CHAPTER 19


Chapter 19







Kai Pov


Nagdilim na ang paningin ko sa lalaking nakatayo pa rin papasok at gulat na tiningnan ang vase na nabasag. Wala akong pakialam kung ano ang mabasag ko ngayon. Kahit yata mukha niya ay gusto kong basagin. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit sa kanya.




Dahil sa lalaking ito kaya wala akong maalala sa gabing iyon. Dahil sa lalaking ito... uminit ang katawan ko nang wala sa oras at wala sa isip ko. Hindi ko alam kung masuwerte ba kung tatawagin na si Priam ang nakakita sa akin doon dahil at siya ang nakasama ko sa gabing iyon dahil kung sa ibang tao man wala rin siguro ako dito sa kinatatayuan ko ngayon. Kung hindi rin si Priam ang unang nakakita at lumapit sa akin sa oras na iyon ay baka hindi rin magku-krus pang muli ang mga buhay namin.




"Eating ice cream in the middle of the... morning? What a strange habit do you have." saad niya pero hindi ko iyon binigyang pansin.




Kinuyom ko ang dalawang kamao ko saka malalaki ang hakbang ang ginawa patungo sa lalaking puno't dulo ng lahat ng ito. Because of my gigantic strides, mabilis akong nakarating sa kinatatayuan niya sa walang pag-aalinlangan ko siyang sinuntok sa mukha. Tumama ang kamao ko sa ilong niya dahil iilag na sana siya.




"Motherfucker! How dare you-" hindi ko siya hinayaan pang sumatsat at inatake ko na naman siya ng suntok pero sa pagkakataong ito ay nasangga niya ang kamay ko. Ginamit ko ang isang kamay ko pero nahawakan niya rin ito.






Nag-aalab sa galit ang mata kong pinukol siya ng tingin. Nakatingala ako aa kanya dahil mataas siyang tao at malaki rin pero kahit na alam kong dehado ako dahil sa pangangatawan niya wala na akong pakialam. Dumugo ang ilong niya bunga ng pagsuntok ko. Pero nag-iingat pa rin ako sa tiyan ko. Baka sikmuraan niya ako. Buntis ako.




"What the hell is you're problem!?" galit niyang untas saka hinigpitan ang pagkakahawak sa wrist ko. Napangiwi ako dahil sa higpit n'on pero ininda ko at galit pa ring pinukol siya ng tingin.




"Gago ka! Ikaw! Ikaw ang problema ko! Anong ginagawa mo dito!" sigaw ko sa kanyang pagmumukha, "bitawan mo ako!"




Pilit akong kumakawala sa higpit ng pagkakapit sa kanya. Pero malakas talaga siya at hindi ko mabawi ang kamay ko sa kanya. Mas humihigpit kasi ang pagkakahawak niya sa akin sa mga pagpipiglas ko.




"Putang ina sabing-"




Naputol ang sigaw ko nang mahigitan iyon ng isang panibagong sigaw.




"WHAT THE FUCK!" sabay kaming natigil ng lalaki at tiningnan si Priam na nagdidilim na ang mata sa galit. "You better let him go, Erris!"




"What the fuck, too, Priam, he hit me first have you seen this blood on-"




"I SAID LET THE FUCK HIM GO."




"What's wrong with you, Priam-"




"He's fucking pregnant, Erris so let him go." naging kalmado ang boses ni Priam pero hindi pa rin mawala-wala ang madilim niyang tingin sa Erris na ito!


Maharas akong pinakawalan ni Erris. Napatingin ako sa kamay ko na bumakat ang malalaking daliri niya. Umatras ako. Lumapit sa amin si Priam saka kinuha niya ang kamay ko. Napatingin ako kay Priam na kumuyom ang panga nang makita ang dalawang palapulsuhan ko na namumula.




"What did you say? He... he is pregnant?" parang hindi makapaniwala na saad ni Erris na tabi namin ni Priam. Tinapunan ko siya ng masamang tingin at susugurin ko na naman sana siya nang yakapin ako ni Priam upang pigilan ako sa pagsugod kay Erris na hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito dito sa ganitong oras!




Si Erris ay napaatras at pinahiran ang ilong niyang may dugo. Masama niya rin akong tiningnan.




"Kai, you're pregnant. Please, calm down..." paki-usap ni Priam habang yakap-yakap ako. Napatingin ako kay Priam na humihinga ng mararahas binalik ko ang tingin kay Erris.




