CHAPTER 18

Chapter 18






Kai Pov


"I-isa lang ang kwarto dito?" nauutal kong tanong kay Priam ng ilapag niya ako sa kama. Galing kaming dining area tapos trip niya siguro na buhatin ako kaya binuhat niya ako papunta dito.




Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Kinagat-kagat ko rin ang labi ko dahil pumapasok kasi sa utak ko iyong... ARGHH!!! Iyong halikan namin doon sa dining table ngayon-ngayon lang. Tumikhim siya kaya tumingin ako sa kanya.






"Walang ibang kwarto dito. Ito lang isa." sagot niya sa akin.






"So, magsasama tayo sa iisang kwarto?" tanong ko na naman. Kahit na nagkatabi na kaming matulog parang iba pa rin kasi. Kinakabahan ako sa ideyang magsasama kami sa iisang kama gabi-gabi. Iwan ko.






Oo, nga't n-naghahalikan na kami... tapos... tapos nabuntis pa nga ako. Pero iba pa rin talaga iwan ko.






"Y-yeah?" patanong niyang sagot. "But I can sleep on the floor." habol niya naman.






I slanted my head. Doon sa bahay namin may maayos siya na tulugan doon tapos dito pa na sarili niyang tirahan ay sa sahig na siya matutulog? Tssk! Ang sama ko naman kapag ganun! Tapos ang kama... napatingin ako sa kama na kasya ang limang tao.






"H-hindi na... a-ayos lang naman sa akin na ano... tabi tayo dito sa kama. Ay! Share tayo sa kama pala."




Ngumisi si Priam. "Okay." Hmm, may nakakatawa ba akong sinabi? "Sige na matulog ka na liligpitin ko pa ang mesa." saad niya.




Tumalikod na siya sa akin at naglakad pabalik doon sa pintuan na nakabukas.




"P-priam," tinawag ko siya. Nilingon niya ang ulo niya sa akin. Tumaas ang kilay niya. "G-gusto kong magbihis... pero wala akong damit."




"You can get naked, Kai." walang preno niyang saad namula naman ang mukha ko sa sinabi niya. Umawang ang labi ko. "But on the contrary, I have a lot of shirts in my closet. Feel free to rummage my closet Kai." si Priam saka lumabas at sinara ang pintuan.






Nang mawala na si Priam ay ilang segundo pa bago ko magawang itikom ang bibig ko. Bwesit siya! Porket nakakahalik na siya sa akin ay binabanatan na niya ako! Namimihasa na siya.




Padabog akong pumunta sa closet niya saka namili ng damit. Marami siyang damit dito infairness. Tapos mga designers clothes pa. Matagal ako sa closet niya dahil hindi ako makahanap ng sakto lang sa katawan ko. Nabu-bwesit na ako sa kaka-kalkal sa damit ni Priam pero wala talaga akong mahanap kaya kumuha na lang ako ng isang dirty white na tshirt at mabuti na lang at may nakita akong un-used na boxer. Pumasok ako sa cr saka naglinis sa katawan bago magbihis.






Paglabas ko ay hindi na ko nagulat nang makita ko si Priam na nakaupo at nakasandal sa headboard nung kama. Nasa hita niya ang laptop niya at nakasuot siya ng eyeglasses. Shit. Bakit ang gwapo niya pag may salamin? Tapos kahit ma nakakunot ang noo niya kakatitig doon sa laptop ay... bwesit! Bagay pa rin sa kanya. Gwapo pa rin! Nag-angat siya nang tingin nang maramdaman niya siguro ang mga tingin ko sa kanya.






"Kai, mabuti naman at lumabas ka na sa cr. Gusto na kitang pasukin doon."




Kumibot ang bibig ko pero wala akong sinabi. Tinaasan ko na lang siya ng kilay ko saka naglakad patungo sa kama kung saan siya pero sa kabilang side!






"Kainin mo na iyang ice cream bago yan tuluyang matunaw iyan."






Napatalon ako ng marinig ko ang salitang 'ice cream'. Ang kasiyahan ko ay panandalian lang nang mahagip ng mata ko si Priam na masama ang tingin sa akin. Ano na naman ang problema nito?!






