CHAPTER 39
Last chapter before epilogue.
___________________
Chapter 39
Kai Pov
"Papa, bakit n'yo naman po pinaalis sina Priam?" Tanong ko kay papa. Nandito kami sa kwarto ko kakatapos lang naming kumain ni papa at pinalinisan niya sa akin ang katawan ko.
"Bakit? Gustong-gusto mo talagang nakikita ang lalaking iyon, Makaio? Ama niya ang nag-kidnap sayo. Hindi ka man lang ba nagalit doon?" Galit na wika ni papa.
Kanina habang kumakain kami ay tahimik lang si papa. Parang ang dami niyang iniisip at sa hitsura niya kanina ay parang puputok na rin siya sa galit. Alam ko naman na nag-alala lang siya sa akin. Pero hindi naman siguro dapat na ganunin niya sina Priam. Sila na nga ang nagligtas sa akin at nagdala sa akin dito. Tapos ganun pa kung tratuhin ni papa.
Alam ko rin naman na hindi sila makakatawag sa mga awtoridad dahil mas lalong magiging delikado ang kalagayan ko. Mahirap din iyon kay Priam na kailangan niyang sulungatin ang ama niya dahil sa ganiwa nito. Alam ko na ngayon ay mas lalong kinamunuhian na ni Priam ang ama niya. Mas lalong nadagdagan ang galit niya sa ama niya dahil sa ginawa nito. Hindi ko masisi ang mga nararamdaman nila ngayon. Hindi ko masisi kung galit sila papa at Priam ngayon.
Lahat ng ito ako may dahilan. Dahil isa akong bearer kaya ito nangyayari. Kung sana di na lang ako nabuntis. Kung sana ordinaryong tao lang ako. Bumaba ang mata ko sa malaki kong tiyan. Ang dami kong pinagdaanan sa pagbubuntis kong ito. Ang dami kong naranasan dahil dito pero sa kabila n'on pilit akong lumalaban dahil mahalaga ito sa akin. Mahal ko ang nasa loob ng tiyan ko. Mahal na mahal ko ang anak ko.
"Alam ko pa na galit kayo... at siguro sinisisi ninyo si Priam sa mga nangyari ngayon. Pero Pa wala pong kasalanan dito si Priam. Ginawa niya naman po ang lahat. Pinaglaban niya po ako sa ama niya... niligtas niya po ako sa kamay ng ama niya. Kaya sana pa wag niyo naman pong sisihin si Priam at ituon na lang kay Priam ang lahat nang nangyari. Gago po si Priam, Pa. Gago iyon pero... m-mahal ko po iyon." Naiiyak kong saad.
Kung noon di ko masabi sabi na mahal ko si Priam ngayon ay nasasabi ko na iyon. May lakas na akong sabihin na mahal ko siya. Pero hindi pa niya iyon alam.
"Dapat lang na iligtas at protektahan ka niya Makaio dahil siya ang dahilan kung bakit ka nabuntis ngayon. Dapat lang na iligtas ka niya sa ama niya dahil anak ninyo ang nasa sinpupunan mo. Responsibilidad niya iyon!" Matigas na saad ni papa.
Umiling ako bilang pagdi-sang ayon sa kanya.
"Pa! Kung sana... kung sana sinabi ninyo sa akin noon na isa pala akong bearer na hindi ako normal na lalaki lang. Siguro po ay hindi rin ito mangyayari! Siguro po ay hindi ako buntis ngayon. Sana nakapag-ingat ako. Sana naka... nakaiwas ako." Paninisi ko kay Papa.
Tama naman dahil kung noon sana pinaliwanag at sinabi niya sa akin ang totoo wala sigurong ni isa sa mga nangyayari ngayon ang nangyari. Sana hindi ko nabuntis.
"Pero pa... salamat pa rin dahil... kung hindi ako nabuntis siguro ay di ko rin makikilala si Priam. Kung hindi ako nabuntis siguro di ko makakapiling si Priam. Salamat pa dahil nabuntis ako at nakilala ko si Priam at nakilala ko ang taong mahal ko," dumapo ang mata ko sa tiyan ko. At ngumiti ako. "Masaya ako pa sa pagdating nito." Ani ko.
