Chapter 13: Rest of the Day
AUTHOR'S NOTE: MAY MGA INEDIT AKO SA PREVIOUS CHAPTERS BUT I'M NOT REQUIRING YOU TO REREAD. SIGURO BETTER LANG IF MAG-REREAD KAYO PARA MA-REFRESH ANG MGA PANGYAYARI SINCE SOBRANG TAGAL BAGO AKO NAKAPAG-UPDATE ULIT. SORRY HEHE!
Chapter 13
Rest of the Day
BEEP! BEEP! BEEP!
"Time's up!" Dober announced. "Nasurpresa mo na naman ako Dray!? Akala ko Earth Elementalist ka? Hindi ko alam, hangin na pala ang Earth ngayon," bilib na reaksiyon ni Dober.
Hmm. Alam pala nila ang lore ko, or most probably, alam nila ang lore naming pito. Hindi naman nakapagtataka kasi nakalagay sa record namin kung ano ang lore namin at sila ang advisers namin so natural lang na alam nila 'yun. And also, they might have seen us fighting during the Sectioning.
"Henry, pumunta muna kayo ni Dray sa clinic para magpahinga," Lady suggested while looking at me intently. I prefer calling her Lady though.
Napansin kong seryosong-seryoso ang pagkakatingin niya sa'kin.
Tumango naman si Professor Hamilton at tumingin sa akin na parang hinihintay ako. Tumango naman ako at nagsimulang maglakad. Sumunod naman siya.
Napansin ko na sinusundan ako ni Lady ng kaniyang questioning look. Siguro ay malaking palaisipan pa rin sa kaniya kung paano ko nagawang kontrolin ang hangin. Pero I can't find any reason kung bakit ganun talaga siya makatingin sa'kin.
Nang makalapit kami sa mga kasama ko, kinalabit ako ni Pruschian at may ibinulong. "Huwag kang mag-alala Drape. Hindi namin sasabihin kung paano mo nagawa 'yun," he whispered and wiggled his brows. Tiningnan ko lang siya nang masama.
"It was a great fight Drape!" ani Melina with thumbs up.
Tumingin ako kay Vitani para makita ang reaksiyon niya. Pero tinanguan niya lang ako saka nag-smirk. Creepy. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pagtango niya at pag-smirk. I even don't know if it is a positive or negative remark.
"Ako na ang next na kakalabanin niyo!" rinig kong sigaw ni Dober. "Huwag kayong matakot kasi hindi naman ako ganun kalakas," sabi pa ni Dober na halata namang hinaluan niya ng sarkasmo.
Gusto ko pa sanang manood para malaman ko kung ano ang lore ng dalawa pa naming advisers pero dahil dumudugo pa rin ang bibig ko, wala akong choice. Kaya nagpatuloy kami sa paglalakad ni Professor Hamilton.
"Have you noticed how Gilda looked at you kanina nang palabas na tayo ng training room?" he asked nang makalabas na kami ng training room.
Hindi lang pala ako ang nakapansin. Pati si Professor Hamilton ay nakita din 'yun. Maybe there's a story behind that stare.
"She has her reason," sabi ko na lang.
"Paano mo nalaman?"
"Everyone has a reason behind doing something," I answered and looked at him meaningfully.
"You couldn't tell actually. What if, trip niya lang?"
"Still counted as a reason though," sagot ko saka binalik ang tingin sa daan.
"Okay," Professor fussed. "So, by all means do you know what her reason might be?"
"I don't know, Professor," I replied, lowering my rude manner by saying "Professor." Para sa'kin kasi nababawasan ang pagkawalang galang mo kung may "Professor" or "Ma'am" sa sinasabi mo since sign of respect 'yun.
"And I suppose you don't also know what her lore is," sabi pa niya.
Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Nanatiling sa daan ang paningin ko at nagpatuloy lamang ako sa paglakad. This is my own way of "silence means yes."
"Her lore is Smoke Magic," Professor admitted. Tumingin naman ako sa kaniya. "Obviously, she can control smoke."
"So bakit ganun ang tingin niya sa'kin?" I asked impatiently.
"Smoke and wind have so many similarities. Actually, in some instances they can be considered as one. And because of that she has this mindset that she needs to overpower every living Wind Elementalist."
"What? That sounds absurd!" I reacted.