"Ano?" inis kong tanong at pabagsak na naglakad patungo sa pwesto ko sa kama at kinuha ang bowl na may lamang ice cream at kutsara.






"Don't jump Kai. Baka bumagsak ka."






Binalewala ko ang panghihimutok ni Priam dahil kung gagatungan ko pa baka ay tuluyan matunaw itong ice cream. Ang mahalaga ngayon ay ang ice cream.






"Urgghh," napa-ungol dahil sarap na sarap talaga ako sa ice cream. Napatingin naman ako kay Priam na nakatutok sa akin.




"Tssk! Ano na naman?"




Mabilis siyang umiling saka binalik niya ang mata niya doon sa laptop niya. Kaya ako naman ay inabala ko na rin ang sarili ko sa pagkain ko n'ong ice cream. Nang maubos ko ang isang bowl ay... gusto ko pang kumain n'on nakukulangan pa ako doon. Tulala akong nakatutok sa bowl na wala ng laman.




Napatingin ako kay Priam na busy pa sa ginagawa niya. Parang nag-iiscroll lang naman siya doon sa isang document, eh. Bumuntong hininga ako saka inalis ang tingin ko kay Priam.






"Oh, already done?" tanong ni Priam sa akin kaya napatingin ulit ako sa kanya.






"Hmm, oo. Anong ginagawa mo?" usisa ko sa kanya. Ang bowl ay nasa kamay ko pa.






"Just reading the minute report that my secretary sent me."






Tumango ako sa kanya.






"If you're done just put the bowl on the side table ako na ang maglalabas niyan. Matulog ka na." saad pa niya saka binalik niya ang mata sa laptop niya.






Umingos ako. "Gusto ko pa." Saad ko habang nakatingin sa kanya na bumalik sa pagbabasa sa minute report daw.






"What? Anong gusto mo pa?" tanong niya habang ang mata niya ay hindi nilulubayan ang laptop.






"Gusto ko pa ng ice cream. Kukuha ako sa labas." pahayag ko at inalis ko ang kumot sa binti ko pero hindi ko na naibaba pa ang paa ko sa sahig ng magsalita si Priam.






"One bowl a day, Kai. One bowl." aniya.






"Hindi gusto ko pa." sabi ko sa kanya.






"No, it's not good for you saka gabi na. Bukas na lang din." saad ni Priam.






Bumuntong hininga ako at hindi na siya sinagot pa. Binalik ko ang paa ko sa kama. Pabagsak kong nilapag ang bowl ng ice cream sa bedside table akala ko mababasag iyong bowl sa lakas ng pagkabagsak ko. Ang malaking kumot ay nilimis ko sa katawan ko patalikod na humiga. Bahala kang Priam ka.






"Goodnight." si Priam pero hindi ko na siya sinagot. Galit ako. Galit na naman ako! Gusto kong kumain n'ong ice cream pero ayaw niya. Kapag ako naman ang ayaw kumain pinipilit niya akong kumain. Nakakainis!






Panay ang buga ko ng mararahas ma hangin habang nakapikit ang mata. Hindi pa ako inaantok at pinapakiramdaman ko rin si Priam na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos doon sa kaka-kalkal sa laptop niya.




I really don't understand myself. Kanina naman sobrang nawiwili ako kay Priam pero mayamaya naman ay nagagalit na ako sa kanya. Ang hirap. Ang hirap pero iyon ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dala lang siguro ito ng pagbubuntis ko. I know, I am being unreasonable here but what can I do if that's what I feel. My mood swings is really having me bad. I hope this would end soon. My morning sickness is not that bad but meron pa talaga. Also, my leg cramps pero nandito naman si Priam na taga-hilot sa paa ko.






Naramdaman ko ang paggalaw sa kama kaya napasilip ako kay Priam saglit na tinatabi na niya ang laptop niya. Mabilis kong inalis ang mata ko sa kanya at mabilis kong pinikit ang mata ko nang maglakad siya patungo sa direksyon ko. Nakikinig at pinapakiramdaman ko lang ang bawat kilos ni Priam habang nagpapanggap na natutulog. Hanggang na rinig ko ang munting tunog ng bowl at ng kutsara at ang pagbukas at sara ng pintuan.






