SPECIAL CHAPTER 1
Special Chapter 1
Nakalatag sa harapan ni Kai ang isang coffee at cake. Nasa loob kasi siya ng opisina ng asawa niya—si Priam Lacsamana. Panay ang sulyap ni Kai sa asawa niya na nakasuot ng salamin at naka-business attire ito. 'Ang lakas ng dating ng asawa ko.' Pagmamalaking bulong ni Kai sa utak niya habang tinitingnan ang asawa niya na abala doon sa pag-iinterview sa mga aplikante.
Ang dating secretary ni Priam ay magl-leave dahil kapanganakan na nito at kailangan ni Priam ng bago kasi matagal pa makakabalik ang dati niyang secretary. Ayaw sana ni Priam na patagalin ang secretary niya sa pagleave nito kaso lang. Naalala ni Priam na sobrang bait nito at ngayon lang humingi ng pabor ang sekretarya niya kaya pinagbigyan na niya.
Si Kai naman ay napasulyap sa cell phone niya na nasa table sa harapan niyang nang umilaw ito. Nagtext ang yaya ni Arth. Nang iwan ni Kai ang anak niya sa bahay kasama ang yaya nito ay sinabihan niya ito na bigyan siya ng update sa kung ano na ang ginagawa ng anak niya. Nagpadala ang yaya ni Arth ng larawan nito na natutulog sa crib nito. Apat na taon na ang anak nila pero iyakin pa rin.
Nilapag ni Kai ang cell phone niya matapos iyong makita. Kinuha ni Kai ang tasa ng coffee saka siya simipsip doon. Binalik ni Kai ang mata niya sa asawa niya na nasa gilid niya pero ang distansya nila ay tama lamg upang marinig ni Kai ang tinatanong ng asawa niya sa mga nag-aapply na gustong maging secretary nito.
Sa tatlong na taon na kasal sila ni Priam at mag-aapat na rin pero di pumalya si Priam na ipakita kay Kai kung gaano siya kamahal nito. Oo nga't minsan may mga away sila at bangayan lalo na kapag tungkol sa pagkain at minsan sa mga mamahaling binibili ni Priam pero mabilis naman silang nagkaka-ayos. Oo ganyang bagay ang mga pinag-aawayan nilang mag-asawa.
Itinungkod ni Kai ang siko niya sa mesa sa harapan niya at inunan niya ang pisngi niya doon saka tumitig sa asawa niya ang hot ng dating kapag seryosong-seryoso sa trabaho. Di niya aakalain na sa bahay ay sinisigawan niya lang ang asawa niya. Pero sa trabaho nito ito ang kinakatakutan. Naririnig pa nga ni Kai ang mga panginginig ng mga nag-aapply sa tuwing sumasagot ito.
"Excuse me for a while." si Priam sa isang lalaki na aplikante.
Napaayos ng upo si Kai ng makita niya na tumayo ang asawa niya at naglakad ito patungo sa kanya. Umupo ito sa tabi niya at hinalkan nito ang sintido niya.
"Bat mo 'yon iniwan?" nguso pa ni Kai doon sa aplikante na naghihintay.
"Tsk. Are you hungry? May gusto ka bang kainin? Pwede akong mag-utos ng pagkain for you." tanong lang ni Priam sa asawa niya.
Iniling ni Kai ang ulo niya sa asawa at sumandal siya sa dibdib nito.
"Wala ayos na ako dito. Sabay na lang tayo kumain." sagot naman ni Kai sa tanong ng asawa niya.
"Sige. I'll just finish this at sabay na tayong kumain." si Priam saka bumalik sa mesa nito.
Bumalik doon si Priam saka nagpatuloy sa ginagawa nito. Kailangan kasi ma dumaan muna kay Priam ang magiging secretary niya dahil ito ang makakasama niya habang wala pa ang dati niyang sekretarya.
Distracted si Priam habang nag-iinterview siya doon sa mga applicants dahil sa titig ng asawa niya na nasa gilid niya lang at ilang hakbang lang ang pagitan nila.
