CHAPTER 32
Chapter 32
Kai Pov
"Hinding-hindi talaga ako magsasawa sayo, Kai." Bulong ni Priam sa akin habang niyayakap niya ako. Mas lumapit ako sa kanya at niyakap din siya. Hinihingal pa kami dahil galing pa kami sa isang mahabang love making. At tangung ang makapal na kumot lang ang nakapatong sa aming hubo't hubad na katawan.
Totoo talaga iyong sinabi nila na sa una lang ang mahirap. Dahil ngayon anim buwan na kaming magkasama ni Priam at lagi na naming ginagawa iyon. Every time na nagkakaroon kami ng tyansa hindi namin iyon pinapalampas. Pero kahit na ilang beses nang may nangyayari sa amin. Hindi pa rin ako nagsasawa kagaya nang sa kanya. It's like everytime we did it parang first time pa rin.
I can't help it. Just thinking of us making love my whole face heated. My tummy is more glutted now but it didn't hinders us from doing it. Kahit nga galing siya sa trabaho niya may kaya pa siyang gawin namin iyon.
"Goodnight, Kai." Si Priam at hinalikan niya ang ulo ko.
"Goodnight." Ako.
Being under his arms it feels home. Soon, we will be a family at laging binabanggit ni mommy Luciana kapag bumibisita siya dito. Ang tungkol sa kasal pero si Priam hindi niya naman ako kinakausap tungkol doon. Iniisip ko noon. Noong nalaman niya na buntis ako sabi niya kung kinakailangan ay papakasalan niya ako pero ngayon di na siya nag-o-open ng topic tungkol sa kasal. Minsan tuloy iniisip ko. Ayaw na niya ba akong pakasalan? Kontinto na ba siya na ganito kami? Nakontinto na ba siya sa relasyon namin ngayon kasi nagagawa na niya naman ang gusto niya?
Priam had his 35th birthday last August 4 while I am 23 this year pero kahit sa laki ng age gap namin hindi ko iyon iniisip. I want to be with him. I want to live with him. Not just for our soon child but for us as well. Kahit na wala pang isang taon na magkasama kaming dalawa ni Priam pero gusto ko nang matali sa kanya. Noon, talagang ayaw na ayaw ko sa kanya kasi sa tingin ko rin sa kanya noon hambog siya, feeler at syempre playboy siya. Pero ngayon di ko na iniisip ang mga bagay na iyon.
Gusto ko na itong Priam na kayakap ko ngayon. Gusto ko na itong Priam na nakakasama ko sa dito loob ng bahay. Gusto ko na itong Priam na nakilala ko dito sa isla. Anim na buwan na kaming magkasama hindi ko man lang namalayan ang mga panahon na iyon. Parang kailan lang na ayaw ko siyang makasama. Parang kailan lang na ayaw ko siyang makita. Parang kailan lang no'ng hindi ko pa siya gusto at kinamumuhian ko. Para ngang inaalila ko siya noon pero hanggang ngayon kasama ko pa rin siya.
I love what I am feeling right now. I want to live with this forever. I want to live with this with Priam. I love Priam Lacsamana. I love him, now. I want to tell him that pero gusto ko siya muna. Gusto ko sabihin niya muna sa akin na mahal niya rin ako. Gusto kong marinig na mahal niya rin ako. Pero hanggang ngayon 'I like you' pa rin ang sinasabi niya sa akin.
Day by day we are like a real family. Ngayon hinahayaan na ako ni Priam na lutuan rin siya. Kasi minsan matagal siyang umuuwi o di kaya'y natatagalan siyang matulog kasi may trabaho siya dito saka may kompanya pa siya sa Manila tapos maaga pa siyang gigising para magluto kaya kinausap ko siya na ako na ang magluluto kapag matagal siyang makauwi. Tutol pa nga siya noong sinabi ko iyon sa kanya.
Umupo ako sa kama. "Priam, anong oras na?" Tanong ko habang kinukusot ko ang mata ko. Nagising kasi ako nang dumating siya.
"It's 1am." Sagot niya habang hinuhubad ang suit niya.
"Bukas ba may trabaho ka ulit?" Tanong ko habang sinusundan ko ang lahat ng galaw niya.
"Yeah," sagot niya at hinubad ang slacks niya. Naiwan ang boxer niya at ang long sleeve niyang color gray. I gestured him na palapitin siya sa akin. Tinagilid niya ang ulo niya pero lumapit naman siya. Ako na ang nagtanggal sa botones ng long sleeves niya habang nakaupo ako sa gilid ng kama at siya naman ay natayo sa harapan ko.
"Ako na lang ang magluluto ng breakfast bukas." Ani ko.
"What? No, ako na Kai." Pagtanggi niya.
Tiningala ko siya. "Hindi na. Ako na nga matagal kang matulog tapos maaga kang gumigising. Hayaan mo naman akong gawin iyon."
Kinuha niya ang kamay ko na nasa huling butones na.
"Iyan ba talaga ang gusto ko?"
Tumango ako sa kanya. Inangat niya pa ang ulo ko gamit ang isang kamay niya at yumuko siya upang siniil ako ng halik.
"Fine." Pero sa huli pumayag rin siya.
