CHAPTER 13
Chapter 13
Kai Pov
Hindi ko alam kung papaano lumipas ang bawat oras, araw, at linggo na kasama ko si Priam sa iisang bahay. I mean, yeah, lagi kaming nagbabangayan well, ako lang pala ang laging galit sa kanya at siya naman ay masunurin na nakikinig lang sa mga pinagsasabi ko. It's always been like that eversince he started living with me.
It's been a week since then and I hate to admit it but I like it when I wake up in the morning and table is ready. The warmth bath is ready. My milk is ready on the table. Come on, sinong hindi gugustuhin iyan diba? Plus, ngayon mas tinatamad pa ako. Mas gusto ko na lang na matulog buong araw. Ayaw ko na ngang gumalaw sa totoo lang. Dagdagan pa na leg cramping na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang sakit.
Then my morning sickness becomes a natural morning routine of mine. Na kapag gigising ako, I always rush on the toilet and vomit everything I have in my stomach. My pregnancy is just month and weeks now pero grabeng torture na ito. Minsan naiisip ko may galit ba sa akin ang baby ko kaya niya ako pinaparusahan ng ganito.
Kagaya ngayon ako naman ay nandidito sa CR galing lang ako sa matinding pagsusuka ko. Gustong-gusto ko pang matulog sana kaso nagising ako na parang hinuhukay na ang tiyan ko.
Pikit ang mata kong hinihilamusan ang mukha ko.
"Kai," rinig kong tawag sa akin ni Priam.
Hindi ko siya nilingon. "Hmm," tamad kong sagot sa kanya.
"Are you okay? What can I help?" anang niya at mas lalo pang lumakas ang boses niya. Minulat ko ang mata ko at nakita ko na nasa gilid ko lang pala siya. Tamad ko siyang tinapunan ng tingin. Gusto ko na naman siyang sigawan. Gusto ko na naman siyang pabulaanan ng mga salita pero tinatamad na ako. Inaantok talaga ako.
"Inaantok ako." tamad kong sagot sa kanya at muling pinikit ang mata ko.
"Halika ako na ang magpunas sa mukha mo."
Wala na akong reklamo kay Priam. Basta ang alam ko hinila niya ako papalapit sa kanya at pinunasan niya ang mukha ko. Hindi ko na kinaya pa at isinandal ko na ang ulo ko sa dibdib niya. Sa dibdib niya dahil mas matayog siya sa akin. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya.
Mabuti at hindi siya nagsalita pa. Dahil kung magsasalita siya tiyak na walang humpay na sagutan na naman. Pero nitong mga nakaraang araw ay mas naging kalmado pa si Priam than the usual. Tapos naging mas patience pa siya sa akin. Kasi kapag may sinasabi ako sa kanya o kapag may sinisigaw ako sa kanya tumatango na lang siya sa akin. Iwan ko kung pagpapasensya niya ba iyon sa akin o sadyang pagod na siya sa ugali at boses ko.
"Kai," tapik niya sa balikat ko. "Kai, you need to eat your breakfast." hindi ako nakinig sa kanya at nakasandal pa rin ako sa dibdib niya. Bakit? Bakit parang gusto ko na lang dito. Dito sa dibdib niya?
Gulat akong napadilat at agad na lumayo kay Priam ng ma-realized ko kung ano ang ginagawa ko kanina. Napatingin ako kay Priam na ngayon ay parang wala lang. Parang ngayon lang ako nagising.
"Come on, kakain na tayo. May trabaho pa ako." wika niya.
"Huh? Ah... mauna ka na kakain lang sa akin." saad ko sa kanya. Hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko at bakit ako sumandal sa kanya. Nababaliw na ba ako? Bakit ko iyon ginawa? Baka akalain ng Priam na ito na gusto ko iyon! Hindi! Hindi ko iyon gusto!
"No, sabay na tayo dahil babalik na ka naman sa kama mo at makakalimutan mong kumain kasi matutog ka na naman buong araw."
Siguro ay naging cautious na lang si Priam dahil kahapon kasi hindi kami sabay na kumain dahil maaga siyang umalis dahil may trabaho nga siya doon sa resort ng pinsan niyang hindi ko na inabalang kilalanin pa kung sino. Tapos pagkauwi niya ay naabutan niya akong natutulog lang sa sala at walang lunch dahil tulog na tulog ako. Kahit na may pagkain na sa mesa ay hindi ko pa magawang kumain.
"Priam, bakit ikaw ang inhenyero doon sa renovation ng resort ng pinsan mo? Diba may negosyo ka sa Manila?" tanong ko kay Priam habang kumakain kami.
Iwan ko nitong mga nakaraanv araw ay parang hindi na ako natatakam na kumain. Parang wala ng lasa ang mga kinakain ko. Kaya itong ginagawa ko ngayon kay Priam ay excuse ito. Gusto ko lang siyang i-distract na wag akong pilitin na pakainin. Lalo na sa mga gulay!
"Well, i have my a very generous secretary who's there. And i am doing favor for my cousin. It'll be the first and last that I'll be working for his ass." sagot niya at ako naman ay maliliit ang subo ang ginagawa.
"Gusto kong pumunta dyan sa resort ng pinsan mo, Priam."
Nginuya niya iyong pagkain sa loob ng bibig niya. "Hmm, i can bring you there but not right now. Medyo busy kami hindi kita maaakupa doon..." napatigil si Priam sa pagsasalita mg makita niya akong nakatingin lang sa kanya habang siya ay sumusubo at ako ay hinayaan ko nalang na lumamig iyong pagkain ko. Bumagsak ang mata niya sa pinggan ko na maliit lang ang nakuha.
Ay, shit!!! Nahuli pa ako.