"That's just one of her reasons, and it's a long story actually. I'm not the right one to tell. But she doesn't see Wind Elementalists as nemeses. Let's just say, she considers them as goals,"
"But I'm not a Wind Elementalist, Professor," I objected and looked at him.
"Really? I think you're not just an Earth Elementalist," Professor Hamilton said.
"Professor--"
"Stop drowning the bubbles Mister Scamander," he cut me off and stared at me deeply.
I simply bit my lower lip to prevent my outburst. This feeling is the same feeling I felt when the Reapers concluded that I'm the Wisest Wizard. So I just sighed in despair and withdrew from his stare.
"I always think that you're not just an Earth Elementalist. Ang ibig kong sabihin, aside sa nangyari kanina, you have a very high intelligence level and a strong personality," sabi pa niya.
"So?"
"So, that means, hindi rin basta-basta ang lore mo,"
"Paano mo nasabi Professor?" I asked, letting go of the provoking feeling I felt a while ago.
"Our lore was born by our heart and is being fed by our mind. Hindi mo ba alam 'yan?" tanong sa'kin ni Professor.
Tiningnan ko naman siya sa mata as if saying "hindi naman lahat alam ko." Pero syempre hindi ko sinabi 'yun. Umiling lamang ako bilang sagot saka ibinalik ang tingin sa daan.
"Simple lang naman ang ibig sabihin nun. Ikaw at ang lore mo ay iisa. Kung anong klase kang tao, ganun ding klaseng lore ang tataglayin mo. And as you grow, you need to make your lore stronger. And you can only do that by gaining more knowledge," paliwanag ni Professor.
Hindi ko agad naintindihan ang gustong sabihin ni Professor. I can't connect the ideas he said and the ideas I know. Not until I remembered the Wisest Theory. Ang mga sinabi ni Professor ay sumusuporta sa Wisest Theory kaya eventually, medyo naintindihan ko ang mga sinabi nya.
"Kaya sa tingin ko hindi lang basta-bastang Earth Magic ang taglay mo considering your intellectual capacity and your personality. It could be something more powerful,"
"Ano ba ang personality ko Professor?"
"Only you who know yourself the best," sagot niya lang. "And only you who know what your true lore is. It could be a stronger kind of Earth Magic. Or maybe you don't have just Earth Magic alone. Who knows? Baka Full Elementalist ka," he said.
Pumitik naman ang paningin ko papunta sa kaniya dahil sa sinabi niya. Full Elementalist is a Loric who possesses all of the five Elemental Magic: Earth, Water, Wind, Green, and Fire.
"Is that some kind of logic or just a hasty hypothesis?"
"It's a fact Mister Scamander. You know to yourself that it's a fact," Professor said and turned his gaze to me as if telling me not to deny it again.
"Professor, unproven accusations is so far from being a fact. More like a f-ck," I said, muttering the last sentence.
"If you say so," Professor said. "Pero alam mo ba kung bakit tinawag ang Wisest Wizard bilang the Wisest Wizard?"
That reminded of the talk I and the Reapers had in the cafeteria during lunch. That's one of a heck sudden turn of events.
I don't know where this question is heading but the question itself intrigues me.
"'Cause he's the wisest in his time," I said in an obviously tone.
"It could be," he said. "But that's not the main reason,"
Lumihis naman ang paningin ko sa kaniya. It's an interesting topic actually. Kahit kailanman ay hindi pumasok sa isip ko kung bakit nga ba Wisest Wizard ang tawag sa kaniya.
Patuloy lang kami sa paglalakad habang nag-uusap. Mabuti na lang at class hours ngayon kaya naman kami lang talaga ang nandito sa hallways.
"His lore? Do you know his lore?"
"Hand Mantras," sagot ko. Alam naman kasi ng lahat ang tungkol sa lore ng Wisest Wizard.
Hand Mantras is a legendary kind of magic. May mga hand mantras (hand signs and signals) kang gagawin para maactivate ang lore mo. Those hand mantras serve as the spells for distinct commands. Bawat command ay may sariling hand mantras. For example, hand mantras for killing someone are different from the hand mantras for transforming someone into a goat.
"Tama. But do you really think it is his original lore?" Professor asked again.
"What do you mean Professor?" I asked and turned to him as curiosity filled me up.
Nakakainis si Professor. First he asked me kung bakit tinawag ang Wisest Wizard bilang Wisest Wizard. Then tatanungin niya naman ako kung ano ang lore ng Wisest Wizard. Tapos ngayon he asked again about the original lore of the Wisest Wizard (which I don't have any idea about) without even answering the first question first. But, this could be a new discovery about the Wisest Wizard.
