Chapter 4

GALIT SA AKIN SI DADDY.

Hindi ko siya magawang tingnan sa kanyang mga mata o kahit sulyap, habang kumakain kami ng breakfast. Nahihiya ako sa kanya dahil sa pagpapatalo ko sa aking curiosity. Ilang araw pa lang kaming magkasama ay nilabag ko na agad ang kanyang kaisa-isang batas.

Walang sinabi sa akin si Daddy kanina nang mahuli niya akong sumisilip kanina sa red room. Basta lang niya isinara ang pinto at sinusian ito. Nag-sorry ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Ngunit isa lang ang sigurado, may parusang naghihintay sa akin. But what punishment would he impose on me?

Nang makatapos na si Daddy sa pagkain niya ay sumandal na lang siya sa kanyang kinauupuan. I could see in my peripheral vision that his calm gray eyes were looking at me. Kalmado man ang kanyang mga titig ay pakiramdam ko'y kaya ako niyong ilubog sa aking kinauupuan. Sana nga ay magkatotoo, sana ay lamunin na lang ako ng lupa.

Ang mga subo ko ay pumapalya sa aking bibig. Ang pagkain ay hindi ko magawang maayos na lunukin. Tiyak din na hindi ako matutunawan dahil sa tensyon na aking nararamdaman. My meal took more than 30 minutes even though I only had one piece of egg on my plate.

Si Daddy naman ay naroon pa rin sa harapan ko. Walang kibo na nakamasid lang sa slow-motion na pagkain ko. Matiyaga siyang naghihintay na makatapos ako, at parang wala siyang pakialam kahit pa next year na ako makatapos dito.

When he saw that I had finished eating, he stood up. Nagsimula siyang ligpitin ang pinagkainan namin. Even the way he cleaned the table was gentle, calm, and had finesse. You couldn't really tell what was on his mind.

I also got up from my seat to help him clean the table. "D-Daddy?" nauutal na tawag ko sa kanya.

His expression remained calm. It was as if he didn't hear anything.

My eyes fell to the floor. "I-I know I have a punishment because I broke your rules." Napapikit ako nang mariin. "T-tatanggapin ko po ang kahit ano'ng parusa mo sa akin."

Tumango lang siya. Nagtungo na siya sa kusina dala ang mga plato na pinagkainan namin.

Humabol ako sa kanya. "A-ako na po ang maghuhugas, Daddy." Humarang ako sa daraanan niya.

Tumingin lang sa akin ng ilang segundo ang kulay ano niyang mga mata, pagkuwa'y nilampasan niya ako nang walang kibo. Napatikom na lang ang aking bibig nang lampasan niya ako. Hindi ko na rin tinangka na kausapin pa siya. He hated me.

Despite his calm and gentle appearance, I knew he was angry. I would just prepare myself later for his punishment.

════

NA-LATE AKO SA SCHOOL. Dahil lutang at balisa sa kakaisip kung ano ang parusa ni Daddy, ang tagal ko tuloy na nakapag-ayos ng sarili.

Kandamali-mali ako. Iyong sapatos ko na pangkanan ay naisuot ko sa kaliwa at iyong pangkaliwa ay nasuot ko sa kanan. At imbes na bag ko ang madala pag-alis, ang aking nadala ay unan. Kinailangan ko pa tuloy bumalik.

Ano'ng oras na ako nakarating sa university. Second subject na ang napasukan ko. Pagkaupong-pagkaupo ko pa ay nagpa-test agad si Mrs. Arevalo, ang nasa mid 50s na byudang prof namin.

"Hay," usal ko nang matapos ang 1-50 na test sa General Psychology. Bagsak ako.

Madali lang naman ang test dahil may choices, kaya lang ay nagkabaligtad ang mga sagot ko. Iyong sagot ko question sa number one ay napunta sa number two. Ganoon din iyong sagot ko sa number two, naisulat ko sa question number three.

Meron ding A, B, C lang ang pagpipilian, pero ang sagot ko ay F. At bonus na nga iyong question number 25, pero nalaktawan ko pa. Lagot ako kay Miss Arevalo nito, siguradong mapapagalitan na naman ako. Ako pa naman ang lagi nitong napapansin at suking sitahin. Hindi ko rin alam kung bakit laging mainit ang ulo niya sa akin.

