CHAPTER 4

Chapter 4

Kai Pov

That day may lakas pa talaga si Priam na bumalik sa pamamahay namin kasama na niya si Jia na iniwan niya sa grocery store. But I am delightful enough dahil in-occupy talaga ni Jia si Priam. Malaya akong nakapagluto sa kusina at nang wala sila si Jia sa sala namin at natapos na rin ako ay kinuha ko ang opportunidad na iyon upang pumunta sa silid ko. I really don't want to see Priam's face. If everyone wants to see his face and take a picture of his undeniably gorgeous face will not me. Hindi ako kabilang dyaan. Cuz, even men marami talagang humahanga dyan kay Priam. Maybe ang gusto ko lang sa kanya ay ang pagiging successful niya, well his old, his 34 already.

Inaya din ako ni Jia na kumain at pati si papa ay pumunta pa sa silid ko upang ayain akong kumain pero ayaw ko talaga dahil nandya-dyaan si Priam na bisita nila. Syempre hindi na nila ako pinilit dahil nagalit din si tita Jade pa-importante daw ako. Psshh!

The following day naging maayos naman ang takbo ng buhay ko. Maliban sa paghahanap ko ng ibang trabaho at pagpasok ko sa trabaho ko bilang waiter walang masyadong ganap ang buhay ko. Yes, waiter ako pero naghahanap pa rin ako ng ibang trabaho iyong may mas malaking sweldo pa sana at may benefits.

"Kai, pwede bang ikaw muna doon sa VIP room na nakatuka sa akin. Masakit kasi ang tiyan ko, e." saad ni Miguel sa akin.

Miguel is one of my collegues and he's closed to me. Actually, his my closed friend as well outside our work. Miguel is a hardworking man, handsome, gentleman and very approachable person. In short the kind of man na gusto ko, gusto kong maging kaibigan hindi karelasyon. Wala akong balak makipagrelasyon sa lalaki oi.

Tumigil ako sa pagpupunas sa table at tiningnan ko si Miguel na namimilipit ang gwapong mukha dahil sa pananakit ng tiyan.

"Sige ako na doon. Magpahinga ka at uminom ng gamot." paalala ko sa kanya.

Nang tumalima siya ay mabilis kong pinunasan ang table ulit. Tinawag ako ni Rica na siyang nasa counter namin.

"Kai, ikaw iyong pumalit kay Miguel diba?" tumango ako sa kanya. "Mabuti naman wala ka na bang ginagawa?" dagdag niya.

"Wala na Rica."

"Mabuti naman sige ito kunin mo. Dalhin mo yan doon sa room 3, VIP iyon kaya umayos ka." sabi niya at nilapag ang metal tray.

Kinuha ko iyon. "Oo makakaasa ka." ngumiti ako sa kanya.

Tahimik kong tinutulak ang cart papunta sa room 3. Pagdating ko sa harap nun ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pinihit ang busol. Nang mabuksan ko iyon ay tinulak ko ulit ang cart papasok. Basta VIP room expect it to be wide and very spacious room. Perfect para sa mga celebrity na nagd-date. Tahimik din ito pero pwede namang i-on ang stereo.

"Good afternoon si-"

Nakagat ko ang labi ko nang makita ko kung sino ang nandito sa room 3. The person whom I least expected na makikita ko sa buong araw ko o tama bang sabihin ko na ang taong ayaw kong makita sa buong buhay ko.

There he is seating on the couch with the table in front of him. He sit there as if he owns the place. He sit there as if he's the king. Damn you! Priam Lacsamana!

I was about to turn my back when I remember na wala pala ako sa bahay namin. Na hindi ako pwedeng maggalit-galitan dito dahil hindi namin 'to bahay. Nasa trabaho ako!

Labag sa loob at may pagtitimpi sa sarili kong ginagawa ang trabaho ko. Iyong bowl na may lamang soup ay parang gusto ko nang isaboy sa pagmumukha ni Priam. That would be a very nice idea pero trabaho ko naman ang magiging kapalit nun.

Nang mailagay ko na lahat ng in-order niya ay aalis na sana ako nang magsalita siya. Ang daming order parang mauubos niya naman ito.

"Is that how you treated all your customers here?"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cart.

"Kung may order pa kayo sir just-"

"Sit." pagsingit niya sa akin.

"Ano?"

"I said sit." ulit niya.

"Sir bawal po sa amin iyan waiter po ako at customer namin kayo."

Anong gusto ng lalaking ito? Nakakalimutan ba niyang sobrang kinamumuhian ko siya.

"It's not bawal. Sasabihin ko sa manager mo na dito ka muna. I want a company."

Sabi niya at kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa.

"Ayaw ko. Kumuha ka na lang ng iba. Wag ako! May marami naman dyang willing na makasama ka."

Pero hindi siya nakinig at tahimik na nakikipag-usap doon sa telepono niya. Nang maibaba niya ang cellphone niya sa mesa ay humalukipkip siya.

"It's either you sit with me or you'll be fired. Narinig ng manager mo ang pagtanggi mo sa request ko. Did you know that I am your loyal customer? "

Konting-konti na lang talaga at mababato ko na siya. Sumo-sobra na siya. Ano bang kailangan ng bwesit na taong ito sa buhay ko. Mabibigat ang paa kong humakbang doon patungo sa mesa kung nasaan siya. Hindi ko man gusto ay umupo ako doon sa katapat ng upuan.

