Prologue
AFTER pressing the key fob, a tall, handsome man approaches his midnight black sports car. Napahinto siya nang may gumulong na bola at tumama sa kanyang sapatos. He picked it up.
Isang maliit na batang lalaki ang humahangos na lumapit sa kanya. "Kuya, puwede po paabot ng bola?"
Tumingin siya sa bata habang hawak ang bola. Then he threw the ball away from the boy.
The boy was surprised by what he did. "B-bakit niyo po binato sa malayo?" Napahikbi ito.
The man just looked at the boy without emotion and got into his sports car. Ni hindi niya pinagkaabalahang sulyapan ulit ang bata na ngayon ay umiiyak na sa labas. Pinaharurot niya ang sasakyan palayo.
... And that man is Lion Foresteir. He's not a good man, by the way. He's the villain in his own story.
***
Nina Aranda's POV
"I'M GOING TO MEET HIM TODAY!!!"
Palabas ako ng Don Eusebio Mariano University, isang malaking private college sa North, kung saan ako nag-aaral ngayon ng BS Psychology. Nanlalamig ang mga palad ko sa kaba. Bakit hindi? Ngayong araw ay makikita ko na si 'Daddy'! OMG!
Matagal ko'ng hinintay ang pagkakataon na ito na akala ko ay hindi na darating pa. Thirteen years ago noong ako ay isang 7-year-old orphan sa isang bahay ampunan, isang misteryosong lalaki ang dumating sa kalagitnaan ng gabi, at inampon ako nito.
It had been thirteen years since the day of my adoption, but I still didn't have any idea what my adoptive father looked like. I also had no idea what kind of person he was. Everything about him was mysterious.
Dalawang unipormadong lalaki lang ang inutusan niyang sumundo sa akin noon sa bahay-ampunan para ihatid ako sa condo na aking titirahan. Those uniformed men had no names. Ako na lang ang nagpangalan sa kanila. Dahil dalawa sila, tinawag ko silang B1 at B2.
After the two bodyguards took me to the condo where I was going to live, they left me alone. And the rest was history.
Sa tapat ng gate ng university ay huminto ang isang itim na limousine. Bumaba ang isang bodyguard mula sa passenger's seat at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat. Ang isa naman na bodyguard ay nasa driver's seat. Sila ang mga bodyguards ko mula noon, sina B1 at B2.
Sila rin ang service ko. Dito nila ako sa university sinundo kaya naka-school uniform pa ako. White blouse and black pencilcut skirt. Pumasok na ako sa loob ng Limo. Ngiting-ngiti ako sa kanila. Close ko na kasi sila. I had been with them since I was seven.
Bodyguard No. 1 was a big guy with a beard while Bodyguard No. 2 was small and thin. Alam ko ay parehong nasa mid-forties na sila. Confidential na ang iba pang impormasyon tungkol sa kanila. Sila ang halos tumayo ko'ng magulang mula nang pitong taon ako. I knew that they were good guys and I loved them. Sila ang nag-e-enroll sa akin at uma-attend ng mga PTA meetings sa school. Sila ang naghahatid at sundo sa akin. Sila rin ang tumutulong sa akin sa mga projects ko sa school.
Kahit sa mga okasyon, sila B1 at B2 lang din ang palaging kasama ko, habang si 'Daddy' na tunay na umapon sa akin ay always missing in action. Sa graduation ko mula elementary, high school, at senior high school, and even during my birthdays, never siyang nagpakita.
Ni hindi ko rin alam ang pangalan ni Daddy. Hindi ko kasi makita ang adoption papers ko. Ang ginagamit ko pa rin ngayon na apelyido ay 'Aranda', at hindi ang apelyido niya.
Ever since I was in grade school, I always wrote a letter to Daddy. Pinapadala ko kina B1 at B2. Halos limang yellow paper yata lagi noon ang sulat ko sa kanya, harap at likod pa. Pero ang reply niya lang sa mga sulat ko ay 'k'. Kapag birthday ko ay 'hbd', 'pag graduation naman o kaya may award ako sa school ay 'grats', kapag may kasama namang photo ko ang letter, 'nice' o kaya naman ay 'ggss'.
Para lang siyang nakikipag-chat.
Noong nag-high school ako, palagi ko rin siyang ini-email. Ang lagi niya lang reply ay 'yes' at 'no' kahit hindi naman ako nagtatanong.
He was so cold. Pero importante ba iyon? Ang importante ay maayos ang buhay ko. Kumakain ako ng sapat sa isang araw, may magandang condo na inuuwian, may magagandang damit at gamit, may bodyguards sa katauhan nina B1 at B2. Higit sa lahat, bayad ng full ang tuition ko at nasa mamahalin ako'ng school.
Tikom ang bibig nina B1 at B2 sa tuwing tinatanong ko sila tungkol kay Daddy. Lagi nilang iniiba ang usapan. Simply because everything about that man was confidential.
Huminto ang Limo sa tapat ng lobby ng isang malaking building sa Makati. Napanganga ako nang doon kami bumaba. Sinalubong kami ng iba pang bodyguards at inalalayan patungo sa VIP elevator. Mas napanganga ako nang malaman na ang may-ari ng building na ito ay ang daddy ko!
Dang! This was The Kings Group of Companies! This was one of the top companies in Asia! I knew that my dad was rich. But I wasn't expecting him to be this super-rich!
"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni B1 sa akin.
"Oo nga. Share mo sa'min," sabi naman ni B2.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanila. Imbes na sagutin ang mga tanong nila ay wala sa sarili na nagtanong din ako. "G-gagawin ba ako ni Daddy na tagapagmana ng kompanyang ito?"
