CHAPTER 11
Dedicated to: maesotriahx
__________________
Chapter 11
Kai Pov
"I'm happy Makaio but it's not because of what you've said earlier that was not on my mind. I've never thought of that for you. I may be hate you a little but I don't have that kind of thoughts... I am happy because now I have a reason to stay... now i have a reason to fight this feeling that I felt for you. Now, I have a reason for me to make you fall me. Pananagutan ko ang bata Kai. Papakasalan kita kung kinakailangan." Litanya ni Priam habang mahigpit ang kamay na nakagapos sa katawan ko.
"Bitiw Priam. Bitawan mo ako." saad ko sa nagpipigil na galit.
Madali niyang sinunud ang sinabi ko at humarap ako sa kanya na nagpapahid sa luha niya.
Ngumiwi ako sa kanya. "Anong kasal-kasal Priam. Nagdidilaryo ka na dyan. Saka hindi mo kailangang maging ama sa anak ko."
"Anak natin." pagtatama niya sa akin. "If only needed Kai. If I have to marry you I gladly will."
Inirapan ko siya saka pinagkrus ang braso ko. Hindi ko na pinansin ang kasal-kasal na pinag-sasabi niya. Nananaginip na itong Lacsamana'ng ito! "Alam mo ba ang sinasabi mo, huh, Priam. Alam mo ba ang kaakibat ng pinagsasabi mong maging ama ka sa anak k-ko?" saad ko sa kanya. Namumula ang mata niya. "Priam, lalaki ako... isa akong bearer alam mo ba ang reputasyon ng mga kagaya ko? Saka ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na ang isang Priam Lacsamana ay nakabuntis sa isang lalaki. You have a reputation to take care of, Priam always remember that."
"I don't care about them, Kai." walang pag-aalinlangan niyang wika habang nakatitig sa mga mata ko. "I don't care about what the people might think about me. Besides, i'm pretending for too long enough."
I arc a brow. "Pretending?"
"Hmm, pretending that I like women when I certainly like someone with the same gender as mine. Just like what I said Kai. I like you. I like you so much."
Kumikibot ang bibig ko dahil may gusto ko na naman siyang sigaw-sigawan pero nawawalan ako ng salita. Nangangapa ako ng isisigaw ko sa kanya. This scoundrel! How can he said such thing na parang wala lang sa kanya! Bakit ang confident niyang sabihin iyon? Well, well, well, sanay na sanay na siguro ito since marami ng experience. Pero hindi porket wala akong experience sa ganito ay magpapadala na ako sa kabog ng damdamin ko. Tae mo Lacsamana!
"I don't like you." walang kagatul-gatul kong saad sa kanya.
He gave me a faint smile. "I know that. I know that very well, Kai. But i will make you like me."
"Bahala ka sa buhay mo saka umalis ka na dito. Kaya ko ang sarili ko. Hindi kita kailangan. But if you want to be the father of my child. You can. Hindi ko ipagkakait ang anak ko sayo Priam."
"Our child Kai. OUR... I want our baby and you, of course."
"Bahala ka sa buhay mo." saad ko saka naglakad patungong pintuan. Gusto kong tingnan ang paligid pagkatapos ng malakas na ulan kagabi.
Nagmamartsa ako palabas nang sumunod sa akin ang magaling na Lacsamana. Wala ring kapaguran ang isang ito kakasunod sa akin.
"Umuwi ka na Priam." sabi ko habang naglalakad at pinagmamasdan ang paligid. Parang wala namang nangyari pero mas malamig lang ang umaga ngayon o baka ganito talaga dito. Ito pa naman ang unang umaga ko dito. I brush my hands on my arms dahil sa lamig pero may makapal na sarong ang bumalot sa akin.
"Take care of yourself while I'm away." anang ni Priam.
Hinarap ko siya habang inaayos niya ang pagkakalagay sa isang sarong sa akin. "Hindi mo na kailangang sabihin iyan dahil aalagaan ko talaga ang sarili ko." pambabara ko.
Bumuntong hininga siya pagkatapos. "I know but be extra careful there are bandits around here."
"Tinatakot mo ba ako Lacsamana."
"Why would I, Kai. It's true."
"Paano mo nasabi iyan?"
"Of course, I've been in this place longer than you."
"Bakit nandidito ka sa lugar na iyo? Ahh, dito mo ba dinadala ang mga babae mo?"
Tumawa siya. Baliw anong nakakatawa sa tanong ko.
"No, wala akong babaeng dinala dito and for your information. May trabaho akong ginagawa dito. See that rock formation," anang niyang saka tinuro ang rock formation sa isang banda na medyo malapit lang sa bahay ko. Taas ang kilay kong nakatingin doon, "may cousin have a resort after that rock formation and pina-renovate niya iyon at ako ang engineer kaya mas maalam ako dito. That's why be careful don't roam around here because there are bandits that's lurking around and waiting for their pry."
"Hay! Lalaki ako, okay." sabi ko sa kanya baka kasi nakakalimutan kung sino ang kausap niya.
"Yes, I know that. Okay aalis na ako." saad niya na kinasaya ko pero napahakbang ako paatras ng umabante siya patungo sa akin.
"Anong ginagawa mo Priam?" takang tanong ko. Aalis na siya e.
"Magpapaalam lang." anang niya saka walang pasabing niyakap ako at patakan ang ulo ko ng halik. Huli na para matulak ko siya dahil mabilis ang kilos niya.
"Bat ka nanghahalik gago!"
"Nagpapaalam lang ako sa baby."
"E, bat ako ang hinalikan mo." diin kong tanong sa kanya.
