CHAPTER 25
Dedicated to:Aphrodite_helios
_________________
Chapter 25
Priam Pov
I grew up having everything on my plate. When I was still a child, when I want toys no matter how much it cost, I get it. When I finish my high school year I want a car, then I get it. When I'm on my college year I want to live in a penthouse and I get it without wasting any drop of sweat. It's like one flicked of my finger then I have what I like.
Sa madaling salita, hindi ko naranasan na maghintay at mag-abang kung kailan darating o kailan ko makukuha ang isang bagay. Dahil sa isang salita ko lang lahat binibigay ng mga magulang. Maliban na lang siguro na hindi naibibigay ng mga magulang ko ang oras nila sa akin. Lahat sila busysa kani-kanilang trabaho, si daddy sa clinic niya, si mommy naman sa opisina niya. Kaya sa tingin ko bumabawi lang sila sa mga materyal na bagay. Pero hindi ko iyon dinibdib. Hindi ko dinibdib lahat ng pagkukulang nila sa akin. I have an older brother and my cousins and they're enough for me.
Eversince, I've never been insecure and envied to someone. I've never wish and want something na hindi ko nakukuha. Pero n'ong nakita ko si Kai, when I like him. Parang lahat nawala na sa akin. Dahil sa kanya natuto akong kabahan, mangamba, mainggit at higit sa lahat nakaramdam ako ng insekyuridad na hindi ko pa nararamdaman noon. I like him so much. I want him to be mine like the other things na nakukuha ko pero hindi kagaya ng mga bagay ay nakukuha ko kaagad. Hindi bagay si Kai na mabibili ko sa magkanong halaga at iba rin siya. I tried to win him pero wala pa rin. Muntik na akong sumuko. Muntik na akong nawalan ng pag-asa.
But what I heard today was very fulfilling. Hindi alam kung saan ko ilalagay ang kasiyahan ko. Gusto kong sumigaw sa saya. Gusto kong tumalon sa tuwa. But at the same time I feel like crying. Dammit. Sa tingin ko lahat ng paghihirap ko sa mga nagdaang taon ay nabayaran na. He is worth it. Kai is worth it. Ngayon ko lang naramdaman ang kasiyahan na makuha ang gusto ko.
Kai is not perfect. He have his own flaws but I accepted all his imperfections.
"I like you. I like you so much." i said to him while still embracing his small body. It's a good thing na umalis na ang mga pinsan ko.
"I like you, too, Priam." mahina niyang sabi sa akin. I kissed his neck before breaking our tight embrace.
"Let's continue, Kai." i told him. His forehead crampled, his favorite mannerism when he is confused.
"Anong continue Priam?" he asked.
"Our making out earlier," i answered.
His nostrils go in circle. He is shy nor annoyed. Fuck, he's fucking adorable choleric baby of mine.
"Hindi, ayaw ko na."
"But your mine now, Kai." I said in low voice. I acted like I am hurt.
He heaved. "A-ano naman ngayon. P-porket ba ganun ay ano... na..."
"So you're mine now?" i teasingly asked him.
I pulled his leg towards me. "Gago, malamang sayo na ako, tssk!"
"Then let's fuck. Let's make love."
I don't know if Kai is pissed or annoyed but he kicked and I fall from the sofa. Nonetheless, I'm still so fucking happy right now. Finally, he is mine now. Makaio Villanueva is finally mine.
Kai Pov
I've never thought na darating talaga ang araw na magugustuhan ko si Priam. Si Priam Lacsamana na halos isumpa ko noon kapag nakikita ko. And everytime na naalala ko ang mga panahon na iyon natatawa na lang ako. Iyong taong halos itulak ko na bangin at patayin ko na sa panaginip ko noon, ngayon siya na ang pinaka-importanteng tao ngayon sa buhay ko at ang magiging anak namin.
Hindi ko makakalimutan n'ong araw na inamin ko kay Priam ang totoong nadaramdaman ko sa kanya. Nahihiya pa ako n'on kasi sa dami na nang nasabi ko sa kanya tapos sa kanya lang pala ako babagsak. Nahihiya ako n'on pero ngayon nawala na iyon. I'm more confident now to tell him everyday that, I like him. Para pa ngang proud na proud ako.