I smile escaped from Priam's lips when he remembered why Kai went to his office today. Nasabi niya kasi sa asawa niya sa nagdaang gabi na naghahanap siya ng permanent na secretary dahil manganganak na iyong kasalukuyan niyang sekretarya.
"Bukas, baby, maaga akong aalis dahil may interview ako sa mga bagong applicants for my new secretary." ani ni Priam sa asawa niyang si Kai na nakaunan sa dibdib niya.
Pinaglalaruan ni Priam ang hibla ng buhok ni Kai at pa minsan-minsan naman niya itong hinahalikan. Ang kamay ng asawa niyang si Kai na nakayakap sa kanya ay kumalas at tumingala ito sa kanya.
"New secretary?" kumukot ang noo ni Kai bang tanungin niya ang asawa niya.
"Oo, diba manganganak na iyong secretary ko and the next day effective na iyong leave niya. Kaya kailangan ko nang bagong secretary Kai."
"Trabaho ng mga HR iyan Priam." reklamo ni Kai.
"Dumaan na sila sa HR sa akin ang final interview." katuwiran naman ni Priam sa asawa niya.
"May mga babae ba dyan?" tanong ni Kai.
Napangisi si Priam sa asawa niya na seryoso at lukot ang gitnang noo. Priam cannot help it but to smile. His ever choleric baby is really a type of man na madaling nadadala sa selos. Wala pa ngang nangyayari nagseselos na. Iniisip pa lang ang posibleng mangyari pumuputok na sa selos.
"Of course baby. Hindi 'yan maiiwasan." sagot ni Priam sa asawa niyang di na maipinta ang mukha. Nagsasabi lang siya ng totoo.
"Sasama ako sayo bukas." ani Kai matapos ang mahabang katahimikan.
"Baby, mababagot ka lang doon." Si Priam at ginapang ang kamay niya sa suot na damit nang asawa niya. Suot nito ang isa sa mga damit niya kaya maluwag na maluwag iyon para sa katawan ng asawa niya.
"Sasama nga ako." pilit pa ni Kai sa asawa niya at nararamdaman na niya ang kamay nito sa loob ng damit niya. Ang kamay nito ay nasa likod niya at para siya nitong kinikiliti. Naglalaro ang mga daliri ni Priam sa balat ng asawa niya.
Mainit-init ang balat ni Kai kaya naman gustong-gusto ni Priam na hinahagod niya ang daliri at palad niya sa balat ng asawa niya. And Kai didn't mind it either. Kai also wants his husband's hand on him. Kung noon ay napapaigtad siya at nagugulat pa siya sa ganoong galawan ni Priam pero sa tagal ng pagsasama nila nasanay na siya. Parang may kulang nga kung di iyon ginagawa ng asawa.
Sa katunayan nga ay nakakatulog siya kapag ginagawa iyon ng asawa niya. Mas mabilis siyang nakakatulog kapag ganoon.
"Kai maboburyo ka lang doon kakakinig sa akin at sa paghihintay ng oras." si Priam na ngayon ay gumuguhit na nang maliliit na bilog sa kahubaran ng asawa niya. Umangat na kasi ang damit ni Kai.
"Basta sasama ako. Hindi naman kita guguluhin doon. Manood lang ako. Titingnan ko rin ang mga applicants mo."
Sinara ni Priam ang folder ng huling aplikante para sa umaga. Umalis na ang huling applicant at napahilot si Priam sa batok niya at hinubad ang salamin na suot niya.
Napabaling siya sa kinauupuan ng asawa niya. Napahinga siya nang makita itong nakatulog at nakaakbay sa mesa. Ni hindi man lang nito nagalaw ang cake nito at ang coffee na ni-request kanina ay konti lang ang nakuha.
Lumapit siya sa asawa niya.
"Baby." paggigising ni Priam sa asawa niya at inalis niya ang buhok na tumatakip sa mata niya.
"Hmm," ungol lang ni Kai.