Naupo si Purple sa tabi ko paglabas ni Miss Arevalo. "Nina Aranda of BS in Psychology, baka gusto mo nang magkuwento."

Humaba ang aking leeg sa labas ng room para tanawin kung paparating si Kael. Ganitong oras kasi ay pumupunta na iyon dito, pero mukhang may practice yata ng basketball ngayon kaya wala ito.

"Come on, Nina my beshywap. Ikuwento mo muna sa akin, 'tapos ako na ang magkukwento kay Kael," pangungulit ni Purple sa akin. Excited na siya sa detalye.

Napabuntong-hininga ako. "Okay. I already met Daddy."

"Yey, finally!" Napapalakpak si Purple. "Oh! By the way, Nina, do you know Jake?"

"Jake?" Hindi ko kilala at never hear his name, ngayon lang.

"Oh, Nina! Jake is the power forward of Kael's basketball team!"

Kumiling ang ulo ko. "And?" Paki ko?

Nagningning bigla ang mga mata ni Purple. "And I think Jake is cute!"

"T-talaga?" Pero paki ko nga?

"Yup, my beshywap! Napadaan kasi ako sa practice ng team ni Kael kahapon, and I happened to see Jake. Ngayon ko lang napansin, he's cute pala!"

Kilig na kilig si Purple, pagkatapos ay sumeryoso ulit. "After mo makita ang daddy mo, ano na nangyari?"

I continued the story, "Ayun nga, this is what happened, Daddy took me to his house. He said we should live together under the same roof–"

"You know what's funny?" Napabungisngis si Purple. "Sabi ni Kael, tinanong daw ni Jake kung may boyfriend ba ako ngayon!"

Napakurap-kurap ako sa maganda pero animated na mukha ni Purple.

"So, I told Kael... that I'm not taken." Napahalakhak siya habang kinikilig na na naman.

Napahalukipkip ako. "How about Damian?" tukoy ko sa lalaking kailan lang ay bukang-bibig niya, mukhang napalitan na naman.

"Oh, Damian? Eh, 'di ba nga, pinahabol niya ako sa mga aso niya. So, nag-break na kami."

Sumakit bigla ang ulo ko. "Magkaliwanagan nga tayo, Purple, itutuloy ko pa ba iyong kuwento ko tungkol kay Daddy o pag-usapan na lang kaya natin ang lovelife mo?!"

Nag-peace sign siya. "Oops, sorry! Go ahead with your story!" Pagkasabi'y sabay dampot niya ng cellphone niya.

Napabuga ako ng hangin bago nagkuwento ulit. "Okay, ayun nga, napakatahimik ni Daddy," pagpapatuloy ko. "Para akong mapapanisan ng laway dahil hindi siya nagsasalita."

"Oh, tapos..." Nakatingin siya sa screen ng hawak na phone.

"He has one rule. 'Wag ko raw bubuksan iyong red door sa dulo ng hallway–"

"Oh, my gee!" biglang tili niya.

"Why?"

"Look at this! A friend request from Jake?!" Halos ingudngod na niya sa akin ang screen ng kanyang phone. "Should I accept him as my future husband and father of our four kids?!"

Bumagsak ang balikat ko. Interesado ba talaga siyang marinig ang mga kuwento ko tungkol kay Daddy o hindi na?

"Tapos ayun na nga, nagkwentuhan kami ni Daddy bago kami natulog." Pinilit ko na lang magkuwento pa rin. "Sinabi ko sa kanya na may kaibigan akong Purple."

"That's good to hear." Nakangisi siya sa screen ng phone niya. Halata namang wala sa akin ang atensyon niya.

"Sabi ko kay Daddy na may toyo ka."

"Really?" Ngiting-ngiti pa rin siya sa phone niya.

"Sabi ko, abnoy ka."

"That's nice."

Umikot ang bilog ng aking mga mata. Sabi na nga ba't hindi naman talaga siya nakikinig sa kuwento ko. Mukhang na-fall in love na naman ang tarantada.

════

MIKAELIS AGUIRRE or Kael. He was not only my childhood friend since my orphanage days, but he was also my first love and my dream man. Pero syempre, ako lang ang may alam.

