CHAPTER 15
Chapter 15
Kai Pov
Ang sinag ng araw sa labas ay nakakasilaw na sa kabila ng tila ng kurtina na nakatabing sa bintana ng kwarto ko. Sa bagay nakaharap naman kasi sa dagat ang bintana itong kwarto ko. The scorching heat of the sun that hits the sea and that makes the sea even more flashed.
"Uhmm," ungol ko saka mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa unan na yakap ko. Natural ba na mainit ang unan? Tapos hindi naman matigas ang unan ko pagkatulog ko kagabi. I stick my nose out, iba ang amoy... iba ang amoy ng yakap na unan ko ngayon. Amoy. SHIT! AMOY PRIAM LACSAMANA!!!
Naimulat ko ang inaantok kong mata kanina. Nahimas-masan ako sa paggiging antok ko nang makita ko ang malapad, malaki at mabuhok na dibdib ni Priam. Inangat ko ang ulo ko. Ang hininga na lumalabas sa ilong ni Priam ay tumatama sa mukha ko ng pagka-angat ng ulo ko. Sa anggulong ganito ay mas lalo kong nakikita ang pagiging matangos ng ilong ni Priam. Natutulog siya pero parang may kaaway siya sa panaginip niya. Nagtatagpo kasi ang kanyang kilay.
Gusto kong kunin ang kamay ko. Gusto kong bawiin ang kamay ko na nakayakap sa katawan ni Priam. Gumalaw ako upang hilahin ang kamay ko at ilayo rin ang katawan ko kay Priam pero ang lokong ito! Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin kaya mas nadiin ang mukha ko sa dibdib niya. Jesus! Paano kami nauwi sa ganitong posisyon! Kagabi ay si Priam lang ang nakayakap sa akin at nakatalikod ako. Kaya bakit ganito na kami ngayon. How the hell!
"Priam," impit kong saad dahil naiipit na ang mukha ko sa dibdib niya.
Kinabahan ako ng maramdaman kong nasusuka na naman ako. Kaya buong lakas kong tinutulak sana si Priam pero hindi sapat ang lakas ko. What the hell!
"Uhmp, uhmp, uhmp!" ako habang tinitikom ko ang bibig ko. Dahil kung ibubuka ko na ang bibig ko ay masusuka na talaga ako.
Nagising si Priam at napatingin siya sa akin na umiimpit sa kamay niya. Bumilog ang mata niya at pinakawalan ako. Ako naman ay walang oras upang awayin at sigawan si Priam. Dahil mabilis akong bumangon at umalis sana sa kama pero huli na. Huli na ang lahat dahil nasuka na ako sa kama ko.
Habang dumuduwal ako ay hinahagod naman ni Priam ang likod ko. Pagkatapos kong sumuka ay pinahid ko ang kobre ng kama na walang suka ko sa bibig ko at sa luha sa mata ko. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Priam at pag-alala sa mukha niya ng binalingan ko siya.
"I'm so-"
"Bwesit ka! Bwesit ka! Tingnan mo yan," turo ko sa mga dinuwal ko kanina, "tingnan mo yan ngayon! Ano na ang gagawin ko dyan, Priam. Dahil yan sayo kung hindi mo sana ako... kung hindi mo sana ako inipit ay hindi ako makakasuka dito sa kama ko! Labhan mo yan. Labhan mo yan at wag ka pumasok sa trabaho kung hindi mo yan nalalabhan!" sigaw ko sa pagmumukha ni Priam.
Walang good morning- good morning ang nangyari sa pagitan namin ni Priam. Nagalit at nainis na ako sa kanya.
"Yeah, I will, so calm down it's not good for you." saad ni Priam saka umalis sa kama. Akala ko ay aalis na siya pero tinungkod niya ang tuhod niya sa kama saka inabut ng isang kamay niya ang ulo ko at hinalikan niya ang noo ko. Hindi ako nakapagsalita sa gulat! Humataw ang puso ko.
This scoundrel never fails to leave me astounded because of his unpredictable gestures. Dammit!
"Good morning. Maglinis ka na doon sa cr at ako na ang bahala dito. Mauna ka na rin sa baba at uminom ka muna ng gatas mo saka na ako magluluto pag-naligpit ko na ito." saad niya matapos ilayo ang labi niya sa noo ko.
Kumibot ang bibig ko at gusto ko na naman siyang sigawan. Nagawa niya pang batiin ako ng good morning!