Umayos ng upo si Priam at binuhat ang asawa saka humiga siya doon sa mahabang sofa at hiniga niya ang asawa niya sa ibabaw niya. Sasakit kasi ang leeg ni Kai kapag nagtagal ito sa ganoong posisyon kanina. Kaya minabuti na ni Priam na ganoon. Mas komportable pa ang asawa niyang nakahiga sa ibabaw niya. Sa mga nagdaang araw ay napapansin ni Priam na madalas ang pag-iiba ng ugali ng asawa niya. Mas sumama ang mood swings nito. Hindi na rin ito masyadong kumakain tapos ayaw pang kumain nito ng gulay. Nag-aaway na lang tuloy sila tungkol sa ganoong bagay.
Madalas na rin ang pagkaantukin ng asawa niya kagaya ngayon. Na tulog na tulog sa ibabaw niya. Priam can't help himself from admiring his wife— Kai. Even if they're years in marriage. Every day that passed mas lalo niya itong nakikilala at mas minahal niya pa ito lalo. Priam is feeling blessed with his family now. He have his choleric baby wife and his son, Arth. Everything seems perfect for him.
Nang maiisip niya noon na hindi niya pa malapitan si Kai. Parang torture iyon sa kanya habang hinihintay niya si Kai. Para siyang isang tao na naghihintay kung kailan mahihinog ang isang prutas at kailan ito pwedeng mapitas.
Lahat ng paghihintay at paghihirap niya ay worth it naman dahil ngayon kapiling na niya ang prutas na matagal niyang hinintay na mapitas. Nga lang di iyon nahinog inakyat niya kasi iyon at siya na mismo ang pumitas.
Si Priam ay di magsasawa sa pagmumukha ng asawa niya. At di siya magsasawang araw-araw itong sabihan kung gaano niya ito kamahal.
Nang gumalaw ang asawa niya ang naiyakap niya ang dalawang kamay niya dito upang di mahulog. Napangiti si Priam nang makita na sumimangot ang mukha ng asawa saka bumukas ang mata nito.
"Good afternoon baby." aniya.
Napakurap-kurap naman si Kai nang marinig niya ang boses ng asawa niya. At nang makita ni Kai na nakahiga pala siya sa katawan ng asawa ay muli siyang humiga at inunan ang uli niya sa dibdib nito.
"Magugusot ang damit mo Priam." Ani Kai pero nakahiga pa rin sa dibdib ng asawa niya.
"I don't mind." si Priam. "Baby, wake up kakain pa tayo."
"3 minutes."
Priam glance at his watch and then turned his eyes to his wife. Yeah he prefers calling Kai as his wife and not a husband. Naisip kasi ni Priam na mas bagay iyon kay Kai.
Pero syempre may away pa talaga bago napapayag niya ang asawa niya na tawagin niya itong wife. Priam wants Kai to get pregnant again— to have another baby since his son, Arth is nearing 4 years old. Pero ayaw pa ni Kai. Malapit ng matahimik ang bahay nila dahil mag-aaral na ang anak niya. At gusto na niya naman ng isa pang anak.
Lumipas ang ilang minuto at lumagpas na sa 3 minutes pero si Kai ay natutulog pa rin sa ibabaw ni Priam at parang ayaw na nga nitong umalis doon. Kaya lang iniisip ni Priam na wala pang lunch ang asawa niya. Kaya ginising niya ito.
Mabuti na lang at di ito nagreklamo at bumangon si Kai saka dumating naman ang pina-order ni Priam. Isa rin sa mga napapansin ni Priam na ang tamad na ng asawa niya ngayon. Di naman tamad na tao si Kai at mahilig nga itong maglinis o kung hindi naman ay mahilig itong gumawa ng iba't-ibang DIY na kinaabalahan nito. Pero ngayon napansin ni Priam na panay na lang ang tulog nang asawa niya at minsan pa ay naaabutan niya itong natutulog lang sa bahay nila ay ang anak nila ay nakay Nelanie na nasa kabilang tower lang din ng penthouse nila.
"Ayaw ko na Priam." nakasimangot na anas ni Kai sa asawa niya nang subuan na naman niya nito.
Napabuntonghininga si Priam sa sinabi ng asawa niya. Naka-apat lang ito na subo at nagreklamo na na ayaw na nito.
