CHAPTER 8
Chapter 8
Kai Pov
Nag-arkila ng isang bangka si papa na siyang magdadala sa amin sa mismong isla daw. I've never been in that place and even hear it, until papa. Kay papa ko lang narinig. Tapos may lupa at bahay pa daw siyang binili doon. From our house dalawang oras bago kami nakarating sa isang port and from the port sasakay kami ng bangka to isla Viste.
Matulin takbo ng bangka at di rin maalon kaya mga isang oras ay dumaong na kami. From the seashore kung saan kami dumaong, nakikita ko ang mga bata sa di kalayuan kung saan kami na naglalaro, nagtatakbuhan. Hindi masyadong populated ang isla. Naiwan na ang nagmaneho sa bangka dahil may kinakabit pa siya doon at doon na na lang din niya hihintayin si papa.
Dala ko ang packpack bag ko at isang hand bag at sumunod ako kay papa na dala ang isang maleta ko. Yes, mukha akong lumayas sa amin at bitbit ko ang lahat ng damit ko sa akin. Parang wala na akong planong umuwi pa doon sa syudad.
The white sand is very fine. Tapos ang asul na dagat ay kumikinang dahil sa araw. At ang kalma ng dagat. I wonder kung bakit hindi ito ginawang resort ng mga may ari. Sa karatig na lugar dito. Magk-click talaga itong lugar na ito kapag naging resort dahil sa pinong buhangin.
Inayos ko ang balabal ko sa ulo nang liparin iyon hangin. Ang init kasi. Ilang metro mula sa binabaan namin ni papa Gino ay nakarating kami sa isang bahay na nasa meduim size. Gawa ang bahay sa bato tapos kulay puti ang kabuoan na kulay.
"Ito ba iyong bahay na binili mo dito pa?" tanong ko kay papa saka sinuri ko ang bahay.
"Oo halika ka pumasok na tayo. Ang init dito sa labas."
Alas dose na rin kasi ng tanghali kaya silak na silak ang araw. Pagpasok namin ni papa ay malinis na iyon. Kung sa labas ay kulay puti ang pintura dito sa loob ay pinaghalong blue and white ang kulay. Pagpasok mo living area agad tapos kita mo na ang kitchen mula sa sala at sa isang gilid ay makikita mo ang isang mababang hagdanan para sa taas.
"Pa ilang room po ang nasa itaas" tanong ko kay papa at nilapag ang dala kong mga bag. Ang bigat!
"Dalawa anak tapos isang common na shower and bath, dito naman sa baba may cr din pero walang shower dito."
"Bat ang linis na po ng bahay?" di ko mapigilang magtanong kay papa. Na naglalakad patungo doon sa kitchen. Sinundan ko siya. May maliit na refrigerator, may oven din, toaster, coffee maker at chiller din tapos may cupboards rin. Ang cute lang ng bahay. Dahil kahit na di siya malaki kompleto naman.
"May naglilinis dito kada-linggo kaya malinis talaga ito. Saka tinawagan ko rin ang naglilinis dito na dapat malinis na malinis ang bahay kasi dito ka na titira."
Napatango naman ako. Saka umupo sa bar na may dalawang upuan.
"Pa, dadalaw ka naman po sa akin diba?" tanong ko kay papa ng umupo siya sa tabi ko. Binigyan niya rin ako ng isang basong malamig na tubig.
Ginulo ni papa ang buhok ko. "Hay! Naku Kai kung pupwede lang na nandidito ako para masubaybayan ka pero hindi pwede dahil magdududa sina tita Jade at Jia kung bakit di kita maiwan-iwan. Kaya oo dadalawin kita dito."
Sa totoo lang ay kinakabahan din talaga ako para sa buhay ko at sa batang nasa tiyan ko.
Bago umalis si papa ay pinagluto pa niya ako at kumain na rin siya dahil lagpas tanghalian na rin. Pagkaalis ni papa ay dinala ko ang mga gamit ko sa itaas. Ang hallway ay may pintuan na magkaharap tapos sa dulo ay may isang pintuan din na hula ko ay ang common toilet and bath. Ang pinili kong kwarto ay iyong nakaharap sa dagat. Mabuti at merong cabinet naman na pwede kong paglagyan sa mga damit ko. Ang kurtina ng floor to ceiling na bintana ay hinawi ko at kitang kita ko ang napaka-asul na dagat dahil salamin lang iyon.
Binalikan ko ang mga gamit ko saka iyon in-arrange sa cabinet. Pagkatapos nun ay umidlip ako dahil inaantok ako sa pag-a-arrange ko sa mga damit ko. Pagkagising ko ay papalubog na ang araw. Umungas-ungas akong bumangon saka bumaba para initin ang pagkain na niluto ni papa kanina. Nagugutom na naman ulit ako.
Bumalik ako sa taas para magbihis dahil gusto kong tingnan ang sunset. Ilang lakad lang at nakarating ako sa dalampasigan. Napangiti ako sa papalubog na araw. Ang ganda lang tingnan ng araw. Noon dun sa amin hindi ko na a-appreciate ang ganitong klaseng bagay. Hinawakan ko ang tiyan ko. Natanong ko si papa kung lumalaki ba ang tiyan ng isang bearer kagaya ng mga babaeng nabubuntis at sabi ni papa lumulubo rin daw pero di naman gaano pero nakadepende rin.
"Hay!" Nagpakawala ako ng marahas na hininga. Ito na iyong sinasabi kong bubukod ako. Nangyari na pero may kapalit naman.