"The Wisest Wizard is tagged as the Wisest Wizard because he made his own lore. He made the Hand Mantras out of his overflowing intelligence. Siya mismo ang gumawa ng ganitong kapangyarihan at tanging siya lang ang nagtataglay nito," Professor explained.
Kumunot ang noo ko at nagkasalubong ang mga kilay ko. I can even feel the unnoticeable widening of my eyes. Confusion struck me.
"WHAT? PAANO?" I asked in disbelief.
"You can't underestimate the intelligence the Wisest Wizard had, Mister Scamander. I'm certain mas matalino pa siya sa'yo. Mas matalino pa siya kahit kanino. I bet combining the wit of all living Lorics doesn't stand a chance against his," Professor said. "Making this lore is the most successful project a Loric has ever accomplished,"
"WHAT? Is that even possible?" my only reaction.
"The Wisest Wizard made it possible,"
I didn't know that is possible. Making your own lore is a crazy thing to do but an extraordinary token once achieved. If that's the case, sa tingin ko, karapat-dapat lang na tawagin siyang Wisest Wizard dahil walang sinumang Loric ang nakagawa ng nagawa niya.
I looked back on the path we're taking and something interesting started to juggle in my mind.
"He formulated the Hand Mantras," I started. "Kung ginawa niya lang 'yun, that means may isa pa siyang lore na taglay bago pa man niya nagawa ang Hand Mantras," I said as if my mouth is fuelled by my curiosity.
"That's what I'm trying to tell you, Mister Scamander," Professor said and looked at me.
I just gave him a "Huh?" look.
Ngunit hindi niya ako sinagot at pumasok lamang siya sa isang room. Sa gilid ng pintuan, may nakalagay na bulletin board at nakasulat doon ang: Doctor is IN. Hindi ko napansin nasa clinic na pala kami kaya sumunod naman ako sa loob.
It's just a typical clinic—a small clinic. There are two hospital beds, separated by a curtain, placed on the left side of the clinic. On the left side of the beds, which is beside the door, is the office table of the doctor where she is currently doing some paperwork.
"Good afternoon Henry. Anong... anong nangyari sa inyo?" alalang tanong niya saka tumayo at tumigil sa kung anuman ang ginagawa niya.
The doctor is a slim tall woman with a very calm face revealed by her ponytailed black hair. By just a wild a guess, I think she's around 40s or 50s. Her hands are also hiding inside the pockets of her white coat as if it's one of the doctors' ethics.
"Good afternoon Professor," I greeted silently and slightly bowed.
"Good afternoon Professor Willow. Just a typical damage after training lang naman," sagot ni Professor Hamilton sa duktor.
"Oh! Sige. Maupo muna kayo," sabi niya at iginaya sa amin ang pinakamalapit na hospital bed. Umupo naman kami doon ni Professor Hamilton.
Pumunta naman ang duktor sa kabilang bahagi ng clinic kung saan nakatayo ang mga cabinets at kinuha doon ang mga gamit niya.
"So this must be... Mister Scamander," sabi ng duktor nang makabalik na siya. Pumunta siya sa harap ko at inilagay niya ang mga gamit niya sa tabi ko. There are alcohols, cotton balls, cotton tipped applicators, bandages and some bottles of chemicals. Then she started mending my wounds.
"Oh. You're so good at guessing other people's name Professor Willow," ani Professor Hamilton.
"Hindi naman. Nagkataon lang na ang medical records ng Reapers ang chinecheck ko bago kayo pumasok,"
Ang medical records pala namin ang pinagkakaabalahan niya nang makapasok kami. Those medical records are one of the requirements para sa admission dito sa Grim.
Nagpatuloy lamang si Professor Willow sa paggamot sa akin. Nagpatuloy din ang usapan nila ni Professor Hamilton tungkol sa pag-start ng training and also about some teachers' stuff.
"Naku Henry. Mukhang pinuruhan mo talaga si Mister Scamander ha," sabi ni Professor Willow habang sinusuri at tinututukan ng flashlight ang nakanganga kong bunganga.
"It's part of the training, Professor," sagot naman ng katabi ko.