"Kai ang liit lang nang kinain mo. Ganito ka ba sa bahay kapag wala ako?"
Inismiran lang si Priam ng asawa niya. "Di... naman."
"May kakaiba ka bang nararamdaman Kai kaya ayaw mong kumain?"
Humiga si Kai sa headrest ng sofa. "Hindi inaantok lang ako Priam."
"Okay one last bite." anang ni Priam at muling kinuha ang kutsara saka sinubuan si Kai.
Bumangon si Kai. "Talaga isa na lang?"
Naikot ni Priam ang mata niya nang nakita niyang sumigla bigla ang mukha ng asawa niya. Nang marinig nito ang sinabi niya.
"Yeah." sinubuan ni Priam si Kai saka niya binigay ang tubig dito.
"Gusto ko pala ng mango shake Priam. Tapos Iced coffee rin tapos maraming ice." sabi ni Kai kay Priam at uminom ng tubig.
Tinitigan ni Priam ang asawa niya habang umiinom ito ng tubig. Napabuntonghininga ulit na lang siya saka kumain sa tirang pagkain ni Kai.
Sumakit na ang ulo ni Priam ng alas tres na at wala talaga siyang nakitang karapat-dapat na aplikante sa posisyon na iiwan ng sekretarya niya. Dalawang folders na lang at sumasakit na ang ulo niya dahil baka umalis na lang ang sekretarya niya at wala pa siyang nakukuha.
Napahilot na lang si Priam sa batok niya. Bumukas ang pintuan niya at niluwa doon ang isang babae na nakasuot ng pencil cut na skirt tapos ang pang itaas naman nito ay isang tube na pinatungan ng isang coat at naka-heels ito. Hindi naman ito ang unang babae na pumasok sa opisina niya ngayon na ganoon ang suot kaya di na iyon binigyan ng pansin ni Priam. Bugkos binaba ni Priam ang tingin niya doon sa folder at binasa niya ang pangalan doon sa resumè.
"Ms. Yonson?" si Priam.
Maarteng tumango ang babae na nakatayo pa at arte rin nitong sinukbit ang takas na buhok sa tainga nito.
"Yes, sir. Mery Yonson."
Tamad na tumango si Priam. "Okay have a seat."
Si Kai naman na nasa gilid lang ay napaigtad ang tainga niya nang marinig ang isang maarteng boses! Abala sana siya doon sa iced coffee niya at naaliw siya sa tunog n'on kapag sumisipsip siya doon pero ang atensyon niya ay nakuha nang marinig ang boses na maarte!
Sadya na binagsak ni Kai ang shake sa mesa habang ang mata ay nandodoon sa mesa ng asawa niya. Kitang kita niya kung paano ang paraan ng pag-upo noong babae na aplikante sa upuan na nasa harap ng asawa niya. Sinadya talaga nito na payuko na umupo upang makita ang malaking suso nito! Lumikha iyon ng ingay kaya si Priam ay napalingon sa kinauupuan ng asawa niya na ngayon ay nagdidilim na ang mata.
Napapikit sa inis ni Kai nang makita niya ang asawa niya na si Priam na pinanlakihan siya nito ng mata na parang naiisturbo ba ito! Mas lalo pang nainis si Kai ng nagf-flip pa ito ng buhok at maarteng babae sa harap ng asawa niya at ang boses nito ay parang nang-aakit!
"Sorry sir. I'm really nervous that's why I said it in accident." natatawa pang anang nito na iyon lang ang naklaro sa pandinig ni Kai.
Hindi na nakayanan ni Kai at nanginginig na ang kamay niya na nasa mesa. Tumingin siya doon sa kamay niyang nanginginig nang mahagip ng mata niya ang tasa na iniinuman niya ng kape kaninang umaga. Walang pagdadalawang isip na kinuha ni Kai iyon at walang pa tumpik-tumpik na binato ang tasa na may laman pang kape pero malamig na sa direksyon ng babae.
