CHAPTER 23
Chapter 23
Kai Pov
Ilang minuto na ang nakalipas mula nang lumabas si Nelanie subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lahat ng binitawan niyang salita ay parang di kayang iproseso nang utak ko, nang puso ko.
Oo nga't alam ko na ang mga Lacsamana ay kilala sa pagiging elegante nila, sa pagiging dominante nila sa kaninang mundong ginagalawan. Ngunit alam ko ba na sinugal iyon ni Priam lahat para sa akin? Diba, hindi naman. Hindi ko naman siya inutusan na gawin iyon para sa akin.
Napailing ako nang naalala ko ang sinabi ni Nelanie na; oo nga't hindi ko iyon sinabi at inutos kay Priam pero ginawa niya dahil gusto niya at para sa akin. Subalit nga hindi ko alam. Iyan,iyan ang laging rason ko. 'Walang ako alam.' Pero n'ong nalaman ko ba binigyan ko ba iyon ng pansin? Noong sinabi na ni Priam na gusto niya ako pinansin ko ba iyon? Tapos tinanong ko ba siya kung bakit niya ako nagustuhan? Tinanong ko ba siya kong bakit ako ang gusto niya sa dami ng iba dyan? Tinanong ko ba siya kung kailan niya ako nagustuhan? Fuck this. Binalewala ko rin naman iyon. Binalewala ko ang lahat.
Nagpakampante ako. Hindi ko inisip ang maaring maramdaman ni Priam sa panahon na iyon. Sumikip ang dibdib ko sabay nang pagtulo ng luha ko. How insensitive I am? How heartless I am? Paano ko iyon nagagawa kay Priam? He did a lot but not even once I compliment... and praise him. He showed his utmost sinserity and care for me and our child yet I did not give him a credit to all his deeds.
And now, I acted like I was in so much pain. I acted like a child. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko saka humagulhol ng iyak. Bakit di ko na-realized ito noon? Bakit di ko ito naisip noon? Bakit di ko ito naramdaman noon? No. I am wrong. I'm wrong, I already feel it. I already feel it but I'm so fucking busy throwing him a painful, harsh and unreasonble words. Naramdaman ko na ngunit binabalewala ko lang! Puta. Ang gago ko! Ang bobo ko para gawin iyon sa taong... gusto na pala.
"Nmmm,mmmm," ang daing ni Priam na nasa sofa ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. I glance at him. Nahulog na pala ang kalahati ng katawan niya sa sahig. I scurry and put his feet on sofa but at the same time my tears is keep on falling like a falls. I don't understand myself anymore.
I reached his face and rubbed my palm on his warm face. I decided to clean him dahil malagkit na ang katawan niya, maybe because he stayed outside. I wiped my tears and leave him on the sofa and went to the bathroom to get some water and towel. Just when I closed the common bathroom's door, I saw Priam staggering towards our room. I immediately put the basin away and went to him.
Nilagay ko ang kamag niya sa balikat ko just like what Nelanie did earlier and help him to reach our room. I stilled for a seconds when Priam smell my head. I can feel his warmth breath on my head.
"Smells like Kai. Smell like my pregnant choleric baby." namamaos niyang wika.
"P-priam halika na." ako saka nagpatuloy kami sa paglakad patungong kwarto.
Nang mahiga ko siya ay bumalik ako sa labas at kinuha ang basin at towel na kinuha ko kanina. Pagbalik ko sa kwarto ay tulog na ulit si Priam at nakabuka ang dalawang kamay. Nilapag ko sa bedside table ang basin saka ang towel at inayos ko ang pagkakahiga ni Priam. Habang pinupunasan ko ang mukha ni Priam ay pumasok sa isip ko ang sinabi ni Nelanie sa akin kanina.
'Kahit ngayon lang pakitingnan at alagaan mo ang pinsan ko. And don't worry bukas. Bukas na bukas babalikan ko yan dito at ibabalik ko yan sa kung saan siya nararapat.'
Uminit ang bawat sulok ng mata ko dahil doon. Nang matapos kong punasan ang mukha at ang leeg ni Priam ay isa-isa kong tinanggal ang butones ng polo ni Priam pero habang ginagawa ko iyon at tumulo bigla ang luha ko. Why it hurt so much thinking that he would be far away from me. Kaya ko bang malayo sa kanya? Syempre hindi ko na kaya.
"Priam..." I called him in low voice. "Priam... Priam d-don't leave me... us... don't leave us." my voice cracked and I cried holding his hands. "I'm sorry Priam. I'm so sorry. Please don't me. Please, don't." I sounded like a pathetic begging someone who is in a deep slumber and who is drunk. I beg to the person who can't answer me because he is drunk. But I give no care at all.