"His premolars and molars on the left side of his lower jaw are damaged," kalmadong sabi ng duktor. Kinuha niya mula sa katabing mesa ang isang glass jar na naglalaman ng mga mapuputing ngipin. Kumuha siya ng dalawang ngipin at binigay sa'kin. "Here, take this."
Kinuha ko naman iyun ngunit nag-alinlangan akong kainin ito. Tiningnan ko muna ito mula sa aking palad at sinuri.
"Those are Teeth Candies, Mister Scamander," sabi ng duktor nang may ngiti. "They heal damaged teeth."
I nodded and tossed those two Teeth Candies into my mouth. Taking this medicine is so weird. It is very wrong if I say I'm chewing these candies because actually, I feel like I'm grinding brittled teeth with my own teeth at the moment.
"You're next Henry," ani Professor Willow.
"Ah... it's okay Professor. I'm not wounded actually,"
Hindi nga siya nasugatan pero I'm sure he has bruises behind his sleeves. I say he's just shy to be treated by the school doctor in front of his student. Pero parang okay naman siya kasi kanina maayos naman ang paglakad niya papunta dito sa clinic.
"Okay. If you say so," the doctor said and gathered her things. "Pahinga na lang muna kayo diyan."
Ibinalik ng duktor ang jar of Teeth Candies sa katabing mesa. Actually on that table are jars of different weird-looking candy medicines. Sunod niyang binalik ang mga gamit niya sa mga cabinets saka siya bumalik sa kaniyang office table at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
"The Wisest Wizard didn't start well. He had a mediocre type of lore. And having a mediocre type of lore means you are a mediocre type of Loric. Ibig sabihin, hindi ganun kalakas ang personalidad niya. Hindi sapat ang laman ng puso niya para magkaroon ng malakas na klase ng lore," nagulat ako dahil sa biglaang pagsalita ng katabi ko.
So I guess the interrupted talk in the hallway must goes on.
"You mean, ventricles and atria?" I asked out of the blue that stopped him from explaining.
Tumingin naman sa'kin si Professor dala ang naniningkit na mga mata. "Stop being a sarcastic moron, Mister Scamander," he said.
On the record, that's the first time I joked. And Professor is also the first one to call me moron. I rolled my eyes from that thought.
"Ang laman ng puso mo ang magdidikta kung anong klaseng lore ang tataglayin mo. Your dreams, your deepest desires, your dominant emotions—they will make your lore. Pero dahil hindi ganun kalakas ang sinisigaw ng puso ng Wisest Wizard, ordinaryong lore lang ang nakuha niya," Professor continued.
"Ano ba ang unang lore niya?"
"Nobody knows. I guess it's too ordinary to be remembered," Professor reasoned out.
I agreed sa sinabi niyang "it's too ordinary to be remembered." Pero it's the original lore of the Wisest Wizard. It should be kept in mind kahit ordinaryo lang 'yun because it's still a big deal. Kahit siguro lapis niya ite-treasure ko kasi it's the freaking pencil of a legendary Loric.
"Pero hindi siya nag-settle sa pagiging ordinaryo lang. So he fed himself with so much knowledge para mapalakas ang lore niya. But instead of strengthening it, it gave birth to another lore—a more powerful lore,"
"Consider the Wisest Wizard's case. He got an ordinary lore. He studied and studied and studied and studied para mapalakas ang lore niya. Let's say his personality rate is 50% and his intelligence rate is 100%. Then for you, you could have at least 70% of personality rate and 75% intelligence rate. Your resulting lore is nearly as powerful as the lore of the Wisest Wizard, Mister Scamander," Professor Hamilton explained further.
"I can't see any basis for you to come up with that accurate data, Professor," I said.
"It's just a rough estimation. But I'm certain about that,"
"Paano mo naman nasabi Professor na 70% ang personality rate ko?" I asked and turned my gaze to him, waiting for an answer.
"I took advantage with your transparency. It's like, you're up to something that you really want to do. And I guess, you have this thirst to prove yourself," Professor answered firmly as if he is very certain about it.
"No Professor. I believe I have proven myself already," sabi ko naman na medyo ikinagulat ni Professor dahil lumihis ang paningin niya sa'kin. "It's more like, I have the thirst to prove something,"
Professor's left brow rose after hearing my response. I think it's an "oh-really?" expression.
"And what could that be?"
"You'll know once I have proven it already Professor,"
PAGKATAPOS kanina ng pagpapagamot ko sa clinic, sinabihan ako ni Professor Hamilton na dumiretso na lang ako sa Nest. Bumalik naman siya sa training room para ipagpatuloy ang training at makaharap din ang ibang Loric.
