CHAPTER 2

Chapter 2

Kai Pov

Sa kasamaang palad nang matapos akong magdilig ng mga halaman sa hardin ay dumating si Priam. After, one week ngayon ko ulit siya makita. Agad na tinakbo ni Jia ang gate namin at pinagbuksan si Priam. Agad na pinasok ni Priam ang kanyang sasakyan na BMW ng pagbuksan siya ni Jia. Ang stepsister ko naman ay di halatang pinaghandaan ang pagdating ng boyfriend niya? O ex ba niya ito. Suot lang naman ni Jia ang cashmere dress niya na may manipis na strap at kitang-kita ang cleavage niya dahil sa long cut neck nito. Her boobs proudly bounce everytime she walks.

Ako naman ay di ko matapos ang ginagawa ko. Nililigpit ko kasi ang garden hose. At liligpitin ko pa ang ginamit kong trowel at ang kalaykay na ginamit ko kanina. Pinulot ko ang ginamit ko rin gardening gloves.

Pag-angat ko sa ulo ko ay nakita kong nakatitig sa akin si Priam. Kumabog ang dibdib ko. The heck! Kinakabahan ako. Akmang tatalikod na sana ako ng tawagin ako ng stepsister ko.

"Kai! Come here, Kai."

Labag man sa loob ay lumapit ako sa kanya.

"Priam, did you remember him? Si Kai."

Napatingin ako kay Priam na pinapatay ako ng tingin. Tssk! Kung ikaw pinapatay ako ng tingin pwes sa paningin ko nasa libingan ka na. Pinaglalamayan ka na.

"Yeah, how can I forget him." iyong pagkagaspang ng boses niya ang parang kiniliti ako. Ano 'yon? Kuryente?

"Of course my brother here knew you too well, also." gusto ko nang umalis dito.

"Really? He did knew me?" hindi ko matukoy kung iniinis ba ako nitong si Priam o ano.

May naalala ba siya? Naalala niya ba ang nangyari ng gabing iyon? May kamalayan ba ang ulo niya sa tutok niya nang may mangyari sa amin? O baka naman iyang ulo niya lang sa baba ang ginamit niya.

"Let's get inside Priam."

Gusto ko tuloy'ng pasalamatan si Jia dahil sa naging wika niya. Tinapunan ako ng makahalugang tingin ni Priam bago ako tinalikuran at sumunod kay Jia sa loob. Napaisip tuloy ako. Hindi naman si Priam iyong tipo na pumapatol sa lalaki. Kaya napaisip ako kung bakit kami nauwi sa ganoong sitwasyon. Oo, nga't playboy at fuckboy siya gaya ng nababasa ko sa tabloids pero wala naman akong nabasa doon na nadawit si Priam sa isang lalaki. Tskk! What would be the reaction of the whole women population kung ang hinahangaan nila at ang sinasamba nilang lalaki ay lalaki rin ang hanap.

Bumalik ako sa pagliligpit ng mga ginamit ko kanina sa hardin saka pumasok sa loob ng bahay gamit ang pintuan doon sa kusina. Ayaw kong pumasok doon sa main door dahil mabubwesit lang ako. Naghugas ako ng kamay ko. Pagkatapos ay pupunta na sana ako sa silid ko nang maalala ko na madadaanan ko pala sina Jia at Priam sa living area.

But who cares naman mukha namang walang naaalala si Priam kagaya ko. Baka lasing lang din siya sa mga panahong iyon. I took a deep sighed before sauntering towards my room. But then when I reached the living area, I saw Jia and Priam having a funny conversation. But on the contrary, only Jia was laughing her ass off. Si Priam ay tatango-tango lang at mukhang wala kay Jia ang utak. Tssk!!! I'm sure lumilipad ang utak niyan sa mga babae niya. Playboy! Fuckboy!

I was about to pass them when Jia called me. I secretly rolled my eyes in annoyance.

"Bakit Jia?" I tried to put a little humor on my words.