Natigilan si papa at di makapagsalita. Nakatulala lang siyang nakatingin sa akin.
"Matulog ka na Makaio at bukas ay babyahe tayo. Hindi tayo pwedeng magtagal dito." Saad ni papa.
Kaya ngayon nandidito na ulit ako sa isla Viste. Muli na naman akong bumalik dito. Kung saan nagsimula ang lahat. Nag-iba na ang lahat ang dating mababa na fences ng bahay naging mataas na ito. Ito iyong sinabi ni Priam na inayos niya. Inayos niya pero mukhang total renovation ang ginawa niya sa bahay namin. Itong fence ay hindi na ito na-aakyat.
Lumipas ang mga linggo nang hindi kami nag-uusap ni Priam at mas lalong hindi ko na siya nakita. Ngayon ang tiyan ko ay walong buwan na at nalalapit na ang kabuwanan ko nang hindi ko man lang nakikita si Priam. Hindi man lamg niya nakikita na malakas na sumipa ang anak niya sa tiyan ko. Parang naiinip na soya doon sa loob at gusto na niyang lumabas.
Si papa ay tuluyan na akong nilayo kay Priam. Miss na miss ko na siya. Gustong-gusto ko na siyang makita. Kulang ako dito sa bahay at hindi na rin ako nakakahawak ng cell phone. Matigas si papa at ayaw na niya akong makita pa si Priam pero hindi ako napapagod araw araw na iparinig sa kanya kung gaano ko na namimiss ang ama ng anak ko.
"Mabuti nang ganito Jade. Naging mabuti akong asawa sayo at ama sa anak mo pero hindi ka naging mabuting ina sa anak ko. Nagpakasal tayo dahil gusto mo may ama ang anak mo at ako rin naman pero hindi mo naman tinupad iyon kaya mas mabuti nang putulin na natin kung ano man ang meron tayo..." tumango si papa habang nasa tainga niya ang telepono. Narinig ko ang pag-uusap nila ni tita Jade. Hindi rin naman ako nakikita ni papa dahil nakatalikod siya sa akin. "Makakapunta ako sa Manila sa susunod na buwan... ihanda mo na lang ang mga papeles pipirmahan ko na lang ang annulment natin pagdating ko doon... magkita na lang tayo." Iyon ang huling narinig ko at nagtago na akong muli.
Ngayon ko lang narinig si papa na tumawag kay tita Jade o nakipag-usap simula noong may nangyari sa akin. Hindi ko na rin nakita simula noon sina tita Jade at Jia. Pero hindi naman ako nagtanong noon kay papa dahil abala ako sa kakaisip kong kailan ko makikita ulit si Priam. At ang utak ko ay lumilipad kakaisip kay Priam.
"Pa, nasaan na po pala sina tita Jade?" Tanong ko kay papa habang nanonood kami ng balita sa Kapamilya Channel.
"Umuwi na sila sa Davao anak." Si papa.
"S-sumama rin po ba si Jia?" Tanong ko muli.
Humarap sa akin si papa. "Nagalit ako Makaio. Nagalit ako kay Jia. Muntik ko na siyang pagbuhatan ng kamay dahil nalaman ko siya ang nagsabi sa ama ni Priam na isa kang bearer. Alam ko na. Na noon pa man ay magkasundo-bati kayong dalawa pero hindi ko naman iyon iniisip kasi minsan nakikita ko naman na maayos ang relasyon ninyong dalawa. Iniisip ko na natural lang sa mga magkapatid na may away." Tumigil si papa saglit at parang tinatanaw niya ang mga nangyari sa nakaraan. "Minahal ko si Jia na parang anak ko... minahal ko rin si Jade. Minahal ko silang dalawa kahit na hindi maayos lang pakikitungo nila sayo. Nabulag ako sa paniniwala ko noon na kung magkakaroon ako ng asawa ay magkakaroon ka nang kompletong pamilya Makaio kaya nagtiis ako. Tiniis ko ang mga ginagawa nila sayo at minsan nag-aaway pa kami ni Jade."
Tumawa si papa pero iyong tawa na hindi masaya.
