Chapter 5: The Results
Chapter 5
The Result
SOBRANG sama ng tingin niya sa akin na parang kakainin na niya ako; na parang may ginawa akong masama. Marahil ay napikon siya dahil tinakbuhan ko siya kanina.
Do girls have ego too?
Hindi ko na lang siya pinansin. Inihiga ko na lang ang ulo ko sa ibabaw ng aking nakatayong maleta. Papaidlip na sana ako nang muling nagsalita si Professor Slouch.
"Students, we hope that you enjoyed your meal. And for the most awaited part of the Sectioning, here's the result," sabi niya.
Napuno ang harap ng kastilyo ng mga sari-saring reaksiyon ng bawat estudyante. May ilang sabik na sabik ngunit karamihan sa kanila ay umiiyak dala ng matinding kaba.
"The total number of students who participated this year's Sectioning is 77 and 70 of which got a negative score," anunsiyo ni Professor Slouch.
I gasped because of that. Others did too. Everyone of us did. Halatang gulat na gulat ang lahat sa naging resulta ng Sectioning. Who would've thought that out of 77 students, 70 will get a negative score; 70 will be thrown in Section Sidekicks.
But thankfully, I know I'm not one of those 70 students. I defeated that Percival and my battle against that heart girl was just nothing but a stalemate.
"That means, all 70 negative-scored students will be sorted to Sidekicks,"
Because of that, students started to whine and cry out loud.
I still can't move on from the result. Only seven of us got a positive score. Isa na ako doon. Ganun ba kalakas ang anim na iba na parang nilampaso talaga nila ang pitumpong ibang mga estudyante?
"Here's the list of Section Sidekick Retainers," panimula ni Professor Slouch.
Sunod-sunod na mga pangalan ang kaniyang sinambit. Sa bawat pagbigkas ng pangalan ay may naririnig akong sigaw, hiyaw, o hikbi.
Sa patuloy na pag-anunsiyo ni Professor Slouch ng mga pangalan ay wala akong may narinig na kilala ko. Well, wala naman pala akong kakilala in the first place. Hanggang sa naubos na niya ang pitumpong pangalan at katulad ng inaasahan ay hindi nabanggit ang aking pangalan.
"Congratulations, Freshmen of Section Sidekicks. Hope you enjoy the year in Grim Academy," sabi ni Professor Slouch.
"Since we have only seven positive-scored students, they will be automatically sorted to Section Reapers and they will represent our school and division in the upcoming 25th Grand Magic Tournament in a few months," pahayag ni Professor Slouch.
Marami naman ang humanga sa pitong ito, sa amin.
"And these are the seven strong and cunning students. As I call your name please come to the center to be recognized," lahat ay excited na malaman kung sino ang pitong ito.
Karamihan sa mga umiyak kanina dahil sa kanilang pagkabagsak ay tumahan na at itinuon ang buong atensiyon sa kung sino ang tatawagin ni Professor Slouch.
"First we have Melina Marvins," tumayo naman ang isang babae na parang nahihiya pang pumunta sa gitna. Ngunit tinulak-tulak din naman siya ng mga kaibigan niya kaya napilitan din siyang pumunta doon. "Her lore is the so-called Slumber Magic and she garnered a total of 15 points,"
Slumber Magic. Nabasa ko na 'to sa The Lorics' Book. Ayon doon, kayang kontrolin ng Loric na may ganitong lore ang malay ng isang tao. Ngunit ang bawat Slumber Mage ay may iba't ibang pamamaraan ng paggamit ng kanilang Slumber Magic. I'm already curious how she does it. Napansin ko rin ang pamamaga ng kaniyang mga eye bags. Senyales na kulang siya sa tulog.
"Every pro, has his quid pro quo,"
Ito ang pahayag ng isang sikat na Loric. Ang tinutukoy niyang quid pro quo ay ang kapalit ng pagkakaroon ng kapangyarihan. Sa madaling salita, bayad ng bawat Loric para sa inihandog sa kanilang lore. At ayon sa The Lorics' Book, ang kadalasang quid pro quo ng mga Slumber Mage ay ang pagiging kulang sa tulog. And that explains her swollen eye bags.
"Our second Reaper is Pruschian Percival,"
Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan niya. Hindi ko aakalaing makakasama ko siya bilang Reapers. Hindi ko man lang napansin kanina na hindi pala nabanggit ang pangalan niya nang inaanunsiyo ang mga estudyanteng napunta sa Section Sidekicks.
