CHAPTER 22

Chapter 22



Kai Pov

Pagkapasok ko agad kong hinubad ang jacket sa katawan ko at tinapon lang iyon kung saan. Ang luha ko ay patuloy pa rin sa kaka-agos. Naiinis at nagagalit ako sa sarili ko. Alam ko na naman na ganoon si Priam pero bakit ganito ako? Bakit parang gulat na gulat pa ako sa nakita ko? Para namang wala akong alam na ganun siya. Naiinis ako kasi naiiyak ako tuwing pumapasok sa isip ko iyong nakita ko kanina. Nagagalit ako sa sarili ko dahil parang ang hina hina ko na.


Pumunta ako sa kwarto at doon ako umiyak nang umiyak. Nakakagago. Bwesit. Ito ang ayaw ko. Ano na huli na ba ako? Huli na ba para umamin ako sa kanya? At sa nakita ko kanina kaya ko pa bang umamin? Bwesit na Lacsamana! Inipit ko ang mukha ko sa unan saka sumigaw. Napu-frustrate na ako.


Siguro gusto niya rin na siya iyong umalis dito sa bahay dahil may plano talaga siyang mambabae. Siguro gusto niya rin na umalis dito dahil nabuburyo na siya sa akin. Sa ugali ko. Sa pagmumukha ko. Dahil mga pumapasok na dahilan sa utak ko ay mas lalo akong naiinis at nagalit. Mas lalo akong hindi makatulog. Psh! Sino ba ang makakatulog ng madali kapag nakita mo iyong taong gusto mo may kaharutang iba! Iwan ko lang kung makatulog ka!


Tumihaya ako saka nakatulalang nakatitig sa ceiling. Pinunasan ko ang pisngi ko. Ang lagkit na nang mukha ko kaka-iyak. Fuck you ka talagang Lacsamana ka!


Biglang naalala ko na naman iyong panaginip ko. Jesus. Paano kung magkatotoo iyon? Paano nga kung hindi na ako gusto ni Priam? Paano ko siya haharapin? Saka paano kung napag-isip-isip niya na hindi na niya kayang panindigan itong anak namin? Paano kung hindi na niya ako kaya makita? Paano kung susustintuhan niya na lang ang pagbubuntis ko?


Fuck this. Oo noon pinagtulakan ko siya dahil kaya kong buhayin mag-isa ang magiging anak namin pero ngayon. Ngayon na sinanay na niya ako sa mga bagay-bagay. Shit! I don't wanna loss him. Hindi ko na ata kaya pa.


Napabalikwas ako at sumigaw. "AHHHHHH!" sigaw ko dahil sa inis na naramdaman ko. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa akin o wala basta gusto kong ilabas amg lahat ng nasa damdamin ko ngayon. Dahil kung hindi ko ito isisigaw ay baka sasabog ako. Pakiramdamn ko punong-puno ngayon ang dibdib ko.


At sisigaw na naman sana ako nang may narinig akong mahinang tunog mula sa labas. Awtomatik na napatingin ako sa pintuan. Natahimik ako nang wala sa oras. Sinuot ko ang tsinelas pambahay na malaki sa akin saka lumapit doon sa pintuan at inilapit ko ang tenga ko doon. Kumunot ang noo ko nang marinig ko na may nagdo-doorbell. Puta. Baka nagising ko iyon dahil sa sigaw ko.




Napakagat ako nang labi ko  saka lumabas. Dumireto ako sa main door at binuksan iyon. Pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang nasa labas. Lumaki ang mata ko habang nakatitig sa dalawang anak ng diyos na nasa labas ngayon.




Si Priam lang naman at ang babaeng kasama niya kanina ay nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko silang sabuyan ng pinakulu-ang tubig. Ang babae ay nagulat din  nang makita niya ako pero madali iyong nawala at tinaasan niya ako ng kilay niya. Nilipat ko ang mata ko kay Priam na lasing na lasing habang akay-akay ng babae sa balikat niya. Bakit alam ng babaeng ito ang villa ni Priam?


"Can I take him inside?" ang babae matapos ng isang mahabang katahimikan.




Nasalubong ang kilay ko dahil sa lakas ng loob ng babae sa harapan ko. Nanahimik na lang ako at tumabi upang maipasok niya ang lasing na si PRIAM LACSAMANA sa loob. Pagmamay-ari pa rin niya itong bahay. Gusto ko mang wag papasukin pero hindi ko ito pag-aari.




Sinara ko ang pintuan saka sumunod sa babae akala ko ay dadalhin niya si Priam sa kwarto pero sa sofa niya lang nilagay si Priam. Nang makahiga si Priam ay nag-flex nang buto niya ang babae. Ngayon na maayos ko siyang nakita dahil sa ilaw. Napalunok ako. Bwesit. Ang sexy niya tingnan dahil nakasuot lang siya ng minimazer na bra tapos shorts at pinatungan niya ng isang manipis na jacket, ang liit ng baywang niya tapos mataas pa ang pangangatawan niya, maputi rin naman siya kagaya ko at iyong buhok niya bagsak na bagsak parang alagang-alaga sa salon.


Humarap siya sa akin at nakataas ang kilay niya. "You must be..." pagbibitin niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Makaio? Makaio Villanueva."




Napalunok ako. Paano niya nalaman ang buong pangalan ko?