"Hmmp!" ako saka umalis sa kama at nagmamadaling lumabas at pumasok sa cr. Sinara ko iyon at sumandal ako doon sa pintuan habang hawak ko pa rin ang doorknob. Iyong mga paghawak ni Priam sa akin; iyong pagkayap at halik niya sa akin; iyong simpleng galawan niya sa akin; iyong simpleng paghanda niya ng pagkain araw-araw at iyong mga pag-aalala sa akin ni Priam. Iwan ko pero sa tuwing ginagawa niya iyon parang may mga maliliit na hayop sa tiyan ko na nagwawala. Ang tahip ng puso ko ay parang nakakabingi na rin. Dahil iyon kay Priam. Dahil sa kanya!
Mabilis akong naghilamos, nagmumog at nagtoothbrush para makababa na ako. Nasanay na kasi ako na maliligo ako pagkatapos kong kumain ng breakfast. Kapag nakaalis na si Priam para sa trabaho niya.
"Kai? Kai? Kai!" napaigtad ako kay Priam na kakababa lang mula sa itaas. Bitbit na niya ang kobre ko gamit ang isang kamay niya.
Ako naman ay nandidito sa dining table at kanina pa pala ako nakatulala.
"Ano?" naiinis kong tanong.
"I've been calling you a lot of times. Ano ba ang iniisip mo."
"Wala!" puro na ata pabagsak ang mga sagot ko kay Priam.
"Are you hungry?" tanong na niya naman. Ayan na naman siya sa mukha niya na parang laging concern. Shit!
"Hindi pa."
"Okay, ilalagay ko lang ito sa labas para makapagluto na ako." saad niya saka lumabas gamit ang backdoor. Nandun kasi ang laundry area sa likod ng bahay.
Pagbalik ni Priam ay nagluto kaagad siya. Syempre sabay na naman kaming kumain at ako pinagtiya-tiyagaan ko ang luto niya naging vegetarian na si Priam Lacsamana.
"Naku ako na dyan Priam." sabi ko sa kanya.
Ngayon ay nasa likod nasa laundry area kami. Ako ay napapasilong lang sa tabi habang siya naman ay maglalaba daw pero hindi niya naman alam kung papaano.
Inirapan ko siya.
"No," pigil niya sa akin, "just stay there. Just tell me what to do." anang pa niya.
"Pagkatapos mong basain yan kusutin iyang maruming parte tapos ay magtunaw ka ng powder soap at saka ilagay mo doon at kusutin mo na naman. Ay, wag mo na pa lang kusutin ilagay mo lang iyan sa palanggana at pwede mong apak-apakan. Malaki kasi ang bed sheets." pag-iinstruct ko sa kanya.
Kumunot ang ni Priam Lacsamana. "Hindi ba pwedeng mag-washing machine na lang tayo Kai? It's easier than manual laun-"
Nagmartsa ako papalapit sa kanya at nilagay ang kamay ko sa baywang ko. "Ako na dyan kung ayaw mo." wika ko.
"Shit. Don't. Okay, I can handle this bumalik ka nalang doon." turo niya sa pinanggalingan ko.
Mabibigat ang paa kong bumalik sa pinagsisilungan ko kanina at pinanood si Priam habang naglalaba sa bed sheet ko. Habang pinapanood ko siya at napaiwas ako ng tingin sa kanya ng hubarin niya ang suot niyang sleeveless shirt. Parang nag-slow motion iyon. Nang binalik ko ang mata ko sa kanya ay nagkukusot na si Priam nung bed sheet pero parang nasa slow motion na ang bawat galaw ni Priam.
Napalunok ako. Bwesit bakit kailangan niyang gawin iyon sa harapan ko? Inaakit ba niya ako? Anong akala niya madali akong naaakit sa... sa ganyang katawan niya at galawan niya. Pagtingin ko sa kanya ngayon ay parang may glitters na ang katawan ni Priam sa mata ko. Para na siyang kumikinang sa ilalim ng matirik na araw habang naglalaba. Dammit! Hindi ko na nakayanan pa at tumayo ako.
"Pa-papasok na ako sa loob." anunsyo ko.
"Hmm, okay." rinig kong ani ni Priam.
Nagpahinga ako sa sofa at nakatutuok ang mata ko sa ceiling. Pero hindi nagtagal ay humikab na ako. Dinalaw na ako ng antok ko hanggang sa pumikit na ang mata ko at nakalimutan ko na ang paligid ko.