"His lore is Water Magic and he got 20 points in total,"
Naka-20 points pa pala siya kahit tinodas ko na siya. Malakas din siguro ang ugok na 'to. Naging impulsive lang siya siguro nang makaharap niya ako kanina.
"Our third Reaper is Luca Stimpskin. She has her teddy bears for her Summoning Magic. Throughout the Sectioning, she got a total score of 35 points,"
Mula sa isang gilid ay masayang tumayo ang isang babae na may dala-dalang tigdalawang teddy bear sa bawat kamay. Patalon-talon din siyang tumakbo papunta sa gitna. She's around my age, but it seems like she isn't. Nakipagkamayan din siya sa mga naunang inanunsiyo.
Summoning Magic. Simple lamang ang pagpapaliwanag sa lore na ito. May binubuhay o inilalabas lamang ang isang Summoning Mage na isang nilalang na lalaban para sa kaniya. Ang kalakasan ng nilalang na ito ay nakadepende rin sa kalakasan ng may-ari niya.
"Next is Nero Umali. His lore is Card Magic and he gained 40 points," pagkarinig ng sinabi ni Professor Slouch ay tumalon-talon si Percival sa gitna.
May nakita rin akong isang lalake na badoy kung manamit dahil naka-black robe siya habang naka rubber shoes. Katulad ni Luca, tumalon-talon din si Nero saka tumakbo papunta sa gitna. Pagdating niya doon ay nakipag-apir siya kaagad kay Percival. Abot-langit rin ang ngiti nito. Sa tingin ko, ito ang lalakeng kausap kanina ni Percival.
Card Magic. Obviously, it has something to do with a deck of cards, whatever kind of cards – a standard set of cards or even tarot cards. At hindi ko akalaing kaya palang makipagsabayan ng isang Card Mage sa mga malalakas na Lorics.
Madalas kasi na mga Card Mage ay ang mga manghuhula gamit ang tarot cards at ang natututunan nila sa Divination o 'di kaya'y ginagamit ang mga baraha bilang armas. Marahil ay isang advanced kind of Card Magic ang tinataglay nitong si Nero.
"Now let's have the Top 3 Outstanding Freshmen during the Sectioning. Our third placer is Yojan Darke," pagtayo niya palang ay nagtilian na ang kababaihan.
I can't blame them. I can say that he stands out, in terms of looks. Pero halata sa mukha niya na wala siyang pakielam sa mga nagtitiliang mga babae. Nakayuko lamang siyang naglakad papunta sa gitna habang nakapamulsa.
"He has the Soul Magic as his lore. And by this magic, he gained 95 points, " napa-"Woah!" naman ang karamihan sa amin. At parang mas lalo pang lumakas ang tilian at kilig na kilig na naman ang mga babae.
That's the problem with girls... I mean, with humans. Masyadong nagpapakadala sa pisikal na anyo. Anyone could trick you with that looks.
Bukod sa kaniyang mukha ay napabilib niya rin ang madla dahil sa kaniyang score. Mataas 'yun. Anlayo masyado sa sumusunod sa kaniya na may 40 points.
Soul Magic. Ngayon ko lamang narinig ang ganitong klaseng lore. Ngunit base sa katawagan nito ay malamang, gumagamit ng kaluluwa ang Loric na nagtataglay nito. But I don't really know the full technicalities about that lore. Hindi rin kasi binanggit sa The Lorics' Book.
"On the second place, the one who got the spot is Vitani Scars. Her lore is Heart Magic which targets nothing but her opponent's heart," mabilis naman siyang tumayo ngunit bumungad sa amin ang nagtataka niyang mukha. Maging ang mga kapwa ko estudyante ay nakakunot rin ang noo.
"Ano?! Second placer lang siya? Pa'no nangyari 'yun? Sinong nag-first?" rinig kong sabi ng isa.
"Miss Scars gathered a total of 120 points and this is the first time a student got above 100 points in the Sectioning. On the record, her score also become the highest score in the history of Sectioning in Grim Academy," dahil dito ay mas lalong nagtaka ang ibang estudyante kung bakit second placer lang siya.
"Anlakas talaga ah! Pero bakit second placer lang siya?" litanya ng karamihan. Tahimik lang ako kasi alam ko namang ako ang magfu-first eh.
