CHAPTER 38

Chapter 38




Kai Pov

Hindi nakapagsalita si Dr. Wilfred. Natatulala siyang nakatingin sa akin. Ako naman ay galit na sinasalungat ang mga titig niya. Nakatulog ako habang umiiyak. Siguro dahil na rin iyon sa pagod. At nagising akong muli nang may marinig akong mga kalampag at mga nabasag.

Masakit ibukas ang mata ko. Siguro dahil iyon sa luhang matuyo na sa mata ko. Malabo ang paningin ko at may nakita akong bulto ng katawan sa harapan ko. Kinurap-kurap ko ang mata ko hanggang sa naging malinaw na ang paningin ko.

"P-priam?" Usal ko nang makita ko nang malinaw ang lalaking nakatalikod sa akin.

Tatayo na sana ako upang yakapin siya dahil ang tagal naming di nagkita at miss na miss ko siya nang akmang tatayo na ako pero may nakagapos pala sa akin.

Lumingon sa akin si Priam na pulang-pula ang mata. Sa sobrang liwanag ay nakikita ang maliliit niyang sugat at mga pasa sa mukha.

"A-anong nangyari sa mukha mo?" Ang unang naging tanong ko sa kanya. Muli na naman akong umiyak. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Gusto ko siyang yakapin.

"Kai." Aniya at lumapit sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko at nagmamadali siyang tanggalin ang mga nakagapos sa akin. Nanginginig pa nga ang kamay niya habang ginagawa niya iyon.

"Priam tigilan mo iyang ginagawa mo!" Narinig ko ang sigaw ni Dr. Wilfred kaya nataranta ako at hinanap ko siya pero nakita ko siyang nakatali ang kamay sa paanan ng hospital bed at may mga sugat rin at wala na iyong suot niyang eyeglasses.

"You can't stop me! I fucking hate you!" Sigaw naman ni Priam.

"Kai, are okay? May masakit ba sayo? Ang tiyang mo okay lang ba? Wala ba siyang ginawang masama sayo? Wala ba siyang pinainom o tinurok na gamot sa i..."

"Priam. A-ayos lang ako." Pagpigil ko sa kanya. Natataranta si Priam at nanginginig ang namumula niyang kamay. Pati ang mga kamay niya ay may mga sugat din.

Hinalikan niya ang noo ko saka ako niyakap. "Dammit! Akala ko may nangyari nang masama sayo Kai. Akala ko mawawala na naman sa akin. Hindi mo alam Kai kung ano ang naramdaman ko nang malaman ko na nawawala ka. I'm ready to lose everything I owned but not you and our baby, Kai."

Nikayakap ko ang kamay ko sa kanya at umiyak sa leeg niya. Nakaluhod pa rin siya sa harapan ko ngayon.

"A-ako rin. Priam. Akala ko di na kita makikita. Akala ko mawawala ang kami ni baby. Takot na takot ako Priam." Parang bata kong sumbong sa kanya.

Kumalas si Priam sa pagkakayakap sa akin. At pinalis ang mga luha ko saka pagkatapos ay pinunasan niya rin ang mga luha niya. Ang kamay ko na namamanhid ay dumapo sa mukha niya na may mga sugat at pasa. Tumulo ang luha ko.

"M-masakit ba ito? H-hindi ka na gwapo, gago ka. Bakit ka nagpasuntok. Gago hindi ka na gwapo." Umiiyak kong wika habang tinitingnan ang buong mukha niya.

Tumawa si Priam. "Prff! You never fails to amazed me, Kai. Dammit!" Si Priam saka kinuha ang kamay ko at hinalikan ang palad ko. "Let's go home."

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tatayo na sana ako nang magsalitang muli si Dr. Wilfred.

"You really love that bearer. Do you Priam?" Si Dr. Wilfred habang nakayuko ang ulo niya sa sahig.

Tumayo si Priam at humarap sa ama niya na nakatali doon sa paa ng hospital bed. Gusot ang suot ni Dr. Wilfred at may mga bakas ng dugo rin sa lab coat niya.

"You punched and beat you own dad for that guy. I guessed you really cherish him more than your own dad." Patuloy ni Dr. Wilfred.

Napatingin ako sa nakatalikod na Priam. Siya pala ang may gawa nang mga pasa at sugat din ni Dr. Wilfred. Nagsuntukan sila. Nagkasakitan sila. Dahil sa akin.

"Yes, I love him. I cherish him more than you." Walang pag-aatubiling sagot ni Priam.

"He is not good for you Priam. He will only bring you down just like what's happening in your company. That bearer will only bring you misfortune. He is a curse Priam because of him you beat me and hated me."

Tumawa ng mapakla si Priam.

"Damn you dad! Hindi mo ba alam na noon pa man galit na ako sayo. Noon pa man kinamumuhian na kita. Don't tell me that Kai brings me misfortune and he is curse. Because if he is then he is the most beautiful curse that ever happened in my life."

Inangat ni Dr. Wilfred and ulo niya. "He is not good for yo-"

"Wag mong sabihin sa akin 'yan! Wala kang karapatan sabihin sa akin kung sino at ano ang nakakabuti sa akin. I'm good on my own dad. I've grown without you by my side. Kaya ngayon na masaya na ako. Ngayon na malapit na akong magkaroon ng sarili kong pamilya gagawin mo 'to? Dad, don't push it too much! And how could you say that Kai is not good for me? Have you ever know what I like? Have you ever ask me what I like? No, right? Wala kang alam dad. Ang alam mo lang anak mo ako."

