CHAPTER 20

Chapter 20



Kai Pov

When I woke up it's already 9 in the morning. Priam leave the villa and I don't know where he is right now. I went into the bathroom and do my routine there. Thanks god that I don't have a morning sickness right now. Hindi pa naman talaga nawawala ang pagduduwal ko pero hindi na grabe minsan kapag may naa-amoy lang ako na hindi ko gusto.




I went out of the room. Akala ko paglabas ko ay makikita ko si Priam sa living area pero wala siya. So as in the kitchen wala rin si Priam. Nakakapanibago ang sa pakiramdam na wala si Priam sa totoo lang. The atmosphere inside the villa feels so melancholy. Maybe, I was used that first thing in the morning whe  I woke up siya agad nakikita ko at nag-g-good morning at syempre ako magra-rants naman ng kung ano-ano. Parang ang tahimik.




Nagtimpla ako ng gatas at umupo ako sa mesa na wala pang pagkain. Ngayon ko lang napagtanto na sa mga nagdaang mga araw at linggo ay hindi na pala ako nakakahawak ng gamit pang-kusina dahil si Priam na halos gumagawa n'on.




I took a sip on my milk. And what happened earlier flashed in my mind. Hindi ako makapaniwala na gusto talaga ako ni Priam? Jesus, how come that he likes me at his first glance at me. I am not that attractive althought I have a fair skin but does that enough to say that he likes me. How can a mere glance at me makes his heart beat fast? Yet, I cannot blame him for that if that's what he feels towards me. Pero iyong sinabi niya na two years na niya pala akong gusto and he acted like a stalker to me for those years, it's really damn serious. Pero sa pagkakaalala ko wala akong mabuting nagawa kay Priam o mabuting pinakita sa kanya.






Kung tama ang pagkaka-alala ko. Noon kapag bumibisita siya kay Jia sa bahay ay iniismiran ko lang siya at kung maaari ay sa kwarto lang ako nagmu-mukmok kapag nasa bahay siya. Hindi ko alam na ganun pala kalalim na ang pagkagusto niya sa akin. At umabot pa talaga sa punta na papainumin ako ng aphrodisiac?




I know what he did to Jia is not fair at all. He used her. He played her heart. I rolled my eyes when I remember that even before Jia was dating Priam. Lagi na talagang laman ng tabloids si Priam dahil sa mga issues niya mapa-babae man iyan o ano but mostly it's about girls he dated and get dumped the next day pero hindi na nadala si Jia doon. Gustong-gusto rin niya kasi si Priam.




I raised my head when I hear a ring on the door. I stand and sauntered towards the main door and look at the pipehole kung sino ang tao sa labas. It was a girl with a cart accompanied with her.




I open the door.




"Yes?"




"Sir, may pina-deliver po si Mr. Lacsamana na breakfast para sa inyo." the said.




I look at the cart the food was covered with a stainless steel.




"Sinong Lacsamana?" tanong ko sa kanya cause now that I know a hindi lang pala si Priam ang Lacsamana sa islang ito.




"Sorry, sir napag-utusan lang ako doon sa hotel basta po  Mr. Lacsamana daw po."




Tumango na lang ako sa kanya at pinapasok ko ang pagkain sa loob. Habang nakatingin ako sa pagkain ay naalala ko si Priam. Hindi siya umuwi dito ngayon. Tapos naalala ko noong umalis siya wala siyang dala kahit na ano. Saan naman kaya iyon nagsusuot ngayon. Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon sa pagmumukha ko ay gusto ko sanang umalis dahil gusto kong iproseso lahat ng sinabi niya dahil... ang hirap paniwalaan, eh. Sobrang hirap paniwalaan na ang isang business tycoon na si Priam Lacsamana ay magkakagusto sa isang katulad ko. But, he insisted na siya na lang ang aalis at hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay hindi talaga bumabalik.






Kinain ko ang mga pagkain na pinadala sa akin. At pagkatapos kong maligo ay lumabas ako. Hindi ko pa naman kasi nalilibot itong buong lugar kaya gusto ko g malibot ito.




Malaki ang lugar pero hindi na ako umabot la doon sa mismong vicinity noong hotel. Umupo ako sa pino at maputing buhangin na kagaya lang noong buhangin doon sa bahay namin.




"Makaio." pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Nang tingnan ko ang pinanggalingan ng boses ay nakita kong si Erris iyon. Mabilis na nagpagbago ang mood ko. Itinaas no Erris ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. "Hindi kita nilapitan upang makipag-away Makaio. I'm here to apologize." anang niya saka umupo sa tabi ko. Umupo rin siya sa buhangin.






Bumuntong hininga ako at tumingin sa asul na dagat. Galit pa rin talaga ako sa kanya.






"I'm sorry, Makaio. Alam kung huli na talaga dahil... nabuntis ka na ng pinsan ko pero gusto ko pa ring humingi ng tawad. I... I didn't know, Makaio. I didn't know that you're capable of conceiving a child. Only if I know..."




Tumingin ako kay Erris. "Tapos ka na. Umalis ka na." pagtutulak ko sa kanya.