Kahit nag-aalinlangan ay naglakad naman si Vitani. Magkasalubong ang mga kilay na parang nagtatanong kung totoo ang kaniyang narinig. Pagdating niya sa gitna ay hindi niya pinansin ang apat na nauna na sinubukang makipagkamay sana sa kaniya. Ang third placer naman ay hindi siya pinansin.
Tumayo na lamang si Vitani nang tuwid at tumingin nang masama sa kawalan. Hinihintay kung sino ang hihiranging first placer.
"And for our first placer we have Drape Scamander," pagbanggit ng pangalan ko ay tumayo ako kaagad.
"Our most outstanding student for this year is an Earth Elementalist and through this magic, he garnered 5 points in total," habang nagsasalita si Professor Slouch ay patuloy lamang akong naglalakad papunta sa gitna.
Narinig ko namang napa-"Huh?" ang mga kapwa ko estudyante. Tumingin naman ako sa gitna upang tingnan ang reaksiyon ng anim. Nagtataka.
Si Percival ay bumibilog ang bibig ngunit magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin. Ang third placer naman ay parang wala lang pakielam at sa kawalan lang nakatingin. Si Vitani naman ay nakataas ang kaliwang kilay at sinusundan ako ng masamang tingin habang naglalakad ako. Ang iba naman ay pawang mga tipikal na mukha ng isang taong nagtataka lamang.
"However, he is the only student who accomplished the main objective of this Sectioning. He is the first and only student who found my location. And that made him the most outstanding student for this year's Sectioning," pagkatapos magsalita ni Prof. Slouch ay maraming humanga sa akin.
Marami na rin ang nakatingin sa akin. Lahat sila sa katunayan. Syempre, maliban sa third placer na walang pakielam. Ngunit narinig ko naman ang hinaing ng iba.
"Ambaba din naman ng score. Hmmp! Lowest pa rin siya sa kanilang pito."
"Kung hindi niya siguro nahanap si Prof. Slouch hindi din siya magiging Reapers eh."
"Reaper pa din siya teh!"
"Bakit?"
"Eh naka-five points pa rin siya eh. Pito lang naman silang naka-positive score. Edi automatic Reaper pa rin siya."
Hindi man halata, pero ayaw kong maging sentro ng atraksiyon. Kaya naman hindi ko na lamang pinansin ang kanilang mga sinabi dahil hindi naman ako nasaktan.
Pagdating ko sa gitna ay tumabi ako kay Vitani, ako ang sa pinakadulo. Nakaarrange kami ayon sa ranking. Narinig ko namang suminghal pa siya pagdating ko sa tabi niya.
"Since 70 students out of 77 got a negative score, the Freshmen Section Icons this year will be terminated," marami ang nanghinayang dahil doon.
"So, students. Please give our Repears a round of applause," nagpalakpakan naman ang mga estudyante.
"They will have a vigorous training for the coming months as their
preparation for the tournament. Students, wish them luck and congratulations everyone," patuloy lamang silang pumalakpak.
May naririnig rin akong humihiyaw. Meron ding nagchi-cheer para kay Vitani. Puro lalake. At syempre hindi rin nagpahuli ang mga kababaihan sa pagsigaw sa pangalan ng third placer na wala pa ring pakielam. Seryoso lamang akong nakatingin sa mga katulad kong estudyante na pinapalakpakan kami.
"5 points? Heh!" mayabang na asik sa akin ng katabi ko.
Hindi ko na sana siya papansinin pero may sinabi siyang medyo masakit.
"So much difference. Anlayo masyado ng 5 sa 120. You focused on finding her, for the main objective. And that's why you escaped from our fight. That makes you weak!" panunuya niya sa akin habang nakapako pa rin ang kaniyang paningin sa harap.
Seriously? Hindi niya pa rin tanggap na ako ang naging first placer?
"We have our own capabilities... and flaws. And for you... you focused on earning points. You just ignored the main objective. That makes you stupid!" sabi ko naman. Trip kong makipag-away ngayon eh.
Napamaang naman siya sa sinabi ko at hindi na muling nagsalita pa.
This is my first step towards everything. And nobody can stop me already. I have a business to finish. And this is for him who died for me.
***
AUTHOR'S NOTE: I'M SORRY KUNG MASYADONG MAIKLI ANG CHAPTER NA 'TO BUT I'LL DO MY BEST PARA MAKABAWI SA SUSUNOD.
YOU'RE ALL FREE TO COMMENT DOWN YOUR THOUGHTS GUYS. DON'T FORGET TO VOTE ALSO AND FOLLOW ME.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top