"Priam," ako at inabot ko ang laylayan ng damit niya.

"Let's go." Siya at kinuha niya ang kumot na nasa ibabaw nung hospital bed at tinulakbong niya iyon sa akin saka ako binuhat. Niyakap ko ang mga braso ko sa leeg ni Priam.

Bago kami umalis doon ay tumigil muna saglit si Priam sa hamba ng pintuan. "Wag mo nang guguluhin ang buhay ko dad... kung ayaw mong magkalimutan tayo."

Hindi ko na nakita ang nilalakbay ni Priam dahil sa kumot. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtigil niya.

"Is Kai okay?" Rinig kong boses ni Nelanie.

Naramdaman ko na naman ang muling paglakad ni Priam at ang paglapag niya sa akin. Nang alisin ko ang kumot sa akin ay nakaupo na ako sa loob ng sasakyan. At sa isang tabi ko ay si Nelanie at ang nasa drivers seat ay si Erris.

"Nel." Naging usal ko nang bigla akong yakapin ni Nelanie. Umalog ang balikat niya at sunod n'on ang paghikbi niya.

"I'm so sorry Kai. I'm sorry muntik ka nang mapahamak dahil sa akin. It's all my fault." Kumalas siya pagkakayakap at pinunasan ang luha niya.

"Let's go  Erris." Rinig kong utos ni Priam kay Erris. Si Priam ay nasa shotgun seat at kaming dalawa ni Nelanie ay nasa likod naman.

"H-hindi mo kasalan iyon Nelanie. Wag mong sisihin ang sarili mo." Matamlay kong saad sa kanya at isinandal ko ang katawan ko sa kinauupuan ko. Pagod ako.

"No, kung hindi ako umalis doon sa villa hindi sana ito mangyayari Kai. Minsan ka nang sinugod ni Jia dapat ay naging alerto at nagtanda na ako doon pero nagpabaya ako... kasalanan k- "

Tumingin ako sa kanya. "Wala ka ngang kasalanan. Wag mo nang isipin iyon saka w-wala namang nangyaring masama sa akin kasi dumating si Priam. At maayos ako Nel at ang baby ayos naman kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo." Ako saka ako pumikit inaantok ako at nagugutom din.

"Kai, okay ka lang ba? Gusto mo bang tawagan namin si uncle Rain?" Si Priam.

Pikit mata akong umiling. "A-ayos lang ako. Gutom lang at pagod."

"Shit! I brought foods papunta dito dahil wala akong hapunan Kai but you can have it." Si Nelanie.

Hindi ko nakita kong ano ang biniling pagkain ni Nelanie pero nang maamoy ko ang ng pasta ay agad na bumaliktad ang sikmura ko at dumuwal. Shit! Hindi pa ba tapos itong paglilihi na ito? Running seven months na ang tiyan ko, ah.

Gabing gabi na nang makarating kami ni Priam sa bahay namin. Pagdating ko sa bahay ay akala ko madadatnan ko si Jia o si tita Jade pero wala. Hindi naman sa inaasahan ko na sasalubungin nila ako. Nagtataka lang. Si papa lang ang nakikita kong naghihintay sa akin doon sa sala na nakatungkod ang siko sa tuhod niya at ang kamay niya ay nasa bibig niya.

Sina Erris at Nelanie ay sumama rin sa aming dalawa ni Priam na pumasok sa bahay namin. Nang makita ako ni papa ay agad siyang tumayo at tinakbo ang distansya namin para yakapin ako.

"Jesus. Makaio." Ani papa habang niyayakap ako. Lumalas si papa sa yakap. "Ayos ka lang ba? Wala ka bang nararamdamang masama?" Tanong ni papa sa akin at tiningnan ako mula ulo at baba. Sinipat-sipat niya pa ang katawan ko.

"Ayos lang ako pa." Sabi ko kay papa upang matigil na siya sa kakasipat sa katawan ko. Napatingin si papa sa akin at napabuntong hininga.

"Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo Kai."

Tumingin si papa kay Priam at kina Erris at Nelanie. "Salamat sa paghatid sa anak ko pero makakaalis na kayo."

"Pa," wika ko kay papa at hinawakan ko ang kamay niya.

Tipid akong ngumiti sa kanila. Hindi ko pa nga napapakilala kay papa sina Nelanie at Erris tapos pinapaalis na niya.

"T-tito." Si Priam.

"Umalis na kayo Priam. Isama mo na ang mga pinsan mo." Sabi ni papa kina Priam saka ako hinala.

"Priam!" Tawag ko kay Priam dahil nakatayo lang siya doon at nakatingin sa akin na hinihila ni papa.

"It's okay Kai. Take a rest. Bibisita na lang ako."

Iyon ang sinabi ni Priam na bibisita siya pero hindi na iyon nangyari. Hindi na siya nakadalaw sa akin doon sa bahay namin dahil bumalik kami ni papa sa isla viste. Dinala ako doon ni papa at hindi na kami nagkita at nag-usap ni Priam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top