"Hmm, I'll take you silence as a yes." humalukipkip siya at saglit na pumikit. Nilagay niya sa baywang niya ang dalawang kamay niya at tumingala saka pinukol ako ng masamang tingin. Kinabahan ako dahil sa mga tingin niya sa akin!




"Ikaw ba itong hinahabol ng pinsan ko?" taas kilay niyang tanong.




Napakurap-kurap ako sa tanong ng babae sa akin. Saka tama ba iyong narinig ko? Pinsan? Pinsan niya si Priam? I-ibig sabihin hindi pala siya babae ni Priam? Parang may nakuhang nakadagan sa dibdib ko dahil sa aking narinig.




"O-oo, ako nga," utal kong sagot sa kanya.

Saglit siyang natahimik.

"I cannot believe it. Why the heck is my cousin like you!?" nagpipigil ako sa sarili ko na hindi siya sugurin. Grabe na siya! Alam kong hindi ako kagwapuhang lalaki pero may hitsura naman ako. Ano naman ngayon kung ako ang nagustuhan ni Priam. Masama ba iyon?




"Teka nga anong pangalan mo at p-pinsan ka ni Priam?"


"I'm Nelanie Lacsamana and yes I'm his cousin." matapang niyang sagot sa akin. Sa tono palang ng pananalita niya alam ko na. Alam ko nana ayaw niya sa akin.


"Makaio, diba ikaw ang lalaking hinahabol at kinababaliwan nitong pinsan ko?" hindi ako umimik aa sa kanya. "I have something to tell you at sana makinig ka."


Kumunot ang noo ko. Siya naman ay tumalikod sa akin saka umupo doon sa isang couch. Cross-legs and fold arms over her gifted chest, she eyed me using her sharp eyes. Parang familiar ang datingan niya. Psh! Parang si Erris lang. Dugong Lacsamana nga. Ako naman ay nanatiling nakatayo lang at nakatingin lang din sa kanya.




"Based on what I heard. Nagbahay-bahayan na pala kayo nitong pinsan ko?" she lamented. Napangiwi ako sa sinabi niyang bahay-bahayan. "And I know na simula pa lang Makaio, alam mo na na gusto ka ng pinsan ko. Simula pa lang ay kinalaro na niya kung ano ang nararamdaman niya sayo. Kaya ngayon," bumuntong hininga siya saka nag-flip ng buhok niya, "tatanungin kita. Gusto mo rin ba ang pinsan ko o hindi? Magka-aminan na tayo dito Makaio. Besides, my cousin is already doze off." saglit niyang sinulyapan si Priam na nakadapa sa sofa.




I gulped and rise my head. "At bakit ko sasabihin sa iyo? Kung may gusto man ako o wala kay Priam, na pinsan mo sa akin na iyon. Labas ka na doon." matapang ko ring sagot sa kanya.


Tumawa siya saka umiling. Muli siyang tumayo. Napabuga siya ng marahas na hininga. "I don't really like you, Makaio." saad niya sa akin. Teka nga pareho sila ng sinabi sa akin ni Erris, ah. Psh! Ano namang paki ko? "Okay, fine. Pero sinasabi ko sayo Makaio tapos na ako sa kabaliwan nitong pinsan ko sa iyo kung ang kapatid ko ay sinusuportahan pa siya pwes ako ayaw ko na. Gusto ko nang itigil niya itong kahibangan niya sa iyo. Two years is already enough. He already invest too much yet walang bumabalik sa kanya. Luging-lugi na siya sa iyo! Kaya bukas na bukas babalik ako dito. Dadalhin ko na siya sa Manila. Pack his things for me." She commanded.


Bigla akong nataranta sa sinabi ni Nelanie sa akin. Anong dadalhin niya sa Manila. Si Priam?




"B-bakit mo siya dadalhin sa Manila? At... at papayag ba siya?" nagpapanic ko nang saad.




Umirap siya sa akin. "Of course, ibabalik ko siya sa Manila dahil kung nandidito siya mas masasaktan lang siya lalo. Mas masasaktan lang siya na araw-araw ka niyang nakikita pero ikaw binabalewala mo lang lahat ng efforts niya-"




I injected. "Hindi ko siya inutusan sa mga ginagawa niya-"




"YES! You didn't told him so but he did. My cousin did all of those because he likes you so much that even if he broke because of you he still does because he is into you! And i don't like this obsession anymore. Lacsamana doesn't beg. Lacsamana doesn't bow their heads. Lacsamana doesn't lower their pride. Lacsamana's are dominants, powerful, and elegant. But..." pagbibitin niya saka mas lumapit sa akin, "but my cousin loss everything. He gamble everything just for you but what happened?" she shook her head and bitterly laughed. "He gained nothing. You still don't like him while he is head over heels with you." she heaved.


"Also, sinabi nga niya kanina na hindi siya aalis sa lugar na ito dahil sa 'yo but if I have to drag him with me. I.will."


She regained her posture and eyed me.




"Kahit ngayon lang pakitingnan at alagaan mo ang pinsan ko. And don't worry bukas... Bukas na bukas babalikan ko yan dito at ibabalik ko yan sa kung saan siya nararapat. Kung kinakailangang kaladkarin ko siya. Gagawin ko. I also, know, that he can move on from you. He will eventually loss his feelings towards you, plus, he have a lot on his plate. And he deserve better." She bulldozed over me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top