CHAPTER 21
Chapter 21
Kai Pov
Nagising ako dahil may narinig akong pagbukas at sara ng pintuan. Hindi ko alam kung madali lang ba akong magising o dahil may hinihintay talaga ako kaya ang bilis kong magising ngayon. Dali-dali kong tinanggal ang kumot sa katawan ko at bumaba sa kama.
Tiningnan ko ang malaking kama na walang Priam Lacsamana. "Siguro siya na iyong dumating." Munting bulong ko sa sarili ko. Nagsuot ako ng tsinelas pambahay saka lumabas sa silid. Pagkalabas ko dumiretso agad ako sa living area. At doon ay nakita ko si Priam na nakaupo sa sofa at hinihimas ang sintido niya.
Ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya ng puso ko nang makita ko siya ngayon. Akala ko umalis na siya. Akala ko iniwan na niya ako. Bago pa ako natulog kanina ay sinabi ko na sa sarili ko na aaminin ko kay Priam ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Kaya lang ngayon na nandidito na siya parang umurong na iyong dila ko. Nasaan na ang tapang ko kagabi. Nasaan na iyong ininsayo kong confession speech. Wala na akong makapang salita galing sa utak ko. Tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na kabog sa puso ko at ang panginginig ng kamay ko. Buong sistema ko na ata nanginig ngayon.
Lumunok ako bago tuluyang lumapit kay Priam na ngayon ay hinihimas pa rin ang sintido niya. Sumasakit ba ulo niya?
"Priam." usal ko saka tumigil sa harapan niya.
Ang pag-angat ng tingin sa akin ni Priam ay parang naging slow-motion iyon. Napalunok ulit ako nang makita ko ang seryoso niyang mukha at pagod niyang mata. Wala siyang tulog. Nang makita niya ako ay tumihaya siya sa head rest ng sofa at saglit na pumikit. Kinabahan ako lalo nang ang ekspresyon sa mukha ni Priam ay walang pinagbago.
Pinagkrus niya lang ang braso niya sa harap ng malaki niyang dibdib at seryoso pa rin ang mukha na nakatingin sa akin sa harapan niya. Nakakapanibago ang tingin ni Priam sa akin. Kung dati kapag nakikita niya ako ay ngumingiti siya at sinasalubong ako ng yakap ngayon wala na iyon. Ang pagkukumpara sa dating Priam at Priam na nasa harapan ko ngayon ay nakadagdag sa kaba sa akin.
Paano ako aamin nito ngayon? Kaya ko ba? Bakit ganito si Priam? Aamin na nga ako ganito pa siya.
"May sasabihin ka? Kung wala bumalik ka na sa kwarto at matulog." napanga-nga ako dahil sa tono ng pananalita ni Priam. Bakit ang lamig n'on? Bakit ang lamig-lamig niya ngayon? Gusto ko siyang hawakan at kumpirmahin kung si Priam ba talaga itong nasa harapan ko pero natatakot ako. Kinakabahan ako lalo sa kalamigan niya ngayon. Hindi ito ang Priam Lacsamana na nakilala ko sa loob ng dalawang buwan. Hindi ito ang Priam Lacsamana na nakilala ko.
Tinikom ko ang bibig ko at hinanap ko ang kulay ginto niyang mata. "Priam... ano... saan ka nanggaling?"
Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Why do you ask kung saan ako nanggaling? Hindi pa ba sapat iyong oras na binigay ko sayo? Kailangan ko pa bang umalis ulit? Aalis ako kung 'yan ang gusto mo." saad niya sa hindi nagbabago ang tono ng boses at ekspresyon sa mukha.
"Priam." naiirita na ako sa kanya.
"What? Galit ka pa? O, tamang sabihin ko na galit ka na naman dahil nakita mo ako?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagluluha sa mata ko. Galit ako. Oo, gusto kong isigaw iyan sa pagmumukha niya ngayon. Galit ako dahil kung bakit ngayon pa na naglakas loob na ako na aminin ko ang totoong nararamdaman ko ay ganito pa siya. Bakit?! Saan ba siya nanggaling at bakit nagkaganito siya?
"Priam," bumuntong hininga ako dahil parang hindi na ako makahinga sa panggi-gipit ng dibdib ko. Naninikip ang dibdib ko dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa pinapakita ng Priam Lacsamana na nasa harapan ko ngayon! "Hindi ako galit sayo. Bakit ka ba ganyan? Bakit ang lamig-lamig mo sa akin ngayon. Nasasaktan ako Priam." hindi ko na napigilan pa at tumulo ang luha sa mata ko na kanina ay pinipigilan ko ng husto. Marahas kong pinalis ang luha na lumabas.