"Makai-"




"Tigilan mo kaka-Makaio sa akin," pinutol ko siya. Feeling close rin siya.




"Kai, then. Kai, hindi ka dapat... magalit kay Priam. Yes, may plano na paiinumin ka ng aphrodisiac pero umatras si Priam. Humindi si Priam pero ako... hindi ako sumunod sa gusto ni Priam. I still did it."




Pinukol ko siya ng tingin. "Nililinis mo ba ang pangalan dito ni Priam?"




"No, I just want you to know na hindi rin talaga gusto ni Priam iyon. Hindi siya nagsisi na nabuntis ka pero pinagsisihan niya na sa ganoong paraan ka niya nabutis. My cousin alreay had enough Kai. That night, sa party ni Loren. I want to end his obsession to you. Iyon ang nagtulak sa akin na gawin ang bagay na iyon. Hindi ko gusto na parang baliw ang pinsan ko na sumusunod sa iyo. He lost his posture, his class, when it comes to you and I don't like it. Hindi naghahabol ang isang Lacsamana, Kai kami dapat, kqmi dapat ang hinahabol. And I honestly don't like you, too, Kai. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang nagustuhan ng pinsan ko sa 'yo."




Napangiwi ako sa sinabi niya at sinampal ko ang balikat niya. "Gago, ka humihingi ka ba ng tawad o ginagalit mo ako!"




Ngumiwi siya sa akin.




"'Yan, iyan ang ayaw ko sayo. Nananakit na nga ang dali pang uminit ng ulo."




"Pshh! Kung wala ka nang sasabihin umalis ka na." ulit ko na naman. Pero kumunot ang noo ko nang bigla siyang sumeryoso. Napataas ako ng kilay ko.




"Pero seryoso Kai. Gusto ko ngang humingi ng tawad sa nagawa ko."


Tumingin ako sa ibang direksyon. "Wag ka nang mag-sorry nangyari na ang nangyari at kahit anong sorry mo dyan di na mababalik na ang nakaraan. Oo, inaamin ko Erris galit ako... galit ako sayo at kay Priam pero itong," hinawakan ko ang tiyan ko, "bata na nasa sinapupunan ko hindi ako galit dito at hindi ko ito pagsisihan. Sana lang Erris wag mong ipgakalat na isa akong bearer iyon lang." pagkatapos kung sabihin iyon ay binalik ko ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakangiti sa akin.




"Thank you Kai but yeah... I'm still sorry. Don't worry your secret is safe. You can trust me."




Natahimik kamimg dalawa at nakatingin lang kami sa dagat sa harapan namin.




"Kai, hindi mo ba talaga gusto ang pinsan ko? Sa loob ng panahon na magkasama kayo... hindi mo ba talaga siya nagustuhan?" biglang wika niya na kinatulala ko.




Sa loob ng dalawang buwan na magkasama kami ni Priam wala siyang ibang pinakita sa akin hindi maganda. Puro pag-iintindi at pag-uunawa ang binibigay at pinapakita niya sa akin. Lahat ng pag-aalaga niya sa akin bumuhos iyon sa akin ngayon. Ngayon ko lang napagtanto na ang dami palang nagawa ni Priam sa akin na hindi ko man lang binibigyan ng pansin dahil puro lang galit ko ang iniintindi ko, ang inuuna ko. Ang mga pag-aalala, pag-aalaga, pag-uunawa, pag-iintindi at mga pagpapasensya sa akin ni Priam sa mga nakaraang linggo ay ngayon lang bumuhos sa akin.




Ngayon ko lang napagtanto na sa mga panahong iyon hindi binibigo ni Priam ang puso ko na pakabugin. Ngayon ko lang napagtanto na ang lahat ng iyon nagustotohan ko rin at ayaw kong mawala pa. Inaamin ko na iba na ang tingin ko kay Priam. Inaamin ko nana gusto ko na nga siya. Pero takot ako. Takot akong sabihin at ipakita iyon sa kanya.




"You don't have to answer it. Sige ma pupuntahan ko muna ang pinsan ko."




Napatingin ako kay Erris na pinagpag ang suot niyang shorts. Tumayo rin ako.




"A-alam mo kung saan si Priam?" tanong ko sa kanya.






Nagtagpo ang kilay niya. "Wala ba siya sa villa? Hindi wala kasi siya sa opisina niya kanina at wala rin siya doon hotel kanina. Nagpadala nga ako ng breakfast sa villa niya as my apologize na rin sa pagpunta ko doon ng walang paalam."




Napanganga ako. Nasaan na si Priam? Umalis ba siya dito sa isla? Iyon bang sinabi niya na umalis... ibig ba niyang sabihin n'on ay umalis talaga siya sa isla?




"W-wala umalis siya kanina..."




Iyon lang ang huli naming pag-uusap ni Erris. Ako ay bumalik naman sa villa at doon ako nagmuni-muni kong saan na si Priam. Baka umuwi talag siya ng syudad. Hanggang gumabi na ay wala talaga akong makita na Priam. Ni-anino niya ay wala talaga. Nasaan na siya? Hindi na ba siya babalik dito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top