"Kaya mo pala ako kinakausap dahil dini-distract mo lang ako. Kaya pala kinausap mo ako ng una ngayon, huh." tinaasan niya ako ng kilay. "Now, you watch me while i am eating my food here. Now, it's my turn to watch you eat your damn food, too. Dig in." utos niya sa akin.
"Ayaw ko na kumain." pagmamatigas ko. Naubos ko na naman iyong gatas na ginawa niya, e.
"No, you will eat Kai."
"Busog na ako Priam." ngiwing sagot ko sa kanya. Ito na naman ako. Konting-konti na lang at tataas na naman itong boses ko.
For the love of christ! Kung gusto ng Priam na ito na tahimik ang pamumuhay namin ay dapat hindi na siya nagsasalita pa.
"Kai, ang konti lang ng kinain mo. Milk won't be enough, you should know that. Alam mo ba na kung ano ang kinakain mo iyon din ang nutrisyon na nakukuha ng anak natin."
Kailan pa ba ako masasanay sa 'anak natin' na iyan ni Priam. Every time kasi na nababanggit niya iyon ay parang may kumikiliti sa akin. Iwan ko lang. Hindi kaya iyong anak ko... ehermm...namin iyon? Psh! Malabo naman. Imposible!
"Alam ko naman iyan." reklamo ko sa kanya. Anong akala niya sa akin ganun na lang talaga ka tanga?
He rans his hand on his hair. Napu-frustrate na si Priam. Alam na alam ko yang galawan niyang iyan.
"Alam mo naman pa-"
"Ayaw ko nga kumain wala akong gana. Walang gana Priam." Hindi ko na siya pinatapos sa argumento niya dahil alam ko naman na pangangaralan na niya naman ako. Feeling din talaga nito! Porket hindi ko na siya inaaway ay ayos na kami! Tingnan mo na ang bilis na ring magbago ng mood ko! Mood swings ba ito? Dala ba ito ng pagbubuntis ko?
"Okay," pagsusuko ni Priam. "Anything that you want? Any particular foods that you want? Just say kung ano ang gusto mo."
"Matulog." ani ko sa mahinang boses.
Rinig ko naman ang paghingang mararahas ni Priam. "Kai, hindi pwede ang ganito. Hindi porket... hindi porket hindi kita mapilit dahil hindi kita matiis ay ginagawa mo ito. Wag mong gawin ito dahil mahina ako sayo. Just so you know Kai. I have my limits. You know me." gumalaw ang panga niya.
Yes, this Priam Lacsamana in front of me right now. Is very far from what I used to know. Ngayon ay nakikita ko na sobrang bait niya, sobrang taas ng pasensya sa akin, sobrang maalaga. Siguro ay ginagawa niya ito dahil dala-dala ko ang anak niya. Base sa mga nababasa ko sa mga tabloids. Priam Lacsamana is known to be a monster in his field. May nabasa pa nga ako noon na inireklamo siya sa isa niyang trabahante dahil daw nagkamali lang ito ng konti ay tinapon nito ang project proposal na ginawa ng trabahante niya. Tapos halos daw araw-araw sa kompanya ni Priam ay may natatanggal na mga empleyado o umalis na empleyado dahil hindi nakakayanan ang pagiging perfectionist at kasungitan ni Priam.
Pero tingnan mo nga naman ngayon ako nga e. Basta-basta nalang siyang sinisigawan at binabara pero heto pa rin sa harapan ko. Pinagtitiisan ako.
Wala ng ibang diskusyon ang nangyari dahil hindi ko na siya inimik. Pumunta na lang siya sa trabaho niya pero kahit na anong gawing salita at hindi pagkakaintindihan namin ni Priam isa lang talaga ang hindi niya makalimutang gawin. Ang halikan ang ulo ko bago siya umalis ng bahay. Ika nga niya para sa anak namin iyong halik.
Nang makaalis si Priam ay humiga ako doon sa mahaba sofa na nandidito sa sala sala nanood ako ng mga palabas pero hindi ako nakatapos ng isang palabas ng bumigat na ang takip mata ko at nakatulog. Nagising nalang ako sa mga katok. Pagod akong tumayo upang buksan ang pintuan. Pero bago ko iyon gawin napatingin muna ako sa wall clock kung anong oras na at alas dos na! Pero hindi pa naman oras para umuwi si Priam?
"Anak!" nabaling ang ulo ko sa pintuan ng marinig ko ang boses ni papa. Kaya dali-dali akong nagtungo sa pintuan at buksan iyon.
Si papa Gino nga! Niyakap ako ni papa, "namiss kita anak," anang ni papa, niyakap ko naman siya pabalik saka kami pumasok sa loob ng bahay.
"Pumayat ka lalo anak." komento ni papa ng makaupo kami. Pinagmamasdan ako ng mabuti ni papa.
"Hindi ka ba kumakain dito? Tinatamad ka bang magluto?"
"P-papa... hindi... hindi naman po sa ganun. Nitong mga nakaraang araw lang kasi pa. Nawawalan na po akong gana na kumain." saad ko kay papa.
"Naku hindi pupwede ya-"
"Kai?" naputol si papa ng biglang may pumasok sa bahay at tinawag ako. Gago! Muntik ko ng makalimutan na hindi pala alam ni papa na si Priam ang ama ng dinadala ko. Tapos ngayon si Priam ay maaga pang nakauwi kung minamalas ka nga naman!
Litong tumingin sa akin si papa saka tumingin ulit kay Priam. Of course! Kilalang-kilala ni papa si Priam. Ilang beses na itong napapadpad sa bahay namin, e.
"Anong ginagawa mo dito, Priam?" si papa kay Priam.
Tumingin sa akin si Priam. "Tito Gino..." pumikit ako kay Priam baka kasi kung ano na naman ang lumabas sa bibig nito!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top