Mas lalo tumulo ang luha ko dahil wala man lang pinagbago ang ekspresyon sa mukha ni Priam. Kung dati ay natataranta at natatakot siyang makita akong umiiyak. Ngayon hindi na. Hindi na!
"Hmm, bakit ka umiiyak ngayon? At bakit ka nasasaktan Kai? Diba, ito ang gusto mo? This is the real Priam Lacsamana. This.is.me." may diin pa niyang wika. Bumangon siya mula sa pagkakahilig niya doon sa head rest ng sofa. "Your tears doesn't work on me, Kai." inihabol niya pa na nagpadagdag ng sakit sa puso ko.
Naamoy ko ang hindi kaaya-ayang amoy ng alak mula sa hininga ni Priam. Nakainom siya.
Tumayo siya at hindi man lang ako binalingan ng isang sulyap. Pinagmamasdan ko lang siyang naglalakad patungo sa kusina. Inis kong pinalis ang luha ko saka sinundan siya doon.
"Bakit mo pa ako sinundan dito, Kai? You're fucking pregnant, go back to sleep." hindi nakatinging niyang saad sa akin. Nakatalikod siya sa akin at naharap siya doon sa coffee maker.
"Priam." tawag ko sa kanya pero hindi niya man lang ako nilingon kahit saglit. Gago, siya nasasaktan ako sa ginagawa niya ngayon.
Now, I know his feeling. Ganito pala ang pakiramdam nang binabalewa ka ng taong gusto mo. Ganito pala iyong pakiramdam niya noong binabalewala ko siya. Paano na iyong mga panahon na sinabi niya sa akin na gusto niya ako pero hindi ko siya ini-imik. Sa dalawang taon na gusto niya ako. Fuck this. Grabe pala iyong sakit na naramdaman ni Priam noon. Ano ito karma ko?
Kahit na di siya nakatingin sa akin ay niyuko ko ang ulo ko. "G-gusto kita." naging usal ko at pinikit ko ang mata ko. "Gusto kita na rin Priam." pag-amin ko.
Narinig ko ang munting halakhak niya kaya inangat ko ang ulo ko. Nakaharap na siya sa akin ngayon at may hawak-hawak na siyang baso.
"Are you kidding me?" tanong niya sa akin saka sumipsip siya doon sa baso. "Don't play with me, Kai." mabilis na bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya.
"Gusto nga kita. Hindi kita nilalaro Priam. Putang inang, gusto kita!" sigaw ko dahil parang binibiro niya lang ako.
"I'm sorry but I don't like you anymore," para akong sinuntok sa dibdib dahil sa sinabi niya sa akin. Wala siyang ginawa pero nanghina ang buong katawan ko. Napa-atras ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Mas lalong nanikip ang dibdib ko.
Umiling ako at nagsimula na naman magluha ang mata ko. Shit. "H-hindi totoo yan. Sinasabi mo lang iyan dahil gusto mong makabawi sa mga nasabi at ginawa ko sayo noon." naginginig kong wika.
"Hindi na kita pipilitin pa Kai kung 'yan ang gusto mong paniwalaan pero sa huling pagkakataon. Hindi na kita gusto."
"Hindi totoo 'yan. Isang araw lang ang nakalipas at hindi mo na ako gusto? Imposible 'yan!" tumaas na ang boses ko dahil hindi ko ito matatanggap. No, this can't be. Ngayon na gusto ko na rin siya. Putang ina na pero hindi ito pwede. Tumulo muli ang luha ko.
"Trust me Makaio. It's possible cause it already happened. I don't like you anymore."
"HINDI! HINDI IYAN TOTOO!" buong lakas kong sigaw.
Napaahon ako mula sa pagkakahiga ko. Napatingin ako sa paligid ko. Nandidito pala ako sa living area. Dito pala ako nakatulog kakahintay kay Priam. Napahawak ako sa mukha ko na basang-basa. Umiiyak talaga ako ng totoo dahil sa panaginip ko.
Muli kong nilibot ang ang mata ko sa buong bahay pero walang presensya ni Priam. Pinahid ko ang luha sa mata ko saka tumayo. Nagsimula na akong kabahan dahil parang totoo iyong panaginip ko. Una akong pumunta sa kitchen dahil baka nandun si Priam. Baka kasi umuwi na siya tapos di ko lang namalayan. Nang walang Priam sa kitchen ay pumunta ako sa silid namin dahil baka nandun siya. Para na akong praning kakahanap kay Priam. Iba kasi ang pakiramdam ko doon sa panaginip ko. Bago ako makatulog doon sa living area ay iniisip ko na talaga kung papaano ko aaminin kay Priam na gusto ko rin siya pero sa paghihitay ko sa kanya doon ay nakatulog na pala ako at nanaginip pa ako. Binangungot ako.