Kahit hindi ko pa nakakaharap si Daddy ay alam ko na wala siyang pamilya maliban sa akin na ampon niya. Kami lang ang magkamag-anak sa whole wide world.
"Of course, you are the only family of our master," sabi ni B1.
Napahinto ako ng paghinga. "Is he dying now that's why he wants to meet me?" Malay ko ba kung malapit nang matigok ang lalaki kaya bigla-bigla ay gusto nang makipagkita.
Hindi sinagot nila B1 at B2 ang tanong ko. Hindi nga pala sila sumasagot ng kahit ano'ng tanong tungkol kay Daddy.
Bumukas ang elevator kaya sabay kaming lumabas mula rito. Bumungad sa amin ang nag-iisang glass door sa dulo ng hallway. Kapansin-pansin na ninenerbiyos din ang dalawa ko'ng bodyguards. Mukhang takot talaga sila kay Daddy. Lalo tuloy ako'ng kinabahan.
Ano'ng klaseng tao ba talaga si Daddy?
Paglapit namin sa glass door ay kusa itong bumukas. Doon agad ako napatingin sa desk kung saan nandoon ang isang lalaki na nakaupo sa isang executive chair. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
Biglang sumeryoso ang dalawa kong bodyguards. Si B1 ang nagsalita, "Master, your daughter is here."
Nakita kong umangat ang kanang kamay ni Daddy habang nakatalikod para sumenyas kila B1 at B2. Namangha ako dahil ang kinis ng kanyang kamay at ang hahaba ng mga daliri niya. Parang hindi siya matanda?
Lalong napatindig ng tayo sila B1 at B2 nang makita ito. Para silang alistong mga sundalo na pinatindig ng kanilang komando.
Umikot ang executive chair ni Daddy para humarap sa akin. Napahugot ako ng paghinga. Nang humarap siya sa akin ay tumayo siya.
Napatigagal ako nang makita ang kabuuhan niya. He really was a tall man... definitely over 6-feet tall. Pero hindi iyon ang gumulantang sa akin, kundi ang katotohanang ganito siya kabata at kaguwapong nilalang!
He looked like he was only in his mid 20s. Parang kaedad ko lang! Twenty lang o twenty-one! And what shocked me more was every part of this man seemed to be chiseled to perfection. Malayung-malayo siya sa mga naiguhit ko sa aking imahinasyon sa loob ng labing-tatlong taon.
He was freakingly gorgeous from head to toe. His nose was aquiline, his lips were sensual red, and his eyes were luminous gray. They were deep and intense, parang hinahalukay pati ang kaloob-looban ko.
Malapad ang balikat. Ang suot niyang itim na longsleeved button-down polo ay parang ginawa para ipakita sa iba kung gaano kalakas ang dating niya. Ang pagkakatayo niya ay solido.
"N-No way..." usal ko. Napaatras ang mga paa ko.
This couldn't be him. How could my 'daddy' be this young and sinfully beautiful? Paanong nangyaring hindi pa siya matanda? Ilang taon ba siya nang i-adopt niya ako sa ampunan? Sampung taong gulang?
"D-Daddy..." Para akong nabilaukan.
Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa kanya. Nawala lahat ng mga kinabisado kong sasabihin kapag nagkita na kaming dalawa. Nakatitig lang naman sa akin ang kalmadong abuhing mga mata niya.
Tinapunan ni Daddy pagkuwan ng sulyap sina B1 at B2. Ang simpleng tingin niya ay hudyat para iwanan kami ng dalawang bodyguards. Nakakaunawa na umalis naman ang mga ito, hanggang sa maiwan na kaming dalawa sa malaki at malamig niyang opisina.
Swabe na naglakad palapit si Daddy sa kinatatayuan ko.
"K-kumusta po, Daddy. Mano po—" Kukunin ko sana ang kamay niya pero nakasuksok ito sa kanyang bulsa.
Bumuka ang kanyang mapupulang mga labi, at sa kauna-unahang pagkakataon ay aking narinig ang malamig at baritono niyang tinig, "You. Do you know who I am?"
And my heart leaped as I heard him talk. Oh, deary me! What kind of reaction was I making?! Kahit pa napakabata niya pa at baka tatlong taon lang ang pagitan ng edad naming dalawa, he was still the person who adopted me. He was still my daddy!
Hindi ako makapagsalita dahil sa hiya at sa dahilan din na hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Hindi ko kasi talaga alam kung sino siya o ano'ng klaseng tao siya. I just only met him today!
"You." Ang malamig niyang boses ay kabaliktaran kung gaano kabango at kainit ang hininga niya na tumatama sa mukha ko. "You're probably wondering why it's only now that I've shown myself to you."
Nagulat ako nang biglang hawakan ni Daddy ang aking baba. Marahan niyang iniharap at itiningala ang aking mukha sa kanya.
"You are now twenty, an adult, and a graduating college student. Now is the ideal time for us to finally meet, the right time for you to finally meet your benefactor, and the perfect time for you to know the reason to all this."
Tuluyan nang nanuyo ang lalamunan ko.
"I will only say this once, so you have to listen very carefully."
Para naman akong namamahika na napatango sa kanya. "Y-yes, Daddy."
"My name is Lion."
Lion? Lion is his name?
"I am Lion Foresteir, the one who adopted you when you were only seven. From the day I took you from the orphanage, you became my only relative, the only one I have, which means one thing... You belong to me."
Ganoon na lang ang kalabog ng dibdib ko nang unti-unting maghalo ang init at lamig sa kulay abo niyang mga mata habang malagom at maaligasgas ang tinig na nagsasalita.
"'You hear me loud and clear?" To my surprise, for the very first time, his red lips smirked in a sexy manner. "From your head to toe, including your heart and soul, until your very last breath... I.OWN.YOU."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top