While my tears are keep on falling. I wipe his abdomen then his hands and still lamenting, "Priam, don't leave me." I lost count on how many times I repeated that phrase while wiping him.
I was about to to stand when head out when Priam grabbed my wrist. My head instantly turned to him. Bumukas ang mata niya kahit na inaantok siya. He smiled.
"Why my baby is crying?" he asked in hoarse voice.
"Gago dahil sa 'yo." i mumbled.
Inabot niya ang mukha ko saka ginamit niya ang hinlalaki niya upang punasan ang luha sa pisngi ko. Umiyak na naman ako. Nakakabwesit na.
"I don't like seeing my baby cry." gusto kong busalan ang bibig ni Priam ngayon. Baby siya ng baby sa akin. Parang may cringe doon kapag inuusal niya ang katagang iyon. "I hate seeing my baby cry. My heart aches when I see you cry, baby."
"Priam, wag mo akong iwan. Wag kang aalis dito. Wag kang sumama kay Nelanie sa Manila." saad ko sa kanya pero para siyang walang naririnig mula sa akin. Patuloy lang siya sa pagpunas ng mga luha ko. Nagagalit na ako. Bakit hindi niya ako sinasagot!
Humagulhol ako kaya napa-ahon siya mula sa pagkakahiga niya. Ginamit na niya ang dalawang hinlalaki niya sa pagpupunas ng luha ko. Naiinis na ako. Mukha siyang concern pero kung maka-akto ay parang di niya naman ako naririnig. Inis kong sinampal ang kamay niya saka inalis ko iyon sa kakapunas ng luha ko. Naiinis kong pinalis ang sarili kong luha.
"Hindi mo ba ako naririnig, huh, Priam!" sigaw ko pero wala na naman siyang imik. Puta. Gusto ko siyang sinapain at sapakin ngayon. Pero nagalit din ako sa sarili ko. Muntik ko nang makalimutan na lasing pala ang kausap ko ngayon. Baka na nanaginip lang ito ngayon. Kaya naman mas lalo akong naiinis.
Sa pagkabuwisit ko ay hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Priam. Nakatitig na siya sa akin ngayon at parang hinihintay niya lang kung ano ang susunod kong gagawin. Hindi sinasadaya ng mata ko na bumaba sa katawan niyang matigas at parang hinulma. May maliliit pang buhok doon sa dibdib niya at baba na. Napalunok ako saka inangat ko ang tingin ko sa kanya.
"Makinig ka Priam," pagsisimula ko pero wala talagang reaksyon si Priam pero bahala na. "wag kang aalis dito. Wag mo akong iiwan at ang anak natin, okay?" saad ko at ganun pa rin wala pa rin siyang imik. Nakatulala ang siya habang nakatingin sa akin.
Duma-usdos ang kamay ko mula sa balikat niya pababa. Para na akong nawawalan ng lakas. Nagpahinga ang kamay ko sa may siko niya. Niyuko ko ang ulo ko.
"Alam kong marami akong nasabing masama sayo Priam. Alam ko rin na nasaktan kita ng lubos. Alam ko rin na may marami akong kasalanan sayo. Siguro wala na akong karapatang sabihin ito sa iyo. Pero sasabihin ko pa rin ito Priam," inangat ko ang ulo ko sa kanya ganun pa rin siya nakatingin lang sa akin at walang imik. "Gusto na rin kita Priam. Gustong-gusto kita." anang ko ngunit unti-unti ay pinikit ni Priam ang mata niya saka napahiga sa kama.
Gusto kong sipain si Priam pero hindi ko ginawa dahil lasing siya. Wala siya sa tamang pag-iisip niya ngayon. Umusog ako upang bumaba sa kama dahil kailangan ko pang ilabas nag basin pero hindi na naman ako nakababa sa kama nang bigla akong hinila ni Priam saka inihiga. Pagkahiga ko ay agad na pumulupot sa katawam ko ang kamay ni Priam. Hindi ako makagalaw. Tapos ang hininga ni Priam ay tumatama pa sa batok ko. Nakikiliti ako.
"P-priam," ako at umusog ako pero humigpit ang pagkakayakap ng kamay ni Priam sa akin. Bumuntong hininga ako saka sumuko na lang at pinikit ko na lang ang mata ko at napagdesisyonan ko nang matulog nalang din.
Pagkagising ko ay kaagad akong napabangon at nilinga-linga ko ang mata ko sa paligid ko. Umalpas sa kabog ang puso ko nang wala akong makita na Priam Lacsamana sa kama, sa kwarto. Kinuha ko ang kumot na nakalimis sa katawan at hindi na ako nag-abala pang magsuot ng tsinelas saka lumabas ng kwarto.
