tanong ni Nero.
Tiningnan ko muna sila isa-isa at bumaling ulit sa mga larawan bago sumagot. "Tumitingin-tingin lang sa mga larawan," kalmado kong sagot.
Tiningnan din nila ang mga picture frame. "Oh!" napatingin naman kami kay Percival dahil sa kaniyang naging reaksiyon. "Si Tita Pam. Ang bunso nila ni Papa," sabi niya sa seryosong tono.
So she's his aunt?
"Wow! Grabe ah! Tita mo pala si Madam Percival?" bilib namang saad ni Nero na tinapik pa ang balikat ni Percival.
"Hmm," tanging sagot ni Pruschian. Nakapokus lamang tingin niya sa larawan.
"Hanggang ngayon pala hindi pa rin nahuhuli ang pumatay sa Natural Alliance 'no?" mahinahong saad ni Nero na parang sinasabayan ang mood ni Pruschian.
"Kaya nga nandito ako ngayon sa Grim eh. Para hanapin ang hayop na 'yun," Pruschian said with full of brave.
No one tried to speak after that and silence swallowed the entire hallway. After a moment, Pruschian shook his head as if going back to his good mood. "Tara na," he said with a not-so-forced smile and went first.
Sumunod naman ang dalawang tukmol at ako ang nagpahuli. Ilang mga larawan pa ang nadaanan namin bago kami umabot sa pinto papasok ng classroom.
Nauna na rin silang pumasok at nang ako na ay napatigil ako dahil may napansin ako sa bulletin board na nakapaskil sa gilid ng pintuan.
Nakadikit kasi doon ang mga larawan nina Pamela Percival, Felix Fernandez, Seraphina Celeste, Jared Jackson at ang isang imahe ng lalakeng may kagat-kagat na dahon na nagngangalang Timothy Trundle. Isang Green Elementalist. Katulad ng kay Tatay.
Sa ilalim ng mga larawan nilang lima ay nakasulat ang "Mother Earth Is Crying For Justice."
Pumasok na ako sa loob. Wala pa ang aming subject adviser at naabutan ko silang tinutukso na naman si Melina. Nandito na rin pala si Vitani. Siya siguro ang pinakaunang dumating dito.
Ganun pa rin ang mga puwesto namin katulad ng sa Magic History Class kaya naman pumunta na ako sa pinakagilid na upuan. Nahuli ko pang sinusundan ako ni Vitani ng masamang tingin. Para siyang tanga. Hindi ko na lamang siya pinansin at inihiga ko na lang ang ulo ko sa desk.
"Bakit ba ako ang kinukulit niyo!? Nakakainis na kayo ah!" halatang naiirita na talaga si Melina sa dalawa. "Si Drape kaya ang subukan niyong guluhin. Tanungin niyo siya kung ano ang The Wisest Theory," napaangat naman ang ulo ko dahil sa tinurang iyun ni Melina. Nice.
"Eh wala naman kaming pake dun eh," sabi naman ni Percival saka tumawa na naman.
Magsasalita din sana si Nero nang pumasok ang isang matandang panot na lalake na nakasuot ng salamin. Nakadungaw rin mula sa kaniyang suot na coat ang bundat niyang tiyan sa loob ng kaniyang polo.
"Fame can bring you to top," bungad niya pagdating sa gitna.
Nagsiupo naman ang mga kasama ko sa kani-kanilang mga upuan.
"Just like what happened to all of this Lorics," dugtong pa niya sabay turo sa mga larawan ng mga tanyag na Lorics na nakasabit sa mga pader ng silid. Sumunod naman ang aming mata sa tinuturo ng kamay niya.
"But fame can also bury you six feet below the ground," seryoso din niyang sabi. Tama siya.
"You are already famous Reapers," kung normal lang akong estudyante ay maninindig na ang mga balahibo ko dahil sa kaniya.
Nanlalaki kasi ang mga mata niya sa likod ng kaniyang bilugang mga salamin. Nakayuko rin siya nang bahagya na parang nagkukuwento sa amin ng isang nakakatakot na istorya. Palakad-lakad lamang siya sa harap namin. Sa likuran niya ay may isang board na tinatakpan ng isang tela.
"So you must not let your guards down. Secure your safety. Secure yourself. You don't know what might happen. You don't know what's running on the mind of every person around you," ganito ba talaga 'tong professor na 'to? Ano kaya ang lore nito?
"Professor," tumayo na si Melina. "What you are trying to say is---"
"This!" pamumutol niya sa pagsasalita ni Melina sabay hablot ng tela na nakatakip sa pisara.
Bigla namang pumitik ang mga balikat ni Melina dahil sa gulat.
Again, it's the five of them. Ang mga larawan na naman nila ang nakadikit doon sa pisara. Sina Pamela Percival, Felix Fernandez, Seraphina Celeste, Jared Jackson, at Timothy Trundle.
"What I am trying to say is this!" puno ng puwersa ang kaniyang pagkakasabi na may pakumpas-kumpas pa ng kaniyang mga kamay.
Umupo na muli si Melina.
"The Massacre to Na---" bulong ko sa sarili ko ngunit katulad ng ginawa ng Professor na 'to kay Melina kanina ay pinutol niya rin ang sasabihin ko.
"That's right Mister Scamander! The Massacre to Nature!" hindi pa rin mawala-wala ang mga diin sa bawat salitang sinasabi niya. Tinuro niya pa ako na parang sinasabing tama ang sinabi ko.
Pero binulong ko lang 'yun ah. Paano niya narinig?
"Mother Earth is crying for justice," ito din ang nakasulat sa bulletin board sa gilid ng pintuan na nakita ko kanina. "These elementalists want justice,"
Just like me. I want justice too.
"We all know that they are murdered by someone who doesn't have conscience,"
He's wrong. Everyone has conscience. But it's up to you if you will follow it or not.
"Each of them was killed a day after the other one was. An outrageous! Scandalous! Serial-Killing!" diniinan niya na naman ang mga salitang huli niyang sinabi. Ano bang trip nitong propesor na 'to? Hindi nga man lang nagpakilala.
"For six years, the investigation for this case is still open. And when the culprit will be arrested, he will be sentenced to a lifelong imprisonment," sabi pa niya.
"However, the culprit is still at large. Be ready. Maybe you're his next target,"
***
AUTHOR'S NOTE: YOU'RE ALL FREE TO COMMENT DOWN YOUR THOUGHTS, CONCLUSIONS, AND THEORIES REGARDING THE STORY GUYS. DON'T ALSO FORGET TO VOTE AND TO FOLLOW ME.
THANK YOU FOR READING.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top