Si Priam naman na napansin ang kilos ni Kai ay agad na napatayo sa kinauupuan niyang swivel chair at sinangga ang katawan sa lumalipad na tasa. Nabasag ang tasa ng mahulog ito sa sahig.
"Fuck!" mahinang anang ni Priam nang tumama ang tasa sa balikat niya.
Si Kai naman na nakasaksi sa ginawa ng asawa niya ay napatakip sa bibig niya. Napatayo siya sa kinauupuan niya at di agad nakalapit sa asawa niya.
"Oh my god! Sir!" ang babaeng aplikante at dinaluhan si Priam.
Parang nay kung anong ispirito na pumasok sa katawan ni Kai at malalaking hakbang ang ginawa upang puntahan ang asawa niya.
"Wag mong hahawawkan ang asawa ko!" galit na untas ni Kai at tinampal ang kamay ng babae na nakahawak sa braso ng asawa niya.
"Ouch!"
"Umalis ka na dito. Di ka na tanggap!" sigaw dito ni Kai.
"Bab-"
"And who are you to say that? Will you please-"
"Asawa ako!" turo pa ni Kai sa sarili niya. "Asawa ako ng nilalandi mo babae ka! Akala mo di ko nakita? Pwes! Nagkakamali ka!"
"What?" maarte nitong tanong.
"Ms. Yonson please just leave the room."
"Pero sir-"
"Umalis ka na miss kung ayaw mong masaktan ka nang asawa ko." putol ni Priam sa babae sa hinakawan ang nanginginig ng kamay ni Kai. Alam ni Priam na nangangati ang kamay ng asawa niyang patamaan ang mukha ni Ms. Yonson. Kaya manabuti na niyang sumingit.
"Bakit mo ba sinangga ang sarili mo? Iyan tuloy! Ikaw ang nakamaan!" si Kai nang makaalis ang babae.
"Kai di mo dapat ginagawa iyon." mahinahon na anang ni Priam. Ayaw niyang mas uminit pa ang ulo ng asawa niya.
"At bakit? Nilalandi ka noon Priam! Halatang-halata! Ikaw ba naman landiin ang asawa mo sa harapan mo!"
"Kai-"
"Eh, kung ikaw may lumandi sa akin at nakatingin ka, anong gagawin mo?" may panghahamong tanong ni Kai sa asawa niya.
Napasinghap si Priam. Hindi niya alam kung bakit napunta na sila sa ganitong usapan.
Gumalaw ang panga ni Priam bago sinagot ang asawa. "Ibang usapan na iyan Makaio Lacsamana. Mapapatay ko talaga ang sumubok."
"Tingnan mo na."
"Pero Kai nasa-"
"Ah, bahala ka dyan-ah!" Napasigaw si Kai ng paghakbang niya ay hiyakap ni Priam ang baywang niya.
"Damn it baby! Mag-ingat ka may bubog sa sahig."
Bumagsak ang mata ni Kai sa sahig na may bubog nga doon mula sa tasang nabasag kanina. Hindi alam ni Kai kung bakit pero biglang umikot ang paningin njya kaya napahawak siya sa damit ng asawa niya.
"P-priam na-"
"Kai." si Priam nang makita niya ang asawa niyang namumutla.
"Na-nahihilo ako P-priam..." si Kai at agad umikot ang mata bago nawalan ng malay sa kamay ni Priam.
---
"Uncle Rain. Ano ang nangyari sa asawa ko?" tanong ni Priam nang nagliligpit ang uncle niya sa mga gamit nito.
Lumabas lang siya saglit dahil may sinagot niya ang tawag ng papa Gino niya. At nang makapasok siya ay tapos na ang uncle niya at si Kai naman ay nakasandal na sa kama na nandidito sa loob ng opisina niya.
"Makaio di ba niya alam?" si Rain kay Kai.
Umiling naman si Kai sa tito Rain niya. Si Priam ay halos magtagpo ang kilay dahil doon.
"Mas mabuting kayong mag-asawa ang mag-usap Priam." madramang anang ni Rain at binitbit ang bag niya at tinapik ang balikat ni Priam saka tumalima.
