Chapter 6: Getting to Know Each Other

Chapter 6
Getting to Know Each Other



"CONGRATULATIONS to the seven of you. We hope that you can win this year's tournament," sabi ni Professor Slouch. And I can feel that she's pressuring us.

Pinapasok na kami ngayon sa loob ng kastilyo. Nakakagulat dahil pagpasok namin ay ayos na ayos na ang buong kastilyo at walang kahit isang bakas na may naganap na bakbakan dito kanina. Professor Slouch told us that the builders of this school have the ability to rewind the time passed on a certain object. That's why it's easy for them to repair the castle.

Ngayon nga ay papunta na kami sa aming dormitoryo at kasama namin ngayon si Professor. Siya ang nangunguna at sinusundan siya naming pito. Nasa ibang bahagi kasi ng kastilyo ang magiging dormitoryo namin habang ang mga nasa Section Sidekicks ay magkakasama naman sa isa pang dormitoryo.

"Professor Slouch pwede po bang magtanong?" singit ni Percival na kahit kailan talaga ay 'di matikom ang bibig.

"But you're already asking," sabi naman ni Professor Slouch nang hindi lumilingon sa amin.

Tahimik naman ang iba naming kasama marahil ay natatakot kay Professor Slouch o baka naman pre-occupied lang sa pagtingin-tingin sa buong kastilyo. Wala lang talagang hiya 'tong si Percival.

"Hehe. May makakasama po ba kaming mga seniors namin sa tournament?" tanong niya.

"None. Only freshmen are allowed to join the tournament," sagot naman ni Professor Slouch.

"Bakit po?"

"Because students in higher levels have many things to do that are more important than joining the tournament,"

"Katulad po ng ano?" wala talagang hiya.

"Like shutting their mouth up," sarkastikong pagsagot naman ni Professor Slouch. Dahil doon ay napangiwi si Percival at hindi na rin siya nagsalita muli.

Nagpatuloy lamang kami sa paglakad. Hindi na namin dala ang aming mga bagahe dahil dinala na raw ito ng mga staffs sa aming kuwarto. Katulad ng exterior walls ng kastilyo, may nagkalat ding mga natuyong dugo sa mga pader dito sa pinakaloob. Mabuti na lang at wala itong amoy.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa aming dormitoryo. Gamit ang susi ay binuksan ni Professor Slouch ang pinto ng kuwarto at pagbukas nito ay bumungad sa amin ang napakalaking silid.

"Welcome to your Nest, Reapers," bati ni Professor Slouch na medyo nakangiti.

Isa-isa kaming pumasok dahil isang tao lamang ang kasya sa pintuan. Parang hindi lamang ito isang dormitoryo. Isa na itong bahay. Kumpleto sa mga gamit. Mayroong sala, may kusina, kainan, at ilang mga CR.

"This dormitory is exclusive for you," sabi ni Professor Slouch. "You can check your room upstairs,"

Ang apat sa amin ay dali-dali namang umakyat sa malapad na hagdan. Ang third placer na nakalimutan ko ang pangalan ay umupo naman sa isang sofa habang nanatili kaming nakatayo ni Vitani kaharap si Professor Slouch.

"So, when are we going to start our training?" seryosong tanong ni Vitani.

"Tomorrow. After attending your academic subjects," sagot naman ni Professor.

"What? We still have to study?" and this confirms that she's stupid.

"Of course you have to. What will be your foundation for the next year level?"

Kumunot lamang ang noo ni Vitani. Ang third placer naman ay nakatingin lamang sa amin na parang nakikinig lang. Hindi ko pa naririnig ang boses niya.

"Let's just discuss the points of our training tomorrow. Enjoy your first day as Reapers. Please also get to know each other," papaalis na sana siya nang muli siyang humarap sa amin. "And by the way, roaming around the corridors at night is strictly prohibited," she said emphasizing the word strictly.

"Professor, may I ask something?" habol kong tanong nang papaalis na sana siya. Tumango naman siya bilang sagot. "I'm just wondering. Is the corpse... in your coffin... a real corpse or not?"