Sa naging usapan namin kanina ni Professor, masasabi kong marami akong nalaman. Una na riyan ay ang tungkol sa magiging basehan kung anong klaseng lore ang tataglayin mo. Tapos nalaman ko rin ang tungkol sa totoong lore ng Wisest Wizard. Though I don't know exactly what his original lore is. But at least I know na ginawa niya pala ang Hand Mantras.
Unti-unti na ring humilom ang sugat ko sa kaliwang dulo ng bibig ko ngunit nag-iwan nga lang ng pasa. Hindi na rin masyadong masakit ang ngipin ko. I'm very thankful for those Teeth Candies even though I had a hard time taking those.
Nanatili lamang ako sa loob ng Nest at hinintay ang pagdating ng mga kasama ko. Dumating na rin pala ang ipinadalang mga libro ni Professor Hamilton na gagamitin ko sa aking pagre-review. Aabot sa sampung makakapal na mga libro iyun.
Mga ilang oras din ang naubos ko bago dumating ang mga kasama ko. Pagdating nila, halatang pagod na pagod at gutom na gutom kaya sa ngayon, kasalukuyan kaming naghahapunan. Chicken Adobo naman ang niluto ngayon ni Melina.
"WOW! Ambango ng luto mo Melina! Lalo akong nagutom!" reaksiyon ni Pruschian mula sa upuan niya habang may pahimas-himas pa sa tiyan niya.
"Oo nga! Matagal na akong hindi nakatikim ng Chicken Abobo!" sabat din ni Luca sabay blink ng mata niya nang ilang beses.
"Hindi 'yan Abobo, Luca. Adobo 'yan," pantatama ni Pruschian.
"Alam ko kuya! Ikaw ang Abobo eh!" saka sila nagtawanan.
Ako? Hindi ako tumawa kasi hindi naman nakakatawa. Nakatingin lang ako sa kanila mula dito sa usual seat ko kapag kumakain kami – ang karaniwang puwesto ng mga tatay. Tsk!
"HAHAHA! Paanong hindi magiging Abobo eh kalahating minuto pa lang, natalo na siya sa laban nila ni Dober," pamamahiya ni Nero kay Pruschian.
"Nahiya naman ako sa laban niyo ni Lady Dabich. Nagmukha ka ngang inasal na baraha dun kanina eh!" ganti ni Pruschian.
Inasal na baraha? I guess this wet mage here needs to improve his sense of humor.
Isa-isa kaming kumuha ng tigdalawang hiwa ng manok mula sa mangkok ng Chicken Adobo. Ang kinuha ko ay isang pakpak at isang drumstick. Nagsimula na kaming kumain at maririnig na naman ang paglagating ng mga kutsara't tinidor.
"What is Dober's lore?" I asked out of the blue.
Lahat naman sila ay napatigil sa pagkain o sa kung anuman ang ginagawa nila. Lumihis ang kanilang paningin papunta sa'kin dala-dala ang mukha na parang nagsasabing "nakalimutan naming nagsasalita ka pala." Hindi ko naman sila masisisi.
"Hay naku Drape! Grabe ang labanan kanina. Sayang hindi mo napanood. Pero sobrang astig ng lore ni Dober! Katulad nga ng sinabi ni Nero, hindi ako tumagal ng kahit kalahating minuto sa laban namin. Eh wala naman akong laban dun in the first place. HEHEHE!" ani Pruschian.
"Ang lore kasi ni Dober is Electric Magic kaya wala talagang panama si Pruschian sa kaniya. Ito naman kasing si Pruschian, naunang umatake kahit hindi pa alam ang lore ni Dober. 'Yan tuloy! Kinuryente siya gamit ang tubig niya. Sino ngayon ang nagmukhang inasal?" pangungutya ni Nero.
Electric Magic pala ang lore ni Dober. Kahit sinuman ay bibilib sa ganitong klaseng lore. It's one of the most powerful lore I know. But still, my lore is the best.
"'Buti na nga lang magaling ang duktor sa clinic. Napagaling niya kaagad ako," sabi ni Pruschian. I wonder kung ano ang pinainom sa kaniyang gamot.
