CHAPTER 7
Chapter 7
Kai Pov
"Oh, himala ata at wala kang ginagawa ngayon, Kai?" Bungad na Jia nang makarating siya sa bahay at nakita akong nakaupo sa sala at nanonood lang ng palabas.
Iwan ko wala akong ganang gumalaw-galaw ngayon. Para kasing ang pagod pa lang kahit na iniisip ko pa lang ang mga gawaing bahay. Kaya napagdesisyonan ko na manood na lang ng TV.
"Nandyan ka na pala Jia." ako kay Jia.
"Hindi ka pumasok sa trabaho mo ngayon?" taas ang kilay niyang tanong sa akin.
Tumango ako sa kanya. "Oo, may inasikaso lang kasi ako."
Nagkibit lang siya ng balikat niya saka ako tinalikuran at umakyat sa taas. Dumaan siya sa harapan ko at naamoy ko ang amoy alak niya. Napatakip ako sa bibig ko pero agad namang bumaliktad ang tiyan ko dahil sa amoy.
"Awwccckk! Awwck!" Napalunod ako sa sala at sumuka doon. Hindi na ako nakatakbo pa sa cr at doon na dumuwal. Napahawak ako sa tiyan ko. Tumutulo ang luha ko dahil sa pagduduwal ko. Tang ina! Pati pala amoy ng alak ay nagduduwal ako. Akala ko iyong amoy at mukha lang ng pasta ang ayaw ko pero heto ako.
"Oh my god! What happened to you, Kai?"
Napapikit ako saka pinunasan ang bibig ko at dahan-dahan na tumayo. Akmang lalapit sa akin si Jia ng pinigilan ko siya.
"H-huwag... huwag kang lalapit Jia. Please..."
Naguguluhan siyang tumingin sa akin. "Are you sick? Damn it you clean the mess you've did Kai! Eww!" maarte niyang marka.
Tumango ako sa kanya.
Kinagabihan ay wala akong ganang kumain kaya nagkulong lang ako sa kwarto ko at humiga lang sa kama. Pagod na pagod ang katawan ko. Iwan ko. May kumatok sa kwarto ko kaya napatingin ako doon.
"Pasok." saad ko dahil hindi naman naka-lock ang pintuan ko.
Pagbukas nun ay agad na sumilip si papa. Pumasok siya at sinara ulit ang pintuan gamit ang isang kamay niya. May dala siyang kulay itim na tray.
"Bakit di ka kumain?" tanong ni papa saka nilapag ang pagkain sa may paanan ng kama.
"Wala po akong ganang kumain pa." amin ko kay papa.
"Bumangon ka dyan. Kumain ka at inumin mo itong gatas. Hindi pwede na hindi ka kakain kung wala kang gana. Tandaan mo anak may dinadala ka na dyan sa sinapupunan mo." pangangaral ni papa sa akin.
Pagod akong bumangon saka kinuha ang pagkain.
"Pwedeng gatas po ba pa?"
Ngumiwi si papa sa akin. "Kumain ka kahit na maliit lang Makaio."
Ngumuso ako saka sumubo.
"Anak may nahanap akong lugar kung saan ka pwedeng mag-stay habang pinagbubuntis mo ang apo ko." anang ni papa habang sumusubo ako.
Tinigil ko ang pagsubo ko saka tumingin kay papa na pinagmamasdan ako.
"Saan po pa?"
"Sa isla Viste may bahay akong binili doon noon na malapit lang sa dagat. Kaya mas mabuti rin iyon para sa pagbubuntis mo." wika ni papa.
"Kailan po ako pupunta doon? Saka ngayon ko lang po naalala pa. Paano po itong bahay? Tapos sino po ang... susustinto sa pagbubuntis ko. May pera ako pa pero di naman iyon sapat sa siyam na buwan kong pagbubuntis tapos kailangan pa ng pera para sa panganganak ko."
Humingang malalim si papa. "Wag mo ng isipin iyan anak. Ako na ang bahala dyan. Basta alagaan mo lang doon ang sarili mo at huwag ganito. Tssk! Wala pa naman ako doon para lutuan ka."
"Kaya ko po ang sarili ko pa." Pinasigla ko ang boses ko kay papa.
"Hmm, kaya mo nga pero kung ganito naman huwag na lang. Nagdadalawang isip nga ako Kai kung dadalhin ba kita doon sa Isla Viste o hindi. Baka kasi hindi ka na kumain doon. "
"Papa naman hindi naman po."
Pagkatapos kong kumain ay ako na ang nagligpit sa pinagkainan ko. At pagbalik ko sa kwarto ko ay nag-impake na ako ng mga damit ko. Sabi kasi ni papa mas maaga daw ako doon mas ligtas. Saka siya at si Dr. Rain lang naman ang nakakaalam na buntis ako, na isa ang bearer.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung ano pa ang naghihintay sa akin doon sa isla. Oo nga't gusto kong bumukod na dito sa amin pero hindi ko naman alam na sa pagbukod ko dito ay may kasama ako, na buntis pala ako. Tapos napaka-sensitive pa nitong pagbubuntis ko. Ilang weeks pa nga lang ito tapos ganito na ako. Paano na kaya sa susunod na araw? Sa mga susunod na buwan?