"It's a clone corpse Mister Scamander bewitched to look real," nakangiting sagot niya. Tumango naman ako. Tumalikod na siya at naglakad palabas.

"Natakot ka ba?" rinig kong nanunuksong tanong ni Vitani na hindi ko pinansin. Ni hindi ko nga siya tinapunan ng tingin.

Nagsimula akong maglakad-lakad sa buong bahay. Inisa-isa ko ang bawat lugar nang may nakita akong isang mini-library. Pinihit ko ang doorknob saka binuksan ito. Sumalubong sa akin ang magkahalong amoy ng mga libro at ng alikabok.

Pumasok ako dito at karamihan sa mga librong nakita ko ay nabasa ko na. Ang ilan ay may kopya rin akong dala. Lumapit ako sa isang shelf at ginala ang aking mga mata.

Naghanap ako ng librong maaaring makakakuha ng interes ko. Pinadaan ko ang hintuturo ko sa mga nakahilerang spine ng mga libro habang binabasa ang bawat pamagat. Gumuhit naman ng linya ang aking hintuturo dahil maalikabok ang mga libro. Pagdating ng aking hintuturo sa sumunod na spine ay napatigil ito. Nakasulat sa spine nito ang The Magic Orgs. and Assoc.

Kinuha ko ito at nilapag sa nag-iisang mesa at saka umupo sa isang upuan. Sa cover ng libro ay may nakalagay na Famous Organizations and Associations in Magic Dome

Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang larawan ng isang lalakeng may suot na top hat at puti na rin ang malagong buhok. Sa ilalim ng larawan ay nakasulat ang "Minister Armadios Crouge." Siya ang kasalukuyang Magic Minister sa buong Magic Dome.

Sa sumunod na pahina ay ang larawan ng anim na Lorics na miyembro ng Magic Ministry. Hindi ko na lamang muna ito pinansin dahil wala pa akong pakielam sa kanila. Sa patuloy ko na paglipat sa mga pahina ay sunod kong nakita ang larawan ng limang Lorics. Sa ilalim nito ay nakasulat ang "The Natural Alliance."

Kilalang-kilala ko silang lima. Sa katunayan, buong Magic Dome ang nakakakilala sa kanila. Dahil dito ay mas naging interesado pa ako sa libro. Umaasa na sana ay may mabasa ako dito na hindi ko pa alam.

Tiniklop ko ang libro at inipit sa bandang kili-kili ko saka ako lumabas ng mini-library. Sa daan pabalik sa sala ay nakasalubong ko ang Slumber Mage na nakalimutan ko ang pangalan. Tanging sina Vitani at Percival pa lamang ang kilala ko sa kanila dahil sila lang naman ang nakausap ko.

"Nandiyan ka pala. Bumalik na tayo doon sa sala. Magkakaroon daw tayo ng getting-to-know-each-other session," sabi niya sa akin saka tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik.

Sumunod naman ako sa kaniya. Pagdating ko doon ay nakita kong kumpleto na pala sila at ako na lang ang hinihintay.

Si Percival at ang Card Mage ay naghaharutan sa sofa bed at nakikisali rin ang Summoning Mage na kilos-bata. Umupo naman ang Slumber Mage sa hawakan ng sofa bed. Ang third placer naman ay tahimik lamang na nakaupo sa single sofa habang si Vitani naman ay nakatayo lang sa isang sulok at nakatingin lamang sa kanila.

"Okay guys. Simulan na natin ang pagpapakilala," ang Slumber Mage ang nagpasimuno. "Ako na ang mauuna ha," sabi niya. "Nasabi na kanina ni Professor Slouch ang pangalan ko pero for formality, I am Melina Marvins, 17 years old. And again, my lore is Slumber Magic. Any questions?" sabi niya nang nakalahad ang mga kamay.

"What kind of Slumber Magic do you have?" ako na ang nagtanong.