"Ayan na masaya ka na? Kumain ka na at nang makaalis na ako dito."

"You'll eat as well. "

"Alam mo nanggagago ka talaga sa akin Priam. Akala ko malinaw ma sa iyo na ayaw kitang makita. Na wag ka nang magpapakita sa akin. But what the hell! Hindi ganito ka sikat ang restaurant namin at alam ko na hindi talaga ito ang tipo mong kainan. Kaya bakit ka nandidito na nanadya ka ba?"galit kong wika sa kanya. Yes, kung luxury restaurant lang ang pag-uusapan malayo ang  itong pinagtatrabahuan ko pero masarap din naman kasi ang mga nasa menu namin.

Bumuntong hininga siya at isinandal ang katawan sa upuan niya.

"I eat here Kai. Hindi mo lang siguro ako  nakikita dahil lagi kang sa labas nags-serve. Like what I've said loyal customer niyo ako."

Umiling siya saka binuksan ang mga glass bowl doon sa mesa na may mga takip. Wala lang naman iyon sa akin pero nang buksan niya ang isang bowl na may lamang pasta ay biglang bumaliktad ang sikmura ko.

"Aacwkk." Agad kong natakpan ang bibig ko bago pa ako sumuka doon sa mesa.

"Fuck, what's wrong?" Priam na napatayo dahil sa akin.

Tumingin ulit ako sa pasta na nandudoon pero bumaliktad na naman ang sikmura ko kaya napatayo ako. Pero nanghina ang tuhod ko biglang hindi ko maramdaman ang tuhod ko kaya napasalampak ako sa sahig at doon na sumuka.

"Holy fucking shit!" narinig kong malakas na mura na Priam. Sumuka ako na parang walang paki sa paligid ko. Ang gusto ko lang ay mailabas lahat ng laman ng tiyan ko. Naluluha na rin ako. Si Priam ay lumapit sa sakin at hinagod ang likuran ko. Sa ginawa niyang iyon ay nakatulong iyon upamg mailabas ko ang kinain ko.

Pagkatapos kong sumuka ay naisandal ko ang ulo ko doon sa paa ng mesa. Hinang-hina ako! The fuck is wrong with me? Bakit ako nagkaganito pasta lang naman iyon. Saka paborito ko rin ang pasta. Anong nangyayari sa akin?

"Here wipe your face." tiningnan ko ang wet wipes na binigay sa akin ni Priam. Saan niya nakuha ito? Tissue paper lang naman ang available dito sa amin, ah.

Nanghihina ko iyong kinuha sa kamay niya at pinunas sa mukha ko.  Ayaw ko mang tanggapin iyon pero kailangan ko. Sinubukan kong tumayo pero bumagsak ako. The fuck!

"Let me help you." Si Priam at inalalayan akong makatayo. Nang makatayo ako ay tinampal ko ang kamay niyang nanatili sa bewang ko. Namimihasa na.

"Are you okay? Did something is wrong with you? Your body? Let's go and see a doctor." suhestiyon niya.

Inirapan ko siya sa mata ko. "Hindi na. Kaya ko na. Sorry dahil nasira ko ang tanghalian mo. Wag kang mag-aalala ikakaltas yan sa sahod ko saka lumipat ka na rin ng ibang VIP room at doon ko ipapahatid ang pagkain mo. Dahil lilinisin ko pa-"

He heaved. "Wll you shut your mouth for a moment Kai. You're obviously sick. And don't worry about that food and don't buy me another hindi naman iyan nadumihan o ano." Umigting ang panga niyang plakadong-plakado.

"Ikaw bahala aalis na ako para malinisan iyang-"

"Just let the others do the labor, you rest." pagputol niya sa akin.

Ang totoo n'yan ay nahihilo rin ako. Pero nagpapakatatag lang ako. Hindi ko kasi mawari kung bakit sa tuwing nandidito sa paligid ko itong si Priam ay lumalabas ang mga mahihina kong side. Putang ina lang!

Pagkatapos nang may mangyari sa amin ni Priam na kahit hindi ko tanda ay palagi ko na siyang naiisip. Tapos ngayon ay palagi na rin kaming nagkakabangga o nagkakasama sa iisang lugar. Iwan ko ba kung pagkakataon ba iyon o hindi. Nagpasalamat nga ako na hindi na siya pumunta sa bahay namin kahit na ang kapalit nun ang pagakamagagalitin ni Jia. Ayos lang sa akin iyon dahil sanay na ako.

Pero sayang ang pasasalamat ko kung lagi ko namang nakakasalamuha itong si Priam. Baliw rin ito dahil kahit wala na pala sila ni Jia ay nagawa pa niyang tumawag kay Jia at bumisita sa amin. Ano iyon pinapaasa niya ang stepsister ko? Playboy nga naman.

"You'll rest or I will send you home."

Ngumiwi ako sa sinabi niya. Hindi ba siya nakakaramdam na ayaw ko sa presensya niya. Tatalikod na sana ako sa kanya ng biglang umikot ang mundo ko. Agad na sumumparay ako at naghanap ng makakapitan pero may malakas na kamay na ang humawak sa akin. Kung kailan pa talaga gusto ko siyang iwasan at talikuran. This is too much!

Arrgggh!!!!!!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top