Agad na lumapit si Priam sa asawa niyang nakasandal sa kama. Umupo si Priam sa gilid ng asawa. Hinawakan niya ang kamay ni Kai.
"Baby. What's wrong?" may pag-aalalang tanong ni Priam kay Kai.
Dina-dramahan ni Kai si Priam at umakto siyang naiiyak. Kahit na ang totoo ay masaya naman siya. Sa katunayan ay buntis siya. Kaya siya walang ganang kumain, tapos tinamad pa siya, at kaya rin siya nawalan ng malay kanina. Tapos di na rin siya dinugo kaya may kutob na talaga siya pero wala pa siyang sinasabi sa asawa kasi di pa siya nakakapunta ng clinic. Pero ngayon ay kinumpirma iyon ng tito Rain niya na buntis siya at may PT na rin siya.
"Kai," si Priam na di na niya maipaliwag ni Kai ang ekspresyon nito.
Kinuha niya sa likod niya ang tinago niyang PT doon.
"Akin na ang palad mo." si Kai kay Priam.
"Huh?"
"Ang palad mo akin na."
Naguguhan man ay sinunod ni Priam ang utos ng asawa niya. Nilagay ni Kai doon ang makakuyom niyang kamao na naglalaman noong PT. Nilagay niya sa palad ni Priam ang PT.
Nang makita ni Priam iyon ay napakurap-kurap siya. Hindi na siya ignorante kung ano iyon. Pregnancy Test iyon at nakita niya ang dalawang pulang linya doon.
"S-sayo ito?"
Nakangiting tumango si Kai.
"You are... you're pregnant Kai?"
"Hmm, may bago ka na namang pupuyatan." biro ni Kai sa asawa niya na parang di makagalaw sa kinauupuan nito. May sasabihin pa sana si Kai sa asawa niya kaya lang bumagsak na si Priam sa sahig at walang malay.
Nawalan ito ng malay!
---
"Hahaha! Ang bakla mo naman pinsan!" tawang-tawa anang ni Erris ng malaman niyang nawalan ng malay si Priam nang malaman nito na buntis si Kai sa pangalawang anak nila.
Hindi alam ni Priam kung bakit nalaman ito ng pinsan niya. Pero di niya iyon ikakaila dahil nawalan talaga siya ng malay doon. Noong ay naiyak siya tapos ngayon naman ay nawalan siya ng malay.
"Wag mo akong tawanan Erris. Tingnan lang natin kung ikaw na." inis na anang ni Priam sa pinsan niya.
Umiling si Erris. "Tssk! Di mabubuntis ang partner ko e." anang niya sa pinsan.
Kinagabihan ay magkatabi si Priam at Kai na nakahiga na sa kama. Di na nila napag-usapan ni Kai ang nangyari sa opisina niya dahil wala na rin naman silang paki doon. Kaya lang naman isinangga ni Priam ang katawan niya doon sa tasang binato ni Kai dahil ayaw niyang magantihan si Kai doon sa babae. Saka wala rin naman siyang balak na i-hire ang ganoong babae. Papaalisin na sana iyon ni Priam kaya lang umiksina ang asawa niyang mainitin ang ulo.
"Sinabi mo ba kay Erris na nawalan ako nang malay Kai nang malaman kong buntis ka?" tanong niya sa asawa.
"Hindi kay Nelanie lang." sagot naman nito.
Napabuga ng isang marahas na hininga si Priam. Kaya naman pala.
"Bakit nalaman niya?" natatawang tanong ni Kai sa asawa niya.
Umingos si Priam at tinanguan ang asawa niya saka hinalikan ang labi nito.
"Ang OA mo kasi e. Noong una di ka nawalan ng malay pero sa pangalawa nawalan ka na nang malay."
Sinimangutan ni Priam ang asawa niya na sumiksik sa leeg niya.
"Di nga nawalan ng malay pero umiyak naman."
Tinawanan ni Kai ang asawa niyang nakasimangot ang mukha. Umusog si Kai saka bahagyang itinaas ang ulo upang halikan ang nakakunot na noo ng asawa saka niya hinalikan ang labi nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top