Gusto ni papa na may kasama sana ako doon pero mas delikado naman iyon. Baka kasi ipagkalat nun na bearer ako. Delikado ang buhay ko at ang buhay ng magiging anak ko nun. Kaya kahit na mahirap ay magsisikap ako. Sana makayanan ko at sana naman magki-cooperate rin itong anak ko sa akin.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtutupi ng mga damit ko sa isang maleta nang biglang pumasok sa isip ko si Priam. Bumaba ang mata ko sa tiyan ko. Sasabihin ko ba sa kanya na... na buntis ako? Tssk! Maniniwala rin kaya iyon sa akin? Baka tawanan lang ako nun. Kinamumuhuan ko siya tapos bigla ko na lang sasabihin sa kanya na buntis ako. I despise him a lot pero nabuntis ako. Ano na lang din ang iisipin niya sa akin? Isa akong lalaki tapos nabuntis? Hindi ako paniniwalaan nun panigurado. At kung malalaman din ito ni Priam alam ko hindi rin niya matatanggap na nakabuntis siya ng isang lalaki. Sobrang yaman niya, mahitsura, halos nasa kanya na ang lahat tapos makakabuntis siya baka makasuhan ako nun ng paninirang puri.
Kaya mas makakabuti nana hindi niya ito malaman. Mas nakakabuti iyon sa akin at sa magiging anak ko. Napalaki nga ako ni papa ng mag-isa. Kaya kakayanin ko rin. Sana.
Kinubukasan ay pumunta ako sa pinagtatrabahuan ko upang magpasa ng resignation letter ko. Oo, titigil na ako sa pagtatrabaho.
"Aalis ka? Pwede ka naman sigurong mag-leave na lang kung gusto mo ng break." sabi sa akin ni Miguel. Nakaupo kami sa isang bakanteng upuan dito sa restuarant. Hindi pa kasi madami ang tao dahil kakabukas pa lang.
Dumating si Rica na may dalang inumin. Naalarma pa ako pero buti na lang at coffee lang iyon. Nakaka-truma na talaga.
"Saan ka ngayon pupunta Kai?" tanong ni Rica at umupo katabi ni Miguel.
"Ahm, h-hindi ko pa alam basta gusto ko munang magpahinga." iyan ang dahilan na sinabi ko sa kanila. Na kaya ko gustong umalis dito dahil magpapahinga ako.
"Tingnan mo hindi ka pa pala sure tapos nagpasa ka na ng resignation letter. Sabihin mo nga sa akin may nahanap ka na bang ibang trabaho kaya ka aalis dito?" wika ni Miguel. Alam ni Miguel ang paghahanap ko ng ibang trabaho kaya nagdududa siya sa akin ngayon.
Dalawang beses kong iniling ang ulo ko, "hindi... wala akong trabaho ma nakita saka mag... magpapahinga nga talaga ako."
"Nakakalungkot naman. Alam mo naman Kai na ikaw at si Miguel lang ang kaibigan ko dito. Kayo lang kasi ang nakakaintindi sa akin tapos aalis ka pa. Hmmp, baka sa susunod si Miguel na naman ang aalis." nginuso pa ni Rica si Miguel sa tabi niya.
"Hay! Hindi kita iiwan dito Rica. Kahit na sumpungin at masungit ka napagtitiisan naman kita." pabirong saad ni Miguel saka inakbayan si Rica. Mabilis naman siyang siniko ni Rica. Napadaing si Miguel sa lakas nun.
"Wag kayong mag-alala babalik din naman ako dito pero... pero hindi ko pa alam kung kailan. Pero pangako magkikita pa tayo. Saka salamat din sa inyong dalawa."
Bago ako umalis doon ay nag-group hug kami. Si Rica ay naiiyak na nga pero biniro ni Miguel kaya ayon nagbabangayan na naman ang dalawa. Paglabas ko ng restaurant ay may nasalubong akong lalaki. Ang lalaki na ama sa batang nasa sinapupunan ko. Agad akong umiwas sa kanya at binilisan ang lakad ko. Takte! Bakit ba kapag nakikita ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko? Dahil ba siya ang ama ng bata ko? Pero di pa ako masyadong nakakalayo ay may humablot na sa braso ko.
"Ayy!" gulat kong sambit. "Gago!" anang ko kaagad ng makita ko kung sino ang humablot sa akin.
Isinandal ako ni Priam sa isang dingding na hindi kita ng mga tao.
"Anong kagaguhan na naman ito Priam?!" pabulong kong sigaw sa pagmumukha niya.
His angular jaw clenched. "I... I..."
Kumunot ang noo ko saka tinulak siya buti naman at nagpaubaya siya. Gago talaga basta-basta na lang nanghihila ng tao! Nakita kong may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya mailabas. Nakita ko kung gaano siya ka frustated. Ginulo niya ang maayos na buhok niya pero takte lang ginulo niya nga ang buhok niya pero bat ang sexy niya tingnan. Lihim kong kinutos ang sarili ko. Ano ba naman itong pumapasok sa utak ko? Anong sexy? Gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa dingding.
"Why... why are you here? Hindi... hindi ka ba pumasok sa trabaho mo?" tanong niya sa akin. Nakalagay ang kamay niya sa bewang niya at taimtim akong tinitingnan.
Inirapan ko siya. "Ano bang paki mo huh! Anong paki mo kung hindi ako pumasok! Bwesit ka! Wag na wag mo na akong mahila-hila ng ganun kung ayaw mong makatikim ng suntok ko!"
"I... I'm sorry if I startled you."
"Tse!" Ako saka tinalikuran siya.
"Wait saan ka pupunta?"
Napapadyak ako sa inis sa kanya.
Nilingon ko siya nakita ko na parang pagod na pagod siyang nakatingin sa akin. "Ang bobo mo talaga Priam! Sa tingin mo sasabihin ko sayo?" Umiling ako sa kanya saka muli siyang iniwan doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top