But then his cousin Nelanie. Hindi talaga siya naniwala kaagad. Dahil baka daw pag-iinarte ko lang iyon para hindi ako iwan ni Priam. Wala na akong magagawa kung hindi siya maniniwala doon basta alam ko sa sarili ko na iyon na iyong nararamdaman ko at alam iyon ni Priam. Di ko nga makalimutan ang bilin o siguro tamang sabihin ko na banta ni Nelanie sa akin.
"Hurt my cousin and I will not think twice to get him at hinding-hindi mo siya makikita pa."
As if I am threaten to her words. And of course, may sinabi rin si Erris sa akin.
"I will not beg and please you, Kai but take care and be good to my cousin. Matagal ka niyang hinintay, matagal ka niyang pinangarap, matagal ka niyang pinagmasdan sa malayo at matagal ka niyang gustong maging sa kanya... so don't hesitate and show him how much you like him. Kasi ang pinsan ko Kai di iyon nagtitira sa sarili niya kapag nagkagusto siya. Hindi iyon nagtitira sa sarili niya kapag... nagmahal siya."
Ang mga sinabi lang ni Erris ang tamatak talaga sa utak ko at hinding-hindi ko siguro makakalimutan. Siguro ay iba talaga ang bond nilang magpipinsan.
I stared at Priam half naked body roaming around our room. Nagbibihis siya dahil pupunta na naman daw siya doon sa renovation site. Malaki ang pina-renovate ni Erris sa hotel and resort niya kaya matagal talagang matapos-tapos. Nakahiga pa rin ako sa kama at nakaunan nang tatlong pinagpatong-patong na unan at may mga unan pang nakabalibot sa akin. Gustong-gusto ko kasi talaga ang napakaraming unan kapag natutulog.
"Priam, I like you." wika ko. Kahit na buwan na ang lumipas mula nang umamin ako sa kanya kapag sinasabi kong gusto ko siya puta namumula talaga ang yenga ni Priam. Ang cute niya. Nakakagago.
"Hmm, I like you more, Kai. You knew that." he said while marching towards the bed. He sat and messed my hair he lowered his head and kissed on my temple, the usual thing na ginagawa niya every morning and before he left from work.
"Good morning." sabi niya matapos akong halikan. "Come on, let's eat."
Ngumiti ako sa kanya. "Mmm, good morning. Mauna ka nang kumain susunod ako."
"No, let's eat together, Kai." pag-aargumento niya.
Mabilis na nalukot ang mukha ko. "Priam, mauna ka na. Ayaw ko pang umalis dito inaantok pa ako."
Sa apat na buwang pagsasama namin ni Priam talagang hindi na talaga mawawala ang mga bangayan namin kahit sa mga simpleng bagay. Hindi siguro lumilipas ang araw nang wala kaming pinagtatalonang bagay at parang naging natural na sa aming dalawa iyon.
"At matutulog ka naman at kakain ka ng breakfast at 10am kaya hindi pwede." pagmamatigas niya at inalis ang kumot sa katawan ko. Bumangon ako at kinuha ang kumot saka binalik sa katawan ko, ihihiga ko na sana ang katawan ko nang mabilis na sinikop ni Priam ang katawan ko at kargahin ako. Fuck.
"Priam matutulog pa ako!" naiinis kong sabi sa kanya at kumakawala.
"No, and don't move baka mahulog ka!"
Labag sa loob kong ipinulupot ang kamay ko sa leeg niya. Ngumiti si Priam nang may pagtatagumpay. Suntukin ko ang mukha niya, e. Nilapag ako ni Priam pagdating namin sa dining area. Grabe nakahanda talaga siya nang pagkain. Umupo ako sa silya.
Nitong mga nakaraang araw ayaw ko nang kumain kahit na natatakam ako sa mga pinaghahanda ni Priam. Naiiyak ako kapag nakatingin ako sa mga masasarap na pagkain sa mesa.
