CHAPTER 9
Chapter 9
Kai Pov
"Oh, yan tshirt magbihis ka." tinapon ko ang isang tshirt ko at shorts kay Priam na nakaupo sa sofa habang nagpupunas sa buhok niyang basang-basa sa ulan. Ang tshirt at ang shorts ay lumipad sa hita niyang nakabukas.
He leisurely check my tshirt and shorts. Tumaas ang kilay ko dahil sa ginawa niya. At bago pa siya makakomento pa ay nagsalita na ako. Nilagay ko sa baywang ko ang dalawang kamay ko habang taas pa rin ang kilay ko.
"Wag kang mag-inarte dito Priam. Wala ka sa pamamahay mo kaya kung ano ang ibibigay ko sayo ay yan na ang pagtiisan mo Lacsam-"
Nagpakawala siya ng hininga. "Kai," huminga ulit siya ng malalim. Bat ba parang nahihirapan ang taong ito! "Hindi lang makapaniwala-"
Naningkit ang noo ko at pinutol siya. "Hindi makapaniwala na ano!"
"God! Kai patapusin mo muna ako." argumento niya. "Hindi lang ako makapaniwala na makakasuot ako ng damit mo. Up until now," mahinang saad niya pero sa kabila ng malakas na ulan sa labas ay narinig ko pa rin iyong sinabi niya. "Pero wala bang mas malaki pa nito Kai?" Inirapan ko siya.
"Hoy! Lacsamana, unang una sa lahat wala ka sa pamamahay mo! Pangalawa, 'yan lang ang damit ko na pinakamalaki kaya pagtiisan mo. Saka kung ayaw mo, hala sige! Magtiis ka sa dyan."
"Kai, pwede mo namang sabihin sa akin na wala kang ibang tshirt na mas malaki pa dito. Pinapahaba mo lang sinasabi mo."
"Ah, papalag ka pa talaga-"
Pero hindi ko na matuloy ang sasabihin ko nang maghubad siya sa harap ko. What a damn scoundrel!
"Ano ba bakit ka naghuhubad dito may cr ako dito, oi!" Galit kong saad sa kanya.
"Kai, what's wrong? Puro tayo lalaki, kong ano ang may roon ako may roon ka rin. So what's wrong with that?" he argued.
"Magbibihis ka sa cr o aalis ka sa pamamahay ko!" pagpapapili ko sa kanya sabay tinuro ko ang pintuan na pinasukan niya kanina.
"Fine." pagsuko niya at pinanood ko siyang tamad na naglakad papuntang cr. Pagkapasok ni Priam sa cr ay agad akong umupo sa single na sofa. Pinugpog ko ang tuhod ko dahil nanginginig iyon. What the fuck! Katawan lang iyon. Ganun din ang katawan ko nga lang wala akong katawan na may pandesal. Napa-ismid ako sa sarili ko. Maputi pa nga ako doon, e.
Iwan ko ba kung bakit kapag nakikita ko si Priam ay basta na lang kumakabaog ang ang puso ko. Siguro dahil iyon sa galit. Oo, sa galit siguro. Nang kumalma ang panginginig sa tuhod ko ay tumayo ako at pumunta sa kusina. Habang wala siya ay naisipan kong pagtimplahan siya ng kape. Ang lakas pa rin kasi talaga ng uwan. Kanina ang init-init tapos biglang uulan ng ganito. Tamang-tama naman ng paglabas niya doon sa cr ay nakaupo na ako at ang kape niya na tinimpla ko ay nasa kahoy na center table.
"Iyan kape." nginuso ko ang kape.
"Para sa akin..." panatanong na saad ni Priam sa akin.
"Malamang sa malamang." pilosopong sagot ko sa kanya.
"Thank you." pasasalamat niya ako kinuha ang tasa ng kape. Ingat na ingat siya doon.
Tumango lang ako sa kanya. Nakatingin ako kay Priam habang hinihipan niya iyon kape. Pero ako na ang napangiwi sa kanya ng makita ko siyang ngingiti habang hinihipan niya iyong kape. Jesus! Nababaliw na ba itong Lacsamana'ng ito. Sana pala nilagyan ko ng lason iyong kape niya! Anong nginingiti ng lalaking ito! Pinagtatawanan ba ako nito? Pinagmasdan ko ang tshirt ko na hapit na hapit sa katawan niya tapos iyong short ko na mahigpit din sa kanyang hita mabalahibo. Ang laking tao naman nito!
"Ahhhhhhhh! Papa!" napasigaw ako ng biglang nawala ang kuryente. Lahat ng ilaw ay namatay! Sinundan pa iyon ng malakas na kidlat at kulog. Ano ito may bagyo ba? Napasigaw ako sa gulat! Muntik ng lumabas ang puso ko sa katawan ko sa gulat!
"Kai, are you okay?" Rinig kong wika ni Priam. Hindi ako umimik sa kanya kahit na narinig ko siya. Naramdaman ko nalang na may kamay na gumapang sa braso ko. Nang kumidlat ay nakita kong si Priam nga iyon. Agad kong kinuha ang kamay niya sa akin pero binalik niya ang kamay niya sa aking braso.
"Ano ba Lacsamana!"
"You're trembling Kai." he hissed.
Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan ko na lang siya na hawakan ako. Kahit naman kasi anong gawin ko ay matigas rin ang ulo nito.
"Mayroon bang flashlight dito or candle?" tanong niya sa akin.
"Ewan ko. Kakarating ko lang dito!" i barked.
"Stay here maghahanap lang ako."