Naramdaman ko ang pag-uga nang kama tanda na humiga na si Priam. Nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil sa ice cream kaya nga hindi ko siya inimik sa goodnight niya kanina. Napigil ko ang paghinga ko sa paglapit ni Priam sa akin. Akala ko ay kung ano na ang gagawin niya pero inalis niya lang pala ang kumot na halos nakatulakbong na sa akin. Muntik na akong magsalita mabuti na lang at naalala ko na nagtulog-tulogan pala ako. Bumalik din si Priam sa pwesto niya nang maayos niya ang kumot sa katawan ko. Ilang minuto ang lumipas ay hindi na gumalaw si Priam kaya dahan-dahan ang kilos ko at humarap kay Priam na nakapikit na ang mata.






"Priam..." tawag ko sa kanya pero hindi siya gumalaw.




"Psst, Priam..." ako na naman. Sinusubukan ko lang kung tulog ba talaga ang taong ito! Umusog ako ng konti papalapit sa kanya at niyugyog ang braso niya ng konti. Gumalaw at umungol lang siya pero tulog na talaga.




Napa-yes ako. Kahit na alam kung tulog na si Priam dahan-dahan pa rin ang kilos sa pagbangon at sa pag-alis ko sa kama. Maingat din akong naglalakad at takot na makalikha ng ingay. Hindi kasi talaga ako makakatulog kaka-isip sa ice cream kaya hinintay kong makatulog si Priam. Talagang naglalaway ako sa ice cream, eh. Successful akong nakalabas sa kwarto namin. Ang ilaw ay nakabukas lang kaya madali akong pumunta sa kusina ang ref agad ang nilapitan ko at kumuha ng icre cream doon. Mabuti at meron pang isang 1.3 liter na walang bukas. Napangiti ako. Kinuha ko iyon saka kumuha ako ng kutsara para makakain na.






"Ito lang at matutulog na ako." saad ko sa sarili ko at sinimulan nang nilantakan ang ice cream.






Ninanamnam ko ang bawat subo ko sa ice cream at hindi ko na namalayan pa ang oras. Napatingin-tingin ako sa paligid baka may makita akong orasan pero wala kaya naisipan kong pumunta sa living area dahil baka doon may wall clock. Hindi na ako pumunta sa kwarto dahil baka magising si Priam.






Bitbit ang ice cream ay naglakad ako patungong living area. Ngumuso ako ng makakita ako ng isang orasan doon 1am na pala. Tumalikod na ako upang bumalik sa kusina pero napatigil ako ng may narinig akong tunog ng doorbell. Napalingon ako sa maliit na pasilyo patungo sa pintuan. Kumabog ang puso ko dahil naalala ko na ang nangyari doon sa bahay namin.






Napatingin ako sa pintuan sa kwarto namin ni Priam. Lumunok ako at nanginginig ang paa na naglakad pero hindi ko talaga binibitawan ang ice cream. Ilang hakbang lang ang nagawa ko at narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Kaya napatingin ako doon.




Napako ang mata ko sa lalaking kakapasok lang. Pati siya ay napatigil nang makita niya ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa ko at pabalik. Nakaawang ang bibig niya halatang gulat na gulat siya. Pero ilang sandali pa ay nakabawi siya at ngumisi sa akin. Pero ako iyong kaba ko kanina ay nawala. Nawala ang kaba ko at napalitan iyon ng galit. At sa galit ko naibato ko sa kanya ang hawak kong ice cream at kutsara.






"What the f!!" siya pagkatapos niyang umilag. Ang lalagyan ng icre cream ay tumama doon sa nakatayong vase. Natumba iyon at nabasag kaya lumikha iyon nang malakas na  ingay.






"Anong ginagawa mo dito!?" sigaw ko sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lalaking ito. Hindi ko siya malimutan kasi siya iyong huli kong naaalala sa gabing iyon. Siya ang lalaking nagpa-inom sa akin ng alak. Iyong alak na may lamang aphrodisiac!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top