"Pero iyong ginawa ni Jia sayo. Iyong pagsugod niya sayo doon sa villa ni Priam. Hindi ko na kayang kimkimin pa iyon Makaio. Ayaw ko na sinasaktan ang anak ko. Ayaw ko na inaapi ang anak ko. Huli na nang magising ako sa katotohanan na dapat hindi ko pilit na binubuo ang pamilya natin kahit na sa simula pa lang ay hindi na iyon maayos. Humingi nang tawad sa akin si Jia sa ginawa niya sayo Makaio. Saka wala na rin sa tamang pag-iisip si Jia kaya dinala siya ni Jade sa Davao at doon niya ipapa-therapy si Jia. At sinabi ko na rin kay Jade na maghiwalay kami tutal naman hindi rin mahing maganda ang pagsasama namin." Kwento ni papa sa akin.
Kaya pala hindi ko na nakikita si Jia. At tahimik na rin siya sa TV dahil doon. Ako man ay galit din kay Jia at ayaw ko na rin siyang makita pa. May pinagsamahan kami at iyon ay ibabaon ko na lang.
Sa sumunod na araw ay sumisigla na ako at lagi na rin kaming nag-uusap ni papa at mga advice niya sa akin kapag na nganak na ako. At kinukwento niya rin sa akin kung ano ako noong bata pa ako.
Gumagabi na at makulimlim na ang kalangitan. Hudyat na may paparating na ulan. Ilang saglit pa ay bumuhos na ang malalaking patak ng ulan at mag kulog pa na kasama. Tumayo ako upang isara ang mga bintana. Magsasara na sana ako nang mga bintana nang may nakita akong lalaki sa labas na nakatayo lang at nagpapaulan. Sa kabila ng malalaking patak ng ulan at glass window at kahit na halos dalawang buwan kaming di nagkikita. Nakilala ko kaagad ang lalaking nasa labas. Si Priam Lacsamana ay nasa labas at nagpapaulan. Ang bobo nagpapaulan talaga.
"Makaio, ibaba muna ang kurtina." Utos ni papa pero hindi matanggal ang mata ko kay Priam na nasa labas. Ilang beses ko na siyang nakikita sa mga panaginip ko at sa wakas ay nasa labas na siya. Ang lapit na niya sa akin.
Sa sobrang galak ko na nakita ko na siya ay tumulo ang luha ko. Kumakabog ang puso ko sa saya.
"P-pa, si Priam nasa labas." Ako at binalingan ko si papa.
"Ano?"
Nagmamadali akong binaba ang kurtina saka aalis na sana ako upang puntahan si Priam dahil nababasa na siya sa labas. Baka nilalamig na iyon sa ulan. Bobo pa naman iyon at nagpapaulan gaya ng dati.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni papa at hinatak ako.
"Pupuntahan ko po si Priam, Pa. Basang-basa na iyon sa ulan at baka nilalamig na." Nag-aalala kong saad kay Papa.
"Makaio dumito ka lan-"
"Pa, hindi ka po ba nag-aalala kay Priam? Ayaw n'yo po ba na makita ko siya hanggang ngayon? Galit pa rin po ba kayo kay Priam? Pa, wag niyo naman po sanang paabutin na gagaya kami ni Priam sa mga napapanood ko sa mga movies na aakyat na si Priam sa bintana natin makita lang ako."
Napapikit ng mariin si papa at niyuko niya ang ulo niya.
"Pa, kahit ma bobo iyang si Priam minsan at gago... mahal ko siya pa." Dagdag ko pa.
"Tsk! Umupo ka doon. Ako na ang lalabas papapasukin ko na siya dito." Pagsusuko na ni papa.
"Hindi pa ako na po ang pupunta kay Priam." Sabi ko.
Pinanlakihan ako ng mata ni Papa. "Ako ang pupunta doon o papaalisin ko ang lalaking iyon?!" Pagpapapili niya sa akin.
Agad naman akong sumunod sa sinabi ni papa na umupo sa salas namin pero hindi ako nakaupo dahil umakyat ako sa taas upang kumuha ng towel para kay Priam dahil alam ko na basang-basa na siya ngayon.
Sa pagbaba ko ay tamang-tama naman na kakapasok ni Priam at tumutulo aang butil ng tubig sa buhok niya. Ang suot niyang tshirt ay kumakapit na rin sa katawan niya dahil sa basa.