Puta kasi. Ang tiyan ko lumaki na kaya binabawasan ko ang pagkain ko. Kagaya ngayon tulala ako sa mesa dahil takam na takam ako pero ayaw kong kumain dahil baka mas lumobo pa ang tiyan ko. Binaba ko ang tingin ko sa tiyan ko. May baby bump na rin kasi ako.
Ngumuso ako saka binalik ang tingin sa plato ko na may kanin na.
"Eat." pinandilatan ko nang mata si Priam dahil sa utos niya sa akin. Pero syempre kumain pa rin ako. Gusto ko pang kumain at naglalaway pa ako pero nag-aalala ako sa tiyan ko baka lumaki pa lalo!
"Kai, baby, what's wrong?"
Bumuntong hininga ako sa kanya. "Gusto ko pang kumain."
"Then eat..."
Binaba ko na naman ang ulo ko at tiningnan ang tiyan ko. Bago siya nagsalita ulit. "Pero ayaw ko namang lumaki pa ang tiyan ko ng husto."
"Kai, come here." I look at him before deciding to stand and walked towards him.
Pinaupo niya ako sa kandungan niya. "Hmm, may baby bump ka nga Kai." saad niya saka hinawakan ang tiyan ko. "It's normal Kai. Normal lang na lumaki ang tiyan mo hindi naman porket hindi ka kakain ng marami ay hindi na ito lalaki. Lalaki at lalaki talaga ito Kai." then he looked up and caught my eye.
Nag-alala kasi ako. Kasi kung lalaki itong tiyan ko ibig ding sabihin n'on hindi ako basta't basta makakalabas dahil sa malaki na itong tiyan ko. Ang masikip na nga sa akin ang mga damit ko. Minsan nga ay mga damit na ni Priam ang sinusuot ko.
"Don't think about it, okay?"
"Natatakot lang kasi ako Priam. Natatakot ako sa buhay ko at sa... magiging anak natin."
Hinalkan niya ang labi ko. "Don't worry. Nandidito ako, you have me Kai. Hindi kita pababayaan."
Matamlay akong ngumiti at niyakap si Priam.
Nang umalis na si Priam ay naiiwan na naman akong mag-isa sa bahay. Ganito naman lagi kapag wala si Priam nauumay na ako sa mga palabas sa tv. Kaya nang humapon na ay napagdesisyonan kong lumabas at maglakad-lakad sa labas. Nagsuot ako nang malaking jacket ni Priam para hindi mahalata ang baby bump ko. Sa paglalakad ko sa labas ay nakarating ako sa resort ni Erris na hanggang ngayon ay di pa ako nakakapasok kahit na isang beses.
Naghahanap ako nang mauupuan ko dahil nangangalay na ang binti ko nang may makita ako sa ilang metro lang sa akin na may bata na parang pinapagalitan ng staff dito sa hotel. Pamilyar ang boses ng bata kaya nilapitan ko iyon. Sa paglapit ko ay nakilala ko kung sino ang batang iyon. Si Nika ang pinapagalitan.
"Hija, bawal kang magtinda dito. Ilang beses na kitang sinabihan niyan. Nagagalit ang ibang guest dahil sa mga kagaya ninyo! Kaya umalis ka na do'n ka sa labas maglako niyang mga paninda mo."
"Nika!" tawag ko sa batang Nika na malapit nang umiyak.
"K-kuya Kai." si Nika at lumapit sa akin.
"Nika, sinong kasama mo dito? Paano ka nakarating dito?"
"A-ako lang kuya... sila ate kasi do'n sa ibang lugar naglalako at napadpad ako dito sa paglalakad ko upang may bumili nito."
Napatingin ako sa mga paninda niya. Iyong mga bracelet at iba pang accessories na gawa sa kabibe ang mga nilalako niya.
"Hindi ba ito pinakyaw ng suki ninyo?"
Umiling siya. "Hindi po kuya kasi may iba na pong binibilhan iyong suki namin at... saka po nilalagnat si mama kaya..." yumuko ako at niyakap si Nika nang umiyak siya.
"Sir, kilala n'yo po ba ang batang iyan?" tumango ako sa kanya. "Sir, paalisin niyo po iyan. Nagagalit po kasi ang ibang guest sa mga kagaya nila, e."
