CHAPTER 29
Chapter 29
Priam Pov
Sumasakit na ang ulo ko dahil kay Kai. All he do is sleep and eat sweets. Okay lang naman sa akin na kumain siya ng ganoon pero sana naman ay hindi niya damihan dahil baka magkasakit siya sa kaka-kain niya ng mga iyon.
Hindi ko naman siya mapipigilan dahil iyon ang gusto niya at aliw na aliw siya sa pagkain niya. Tapos si mommy ay kinakampihan pa siya kaya ayon nagagawa na ni Kai halos lahat ng gusto niya. Isang linggo nang sumasakit ang ulo ko sa kanya. At ngayon ay nandidito na naman si mommy sa isla bumibisita daw siya. Kapag si mommy at si Kai ang nag-uusap parang maamong aso talaga ang baby ko. Tang ina. Sa edad kong ito ay alam ko pa pala ang kilig. It's so lame of me.
"Kai, gusto mo bang mag-shopping?" Tanong ko sa kanya habang nililigpit ko ang pinagkainan namin kanina. Si mommy ay umalis muna dahil may emergency call daw siyang natanggap mula sa company.
"Sige. Bibili na ba tayo ng mga gamit sa baby natin?" Tanong niya naman pabalik.
Nilagay ko sa sink ang mga pinggan at bumalik sa mesa.
"Oo, kung may magustuhan tayo. Saka sabi naman ni kuya na bibili rin daw siya ng gamit sa baby natin. Pero mas mabuti na iyong makabili rin tayo."
"Pero hindi pa naman natin alam kung ano ang gender ni baby." He said and find his stomach.
"We can buy for a girl and for boy naman Kai. Saka bibili na rin tayo ng mga damit mo. Diba, hindi mo na kasya ang iba mong damit?"
"Hala, oo nga pala."
"Okay, i'll just wash the dishes and get ready dahil aalis na tayo pagkatapos ko dito."
He nodded. "Sige maliligo lang ako at magbibihis." Kai said and left the kitchen.
Time flies evey fast at limang buwan na ang tiyan ni Kai. Kaya medyo malaki, malaki na talaga ang baby bump niya. Pero natatakpan pa naman iyon kapag nagsusuot siya ng makapal na jacket.
Our relationship went smooth this past few weeks. Even if we have a small misunderstanding nagkaka-ayos din naman kaagad kami ni Kai. I can see that Kai is also trying his best na ipakita ang nararamdaman niya sa akin. He started to be showy this past few weeks. And I like it so much. We talk before sleeping, a good morning kiss, we do simple things to make our relationship strong and deep.
I'm planning on marrying him. I'm planning on proposing pero nagdadalawang isip ako. Baka kasi mabigla ko si Kai sa gagawin ko. Baka hindi pa siya handa sa ganoong klaseng bagay. Ako. Matagal na akong handang magpatali sa kanya. Pero ang iniisip ko ay siya. Baka kasi isipin ni Kai na minamadali ko ang lahat. Ayaw kong isipin niya iyon. Saka baka isipin niya rin na hinihingi ko ang kamay niya dahil buntis siya at dahil sa baby namin.
Ayaw kong takutin si Kai sa kasal. Bata pa siya. I know marami pa siyang pangarap sa buhay. Naalala ko pag-uusap namin ni mommy at kuya Sinbad.
"Hindi naman sa tagal ng panahon ang basihan kung handa na kayo o hindi sa ganoong lebel ng relasyon, Priam." si Kuya.
"Alam ko kuya pero ang iniisip ko kasi si Kai. Baka mabigla siya, baka lumayo iyon sa akin. Bata pa siya muntik pa nga niyang hindi sabihin sa akin itong pagbubuntis niya. Buti at ako na mismo ang nakaalam"
"Why are you having that kind of thoughts brother. Trust what you and Kai have. I know kahit na bata nga si Kai kaysa sayo pero may sariling isip na rin si Kai and he can make mature decisions already. Soon you'll be a parents na. Isipin niyo rin ang baby ninyo."
"Yes, son why don't you ask Kai's hand." ani naman ni Mommy.
When it comes to Kai lagi akong nag-iisip ng mabuti at iniisip ko talaga ang mga bagay kapag kasali na siya. Dahil ayaw ko na bumalik kami sa dati.
"Priam, tapos ka na ba halika ka na." Napalingon ako sa taong mahal na mahal ko at ang dahilan ng pagkabalisa ko nitong mga nakaraang araw. Kahit na limang buwan na kaming magkasama sa iisang bahay hindi talaga ako magsasawa sa mukha niya. Parang araw araw ay mas gumaganda si Kai sa paningin ko. Even with his baby bump I still find him gorgeous. Fucking head over heels with this guy.
"Ano ang gwapo ko na ba sa tingin mo?" Tanong niya at naglakad papalapit sa akin.
Sinalubong ko siya at ngumiti. Niyakap ko ang kamay ko sa baywang niya at hinalikan ang noo.
"Yes, very gorgeous."
Tinampal niya ang dibdib ko. "Anong gorgeous?" Ngusong tanong niya.
I laugh. "If you are feeling that you are handsome, in my eyes you are gorgeous, Kai. Very gorgeous." Ako at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik at tinapik-tapik niya ang likod ko.
"Parang ayaw ko nang mag-mall dito na lang tayo. Let's just cuddle, Kai."
Naitulak niya ako at nagpaubaya naman ako.
"Tch! Mag-mall tayo ngayon dahil binigay ni mommy and black card niya sa akin." Nakangising saad niya at kinuha sa bulsa ng jacket na suot niya ang card.