"Priam." Usal ko at lumapit sa kanya. Niyakap ko ay malaking towel sa kanya at niyakap siya. Hindi nakagalaw si Priam Lacsamana sa ginawa ko. "Miss na miss kitang gago ka. Bakit ngayon ka lang? Bakit ka natakot kay papa?" Ani ko at pinagsusuntok ang likod niya. Wala akong paki kung naririnig ako ni papa. Ayos lang kung magalit siya. Nandito na man si Priam. Pwede niya akong dalhin doon sa villa niya.
"Kai, basa ako lumayo ka." Ani niya.
Naluluhang lumayo ako sa kanya. "Gago ka. Hindi mo ba ako na miss? Iyan ba ang sasabihin mo sa akin pagkatapos ng halos dalawang buwan nating di pagkikita?"
Kasabay ng pag ngiti labi ni Priam ang pag ngiti rin ng mga mata niya. "Miss na miss kita Kai."
"Gago ka. Akala ko ba mayaman ka bakit di mo ako hinanap? Bakit di mo agad ako sinundan dito? Siguro bobo ka talaga." Sabi ko sa kanya pero ang luha ko ay tumutulo sa saya. Iwan ko nababaliw na rin siguro ako.
"Kai, hindi madali sa akin na gawin iyon pero inayos ko lang ang pamilya ko. Gusto kapag humarap na ako sayo. Ayos na ako at ang pamily ko."
Magsasalita pa sana ako nang sumingit si papa. "Makaio. Pagbihisin mo muna si Priam kung talagang nag-aalala ka."
Lumapit ako kay Priam saka ko kinuha ang kamay niya naa malamig. Hinila ko siya papunta sa ikalawang palapag nang bigla na namang magsalita si papa.
"Makaio saan mo dadalhin si Priam?" Kunot noong tanong ni papa. "Magbibihis yan mayroon namang cr dito kaya dito muna iyan pabibihisin. Dadalhin mo pa sa kwarto mo."
"Papa!"
"Kai, sumunod na lang tayo sa papa mo." Bulong ni Priam sa akin.
"Hindi," tanggi ko at hinila ko talaga si Priam sa taas kahit na sumisigaw na si papa.
"Makaio!"
Pagdating sa kwarto ay agad ko iyong ni-lock at binigyan ko nang mabibihis na damit si Priam. Kasya na sa kanya ang mga damit ko dahil malalaki na iyon. Hindi na gaya ng dati. Umupo ako sa kama habang hinihintay siya. Lumabas si Priam sa cr ko habang nagpupunas sa buhok niya.
"Tara na Kai bumaba na tayo. Hinihintay na tayo ni tito Gino." Sabi niya at tumungo doon sa may pintuan na ni-lock ko kanina.
Napatayo ako sa kama. "Namiss mo ba talaga ako?" Wika ko na nagpatigil kay Priam sa paglalakad niya at pagpupunas sa buhok niya. Lumingon siya sa akin.
Ang nagbabadya kong luha ay tuluyan nang kumawala. Mabilis ko iyong pinalis pero may tumulo na namang muli. Masaya ko na nakita ko na siya pero kumikirot na ang dibdib ko dahil parang wala lang si Priam. Sabi niya namiss niya ako ngunit parang di naman.
This scoundrel is fooling me! Damn him!
Lumakad siya patungo sa akin. "Kai-"
"Ano?! Kai na naman. Kai ka na nang Kai mula kanina!" Sigaw ko sa kanya habang walang tigil sa kakatulo ang luha ko. Miss na miss ko siya. Sobra pero bakit ganito siya?
"Baby calm down." Aniya at lumapit sa akin saka hinawakan ang dalawang braso ko.
"Sabi mo na miss mo ako pero parang di nama-"
Naputol ako nang kabigin niya ang ulo ko at dalhin iyon sa dibdib niya na sobrang lakas ng tibok. "Tssk! You don't know how much I miss you, Kai. Nagpipigil ako dahil nandidito si tito Gino. I need to have a good impression. Dammit! I miss you so fucking much. I missed you and our baby."
Hindi pinakinggan ang mga pinagsasabi niya at umiyak ako. Nang mahimasmasan ako magsalita ako.