Kahit sa kaibigan din namin na si Purple ay hindi ko sinasabi. Sinosolo ko lang at pilit itinatago ang nararamdaman. Para sa akin ay may tamang oras para sa lahat.

Nasa harapan ko si Kael ngayon. Sinundo niya ako sa huling subject ko. Ngumiti siya sa akin pero hindi katulad ng nakasanayan ko na ngiti niya ang aking nakita. Ang pagkakangiti ngayon ng mapula niyang mga labi ay may halong lungkot.

Malamlam ang kanyang mga mata nang mga sandaling ito na nagkasolo kami. Iniisip ko na lang na baka pagod siya sa basketball. Bilang captain ng kanilang team ay siguradong pressured siya sa paparating na laban nila.

"How's everything?" Kinuha niya ang bag ko at isinukbit sa kanyang balikat. Isang habit na nakasanayan niya nang gawin.

"Okay lang." Tumingala ako sa kanya. Magkasing tangkad sila ni Daddy. Nasa 6 feet. Hindi rin nalalayo ang edad nila sa isa't isa.

Si Kael ay twenty-one at si Daddy ay twenty-three. Ako naman ay nineteen, going twenty.

"Are you happy, Nina?" biglang tanong ni Kael habang naglalakad kami papunta sa gate. Sumipa siya ng bato sa daan.

Ngumiti ako sa kanya. "Masayang-masaya."

Masaya ako na kasama ko na si Daddy. Pero may parte ngayon sa puso ko ang lungkot dahil sa nagawa kong kasalanan. Alam ko na may naghihintay na punishment sa aking pag-uwi.

"Tell me what happened," ani Kael na bagaman nakangiti ay hindi umaabot sa mga mata niya. "I wanna know."

"Uhm, wala naman masyadong ganap sa amin ni Daddy. Usual lang kung paano magkita ang mag-ama sa unang pagkakataon."

Hindi na nagsalita pa si Kael. Hindi na rin naman ako nagpatuloy. Katulad ni Purple ay parang hindi siya nakikinig sa kuwento ko. Halata sa kilos niya na lumilipad ang kanyang isip.

Mayamaya ay narinig ko ang mahinang boses niya, "I'm happy for you, Nina."

"May problema ba, Kael?"

Napayuko siya nang sipain niya muli ang isang bato sa daan. "I... have something to tell you." Napahinto kami sa paglalakad.

"A-ano iyon?" Bigla na lang akong kinabahan. Ang seryoso kasi masyado ni Kael. Sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

"My father–"

"Can I borrow Kael?!" Biglang sumulpot si Purple sa likuran ng lalaki at umabrisyete ito sa braso niya.

Napatanga ako dahil sa pagkabitin sa sasabihin dapat sa akin ni Kael.

"Let's go, Captain! Hinihintay na tayo ni Jake!" Hinila na ni Purple si Kael.

Sinubukan man ipreno ni Kael ang mga paa niya pero wala na siyang nagawa. Desidido si Purple na kulang na lang ay kaladkarin siya.

"Beshy Nina, 'you coming with us?!" pahabol na tanong sa akin ni Purple habang papalayo.

"Kailangan kong umuwi ng maaga," Humina ang boses ko. "May punishment pa ako..." humina ang boses ko sa huling salita. Tumanaw na lang ako sa kanila habang papalayo ang dalawa.

"Ha? Assignment?!" sigaw ni Purple. Ang layo na nila. "Okay, see you tomorrow, beshywap!"

Kumaway din ako sa kanya. "Pakyu..." usal ko na lang.

════

MADILIM.

Walang kailaw-ilaw sa loob ng bahay pagpasok ko. Ang may ilaw lang ay ang gate sa labas at ang ilang poste na papunta rito, kaya akala ko ay walang tao. But when I turned on the light in the living room, I almost screamed.

Daddy was on the couch. He was sitting there with his long legs crossed and seemed to be waiting for me.

"G-good evening, D-Daddy..." sambit ko.

Lion Foresteir wore a black button-down long-sleeve polo with the first two buttons open, and a pair of immaculate white baston jeans. He had specs in his deep beautiful gray eyes and his raven black hair was neatly pushed back.

Despite his handsome face being void of emotion, his strong aura was overflowing. His appeal was god-tier. If he was a student at the university, the girls there would definitely be crazy about him.