Nagsalita si Erris. "So, that night... what the hell!" napahawak siya sa bibig niya at umiling. "Fuck! May nangyari sa inyo? At... at nabuntis... mo itong batang ito Priam? Heck! So blessed men really do exist? Bearer do really fucking exist?"




Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba si Erris sa kalagayan o ano pero tumaas na naman ang dugo ko sa kanya at susugurin ko siya pero pinigilan ako ni Priam.




"Gago ka dahil ito sayo!" sa galit ko ay tumulo ang luha ko. "Ikaw..." hindi ko na napigilan pa humagulhol na ako sa dibdib ni Priam. Kumapit ako sa kanyang braso at umiyak.






Priam Pov


I need to calm Kai down dahil hindi siya tumigil sa kakaiyak. I am cuddling him here in the sofa and he is still sobbing. Napatingin ako kay Erris na nasa kabilang banda at hindi pa rin makapaniwala sa nalaman niya.




Kanina ay naalimpungatan na lang ako may narinig akong nabasag kaya napakapa ako sa tabi ko pero wala na akong makapa. That's when I opened my eyes and saw nothing other than me who is on the bed. I abruptly stand and look Kai in every corner pf the room at sa bathroom pero wala siya kaya lumabas ako at awtomatik na nagdilim ang mata ko nang makita kong nagpupumiglas si Kai sa kamay ni Erris.




"Priam, I'm so sorry. Hindi ko alam... wala akong alam." he apologized.




I clenched my jaw. "What the hell are you doing here?"




He sneered. "Of course to visit you! Akala ko ay isang linggo ka lang dito sa isla viste. Akala ko titingnan mo lang ang improvement ng renovation pero hindi ko alam na papakasalan mo na pala itong isla. Now," he sighed, "I know the reason why. You have him in your arms, finally, after 2 years of tailing him and acting like a damn stalker."




Hindi ko siya inimik nang gumalaw si Kai. Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat ko.




"You want something? Water?" I asked him.




Tumango siya. I stand and went into the kitchen to get some water.




"Ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umaalis? Pinagtatawanan mo ba kung ano ang nangayri sa akin nang gabi iyon? Saka sino ka ba, huh?"




Pagbalik ko ay narinig ko ang galit na naman na boses ni Kai. Mabilis ko siyang nilapitan at binigay sa kanya ang tubig. Ininom niya iyon. Inubos niya. Binagsak niya ang baso sa center table. I saw Erris eyes went round because of what Kai did.




"Sino ang lalaking iyan Priam?" nakakuyom ang kamao niyang tanong sa akin.




Tumingin ako saglit kay Erris at binalik ang mata ko sa kanya. "He... he is my cousin Kai. He is Erris Lacsamana."


Kumunot ang noo ni Kai at napailing siya. "Ano?"




"Priam... siya," tinuro niya ang kina-uupuan ni Erris pero ang mata niya ay nasa akin. "Siya ang dahilan kung bakit may nangyari sa atin ng gabing iyon, Priam. Alam mo Priam... alam na alam mo kung gaano kita kinakamuhian diba? Kaya napaka-imposible na itapon ko ang katawan ko sa iyo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nangyari iyon sa akin? Priam, ang lalaking iyan. Ang putang inang pinsan mo siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganun. Nilagyan niya ng aphrodisiac ang alak na pinainom niya sa akin. Dapat magalit ka dyan Priam. Siya ang dahilan ng lahat ng ito!" pagsusumamo niya sa akin.




Napapikit ako ng mariin at bumuntong hininga. I've never ever been this fucking emotional but when I am with Kai... I cannot supressed my emotions. I already grinding my teeth inside my mouth so that I cannot cry in front of him. Why? Why Kai is like this? Akala ko nakapasok na ako sa puso niya. Pero bakit ganito? Bakit parang hanggang ngayon ay nagsisi pa rin siya sa lahat ng nangyari sa amin? Nagkamali ba ako sa pagbasa sa emosyon sa mata niya? Akala ko lang ba na gusto niya na rin ako? Fuck this!




"I... I cannot hate him, Kai. I cannot. How can I hate what he did Kai when I like its aftermath. I cannot hate my cousin Kai cause, now, I have you in me." i told him the truth.