Napailing na lang ako. Mommy is spoiling Kai so much. Parang mas mag-ina pa sila kaysa sa akin ngayon. Kinabig ko siya Kai papalapit sa akin at hinuli ko ang labi niya. Hindi yata ako magsasawa sa kakahalik sa labi niya. The most soft and sweet lips I've ever tasted. His lips is as smooth as mallows and as sweet as candies. Fucking lame of me.
"Tsk! Mamaya na ang iba," saad niya at nilayo ang mukha sa akin. "Baka hindi na tayo makaalis, eh."
"Yeah." Natatawa kong saad.
Pagdating namin sa mall ay hindi ko maiwasang kabahan. Baka may makahalata na bearer si Kai. Mas lalo na kapag nahalatang buntis siya. Ang una naming binili ang mga damit niya. Akala ko ay pupunta kasi sa mga luxury items. But instead hindi doon ang direksyon ni Kai.
"Kai, what about Prada? Gucci? Chanel?" Sabi ko sa kanya dahil lumagpas na kami doon. Dala niya ang black card ni mommy it's unlimited kaya walang problema saka kahit wala iyon. I have cards as well.
"Nah, ang mamahal doon tapos nasisira lang din naman ang mga damit. Napaglulumaan din naman dito na lang tayo sa mga mumurahin marami pa akong nabibili." Nakangiting wika niya sa akin.
"But mommy's card is unlimited one, Kai."
"Alam ko pero ayaw ko ng mga ganun. Kung gusto ko ng mga mamahaling damit may marami ka naman sa closet mo na hindi mo nasusuot maghihiram na lang ako sayo."
Wala sa sarili akong napangiti sa sinabi ni Kai. Kinuha ko ang kamay niya at pinagsiklop iyon. Tumingala siya sa akin.
"P-priam, baka may makakita." Nag-aalalang saad niya.
I smiled and kissed his lips. Mas bumilog ang mata niya. "I don't care about them Kai. You're the most important to me. They can watch and stare at us. I don't give a fuck about their look."
Nagulat ako sa ginawa ni Kai. Tumingkayad siya at hinalkan ako sa labi.
"Kung ganun wala rin akong paki sa kanila."
Kai Pov
Nakangiti ako habang tumitingin sa mga damit. Ang lakas ng loob ni Priam ay parang naging lakas ko na rin. Natatakot ako na humarap sa maraming tao at kasama ko ay ang nag-iisang Priam Lacsamana na hinahabol ng mga bubuyog, I mean nga babae. Pero ang hinahabol nila nasa akin na. Ngunit mas takot ako na baka may makaalam na buntis ako. Delikado ang baby namin. But anyhow I have Priam. At sa mga naghahabol kay Priam, gusto ko silang kantahan ng ako ang nagwagi. Seryoso na takot ako dahil sa posisyon ni Priam pero wala namang magagawa ang takot ko kung ito ang papaibabawin ko sa buhay. Hindi magiging mas malalim ang pagsasama namin ni Priam kung ang takot ko ang laging inuuna ko. Duwag ako alam ko. Ang tagal ko ngang na-amin na gusto ko si Priam dahil sa kaduwagan ko pero iyon ang ayaw ko nang mangyari. Ayaw ko nang maging duwag gusto ko na na kasama si Priam na lumalaban sa relasyong meron kami.
Kaya nga kanina ay nawala ang takot ko dahil alam ko hindi ako pababayaan ni Priam. Gusto ko nang maging matapang para sa amin ni Priam at sa magiging anak namin. I'm trying my best to be a deserving one for Priam.
"Kuya, mag-boyfriend po ba kayo?"
Napalingon ako sa isang babae na nasa sixteen ata ang gulang. Namumula ang mukha niya habang hawak-hawak ng dalawang kamay niya ang cellphone niya. May kasama din siyang isang babae. Malimit niyang tinuro si Priam sa tabi ko na nakakunot ang noo habang naghahalungkat ng damit.
"Oo, bakit?" Anang ko sa bata.
"Pwede po bang magpa-picture sa inyo?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Huh? Para saan?"
Anong magpapa-picture? Bakit siya magpapa-picture sa amin? Wag niyang sabihin na crush niya si Priam! Naku itong batang ito ang sarap itapon sa labas ng mall.
"Ang cute niyo po kasi." Kinikilig na ani ng babaeng kasama niya.
"Anong cute?" Nawala na ang utak ko sa pamimili ng damit dahil sa mga batang ito.
"Fan na fan po kasi kami ng BL."
"Teka nga anong BL?"
"Boys lover po." Sabay nilang saad.
"Anong nanyayari dito?" Napabaling ako kay Priam sa tabi. Ginapang niya ang kamay niya sa baywang ko. Ang dalawang babae naman sa harap namin ngayon ay halos mawalan ng ulirat at tumili.
"Pwede bo bang pa-picture sa inyo? Grabe kinikilig ako." Anang ng isang babae.
"Sure." Diretsong saad ni Priam. Gusto ko sanang mag-reklamo pero wala na akong magagawa dahil nagkanya-kanya na ang mga bata sa pagbukas ng cellphone nila. Nag-utos pa sila sa sales lady na kunan kami ng larawan.
"Wahhh! Thank you po. Stay strong po." Sabi nilang dalawa at lumayo nasa amin ni Priam. Napailing na lang ako. Anong pakulo ba iyon ng mga batang iyon?
Bumalik kami ni Priam sa pamimili at pagkatapos kong mamili ng damit ay lumipat kami ng ibang store bago namin napagdesisyonang mamili na para sa baby.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top