Naputol ako sa pag-iisip ko nang gumalaw ng konti si Priam. Isiniksik ko ang katawan ko sa kanya at tina-tap ko ang daliri ko sa likod niya. He is sniffing my hair.
"Kai," inaantok na tawag ni Priam sa akin.
Nagmulat ako ng mata at kumunot ang noo ko. Nags-sleep talk ba siya?
"Matulog ka na Kai." Usal niya.
"Nagising ba kita?" Tanong ko. Nakaunan ako sa isang braso niya at ang isa naman ay nakayakap sa akin.
"Nope, hindi pa ako natutulog dahil pinaparamdaman pa kita. Bat di ka pa natutulog?"
Ngumuso ako. Pag-nguso ko ay muntik na iyong umabot doon sa nipples niya. Ang lapit lang kasi namin.
"May iniisip lang."
"What is it?"
"Sa akin na iyon. Masyadong... personal."
Alangan naman na sabihin ko sa kanya ngayon na iniisip ko na mahal ko siya at gusto ko na magpakasal kami. Tssk! Swerte din naman niya.
"Hmm, okay. Sleep." Si Priam.
The next day habang nagpiprito ako ay pumasok si Priam sa kitchen na nakapambahay lang. Wala siyang trabaho ngayon.
"Kai, can we talk?" Aniya at umupo doon sa upuan sa may dining table.
"Pwede pagkatapos nitong piniprito ko." Ako.
"Hmm, sige." Aniya.
Pagkatapos kong magprito ay umupo rin ako doon dining table namin. Mag-l-lunch na kasi dapat kami ngayon.
"Hmm, may sasabihin ka?" Ani ko pagkaupo ko. Don't tell me his going to ask me to marry him? Wala man lang bang kagaya sa iba na may proposal or surprises man lang? A proposal ring, iyong mga ganun.
Bumuntong hininga si Priam.
"I need to go to Manila Kai." Dahan-dahan akong napatango dahil sa sinabi ni Priam. Pinili kong wag munang magsalita. Ang layo sa iniisip ko iyong sinabi niya. "Maybe it will be just a week or so but I promise I will do my best to come back as soon as possible."
For the first time in six months of living with him. Ngayon lang. Ngayon lang aalis si Priam, ngayon lang kami maglalayo.
"Hmm, mag-iingat ka... sa byahe." Tanging lumabas sa bibig ko.
"Papasamahan kita kay Nelanie dito, Kai..."
Ngumiwi ako sa kanya nang binanggit niya si Nelanie. Hindi ko naman kailangan nang chaperon. Kaya ko na naman ang katawan ko.
"Priam kaya ko na ang sarili ko," ako at humilig sa upuan. "Kung nag-aalala ka huwag na dahil i-l-lock ko naman itong buong villa mo. At may mga cctv's naman dito kaya walang maglalakas loob na looban itong villa."
"No, Nelanie will come here to accompany you." Priam said in finality.
The last time na nagkita kami ni Nelanie ay noong birthday ni Priam. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ang reaksyon ni Nelanie noong nalaman niyang buntis ako.
"What the! Am I seeing this for real?" Saad ni Nelanie nang makita niya ako na bundat ang tiyan. "Are you sick Kai? Cancer?" Erris gave Nelanie a strike on her nape.
What a brutal brother!?
"What was that for kuya?!" Galit na baling niya kay Erris.
"Nel, Kai... Kai is pregnant." Ani ni Priam sa tabi ko. He also gave ma a squeezed on my shoulder.
"H-he is one of those ancient myths?"
"It's not a myth lil sis."
Lumakbang si Nelanie palapit sa akin habang ang mata niya ang nakatuon lang sa tiyan ko.
"S-so, the time na sinusungitan kita... the time na binantaan kitang ilalayo ko si Priam sayo..." tumingin siya sa mata ko, "buntis na ka n'on?"
I nodded.
"Why didn't you tell me? I look like a real bitch that time." Nelanie said in regretful tone. Napapadyak pa siya sa sahig.
"I look like a real antagonist that time, am I right?" Ani niya pa.
"O-okay lang, N-nelanie."
She glared at me. "It's not okay!-"
"Okay lang N-nelanie dahil... kung hindi dahil sayo... siguro ay di ko ma-aamin kay Priam ang totoong nararamdaman ko. Pero ngayon alam mo na sana wag mong ipagsabi sa iba. Ayaw kong ilagay sa pilegro ang buhay ng anak ko, Nelanie. "
"Tssk! Of course. We're talking about my soon to be niece or nephew here... dammit..." kinuha niya ang kamay ko. "I don't really like saying sorry Kai kaya hindi ako hihingi ng tawad okay? And besides I'm not really sorry for what I did dahil naging kayo naman ng pinsan ko." She glance at Priam on my side.
Priam's embrace from my back snapped me back to reality. He sniffs on my neck.
"Priam, baka kasi busy si Nelanie."
"No, I called her already and maybe she's on her way by now. And right Nelanie landed. Aalis ako Kai."
Hinawakan ko ang braso ni Priam na nakayakap sa leeg ko. "Hmm, basta mag-ingat ka doon at... babalik ka kaagad." Masungit kong saad sa kanya.
He laughed.
"Pwede mo namang sabihin iyon Kai in a sweet manner."
Tinampal ko ang kamay niya. "Tae mo Lacsamana!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top