"Priam, siya ang dahilan ng lahat ng ito-"






"PSHH! Dapat magpasalamat ka sa akin dahil kung hindi dahil sa akin wala ka ngayon sa piling ng pinsan ko. Oo inaamin ko sinadya ko ang paglagay ng aphrodisiac sa inumin mo. But should you be thankful for me?" Erris spoke.






"Nababaliw ka na ba, huh!? Paano ako sasaya, huh? Saka... alam mo na nandun ako at... kilala mo ako? How come that you know me?"






"P-priam... hindi pa ba niya alam ang totoo?"




I look at Erris and shook my head. I hear Erris series of cuss. Binalik ko ang tingin ko kay Kai na ngayon ay nagtatanong na ang mukha dahil sa sinabi ni Erris.






"Anong totoo Priam?" he asked.




I lose of words to utter. My mind went blank. I just stare at Kai's face.




"I... think I should leave first."




Hindi ko na tiningnan pa si Erris na umalis. Nakatitig lang ako kay Kai na sumulyap kay Erris. Nakaalis na si Erris pero hindi pa rin ako makapagsalita.




"Priam magsalita ka. Anong pinagsasabi ng pinsan mo?"




"Kai, I'm so sorry. I'm sorry."




Umingos siya dahil sa sinabi ko.




"Bakit ka nagso-sorry? Priam, ang tanong ko! Ano ang pinagsasabi ng pinsan mo na totoo?"






I bend my head. "You know that I like you, Kai," pagsisimula ko at narinig ko naman ang paghinga ni Kai ng malalim, "2 years ago... 2 years ago when I first saw you Kai. I saw you for the first time in a party, you were with Jia that time." I held my head up and look at him. Nagtatagpo ang kilay niya.




"For the first time Kai, I felt my heart beat like crazy when I saw you. I thought of you as the most pretty man I saw that night. When our eyes met that time, that time I know... that I like you. Nang gabing iyon balak ko sanang magpakilala sa iyo but I refrain my self from doing so cause I might startle you. That's why I get to know to your stepsister instead. Pero hindi naging sapat ang pagkilala ko lang stepsister mo kaya ginawa ko siyang girlfriend para makita kita..."




"How? How could you do that?" Kai asked.






I smile bitterly. "I did it because I like you-"






"Hindi sapat na dahilan 'yan para gawin mo iyon kay Jia! Priam babae si Jia at may damdamin siya pinaglaruan mo lang siya para sa pansariling kaligayahan mo."




I laugh. "Not enough reason?" I glance at him. "Not enough reason but I did just for you."




"Wag mong sabihin na para sa akin Priam dahil para sa sarili mo lang iyan! How could you be so selfish and heartless, Priam?"




I bit my lips. "Yeah, I'm selfish. I'm heartless but what can I do when I like you so much! DAMMIT! Wala akong maisip na iba dahil iniisip ko na ang bata mo pa sa panahon na iyon! I don't want to take your puberty away form you for my own. That's why I resort to that scheme but I regreted it kaya hiniwalayan ko ang stepsister mo. Matagal ko na siyang hiniwalayan but ayaw niya. She's fucking stubborn and childish. And my cousin Erris know everything from the very beginning dahil siya lang ang masasabihan ko sa lahat. At nang gabing iyon..." i halted for a bit and closed my eyes, "alam ko... alam ko na nilagyan ni Erris ng aphrodisiac ang alak na binigay niya sa iyo. Pero nalaman ko iyon pagkatapos ka niyang painumin."




Kao gasped that's why I look at him. I hate the emotion in his eyes. It's... it's full of dismay and hatred. He hate me more now. I knew it. Shit!




"Gago ka talaga." sabi niya at tumayo.




"Kai, where are you going?"




"Aalis ako dito," he answered.


Nag-panic ako. "No, no, no... ako... ako ang aalis Kai, just stay here. Ako na lang ang aalis." Nakita kong kumuyom ang kamay niya at tinapunan ako ng tingin. Hindi ko na siya tiningnan pa dahil masasaktan lang ako sa mga emosyon na nababasa ko sa mukha niya. Umalis ako sa villa ng walang dala kahit ano. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayos lang... basta wag lang umalis si Kai doon. I said to myself, dahil kung aalis siya sa villa baka di ko na siya makita pa. Lalo na't galit siya sa akin. Fuck this life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top