Binagabag ako ng tanong na 'yan kanina nung announcement of results. And I consider questioning as an interaction between me and my teammates. At least may interaction na kami.

"Hehe. Nice question Mister First Placer," she said na saglit na nagpangiwi sa'kin dahil hindi ako kumportable sa tinawag niya sa'kin.

"I can make anyone fall asleep by just touching him with my bare hands o kahit ano na lang basta physical contact – even by a kiss," paliwanag naman niya.

Physical contact? Siguro 'yun ang nagpapanalo sa kaniya sa mga laban niya sa Sectioning. Hindi naman siya ganun kalakas o ka-fatal pero her lore is so easy to use. Her only weakness is a long-ranged Loric.

"Sa ngayon nga ay pinu-perfect ko pa ang isang skill na by my mere presence, I can put a bunch of people into slumber," then if she could perfect this, she can manage long-ranged Lorics already.

"Who's next?" tanong niya. Ngunit walang may umimik.

"Sige ako na nga lang," pagboboluntaryo na lamang ng Summoning Mage.

"Hi mga Ate and mga Kuya. Ako po si Luca Stimpskin. Pwede niyo po akong tawaging Lulu pero pwede ring Caca. 16 years old na po ako," tapos ay humagikgik siya. "Ito po ang mga alaga kong teddy bears. Sila ang nagtatanggol sa akin kapag may umaaway sa akin. Sila ay sina Stimpy, Skinny, Lucy, at Caly. Nagiging mga malalaking cute bears sila kapag tinawag ko sila. Gusto niyo bang makita?" maamong tanong niya.

"Hu−huwag na!" magkasabay na pagtutol ni Percival at ng Card Mage na animo'y takot na takot.

"Okay. Huwag na nga lang."

Uupo na sana siya nang may itinanong si Vitani. "Saan mo nakuha ang mga teddy bears na 'yan?"

Bakit hindi ko naisip ang tanong na 'yan? Hindi naman siguro ganun kabobo si Vitani katulad ng iniisip ko.

"Re−regalo sa akin," sagot naman ni Luca habang nakanguso.

"Nino?"

"Ni−ni Papa," sagot niya na parang nag-aalinlangan pa.

"Saan naman nila nakuha 'yan?"

"Siya−siya na lang tanungin mo," ani Luca.

Regalo? Ibig sabihin ba nun, kapag wala ang mga teddy bears niya, wala rin siyang silbi? Itatanong ko na sana iyun nang biglang tumayo si Card Mage. Kaya sa susunod ko na lang 'yun uungkatin.

"My name is Nero Umali. Katulad nga ng sinabi kanina ni Professor Slouch, Card Magic ang lore ko. Pero huwag muna kayong manghusga kung iniisip niyong mahina ako. Ang Card Magic na taglay ko ay parang Summoning Magic din siya," paliwanag niya.

"Wow! Katulad sa akin?" masayang reaksiyon naman ni Luca.

"Oo. Katulad ng sa'yo. I can summon the spirits of the cards," sabi pa ni Nero.

"Spirits?" nagtatakang sabi ni Vitani.

"I mean, the king and queen of every suit," sagot niya.

"What if you don't have your cards?" ako naman ang bumato ng tanong.

"I can summon my own cards," he answered as-a-matter-of-factly.

"At tsaka, sa Southern Forest pala ako nakatira. Actually doon din nakatira si Luca. Magkasabay nga kaming pumunta dito eh," dagdag pa niya.

"Ay oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin kanina. Ikaw Ate Melina, saan ka nakatira?"

"Ah. Sa Northern Village ako eh. Masyadong malayo sa inyo," sagot naman nito.

"Hala oo nga. Okay lang ate. Kuya, ikaw naman magpakilala," tawag ng bata kay Percival na agad namang tumayo.

"Hi guys. I'm Pruschian Percival, a Water Mage. I'm already 18 years old... and still counting. I came from Eastern Seas at syempre doon ko na-master ang lore ko," tapos nun ay umupo siya kaagad.