Pagbukas ko sa pintuan ay wala ring Priam doon. Kinagat ko ang labi ko at muling bumalik sa living area. Hindi ako mapakali. Hindi ako mapalagay kakaisip kung saan na nagsusuot si Priam ngayon. Muli na naman akong tumayo at nagpagdesisyonang hanapin siya. Hindi na ata kaya pang hindi siya makita ngayon.
Pagbukas ko sa main door ay sumalubong kaagad sa akin ang napakalamig na hangin at madilim na kalangitan. Anong oras na ba? Bumalik ako sa loob at kumuha ng makapal na jacket na nakita ko doon sa closet ni Priam. Pagkaraan ko sa living area nakita ko na alas onse na pala nang gabi. Lumabas ako habang yakap-yakap ko ang katawan ko gamit ang makapal at malaki na jacket ni Priam. Hindi naman madilim kahit na gabina sa daan dahil may mga ilaw naman sa mga poste.
Nang makarating ang sa vicinity noong hotel and resort na pag-aari ni Erris ay may mga tao akong nakikita sa dalampasigan, sa may loungers. Nagsasaya ang mga tao pero heto ako't parang napapraning na. Gagong Priam. Saan na ba kasi siya.
"Oh my god! I'm sorry." hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko dahil abala ang mata ko kakahanap kay Priam kaya may nabundol akong isang babae. Ako dapat amg manghingi ng sorry sa kanya.
"O-okay lang miss." ako at napatingin ako sa jacket na natapunan ng alak.
"Sorry talaga." anang niya pa.
Bigla kong naalala sa panaginip ko na naamoy ko n'on si Priam. Amoy alak siya n'on.
"Ah, miss saan..." napatingin ako sa hawak niyang babasaging baso. "saan ka naka..."
"Ito ba? It's martini you want?" anang niya.
"H-hindi. Gusto ko lang tanungin kung saan niyo po iyan na... ano."
"Saan ko ito galing?" singit niya sa akin. Napatango ako. "Mmm, may room service naman dito sa hotel at pwede kang magpa-deliver n'on sa room mo hindi mo na kailangan pang lumabas," ngumiti siya sa akin, "you can also ask for martini sa restaurant ng hotel sa may ground floor. Pero itong akin may beach party kasi ngayon kaya doon ito galing."
Ngumiti ako sa kanya. "Salamat."
Ang sinabi ng babae na beach party ay ang una kong pinuntahan. Nang matagpuan ko iyon ay napatakip ako sa bibig ko at ang isa kong kamay ay niyakap ko sa tiyan ko. Malaki kasi ang lugar kaya hinanap ko pa. I know that I shouldn't be in this kind of atmosphere but I need to find Priam. I craned my neck to look for him but I see none. Walang Priam. Naglakad ako doon sa parang booth na may mga taong nakaupo doon. Doon din ata sini-serve ang ang alak. Lumapit ako doon pero natigil ako nang makita ko ang bulto ng lalaking hinahanap ko ngayon. Nakaupo si Priam sa harap n'ong booth. Kaya pala hindi ko siya mahanap doon sa dagat ng taong nagsasayawan dahil nandidito pala siya nakaupo at may katabing babae. Fuck this. Ito ba ang hinanap ko? Ito ba ang nilabas ko ng alas onse nang gabi para lang makita ito?
Awtomatik na tumulo ang luha ko hindi dahil sa buhangin kundi dahil sa nakikita ko ngayon sa harap ko. Hindi niya ako makita dahil nakaside-view silang dalawa n'ong babae at abala sa pag-uusap. May pangiti-ngiti pa si Priam. Tapos iyong babae ay may pa bulong-bulong pa at... putang ina! Dumapo pa ang kamay ng babae sa hita ni Priam. Hindi man lang kinuha ni Priam ang kamay n'ong babae sa hita niya.
Imbes na lapitan si Priam doon at ang babae ay umalis ako sa lugar na iyon. Tumutulo ang luha kong nilisan ang lugar na iyon. Sana pala hindi ko na siya hinanap pa. Nagsasaya naman pala siya doon. Habang binabay-bay ko ang daan pabalik ng villa niya ay pagak akong napatawa. "Well, once a playboy will always be a playboy." Damn you Lacsamana!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top