Hindi ko binigyan ng pansin ang babaeng staff. Naiinis ako.
"Nika, akin na iyang mga paninda ako. Ako na ang magbibinta niyan." Gusto ko sanang pakyawin iyon pero wala akong pera ngayon. Saka naawa ako kay Nika dahil mabait kasi sila sa akin noong pumupunta ako sa kanila. At ang huling pagkikita namin ni Nika ay iyong pagkuha ko nang mga gamit ko sa bahay namin.
Binigay ni Nika ang mga paninda niya sa akin.
"Dito ka lang, huh. Hintayin mo ako dyan." bilin ko kay Nika at tumango siya.
"Sir, bawal po iyan." pigil sa akin nang babae nang magsimula na akong maghanap ng mga taong mapagbibintahan ko.
"Alam kong bawal 'tong ginagawa ko, miss at alam ko rin na ginagawa mo lang din ang trabaho mo pero wag kang mag-aalala kapag naubos na ito papaalisin ko rin iyong bata at hindi ko na pababalikin dito."
"Pero sir-"
"Kilala ko si Erris Lacsamana at kahit sabihin mo doon hahayaan ako n'on sa gagawin ko ngayon." Natigilan ang babaeng staff. Inismiran ko siya at tinalikuran na. Nakakabwesit!
May nakita akong mga babaeng guest din siguro o nags-stay dito kaya nilapitan ko sila.
"Excuse po. Gusto niyo po bang bumili nitong mga accessories na binibinta ko." Wika ko at pinakita ko sa kanila ang mga accessories na ginawa nila Nika.
"Oh, no sorry."
I politely smiled at them and about to turn my back when I heard one of them speak. "Gross, what are those things?"
Lumaki ang butas ng ilang ko at sasabuyan ko na sana iyon ng mga salita nang may naglalakad na lalaki papalapit akin. Napataas ang kilay ko sa kanya. Topless siya, maputi, at matayog rin saka pumapatak ang tubig alat sa katawan niya. Hindi talaga ako naa-akit sa mga ganito.
"Are you selling those?" Tanong ng lalaki habang papalapit sa akin.
Nag-iba ang timpla ng mukha ko at ngumiti. Shit! Customer pala ito. Nakangiting sinalubong ko ang lalaki. Sana pakyawin para makauwi na si Nika.
"Yes, oo, bibilhin mo? I mean bibili ka?" nakangiting saad ko.
Ngumiti rin siya sa akin. "Hmm, yes."
"Talaga, ayos," mahinang ani ko. "Ilan ang bibilhin mo?" tanong ko naman habang binibilang ko kung ilan ang mga accessories na dala ko.
"I can buy it all but in one condition."
Naingat ko ang ulo ko sa lalaki. Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa huling sinabi niya.
"Anong condition?"
"I can buy all your goods but you have to let me a kiss you."
Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Fuck you. Oo nga't may maganda siyang katawan pero iyang mukha niyang parang palaka, tssk. Thank you na lang. Saka kahit na gwapo siya o ano, hindi rin ako magpapahalik, 'no. Saka anong akala niya sa akin? Basta't basta na lang nanghahalik? Tae niya! Binuka ko na ang bibig ko upang sabunin ng salita ang lalaking nanghihingi ng halik nang may magsalita sa likod ko.
"Kiss him motherfucker at padadaliin ko ang kamatayan mo."
Nilingon ko si Priam na inisang hakbang ang distansya namin at nakita ko rin ang galit niyang mata na nakapukol sa lalaki kaharap ko. Shit. Papatay na 'to nang tao.
_____________________
Wahhuhu, salamat po sa mga nagbabasa nitong story nila Priam at Kai. Salamat po sa paghihintay ng UD ko. No'ng sinumulan ko ang kwentong ito akala ko wala talagang magbabasa saka hindi rin ako confident sa story na ito dahil bago lang sa akin. Pero salamat ng marami sa mga nagtya-tyaga sa gawa ko. Thank you for the votes and comments nakaka-motivate. Anyways, keep safe and have a great day.
Thank you, labyo. Mwaauhh!😘❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top