"Pero kuya, super duper galing ni Kuya Yojan kanina! Hindi siya nagpatalo kay Sir Dober. Pero hindi din naman nagpatalo si Sir Dober, kaya walang natalo," singit ni Luca habang hinihiwalay ang balat ng manok sa laman nito. Naninilaw na rin ang mga daliri niya dahil sa oil. Nagkakamay lang kasi siya.
"Hindi kasi maka-focus si Dober sa pag-atake niya kasi kinukulit siya ng mga kaluluwa. Kung subukan namang atakihin ni Dober ang mga kaluluwa, hindi naman sila nakukuryente kasi nga, kaluluwa sila. Kaya nagtagal na neutral ang labanan nila hanggang sa naubos ang time," paliwanag ni Melina.
Narinig naman naming pinatik ni Pruschian nang pauli-ulit ang baso niya gamit ang hawak na kutsara. "Yieee! Ikaw talaga ang nag-explain ha. Parang binantayan mo talaga ang laban ni Yojan ha. O baka naman siya ang binantayan mo?" nakangiting panunukso ni Pruschian.
Melina just rolled her eyes. Si Yojan naman ay walang pakiealam at patuloy lang sa pagkain. Ilang beses pang pinatok nang pinatok ni Pruschian ang baso niya. Natigil lamang siya nang umubo ng peke si Vitani. Speaking of her, sino kaya nakalaban nito?
"Ikaw Vitani paubo-ubo ka diyan. Papansin ka eh. Gusto mo lang ma-acknowledge kasi natalo mo si Professor Hamilton!" sabi ni Pruschian.
Tinignan naman siya nang pagkasama-sama ni Vitani kaya naman nginitian niya ito at nag-peace sign.
Natalo? Well, napuruhan ko na si Professor Hamilton sa laban namin at hindi siya nagpagamot sa clinic. Kaya siya natalo ni Vitani. That explains everything.
"Wala namang question dun kasi kahit sino naman, kayang patumbahin ni Vitani sa isang iglap lang," ani Melina.
"Oo nga. Lalo na ikaw Melina. Hindi ka nga makalapit kanina kay Lady Dabich eh," pang-iinsulto ni Pruschian.
"Alam mo Pruschian kanina ka pa ha! Anghilig mong mamahiya ng ibang tao. Makalait ka diyan parang nakalapit ka kay Dober kanina," ganti naman ni Melina.
"Sinasabi ko lang ang totoo. Pero kasi, kahit ako hindi rin ako lalapit dun. Smoke Magic kasi ang lore ni Lady Dabich. At saka sobrang astig kasi nakakapaso ang usok niya kaya hindi makalapit si Melina," dada ni Pruschian.
Medyo nagulat ako nang marinig ko na nakakapaso ang kaniyang usok. That's a very big advantage for her especially sa katulad ni Melina na isang short-ranged Loric o 'yung kailangan pang lumapit sa kalaban para umatake.
"Pero ibahin mo si Luca. Tumagal siya ng limang minuto laban kay Lady Dabich. At first time kong makita ang isang bear ni Luca. Grabe anlaki! Nagtago nga ako sa likod ni Yojan eh!" sabat naman ni Nero.
"Oo kuya! Hindi kasi natatablan ng init si Stimpy kaya hindi siya napapaso sa usok. Pero hindi siya makalapit kay Ma'am Lady kasi hindi siya makakita. Dumilim kasi ang usok niya. Pagkawala nga ng usok, nakita ko nakahiga na si Stimpy. Aatakihin na sana ako ni Ma'am Lady pero 'buti na lang tapos na ang time," kuwento ni Luca.
"Anggaling mo dun Luca!" puri ni Nero.
"Thank you kuya!"
I'm a little bit thankful to them. Minsan maganda rin pala na mabunganga ang mga kasama mo. Tinanong ko lang kung ano ang lore ni Dober pero kinuwento na nila ang buong labanan sa training room kanina.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Namayani muli ang paglagating ng mga kubiyertos dito sa loob ng Nest. Ngunit tumagal lamang iyun ng ilang segundo matapos gambalain na naman ng isang basang bunganga.
"Wait lang. May naalala ako," si Pruschian na naman.
"Parang palagi ka namang may naaalala," ani Nero.
"Hindi importante 'to. Kasi diba kanina, sa last minute ng laban nina Drape at Professor Hamilton, nagawang tangayin ng hangin ni Drape ang pinalipad na mga armas ni Professor. Ibig sabihin ba nun, matatalo palagi ng hangin ang Telekinesis?" tanong ni Pruschian.