Nawala na ako sa sarili ko nang makita ko si Priam sa kusina na nakatalikod sa gawi ko. Tinakbo ang agwat naming dalawa at ipinilupot ko ang kamay ko sa baywang niya.
Amoy pa lang Priam na. Munting bulong ng utak ko nang pumasok sa ilong ko ang amoy pamilyar niyang pabango.
"Shit." narinig kong mura niya. Gulat siyang humarap sa akin. Umikot siya sa gitna ng yakap ko. Gulat siya nang makita niya ako sa harap niya ngayon. "Kai?" di makapaniwalang tanong niya. Nanatiling nakayakap ang kamay ko sa kanya at tiningala ko siya. Naluluha na ako.
"What happened? Did you have a nightmare?" tanong na niya naman.
Iniling ko ang ulo ko saka binaon ko ang ulo ko sa gitna ng dibdib niya. "Wala, hindi... Priam wag kang umalis. Wag mo akong iwan dito Priam. Hindi ko kaya wag kang umalis." ani ko habang nakabaon pa rin ang ulo ko doon sa dibdib niya.
Ang kamay niya ay nakarating sa ulo ko at sinuklay niya ang buhok ko. "What?" anang niya.
"I-iyong pinsan mo. Priam siya ang naghatid sa iyo dito kagabi at sinabi niya sa akin na ibabalik ka niya sa Manila sa ayaw at gusto mo. Pero Priam wag mo ako... kaming iwan ng anak mo dito."
Bahagya niya akong tinulak kaya lumuwag ang pagkakayakap nang kamay ko sa kanya. Yumuko rin siya at pinantayan ang taas ko. "Kai-"
"Gusto rin kita, Priam. Gustong gusto kita." pagpuputol ko sa kanya.
Nalaglag ang panga ni Priam pagkatapos niya akong marinig.
"A-ano?" nauutal niyang tanong.
"Gusto kita." ani ko.
"W-wait..." siya at pumikit siya. Binitawan ko siya. "Am I hearing you right, right Kai? You like me? You like me, too?"
Napakurap-kurap ako. Shit. Nasabi ko pala iyon nang wala sa oras. Fuck this. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero huli na nasabi ko na. ARRGHH!
Kumibot ang bibig ko at tinaas ko ang kilay ko at tumango sa kanya. "O-oo."
"Wait, kukunin ko lang ang cellphone ko." aniya saka kumaripas ng takbo papunta sa silid namin. Lumaki ata ang butas ng ilong ko sa inis dahil sa inakto niya.
Pagkabalik niya ay nasa kamay na niya ang cellphone niya at may kinukulikat siya doon. Nang makarating siya sa harapan ko ay ngumit siya ng pagkatamis-tamis.
"Sabihin mo ulit na gusto mo ako, Kai." siya saka tinuon ang cellphone sa akin.
Nalukot ang noo ko dahil sa sinabi niya at sa cellphone na nasa harapan ko. "Anong kagaguhan ito Priam Lacsamana!"
Kahit na nagalit na ako ay nagawa niya paring ngumisi. "Just say it again, Kai. I'll record it this time."
Bumilog ang mata ko. "Puta. Nangga-gago ka nga!"
Ngumuso siya sa akin habang ang cellphone niya ay nakatuon pa rin sa akin. "Please, Kai sabihin mo naman. Di lang kasi makapaniwala na gusto mo na rin ako. Baka panaginip ko na naman ito. Baka hindi ako bumabalik sa katinuan ko dahil sa alak kagabi. Kaya gusto kong i-record para makita ko ulit at para... may ebidensya ako."
Umingos ako at umirap. Humarap ako doon sa camera ng cellphone niya. "Oo, gagong Priam gusto na rin kita." ako. Tumingin ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon. "Ano ayos na ba iyon?"
Pero ngumuso siya. "Wag mo namang salihan ng gago, Kai."
Napapadyak ako sa inis. Ulit ay humarap ako sa camera. Bumuntong hininga ako kinalma ko ang sarili ko. Ngumiti ako doon. "Priam Lacsamana, gusto kita... gustong-gusto kita."
"Ano ayos na ba iyon?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin saka nilagay ang cellphone niya sa island counter at inisang hakbang ang layo namin saka niya ako niyakap. I slanted my neck when his head rested there. Ilang sandali pa ay nataranta ako nang maramdaman kong may likidong tumulo doon.
"P-priam..."
"Shit, Kai. I'm so happy. I'm so fucking happy." Akala ko naman kung ano na. Kinabahan naman ako doon. Napangiti nalang ako at niyakap rin siya.
"Masaya rin ako." bulong ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top