"Kai," naalimpungatan ako ng may mararahan na boses na tumatawag sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Kumunot ang noo ko. "Kai." parang bulong na iyon.
"Kai, aalis muna ako pupunta na ako sa resort kumain ka dito. Nakaluto na ako ng lunch mo." ngayon ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon, si Priam pala.
"Hmm," pikit matang sagot ko sa kanya.
"Okay, aalis na ako," si Priam at hinalikan ang noo ko. "Tumawag ka kung may kailangan ka o may emergency, Kai."
Iyan ang laging paalala sa akin ni Priam sa tuwing aalis siya ng bahay. Nilagay pa nga niya ang number niya sa cellphone ko para daw matawagan ko siya pero syempre hindi ako tumatawag sa kanya saka so far wala pa namang emergency ang nangyari.
"Hmm." huling sagot ko kay Priam bago ako sakupin ulit ng kaantukin ko.
Nagising ako ng ihing-ihi ako kaya hapong-hapo akong bumangon at kalahating gising at tulog akong naglakad patungong toilet. Pagkatapos kong mag-cr ay pumunta ako sa dining area at may pagkain na doon na nakatakip may notes pa galing kay Priam. Tinapon ko na ang notes niya saka ininit ko iyong niluto niya.
Nang matapos akong kumain ay pumunta ako sa taas upang magbihis dahil maglalakad ako sa labas o kundi kaya ay pupunta ako doon sa kanila Nika. Nitong mga naraaang linggo ay bumibisita ako doon sa kanila at tinuturuan nila ako kung paano gumawa ng bracelet kaya naaliw ako doon. Pagkatapos kong magbihis ay baba na sana ako ng may katok ako narinig. Napatingin ako sa wall clock pagbaba ko. Alas tres pa naman, ah. Ang aga na namang umuwi ni Priam.
Nagkalad ako papalapit doon sa pintuan pero ang katok sa pintuan ay naging bayolente na. Napakurap-kurap ako. Hindi iyon gagawin ni Priam. Sumilip muna ako sa bintana namin na nasa tabi lang ng pintuan bago sana pagbuksan iyon.
Humataw ang puso ko ng makita kong hindi si Priam iyon. Dalawang lalaki iyon na hindi pamilyar sa akin ang mukha. Ang lalaki ay lumingon sa direksyon ko pero mabilis akong lumayo doon at bumalik sa ikalawang palapag ng bahay. Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ko ang cellphone ko sa drawer ng bedside table. Ang katok naman sa labas ay natigil kaya akala ko ay wala na pero isang malakas na kabog ang narinig ko mula sa ibaba.
Mabilis kong hinanap ang pangalan ni Priam sa contact list ko. Nanginginig ang kamay ko at pumapatak na ang luha ko sa kaba. Ilang ring lang at may sumagot sa tawag ko.
"Kai?" si Priam sa kabilang linya.
Pinalis ko ang luha ko habang nakatingin sa pintuan. Hindi agad ako nakasagot kay Priam dahil sa kaba ko.
"Kai, are you there?"
"P-priam..." ako at tumulo na naman ang luha ko dahil naririnig ko ang mga kalabog sa ibaba.
"Kai! Kai anong nangyayari dyan? Fuck!!! Answer me!" tumaas na ang boses ni Priam.
"Priam... priam kasi m-may mga lalaking nakapasok ata sa baba at- at... Priam hindi ko sila kilala."
"Shit! Don't drop the call. I'm on my way."
Para akong tanga na tumango kahit na hindi naman ako nakikita ni Priam. Ang tawag ay hindi ko rin binaba ang nasa tenga ko lang ang cellphone habang naririnig ko ang boses ni Priam sa kabilang linya. Pero wala na akong maintindihan doon dahil akupado na ang utak ko sa kaba at sa mga kalabog sa ibaba. Hindi ko na alam kung ano pa ang sunod na nangyari dahil naramdaman ko na lang na may likido na lumabas sa akin kaya napatingin ako doon sa binti ko, dugo iyon. Narinig ko ang ang sigaw ni Priam sa kabilang linya pero hindi ko siya masagot. Para akong na paralyze. May gusto akong sabihin kay Priam pero wala nang boses ang lumalabas sa bibig ko. Hanggang sa mabibigat na hininga na ang pinapakawalan ko at bumigat na ang takip mata ko at nawalan na ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top