CHAPTER 5
Chapter 5
Kai Pov
Isang linggo matapos mangyari ang nakakahiyang nangyari sa akin sa harap ni Priam ay naging maayos na naman ang takbo ng buhay ko. Hindi ko na ulit siya nakita pa at kung totoo iyong sinasabi niyang loyal customer siya nitong restaurant na pinagtatrabahuan ko ay siguro napapadpad siya dito pero sa VIP siya at ako naman ay hindi na ulit nagsumubok pang maghatid ng mga orders VIP room nakaka-trauma na.
Ang trabaho ko ay nagsisimula sa 8:00 ng umaga at natatapos ng 4:00 pm at pagdating ko sa bahay namin ay gumagawa pa ako sa mga gawaing bahay. Wala kasing ibang gumagawa nun. Busy si papa sa motor shop niya si tita Jade naman hindi iyon humahawak ng walis tingting at basahan. Si Jia naman nako bilang lang sa daliri ko na tinulungan niya ako sa gawaing bahay dito sa amin.
Isa sa rason ko kung bakit gusto kong bumukod dahil nakakapagod din maglinis ng malaking bahay at ayaw ko rin naman sa ganitong klaseng bahay. Masyadong malaki para sa apat na tao lang. Kaya gusto kong makahanap ng trabaho na malaki-laki ang sahod dahil nag-iipon ako para maka-alis na ako dito.
Ang problema lang ay si papa ayaw niya kasi akong bumukod. Ilang beses ko na siyang kinumbinsi na bubukod ako pero ayaw talaga niya dahil hindi niya daw ako mababantayan. Pssh! Para namang nandidito siya sa bahay araw-araw at laging nakasunod sa akin. Nung gabing hinanap ko si Priam sa party ng bahay ni Loren ay may usapan kami ni Jia nun na tutulungan niya akong kumbinsihin si papa na bubukod ako. Pero sa kasamaang palad may nangyari pang kahit kailan ay hindi ko na maibabalik pa sa dati.
Galing ako sa trabaho ko at nagbihis agad ako upang magsimula ng maglinis sa bahay. Wala si Jia sa bahay dahil may dadaluhan daw siyang gathering. Hay! Hindi ko talaga maintindihan ang buhay niya. Naalala ko tuloy iyong naging sagutan namin nung araw na bumisita si Priam dito sa bahay namin.
"May sinabi ka ba dun kay Priam, huh, Kai?!" pagpasok ni Jia sa kwarto ko ay iyon agad ang bungad niya sa akin. Nakasuot na siya ng pangtulog niya.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama wala pa akong dinner. Dahil ayaw kong makita ang pagmumukha ng Priam na iyon. Malakas niyang sinara ang pintuan ng kwarto ko at naglakad patungo sa kama ko.
Bumuntong-hininga ako at pagod ko siyang pinukol ng tingin. Maganda itong stepsister ko kasi may lahing banyaga siya pero kapag nagagalit siya iyong maganda niyang mukha ay nag-iiba. Kagaya ngayon na namumula na sa galit.
Ano na naman ang ginawa ko?
"Bakit ba, huh? Hindi na nga ako lumabas, e."
"Bumalik siya dito sa bahay natin nung hinatid niya ako doon sa grocery store dahil may naiwan daw siya dito. Pero pagbalik niya sa akin ay hindi na maganda ang timpla ng mukha niya at parang may malalim na iniisip!" bwelta na niya naman.
Inismiran ko siya. "Jia, bakit ako ang tinatanong mo n'yan! Nababaliw ka na ba doon sa lalaking iyon? Kung may napapansin kang kakaiba dun sa lalaking iyon kagaya ng sinasabi mo ngayon ay dun ka sa kanya. Sa kanya ka magtanong. Hindi 'yong ako ang binubulabog mo!" Akala ko maayos na kami. Akala ko mabait na siya pero ayan pakitang tao na naman. Tingin talaga ng babaeng ito sa akin ay alalay niya, boy niya. Kagaya lang ng ina niya!
"Hindi may nasabi ka talaga sa kanya. Aminin mo na lang kasi Kai. Saka sinabi rin niya na hindi na siya bibisita dito sa atin!"
Padabog akong tumayo at pinantayan siya ng tingin. Bwesit mas mataas pa pala ito sa akin. Nakaka-high blood na siya, ah.
"Jia! Utang na loob naman wala akong paki sa lalaking iyon at kung sinabi niya na hindi na siya bibisita dito? Mas mabuti iyon!"
Simula nung sagutan namin na iyon ay hindi ko na nakausap ng maayos si Jia. Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito e. Saka siya naman lagi ang unang nakikipag-usap sa akin lalo na kapag may pageant siyang sasalihan dahil ako lagi ang instant alalay niya.
Natapos ako sa lilinis ko sa baruran namin kaya pumasok na sana ako sa loob ng bahay namin nang dumating si papa. Agad kong binuksan ang gate namin.
"Anak." si papa nang makalabas siya bitbit ang paper bag.
"Pa, maaga ata po kayo ngayon?" tanong ko kay papa at nagmano sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko.
"Ah, oo naisipan ko lang kasi nitong mga nakaraang araw ay hindi na kita nakakausap at nasa iisang bahay nga tayo pero bibihira na tayo makapag-usap."