Mabuti napansin niya 'yun. This kind of instances should be taken seriously because this will help us improve our skills in analyzing lores which is very vital for the tournament.
"Ano sa tingin niyo?" tanong ko sa kanila. Alam ko naman ang sagot eh. It's time for them to think.
"Not necessarily na matatalo agad ng hangin ang Telekinesis," sagot agad ni Melina.
"Bakit naman?" tanong ni Pruschian.
"Okay, wait. Let me get some props," sabi ni Melina at pumunta sa sink. Sinundan naman namin siya ng tingin.
Pagbalik niya ay may dala siyang isang basong tubig at tatlong pirasong plastic cups na walang laman. Nilapag niya ang tatlong pirasong plastic cups sa mesa habang hawak-hawak naman niya ang isang basong tubig.
"Let's say, this glass is Professor Hamilton and the water inside it is his force. Then these three cups are the weapons he used kanina. Para mapalipad niya ang mga ito, he needs to distribute his force," Melina started and evenly distributed the water from the glass into the three cups. As expected, konti lang ang laman bawat cup.
"Then," hinipan niya ang tatlong plastic cups at matutumba sana ito ngunit pinigilan din niya dahil baka kumalat sa ibabaw ng mesa ang tubig. "That's why lumipad ang mga weapons kanina because a very small amount of force is holding each weapon."
"But if you do this," sunod niyang ginawa ay nilipat niya ang lahat ng tubig sa iisang plastic cup. Tapos ay hinipan niya ito at katulad ng inaasahan ay hindi ito gumalaw. "It didn't move."
"So to wrap up, the more objects you used, the lesser force can hold," paliwanag ni Melina. "Dahil maraming weapons ang pinalipad kanina ni Professor Hamilton, very small amount of force lang ang nagho-hold sa bawat weapon kaya nang mag-release ng hangin si Drape, lumipad lahat ang mga 'yun."
I'm quite amazed kasi I thought, she will just explain it verbally but she also showed a model so that others will understand it more. That's a very accurate explanation and demonstration.
"Ah. Ganun pala 'yun," reaksiyon ni Pruschian pero I'm not really sure if he fully understood it.
"Akala ko wala ng kawala ang Telekinesis sa hangin eh," ani Nero.
"Anggaling mo naman ate. Paano mo nalaman 'yun?" tanong ni Luca.
"Hindi naman Luca. Nakaugalian ko lang magbasa ng libro," sagot ni Melina.
"Pero Drape," tawag na naman sa'kin ni Pruschian. "Huwag kang mag-alala about sa nangyari kanina kasi hindi ka namin nilaglag. Actually hindi rin naman sila nagtanong kanina kung paano mo nakontrol ang hangin eh. Kaya ligtas pa rin ang sikreto mo."
I just rolled my eyes.
"Kumusta ang pagiging Wisest Wizard, Drape?" tanong ng babaeng hindi pa nagsasalita simula kanina.
She's starting again. Akala ko matatahimik na ako dahil nag-conclude na sila na ako ang Wisest Wizard. Pero sa tingin ko parang lumala pa pala. I looked at her and she is wearing her annoying smirk again and I hate it so much!
"Gusto kong malaman kung na-in love na ba ang Wisest Wizard. 'Pag nagkataon, sino kaya ang malas na babae?" sabi naman ni Nero. Syempre, sumawsaw din ang iba at pinilit ako na sagutin 'yun. Tinignan ko naman nang masama si Nero. "Joke lang!" sabi niya.
"Drape, sampulan mo naman kami ng Hand Mantras oh! Biruin niyo 'yun. Makikita natin ang Wisest Wizard na ginagamit ang legendary na Hand Mantras! Kung pwedeng ituro, ituro mo na rin sa'min" sabat naman ni Pruschian.
"Kung ikaw kaya sampulan ko?" sabi ko sa pinakamahinang boses ko habang nakatingin sa kaniya ang mga nananakot kong mata.
Nag-peace sign naman sa'kin ang tukmol.
"Diba kuya bumalik ka sa pagkabata? Naglaro ka pa rin ba habang lumalaki ka? Ang-cute siguro makita na ang Wisest Wizard naglalaro ng stuffed toys," pagsali rin ni Luca. Hindi ko naman siya pinansin kasi alam kong si Luca 'yan.
Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na okay lang ang mga madaldal na kasama. Binabawi ko na.