Wala namang nagbigay ng kanilang tanong kay Percival. Itatanong ko sana kung kaanu-ano niya si Pamela Percival pero malalaman ko pa rin naman 'yun balang-araw.

"So ngayon, ang Top 3 Outstanding Freshmen naman ang magpapakilala. Yehey! Excited na ako!" sabi ni Melina.

Malayong-malayo ang ugali niya ngayon kaysa nung announcement of results. Akala ko mahiyain 'to?

"Simulan natin sa Heartthrob ng Freshmen," pinaypay naman niya ang third placer.

"I'm no heartthrob," kalmado namang sagot ng isa.

Ngayon na narinig ko na ang boses niya, masasabi kong, sobrang lamig.

"Ah. Hehe, introduce yourself na lang," parang lumabas naman ang pagkamahiyain ni Melina.

"You already know my profile back then. I have nothing to spill," supladong sagot niya.

"Hindi namin alam kung taga-saan ka," sabi naman ni Vitani.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "I'm from Western Isles,"

"Can you tell us about your lore," ako naman ang nagtanong.

"I have Soul Magic."

"Wala kaming alam kung ano ang kaya mong gawin. And as your teammates, we have the right to know it," sabi ko pa.

"Ako alam ko!" pagtaas naman ng kamay ni Percival. "Nakalaban ko siya nung Sectioning eh. Sa katunayan nga talo ako," napakamot pa siya sa kilay niya.

So he lost two fights, but he still managed to have a positive score. Maybe he's not that bad.

"He can tell you everything about my lore," dahil doon ay tiningnan ko nang masama si Percival. Ngumiti lang siya sa akin, humihingi ng patawad.

"Basta may lumabas lang na mga kung anu-anong nakakatakot na mga espiritu. Tapos dahil sa takot, nahimatay ako," bobo talaga.

"See. He has nothing to tell," sabi ko naman habang hindi pa rin inaalis ang masamang tingin kay Percival.

"Okay. Those spirits he is talking about are my pet souls," sabi niya.

"And?"

"And they are trying to get his soul so he fainted. And not because he's scared. It's just one of the factors," paliwanag naman niya. Marunong naman pala siyang magsalita eh. Nagpapaka-mysterious effect pa.

"Ano?! Kukunin mo ang kaluluwa ko?! Papatayin mo ba ako?!" gulat na parang galit na reaksyon ni Percival.

"But I didn't," sagot lang ng Soul Mage.

Parang nilamukos naman ang mukha ni Percival.

"Bakit ganyan ka? I mean, bakit parang ayaw mong makipag-usap sa amin?" tanong naman ni Melina.

"It's not that I don't want to talk to you. Tinatamad lang akong magsalita," same reason.

Napanganga naman si Melina dahil sa sinabi niya.

"Buti naman di ka na tinatamad ngayon," singit ni Nero.

"Oo nga kuya. Sayang naman po ang gwapo niyo kung suplado kayo," sabi naman ni Luca.

"You insist. And Drape's right. You're my teammates," sabi naman niya na ikinagulat namin.

Akala ko suplado 'to? Titigilan ko na siguro ang pagiging judgemental. Pero great, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng Soul Mage na 'to.

"Ate, ikaw naman," sabi ni Luca kay Vitani.

"I think you all know me already by name. So I don't need to say it. Katulad din ng narinig niyo kanina, I use Heart Magic. I can control the heart of every human, alive or dead," sabi naman niya.

"So kaya mong buhayin ang mga patay na?" excited na tanong ni Melina.

"Hindi pwede,"

"Bakit?"

"Because it's one of the Forbidden Skills," sagot naman ni Vitani.

Napa-"Ah!" naman sila.

"Saan ka nakatira?" sumunod na nagtanong ay si Percival.

"Northern Village,"

"Pareho pala tayo. Napakalaki kasi ng Northern Village eh. Kaya siguro hindi kita nakikita. Pero may narinig ako noon tungkol sa 'The Heartbreaker'" sabi naman ni Melina.