Ngumiti ako kay papa. Saka inakbayan siya papasok ng bahay namin. Sana ganito lang iyong wala sana sila Jia at tita Jade. Simula kasi ng tumira na dito sina tita Jade ay hindi na kami masyadong nakakapag-bonding ni papa. Mas pinagtutu-unan na ng pansin ni papa ang trabaho niya at si tita Jade kaysa sa akin. Hindi ko nakilala ang mama ko dahil sabi ni papa Gino ay namatay daw ang mama ko nung ipinanganak niya ako. Kaya wala akong kinagisnang nanay. Akala ko nga nung dumating si tita Jade sa buhay namin ni papa ay may matatawag na akong mama pero wala dahil kagaya lang si tita sa mga stepmother sa mga fairytales na masama ang ugali.
Habang papasok kami ni papa sa loob ng bahay ay bigla na namang umikot ang paningin ko kaya napadiin ang pagkakahawak ko sa balikat ni papa. Ang isang kamay ko ay nahawak ko sa ulo ko.
What's wrong with me?
"Kai anak, ayos ka lang ba?" may pag-aalalang tanong ni papa sa akin saka inalalayan ako pagpasok.
Pinaupo ako ni papa sa sofa doon sa sala naman nilagay niya sa center table ang dala niyang paper bag. At tumabi siya sa akin saka ako sinipat.
"Anak, wag mo namang pinapagod ang sarili mo."
"Ayos lang ako pa. Siguro nga po pagod lang ito."
"Mabuti naman. Magpahinga ka. Ay! Oo nga pala may dala akong paborito mo." si papa saka binuksan iyong dala niyang paper bag.
Inilabas ni papa ang ibang transparent na lunch box doon. Naalarma ako nang makita kung ano iyon. Pasta! Binuksan iyon ni papa at dinala malapit sa bibig ko at gaya ng inaasahan ko. Bumaliktad ang sikmura ko. Awtomatik naman na tinakip ko ang kamay ko sa bibig ko at tumakbo sa CR namin.
Niyakap ko ang inodoro at doon ako sumuka ng sumuka. Tumutulo ang luha ko. The fuck! Anong nangyayari sa akin? Nang wala ng mailabas ang bibig ko ay napaupo ako sa malamig na tiles ng cr. Ano ba 'to? May sakit ba ako? Dahan-dahan akong tumayo at pumunta doon sa sink para hilamusan ang mukha ko at nagmumog na rin. Pangalawang beses na itong nangyayari sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako na duduwal kapag na nakikita o naamoy ko ang pasta. Dati rati naman ay paborito ko iyon.
Lumabas ako sa cr at nakita ko si papa na nakasandal sa gilid ng pintuan. At parang may iniisip. Kumunot ang noo ko.
"Pa." tawag ko kay papa.
"Uh." sambit ni papa at napaayos siya ng tayo.
"Anak pwede ba tayong mag-usap sa silid mo?"
Hindi ko maintindihan si papa. Pero tumango ako sa kanya. Nauna na rin siyang naglakad sa akin.
"Pa, iyong pasta na dala n'yo po?"
"Iwan mo na lang iyon doon. Hindi ka pwede doon. Baka magsuka ka na naman."
Pagdating sa kwarto ko ay agad na umupo si papa doon sa kama ko.
"Isarado mo ang pinto," utos ni papa na tahimik ko namang sinunod.
"Kunin mo iyong upuan mo doon at mag-usap tayo." pagtutukoy niya sa upuan ko na nasa harap ng table ko.
Halos mag-abot na ang kilay ko dahil sa ginagawa ni papa. He's acting weird!
"Anong pong pag-uusapan natin pa?"tanong ko kay papa nang makaupo ako, magkaharap kaming dalawa ngayon.
Pumikit si papa saka huminga ng malalim bago ibinuka ang bibig niya. "May... may nakagalaw ba sayo, anak?"
Sa ayos ng pagkakaupo ko ay muntik na akong mahulog dahil sa naging tanong ng ama ko. The fuck?!
"P-pa naman." tanging ani ko.
"Sabihin mo sa akin Kai. Sabihin mo sa akin. Did someone get into your hole?"
Namutla ako. Nanlamig ang paa at kamay ko.
"P-papa."
Nakita kong namumula na ang mata ni papa. Nanunubig na ito at ang luha niya ay nagbabadya ng lumabas.
"Anak oo at hindi lang ang sagot."
Hindi ako nakapagsalita ng ilang minuto. Bakit ito tinatanong ng ama ko? Ano ba ang masama doon kung may nakagalaw sa akin? Lalaki naman ako. Lalaki naman si Priam. Iyon nga lang hindi ko maalala lahat ng nangyari sa amin ni Priam.
"O-oo pa?" Wala nga kasi akong maalala pero basi naman sa paggising ko na may lukidong tumulo mula sa pwet ko ay klaro na iyon na may nangyari nga sa amin ni Priam. " Oo po." Muling saad ko at yumuko ako. Tumulo ang luha ko.
"Did you use a protection?"
Gusto kong sagutin si papa. Pero ano ang isasagot ko? Wala nga akong maalala. Tang ina naman!
"Pa, h-hindi ko po maalala pa."
"Jesus! Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari sa iyo? Dahil sa kapabayaan mo?"
Napailing-iling ako nang di ko maintindihan si papa.
"Ano po ba ang ibig ninyong sabihin? Lalaki ako pa at... at lalaki po ang... ang nakasama ko sa gabing iyon."
"Much more dangerous Makaio."
"Pa."
"Did you know that because of your recklessness you can get pregnant, Makaio?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top