"Of course, ikaw muna ang hahalikan alangan naman ang baby natin e. Hindi pa naman siya lumalabas." saad niya at dumapo pa ang kamay sa tiyan ko. "Don't give your mother a hard time when I'm away, baby." saad niya saka tumigin sa akin na hindi makagalaw sa ginagawa niya. "I love you." pahabol niya habang sa akin nakatingin.
Pinadilatan ko siya sa mata ko at handa ng magbuga ng mga maanghang na salita nang unahan niya ako. "Para sa baby iyon, Kai." saad niya saka mabilis na umalis. Putang ina! Napapadyak ako sa buhangin habang tinitingnan ang papalayong bulto ni Priam. That scoundrel is taking advantage at my pregnancy! He is taking advantage of me!
However, I cannot deny that I feel something towards his actions. His simple actions: his simple touch and concerns makes my body quivers. I don't know where it came from basta kusa ko na iyong nararamdaman. Don't tell me that I am really going to fall for his trap! No way! No fucking way!
Kahapon ay hindi ako nakakapaglakad-lakad dito dahil nanood lang ako ng sunset na sa kinasamaang palad pa ay nakita ako ni Priam. Tapos naabutan pa kami ng ulan ng loko at sa bahay pa natulog tapos nalaman pa niya na buntis ako at siya ang ama.
Kaya nang wala akong magawa ay naglakad ako patungo doon sa parte ng isla na may mga bahay. May mga nakatira naman kasi dito tapos di lang malapit sa bahay namin. Pagdating ko doon ay kagaya ng kahapon ay nakita ko ang mga bata na naghahabulan. Tapos iyong mga lalaki naman ay nakikita kong abala sa kanilang mga bangka.
"Hijo," may tumawag sa akin na isang ginang na nasa 40 plus ang gulang. "Dayo ka ba dito?"
"Ah, may bahay po kami dyan at pansamantala po akong nag... nagbabakasyon dito." mas pinili kong wag sabihin ang totoo.
"Ah, halika ka dito gusto mo ba ng isda. Mga bago ang huli ito." lumapit ako doon at nakita kong tumatalon pa ang mga isda sa balde nila.
Gusto ko pa sanang lumapit ng may kumalabit sa aking damit. Napatingin ako doon. Isang bata ang kumalabit sa akin.
"Kuya." tawag niya sa akin.
Umupo ako sa harap niya. "Hi." bati ko sa kanya saka may pinakita siya sa aking isang bracelet na gawa sa mga kabibe.
"Para sayo po." maliit niyang saad.
"Huh? Para sa akin?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango parang nahihiya siya sa akin. Nilagay niya iyon sa kamay ko.
"Anak, halika ka dito!" nilingon ng bata sa tumawag sa kanya na isang babae na naglalakad patungo sa aming direksyon.
"Anong ginagawa mo? Naku pagpasensyahan niyo na po ang anak ko, hijo." saad niya ng makalapit siya at hinawakan ang kamay ng anak niya na nasa limang taong gulang.
"Naku wala naman pong ginagawang masama ang bata b-binigay niya lang po sa akin itong... itong bracelet."
Pinakita ko sa kanya ang bracelet.
"Gawa mo yan anak?" tanong niya sa anak niya. Tumango naman ang bata.
"Wow! Ang galing naman." di ko mapigilang di magkomento. "Marami pa po kayong ganito?" tanong ko pa.
"Wala na po sir pinapakyaw po kasi ang mga gawa namin dito para itinda sa bayan."
Ang pinagkukunan nila ng pangunahing kabuhayan dito ay pangingisda at ang paggawa ng mga bracelet ay parang sideline lang daw nila dito. Napag-alaman ko na hindi lang pala bracelet ang kaya nilang gawin kundi pati na ang iba pang mga house ornaments ay gumagawa sila gamit ang mga kabibe.
"Namumulot po ang sila ng mga kabibe dyan sa dalampasigan." saad niya. Napatango ako sa sinabi niya.
"Anong pangalan mo?" yumuko ako sa anak niya.
"Nika po." sagot niya sa akin.
"Salamat sa bracelet Nika," ako saka hinawakan ko ang ulo niya.
Nalaman ko na ang pangalan ng ina ni Nika ay si Mela. Niyaya pa nila akong pumunta sa bahay nila upang kumain pero tumanggi na ako. Binalik ko doon sa mga mangingisda upang maki-usyuso sa kanila. Iba't ibang klaseng isa ang nakuha nila saka may maliit at malalaki rin. Gusto ko sanang bumili sa kanila ng isda kaso wala naman akong dalang pera.
Kaya nang malapit ng magtakip silim ay naglakad na naman ako pabalik doon sa bahay. Kailangan ko pa palang magluto. Nakatingin ako sa kamay ko na may bracelet. Sana makita ko pa si Nika para naman maimbitahan ko siya sa bahay. Ang kyut din kaai ni Nika.
Hindi mawala sa labi ko ang ngiti pero nang makita ko ang bahay ko na nakabulas na ang ilaw ay nawala ang ngiti ko.
Nang makarating ako sa bahay ay nagulat ako ng bukas na ang mga ilaw sa labas at sa loob. Bigla akong kinabahan ng maalala ko ang sinabi ni Priam na mga bandido na gumagala dito. Fucking shit naman. Dahan-dahan akong lumapit doon pero hindi palang ako nakarating sa may pintuan ay bumukas na iyon at lumubas doon si Priam na naka-shorts at plain tshirt.
"Hey, I was about to look for you. Dinner is ready." anang niya. Gusto ko na namang mag-alburuto. Ano na naman ang ginagawa ng lalaking ito dito!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top