"May−may boyfriend ka na ba?" nag-aalanganing tanong naman ni Nero. Interesado ba siya kay Vitani?

"Boyfriend? What's that?" sagot naman ni Vitani na nagpabilog sa bibig nina Percival at Nero.

"Mister First Placer, it's your turn," tawag naman sa akin ni Vitani. Ginaya niya rin kung paano ako tawagin ni Melina kanina, but in a sarcastic way.

"I'm Drape Scamander. I'm an Earth Mage or an Earth Elementalist. 18 years old and I came from Ministry Village," maikling pagpapakilala ko.

"Kung Earth Elementalist ka, paano mo nahigop ang tubig ko?" singit din ni Percival.

Kunot-noo namang napatingin si Vitani sa kaniya. "What?!" tanong niya.

Tapos ay kinuwento ni Percival kung ano nangyari sa laban namin.

"It's the Science of Magic," wala akong mahanap na dahilan kundi ang narinig ko rin mismo kina Nero at Percival. "Basically, soil absorbs water,"

"Hala! So tama nga ang sinabi ko!" masayang saad naman ni Nero.

"Oo nga. May utak ka din pala," pang-aasar pa ni Percival.

At muli ay nagharutan silang dalawa.

"Saan mo natagpuan si Professor Slouch. At saka, paano mo siya nahanap?" tanong ni Melina.

"'Buti tinanong mo Melina. Curious din kasi ako kung saan siya nagtago," sabi pa ni Nero.

"I found him at the cemetery," at nagulat naman sila sa sinagot ko.

"Paano?"

Saka ko pinaliwanag sa kanila kung paano ko nakuha ang clue. Katulad ng inaasahan ay namangha sila sa akin. Maliban kay Vitani at ang third placer na tahimik lang. Pati din pala si Luca kasi tulog na siya.

"Talino mo naman," sabi ni Nero.

"Oo nga. Tapos maputi ka pa at may suot na salamin. Bagay kang maging duktor," sabi naman ni Melina.

Nagulat naman kami dahil biglang tumawa si Percival.

"Hoy! Anong tinatawa-tawa mo diyan?" tanong naman sa kaniya ni Nero.

"Kung magiging duktor siya, ano ang itatawag sa kaniya? Dr. Ape?" sabi niya saka muling humagalpak sa tawa.

Dr. Ape? What the hell?!

Tumawa naman silang tatlo. Napatingin ako kina Vitani at sa third placer. Napansin kong medyo napangiti sila. Hindi naman ako nasaktan sa sinabi nila. Kaya wala rin akong pakielam. Pagkatapos nilang tumawa ay tumayo si Melina.

"Magluluto na lang muna ako para makapaghapunan na tayo at makatulog. Si Luca kasi knockout na eh," sabi niya saka naglakad papuntang kusina.

Ang dalawang tukmol ay nagbugbugan na naman. Si third placer naman ay nasa taas na. Pupunta siguro sa kuwarto niya. Sumunod naman ako dahil babasahin ko pa 'tong librong nakita ko. Ngunit papalapit pa lang ako sa hagdan ay napansin kong lumapit sa akin si Vitani.

"Science of Magic? I don't think so," sabi niya. Malamang, hindi siya naniniwala sa sinabi kong dahilan kanina tungkol sa laban namin ni Percival. "You can deceive them but not me. Kung lore na ang usapan, wala nang ambag ang siyensa dito," sabi pa niya. Tiningnan ko lamang siya nang diretso sa kaniyang mga mata.

"Okay. So? I don't need you to believe me," sagot ko saka naunang umakyat.





***

AUTHOR'S NOTE: YOU'RE ALL FREE GUYS TO COMMENT DOWN YOUR THOUGHTS, CONCLUSIONS AND THEORIES ABOUT THE STORY. DON'T ALSO FORGET TO VOTE AND TO FOLLOW ME.

THANK YOU FOR READING THIS STORY.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top