Baka tumalon ang masawain at mabilis na ma-in love na puso ng best friend ko na si Purple kapag nakita ang lalaking ito. Pero hindi ako katulad ni Purple at ng ibang babae na mabibighani kay Daddy, dahil ang nararamdaman ko sa mga oras na ito ay takot at kaba. Malamang na hinihintay niya ako para parusahan!

Bumukas ang mapulang mga labi ng lalaki at naulinigan ko ang mahinahon niyang boses, "Have dinner."

Ha? Saka ako napatingin sa mesa na abot tanaw lang mula sa aking kinatatayuan. Doon ay nakita ko na may nakahanda na palang pagkain. Ipinaghanda niya ako?!

Ipinaghanda niya ako para busugin dahil pagkatapos ay saka ako bibitayin?!

Daddy stood up with his hands in his jeans. "After you finish your meal, follow me to our room." Tinalikuran niya ako. "Your punishment is waiting."

Nagkulay suka ako sa sinabi niya. Tama nga ako, ngayong gabi na nga ang parusa ko!

Nang wala na si Daddy ay imbes kumain, nagpalakad-lakad ako. Hindi rin naman ako makakakain dahil sa takot. Wala akong ideya kung ano'ng klaseng punishment ang ipapataw sa akin ni Daddy ngayong gabi. Pero hindi naman siguro niya ako papatayin?!

Bahala na! Kailangan nang matapos ito. Umakyat na ako sa taas papunta sa kwarto namin. Dahil matagal naman na akong nagnilay-nilay sa sala, iisipin niya siguro na nag-dinner na ako. Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan ko siyang nakatayo, nakatalikod sa akin. Ang tanging ilaw sa kuwarto namin ay ang dalawang mapusyaw na lampshade sa gilid ng kama.

"D-Daddy, nandito na po ako..." Para akong masasamid sa pagsasalita.

"How old are you, Nina? Twenty, right?" Malamig ang boses niya.

"Nineteen pa lang, Daddy. Magtu-twenty..."

"Then we should do it nineteen times."

What? Nineteen times?! Ano'ng ibig niyang sabihin?! Humarap siya sa akin at isa-isa niyang binaklas ang butones ng suot niyang long sleeve polo. Hinubad niya iyon at bintiwan sa sahig. Napatigagal ako.

The only thing he was wearing now was his jeans. His broad shoulders, his solid-looking chest, his washboard abs, were now exposed to my eyes. Walang silbi ang pagiging gentle ng kanyang itsura dahil sa pagiging bad boy ng katawan niya!

Nakita ko na siyang topless noong nakaraan, pero iba ang ngayon. The dim light from our room's lampshade was casting a different light on his flawless fair with a golden undertone skin. Pero bakit nga kailangan niya pang maghubad?! Ano ang gagawin niya sa akin?!

I was even more scared when he started walking towards me. And because he was no longer wearing specs, I could now clearly see the coldness of his gray eyes in the dim light.

"Nina."

Tila may malaking bara sa aking lalamunan nang mapalunok ako. "Y-yes, Daddy?"

"Do you have a ruler stick?"

I blinked my eyes twice. "P-po? R-ruler stick po?

"Yes."

"M-meron po." Nanginginig ang mga kamay ko nang maghalungkat ako sa aking bag. Transparent plastic na nasa dalawang dangkal ang haba ng aking ruler. Atubili pa ako na iabot iyon sa kanya. "H-heto po..."

Kinuha niya naman sa akin ang ruler at pinagmasdan ang kahabaan nito. May susukatin ba siya? Ano'ng susukatin niya gamit ang ruler?

"Nina." Tumingin sa akin ang malamig niyang mga mata.

"B-bakit po, Daddy?" Napapikit ako.

"You must bear my punishment."

"I-I will do my best." Napayakap ako nang mahigpit sa bag ko.

Kinuha niya ang kamay ko kaya marahan akong napadilat. Inilagay niya ang ruler sa palad ko. Ha? Bakit?

Pagkuwan ay tumalikod siya sa akin. "Hit me."

Umawang ang aking mga labi. "D-Daddy?"

He took a deep breath before speaking in a flat tone, "Hit me with that stick."

Nang bahagya siyang lumingon ay nakita ko ang pag-igting ng panga niya.

"This is your punishment, Nina. You have to hit me nineteen times."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top