"Can you please make some sandwiches and drinks for us? Please?" Jusko! Nakakapanibago talaga si Jia. O tamang sabihin na nag-iiba ang ugali niya dahil nandidito si Priam. She really is heads over heels with that madman!

"J-jia kasi magbibi-"

Jia cut me off and injected. "Please, Kai."

Sasabihin ko sana sa kanya na magbibihis ako dahil kanina ay nabilad ako sa araw kakatrabaho doon sa halaman namin at pawis na pawis ako.

I gritted my teeth. "S-sige."

Putang ina! Bisita niya iyan kaya siya dapat aasikaso n'yan hindi ako. Napaka talaga! Of course wala kaming maids dito sa bahay ako ang gumagawa sa mga gawaing bahay at once in a blue moon tumutululong sa akin si Jia.

"Thank you, Kai."

Tumango ako sa kanya at bumalik sa kusina. Bahala na sila tag-iisa lang ang gagawin kong sandwich para sa kanila. Habang tinutunaw ko ang granules ng juice sa baso ay parang gusto kong haluan ng lason ang juice ni Priam. Pero wag na dahil baka si Jia pa ang makainom. Kahit na maldita iyan sa akin hindi ko rin naman gusto na masaktan siya. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman kami.

Nilagay ko sa round table ang ginawa kong meryenda para sa kanila. Kitang-kita ko kung papaano iyon sundan ng tingin ni Priam. Tssk! Anong akala niya lalasunin ko siya? Pasalamat siya kasama niya si Jia.

"Jia, magliligo at magbibihis lang ako." ako kay Jia. Hindi ko tiningnan ang katabi niyang tao.

"Okay, but can you make it faster Kai?"

My forehead crumpled. "Bakit?"

"Well, as you can see mommy is not home yet so as daddy so, pwede bang ikaw na lang ang magluto please?"

"Jia-"

"Your cooking is exceptional Kai. You cook really well, kaya please? Ikaw na lang ang magluto."

"He can cook?" Doon ko lang tiningnan si Priam. Tumaas ang kilay niya.

Nakangiting binalingan siya ni Jia. "Yes, dapat mong tikman ang luto ni Kai. They're very delicious and incomparable." exaggerated na saad ni Jia.

Okay, masyadong overrated iyon.

"Yeah, I should have him... I mean dapat sigurong matikman ko ang luto niya."

Uminit ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Gago ba siya?!

Kinalma ko ang sarili ko. Iwan ko ba nitong mga nakaraang araw ay madalas ang pag-iba ng ugali ko. Mabilis akong nagagalit tapos mabilis din naman iyong napapalitan. Pagod lang siguro ito. O kundi ay kulang sa tulog.

"Sige."

Hindi na ako naghintay pa ng sasabibin nila at iniwan ko na sila doon. Pagdating ko sa silid ko ay napasandal ako sa pintuan ko napahawak sa dibdib ko. Gago! Bakit ang lakas ng tibok nitong puso? May sakit na ba ako? Kailangan ko na atong magpa-check up sa ospital. Nakalimutan ko na ang annual check up ko.

Matapos akong maligo ay nagbihis ako at tinuyo ko ang buhok ko nang matuyo ang buhok ko ay lumabas na ako ng silid ko. Walang tingin ko silang nilampasan doon sa living area. Pagdating ko sa kusina ay nagsimula na akong maghanap ng maaari sangkap ko sa pagluluto. Binuksan ko ang double-door naming ref pero isang malaking isda na lang ang laman nun. Hindi pala ako nakapag-grocery kahapon.

"Jia-" nabitin sa ere ang sasabihin ko nang makita kong magkalapit ang mukha ni Jia at Priam. What a good timing it is! "S-sorry." Tumalikod ako.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Jia. "You can turn your back now, Kai."

Lumunok ako bago sila hinarap.

"Anong sadya mo?" Alam ko sa tono ni Jia. Nagpipigil iyon sa galit. Ikaw ba naman mabitin.

"A-ano kasi... isda na lang ang laman ng ref. Maggo-grocery pa sana ako."