"Pero Drape I just want to know kung ano ang feeling nung tinamaan ka ng kapangyarihan ni late Headmaster McGreggor. Para bang... electric shock? Or para bang...something else? Siguro sasagutin mo naman 'yan kasi hindi naman masyadong personal diba?" tanong naman ni Melina.
"I won't entertain any question,"
Napagdesisyunan kong magpanggap na lamang na ako nga ang Wisest Wizard para matakpan ang tunay kong pagkatao. Pero hindi ko kailanman sasagutin ang mga tanong nila dahil hindi ko naman alam ang mga sagot. Hindi naman kasi ako ang totoong Wisest Wizard.
"Sige na Drape. PLEASE!" pagmamakaawa ni Melina.
"Kung hindi mo kami sasagutin, sasabihin namin sa iba na ikaw ang Wisest Wizard," pambabanta ni Pruschian.
"Samahan pa kita," sabi ko sa kaniya. Then he awkwardly laughed.
"Napatay mo ba talaga ang Blood Lord?" tanong ni Vitani.
"I don't know," mahinahon kong sagot.
"Anong 'I don't know'? 'I don't know' na hindi mo alam kung napatay mo ba talaga siya? Or 'I don't know' lang ang sinagot mo dahil ayaw mo kaming sagutin?" si Melina.
Melina is like an inquisitive media. Tanong nang tanong.
"I don't know," sagot ko ulit.
Melina sighed as if surrendering.
"Pero diba sabi ni Kuya Yojan, buhay pa ang Blood Lord," singit ni Luca.
Hindi naman kumibo si Yojan kahit narinig niya na nabanggit ulit ang kaniyang pangalan. Patuloy lamang siya sa pagkain at mukhagng sarap na sarap pa siya sa kinakain niya.
"Yojan," tawag ni Nero sa kaniya. Umangat naman ng tingin si Yojan. "Sure ka ba talaga na buhay ang Blood Lord?"
"Accurate naman ang Obituary system ko," sagot niya at muling nagpatuloy sa pagkain. Kailangan lang pala siyang tawagin para makapagsalita.
"But I'm not fully convinced. Gusto ko sa bibig mismo ng Wisest Wizard manggaling kung patay na nga ba ang Blood Lord," ani Vitani habang nakatingin sa akin direkta sa mata.
"Salita ko lang pala ang hinihintay mo para maniwala ka," sagot ko sa gitna ng naglalaban naming mga mata.
"Flattered ka?" kumulo naman ang dugo ko at kumunot ang noo ko sa isinagot niya.
Padabog kong tinanggal ang paningin ko mula sa pagtitigan namin at nagpokus na lamang sa pagkain. "Stop asking questions because you won't get any answer from me," sabi ko na lang sa kanila.
Pagkatapos nun ay hindi na sila nangulit pa muli. Tinapos na lang namin ang aming hapunan at saka umakyat sa sari-sarili naming kuwarto. Nagbasa rin muna ako ng mga librong ipinadala ni Professor Hamilton para maka-review kahit konti lang bago matulog.
This day is just my first official day here in Grim Academy and it's a little bit exhausting. It is just my first day and I have already introduced the Wisest Theory, I got the spot for the Quizard Bee, the Reapers concluded that I'm the Wisest Wizard, I learned something new about the Wisest Wizard, I have revealed that I can also control wind, and Professor Hamilton suspected that I'm a Full Elementalist.
That's a lot for just a day!
There are so many good things and bad things happened just this day. Maybe this is a warning that even a smart and cunning Loric like me won't have an easy life here at Grim.
***
AUTHOR'S NOTE: HINDI KO ALAM GUYS KUNG NA-MISS NIYO AKO. PERO AT LEAST SA WAKAS, AFTER NEARLY A YEAR NAKAPAG-UPDATE NA RIN AKO ULIT. MAY MGA INEDIT AKO SA PREVIOUS CHAPTERS.
BE SAFE GUYS AND ALWAYS WASH YOUR HANDS! PRACTICE SOCIAL DISTANCING! WEAR MASKS!
GUYS YOU ARE ALL FREE TO COMMENT DOWN YOUR THOUGHTS, CONCLUSIONS, AND THEORIES REGARDING THE STORY. DON'T ALSO FORGET TO VOTE AND TO FOLLOW ME. THEY WILL BE HIGHLY APPRECIATED.
THANK YOU FOR READING GUYS.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top