Pinagpag ko ang buhangin na kumapit sa short ko at saka tumayo upang bumalik sa bahay pero hindi pa ako nakakahakbang ay may nakita na akong tao. Shit! Sa sinag ng papalubog na araw ay kitang-kita ko ang bulto ng isang lalaki na naglalakad patungo sa akin. Ang lakad ng lalaki na mahina ay unti-unting bumibilis. Shit! Shit! Mura ko sa isipan ko saka tumalikod at binilisan ang maliliit kong hakbang. Pero nakaluhod ako sa buhangin ng matisod ako sa pagmamadali ko.
"Shit!" mura ko at tumayo.
"I was right after all. Nice to see you, Kai." nilingon ko si Priam.
Jesus! Pati ba naman dito ay nandidito ang lalaking ito? Paano niya nalaman na nandidito ako? Konting-konti nalang iisipin ko na talaga na ang isang Priam Lacsamana ay ini-stalk ako! Iwan ko ba kung saan ko pa siya ayaw na ayaw makita saka ko naman makikita ang pagmumukha niya.
Lumapit siya sa akin. Akala ko ay bubuhatin niya ako ng yumuko siya. Syempre hindi naman ako nag-assume pero para kasing bubuhatin niya ako. Pero puta! Niluhod niya ang isang tuhod saka sinuri ang tuhod ko. Shit! Basta talaga may kamalasan sa buhay ko nandidito itong lalaking ito!
"You should be careful." kalma niyang saad at pinalis at buhangin sa tuhod ko.
Imbes na magpasalamat ako sa kanya ay sinipa ko siya kaya napaupo siya sa buhangin at tiningnan ako. Pumikit siya ng mariin saka huminga ng malalim bago ako pinukol ng tingin gamit ang gintong mata niya. Tinaasan ko siya ng kilay ko. Anong akala niya matatakot ako sa pa ganun-ganun niya! Tssk! Tae mo Lacsamana. Iwan ko kung bakit imiinit ang ulo ko bigla!
"Ano bang ginagawa mo dito?! Bakit ka nandidito!?" i exclaimed.
Tumayo siya sa sarili niya at hindi ko siya tinulungan. Syempre ako ang nagtulak alangan naman na tulungan ko siya. Lalapit pa sana siya sa akin ng iharang ko ang kamay ko.
"Ops! Ops! Distansya." anang ko.
"I'm just... i'm just wanderin around until nakarating ako dito." sagot niya sa akin. Anong paandar na naman ito at ang kalma niya ata ngayon.
"Pssh! Hoi! Lacsamana hindi ako pinanganak kahapon! Saka wanderin around tapos napadpad ka lang dito? Ano iyon nagkataon lang na napadpad ka dito? Kung saan ako? Ang galing naman." sarkastikong saad ko.
"Believe it or not Kai yan talaga ang ginawa ko. And I don't know na nandidito ka pala until I saw from a far. I thought kamukha mo lang or ano pero noong nakita kitang nataranta at nung narinig ko ang mura mo. I know it was you." explained niya pa.
Umingos ako sa kanya saka tumalikod dahil babalik na ako sa bahay malamig na kasi ang hangin. Pero nakadalawang hakbang pa ako ng biglang kumulog sabay buhos sa malakas na ulan. Napatili ako ng di-oras!
"Fuck!" rinig ko ring mura ni Priam sa likod ko.
Napatingin ako sa may bewang ko nang may maramdaman akong mainit na bagay na dumapo doon. It was Priam's hand wrapped around my waist. What the fuck!
"Ano ba! bat ka nanghaha-"
"Kai will you shut your mouth for a moment. Where's your house? It's fucking raining so hard." pasigaw niyang tanong sa akin.
Kidlat na naman at sumunod ang napakalakas na kulog kaya napapikit ako at sumigaw. "AHHHHH!! WAHHHH!!"
Litseng kulog at kidlat talaga! Hindi ako takot sa kidlat ang kinatatakot ko ay baka matamaan ako! Tiyak na matutusta ako kapag natamaan ako ng litseng kidlat na iyan.
"Come on Kai where's your damn house?!" parang nagagalit na rin na tanong ni Priam sa akin.
ARGGHH!!! Wala akong magawa kundi ang ituro ang bahay namin. Tumakbo kaming dalawa doon. Ang pisting Priam hindi pa binitawan ang bewang ko!
"Bitawan mo ako!" ako saka kinuha ang kamay niya sa akin.
Fuck him!
"Your really have a hell of a temper, 'no?" si Priam saka kinuso ang buhok niyang basa.
"Bwesit ka! Sabi ko na nga ba sinusundan mo talaga ako dito! Siguro ini-stalk mo ako, 'no? Tssk!" anang ko. Hindi ko na siya pinagsalita pa at tinalikuran siya at pumasok sa loob para makapagbihis. Hindi ko inimbita si Priam sa at pinagsarhan siya ng pintuan.
Manigas siya dyan sa labas!
Nakabihis na ako at tinutuyo ko na ang buhok ko. Pagbaba ko ay dumiretso ako sa kitchen upang magtimpla ng gatas. Yes, naggagatas na ako. Hindi na instant coffee.
Ang malakas na ulan ay patuloy pa rin sa pagbuhos at maya't maya pa ang kidlat at kulog. Naisipan kong silipin sa labas si Priam bitbit ang gatas sa kamay ko. Nagulat pa talaga ako nang makita ko siyang nakatayo lang doon sa iniwan ko sa kanya kanina. Bakit di pa ito umuuwi!?
"Priam!!!" sigaw ko sa kanya.
"Ohh," siya na may panginginig sa boses. Nilalamig ang bobo! Sinong nagsabi sa kanya na magpaulan siya dyan. Bakit di siya umuwi!?
Inirap ko ang mata ko saka binuksan ng malaki ang pintuan. "Bwesit ka! Pumasok ka dito! Kinu-konsesya mo pa ako!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top