"Pssh! Bat ba ang concern mo, huh. Umalis ka kung gusto mo!"
Walang paki si Priam sa galit ko sa kanya. "Just stay here." ulit niya pa.
Umalis si Priam sa tabi ko at wala naman talaga akong paki. Gusto ko ng matulog! Gusto ko ng umakyat sa taas at magpahinga. Masyado akong nai-stress ngayong araw na ito. Masyadong marami ang nangyari. Dagdagan pa na nakita ko si Priam TAPOS nandito pa sa pamamahay ko! Sobra-sobra na.
Hindi ko na siya hinintay at tumayo na ako. Handa na akong tumalima paitaas ng dumating si Priam dala ang flashlight.
"Where are you going?" he inquired while pointing the the flashlight on my face.
I covered my eyes. "Ano bang problema mo, Priam. Ilayo mo nga sa mata 'yang flashlight!" iritado kong wika. Nabilis niyang inalis ang ilaw ng flashlight sa akin.
"Matutulog ka na?" tanong na niya naman. Ang dami namang tanong ng taong ito!
"Oo, matutulog na ako, kaya ikaw bahala ka na dyan total wala ka namang mananakaw dito. Pagtumigil na ang ulan umalis ka at-"
"No, sasamahan kita."
"For god's sake! Priammmm," nangigil kong saad sa kanya at ipinadyak ang paa ko sa sahig. "Bat mo naman ako sasamahan sa kwarto, huh. Hindi naman ako takot sa dilim."
"You are shaking earlier." pangangatwiran niya na kinainis ko na naman ng husto.
"Nagulat lang ako." pagmamatigas ko.
"No, now you're sleepy. Aren't you? So let's go to your bed."
Magpoprotesta pa sana ako sa kanya ng kinuha na niya ang braso ko at hinila na ako patungong second floor. Ang isipan ko ay nagkabuhol-buhol na. Simula pa lang ay hindi ko na maintindihan ang kinikilos ng Priam na ito! His getting into my nerves! This damn scoundrel, Lacsamana!
Ako na ang nagbukas sa kwarto ko nang makita kong malipat-lipat ang tutok ng ilaw ni Priam sa dalawang pintuan ng kwarto dito sa second floor. Pagpasok ko ay agad na sumunod si Priam at sinara ang pintuan. Umupo na ako sa kama ko at napahawak ako sa tiyan ko. Nilagay niya ang flashlight sa mesa dito sa loob ng kwarto.
"Is your stomach okay?"
Agad kong kinuha ko kamay ko sa tiyan. Tinaasan ng kilay si Priam.
"O-oo naman." utal kong saad. Dammit!
He scurried towards but I'm fast enough to stop him. That's why he halted.
"Alam mo pasalamat ka at hinayaan na kitang hilahin ako dito sa kwarto ko at pinasama pa kita. Namimihasa ka na ng sobra Priam." seryoso kong saad sa kanya. Napayuko siya at umatras. He sat on the chair and look at me.
"Am I annoying you too much?" tanong niya.
Parang may sumuntok sa dibdib ko na hindi ko maunawaan. But I set it aside.
"Oo hindi pa ba sapat itong mga pinapakita kong attitudes sa iyo? Yes, Priam. I am very-very annoyed by just seeing you, maybe even seeing your shade will get into my nerves."
Pagak naman siyang tumawa. "I'm sorry. I'm so sorry. But can I ask you why your so annoyed?" Damn! He look like a lost puppy! Akala niya naman kinabagay niya iyon!
Hindi agad ako makasagot. "Kailangan ba pa niya-"
"Yes, there must be." he cut me.
"Sige, gusto mong malaman. Kaya inis na inis ako sayo dahil..." napatigil ako. Nang ma-realized ko na ang babaw lang pala ng mga rason ko. But of course! I have my pride! "Dahil... dahil naiinis lang ako sa mukaha mo... tapos girlfriend mo ang stepsister ko yet you've seen in different women. Your face is all over in the tabloids almost... almost everyday. I hate your infidelity with my- "
"Did you love your stepsister so much? Kaya ka nagkakaganyan. Or you're annoyed because i've been into another women." sabi niya na parang may ipinaparating siyang iba sa akin.
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Wala akong mahitang matinong sagot sa naging tanong niya sa akin. Naiinis ako. Naiinis ako ng sobra na naiiyak na naman ako. Bakit ako ganito? Dala pa ba ito ng pagbubuntis ko? Hindi ko na siya inimik at humiga na ako sa kama. Bahala ka dyan!
"Kai," tawag ni Priam. "Kai," he called me again but I don't bother to answer him anymore.
I hate him. I hate how he can make me feel like this! I hate you Priam!
"Kai, I'm sorry. Okay, from now on... hindi na kita aabalahin pa. I'm sorry na sa paglapit ko kapalit pala nun ang pagkainit ng dugo mo sa akin. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili. Myself... myself keep wanting you, Kai. I also hate myself. I hate myself, too, Kai. Sasamahan lang kita ngayon at bukas pagkagising mo hindi mo na ako makikita. But let me tell you something, Kai. I like you. I like you so much. I like you even if you hated me so much."
After he said it, after he confessed, I felt a pang on chest that I couldn't fathom. I hate him but what is this feeling? What are you doing to me, Lacsamana?
_______
Priam's surname is Lacsamana po talaga iwan ko lang kung ano ang nangayri sa utak ko at naging Lacsama lang iyon. Ngayon ko lang napansin. Anyhow, THANK YOU FOR APPRECIATING MY WORK. Labyo, ❤.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top