"Priam," sabi ko nang pakawalan niya ako at pinunasan niya ang luha ko. "Priam ayaw mo ba akong pakasalan?" Tanong ko na kinatigil niya. Sabi ko na ayaw na niya!
"K-kai." Tingnan mo na nauutal na!
"Ano ayaw mo na?" Segunda kong tanong.
Umiling ang ulo niya. "Kai i-it's not lik-"
"Ano ayaw mo akong tanungin. Sige ako ang magsasabi sayo..." lumunok ako. "Magpakasal na tayo Priam." Sabi ko at matapng kong tinitingnan ang mata niya.
Kumunot ang noo ko nang pumikit si Priam at umalog ang balikat niya. Pinagtatawanan ako nang gago!
"You're saying na magpakasal na tayo but let me ask you. Do you love me enough? Are you willing to lay your life for me without reservation? That's love Kai. When you love, you are willing to put your life on the line without reservation. Cause if you're gonna ask me if I'm willing to sacrifice my self for you Kai. I will say yes. Marriage is a forever commitment Kai. Are you willing to commit yourself to me? Kai, you are young if you're feel pressure or-"
Tumingkayad ako at walang pag-aatubili kong siniil ang labi ni Priam ng isang halik.
"Gago ang dami mong sinasabi. Oo mahal kita. Mahal na mahal. Matagal na at matagal ko na ring gusto na magpakasal sayo. Ikaw lang ang hinihintay kong ayain ako. Pero nainip na ako sayo." Sabi ko sa kanya.
Gulat na gulat naman ang mukha ni Priam Lacsamana. Ilang minuto pa bago siya makapag-react. Tssk!
"You love me?" Siya.
"Oo, mahal kita." Sagot ko.
"Fuck. I love you too, Kai." Aniya at hinalikan ako saglit. "So where's the ring?" Aniya at naghanap nang singsing sa akin.
"A-anong singsing?" Takang tanong ko sa kanya.
"You ask me to marry you without having a ring?" Di makapaniwalang tanong naman ni Priam.
Shit! Proposal ring? Kailangan pa ba n'on?
Kumibot ang bibig ko at di ko alam ang sasabihin ko. Wala akong singsing na dala o binili.
"T-tssk! Ikaw ang may pera sa atin kaya ikaw na ang bumili ng singsing. Ako na nga ang nag-aya sayo kaya ikaw na ang bumili." Ani ko habang tinataas ko ang kilay ko sa kanya.
Muli siyang tumawa at niyakap ako. "I'm just kidding you but I'm happy Kai. I'm so damn happy." Aniya saka ako pinakawalan. Lumayo siya sa akin at pinuntahan niya iyong basa niyang damit kanina. Bumalik siya sa akin. "I already did buy a proposal ring for you. And I always bring it with me since binili ko ito. Matagal na kitang gustong ayaing magpakasal pero nagdadalawang isip ako kasi bata ka pa pero ngayon wala nang bata-bata. Papakasalan na kita." Sabi niya at binuksan niya iyong maliit na box at nandun ang singsing. Dalawang singsing iyon. "Actually it's a promise ring and we can have it as our engagement ring, too." Pagkatapos noya sabibin iyon ay sinuot niya sa akin ang isang singsing. Natutuwa ako habang sinusuot iyon ni Priam sa akin pero naluluha din ako. Kinuha ko rin ang isang singsing doon at sinuot ko sa kanya
Gago talaga! Handa na naman pala siya ang tagal niya lang akong inaya. Sana di na kami nagkalayo ng halos dalawang buwan.
Napatingin ako sa kamay namin na may parehong singsing. Nagkatinginan kaming dalawa ni Priam bago ngumiti sa isa't isa. Muli niya akong niyakap at saka hinalikan ako sa noo.
"I love you, Kai." Bulong niya habang ang labi ang nasa noo ko pa.
"I love you, too." Ako at yumakap ng mahigpit sa kanya.
Magkalayo kaming dalawa ni Priam nang biglang sumipa ng malakas ang baby sa tiyan ko. Naipit ata.
______
BTW, 'The Mafia Lord's Pet' chapter 1 and 'Endless' chapter 1-3 are UP. Thank you. Hahaha! Plug ako nang plug sa mga story ko. 🤣
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top