"What!?..." natigilan siya sa pagtaas ng boses niya. Na-realized niya siguro na nandidito sa pamamahay namin si Priam. "I mean sige mag-grocery ka muna and... naka-snacks na naman kami kaya sige alis na. "

I slightly nodded my head and head towards my room. "Oh, saan ka pupunta Kai?"

Nilingon ko siya. "Kukunin ko lang ang wallet ko."

Agad naman akong nakabalik dahil iyong wallet ko lang talaga ang sadya at hindi na ako nag-abala pang magbihis.

"Kai," pagdaan ko sa living area ay tinawag ako ni Priam. Nalukot ang wallet ko na nasa kamay ko.

"I'll take you to the market." Pagpipresenta ni Priam.

Pero sabay kaming tumanggi ni Jia sa magkaibang dahilan. Ako ayaw ko siyang kasama iyan ang dahilan konsamantalang iyong kay Jia alam kong ayaw niya naman na maiwan dito mag-isa or ayaw niyang ihatid ako ni Priam.

"Hindi pwede." Sabay naming untas ni Jia.

"Why not?" Nagtagpo ang kilay ni Priam na parang pinagawa.

"M-may mga jeep naman dyan sa sakayan kaya ayos na." labas sa ilong kong saad.

"Y-yeah." nauutal namang pagsang-ayon ni Jia.

"No, I insist since pumunta ako dito ng biglaan and treat this as my treat na lang din."

Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano bang kagaguhan ito Priam?!! Magsasalita na sana ako ng naunahan ako ni Jia.

"No, tayo na lang ang pupunta sa grocery store Priam."

I couldn't ask for more. Pabor na pabor iyon sa akin kaya mabilis akong sumang-ayon.

"Tama mas mabuti iyan, Jia. Ah, maglilista lang ako saglit ng bibilhin mo ngayon Jia tapos bukas na lang ako maggo-grocery ulit." nakangiti kong sambit. Tumango siya sa akin. Agad akong pumunta sa kusina upang tingnan kung ano-ano ang dapat na ipabili ko kay Jia.

Bumalik ako sa sala at binigay kay Jia ang mga nilista kong bibilhin niya. "Iyan na Jia. Sige na umalis na kayo para makapagluto ako kaagad."

Napatingin ako kay Priam na nakatingin pala sa akin. Jusko! Ang sama ng tingin niya sa akin. Tssk! Ako dapat oi ang tumingin ng ganyan sayo, fuckboy ka!

"Hmm, okay let's go Priam."

Tahimik at seryoso si Priam na tumayo saka sumunod kay Jia palabas ng bahay. Nang mawala sila sa paningin ko ay nagdiwang ata ang buong pagkatao ko. Sinundan ko sila at nilock ko ang pinto nang makalabas sila. Nakangiti akong bumalik at  umupo doon sa kinauupuan nila kanina saka ko binuksan ang TV. Manonood muna ako habang wala pa sila, munting saad ko sa sarili ko.

Pagkaraan ng ilang minuto ay may narinig akong papasok na sasakyan sa bahay. Tumayo ako at sumilip sa bintana na nakaharap sa gate namin. Kumunot ang noo ko nang makita kong ang BMW iyon ni Priam. Hindi nakasara ang gate kaya nakapasok lang siya agad. Bumalik ako sa pagkakaupo ko. Pero hindi ko pa naiupo ang pwet ko ay may kumatok na sa pintuan. Tumayo ako at binuksan iyon. Doon ko nakita ang mukha ni Priam na pulang-pula na at ang mata niyang kulay pilak at parang nag-aalab na. The fuck?!

Tinulak niya ang pintuan at pumasok siya saka malakas niyang sinipa ang pintuan pasara. Napaatras ako. Anong nangyayari sa lalaking ito?

Walang ano-ano'y hinuli niya ang leeg ko saka ako sinandal sa pinakamalapit na dingding at siniil ng halik.

PUTANG INA!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top