Chapter 3

ANO'NG ORAS NA?!

Napasarap ang tulog ko. Bakit kaya? Saka ano ba iyong napanaginipan ko kagabi? Parang ang sarap talaga. Ano kaya iyon? Napadilat ako nang maalala ang oras. Geez, I was late for school! Kaagad akong bumangon mula sa kama at kandahaba ang leeg na napatingin sa red wall clock na nasa harapan, para lang maalala na Saturday nga pala!

Oh, wait! Bakit nasa paanan ko na itong mga unan? Oh, oo nga pala. Sa sobrang likot ko matulog, minsan ay nababaligtad ang aking pagkakahiga. What was worse, I was now on Daddy's side of the bed!

Mabilis akong gumulong pabalik sa bed sheet na kulay pula. Mabuti na lang at wala na si Daddy sa kama. Kanina pa kaya siya nagising? Naku, baka natuklasan na niya kung gaano ako kalikot at kung paano ako maglaway habang tulog. Baka itakwil niya na ako!

Hinugot ko ang aking cellphone na natatabunan ng comforter. Puno na iyon ng notifications ng mga missed calls nina Purple at Kael. Nag-aalala sa akin ang mga kaibigan ko dahil hindi ko pa sila naa-update. Sobrang overwhelmed pa kasi ako sa mga kaganapan. But, I would update them today.

For now, I needed to find Daddy. Nagmadali na akong bumangon para bumaba sa kama. Lumabas agad ako ng kuwarto at sumilip sa baba ng hagdan. Teka, ano iyong ingay na naririnig ko? Parang may nagba-vibrate sa baba. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Nadatnan ko si Daddy na may hawak na vacuum. Nililinis niya ang floor ng sala habang sa kanang kamay niya ay may hawak siyang cellphone.

Wala siyang pang-itaas, pajama lang ang suot niya. At kung paano matulala ang mga bida sa isang teleserye kapag nakakakita sila ng isang sexy at hunk na guy sa palabas, ganoon din ang aking reaksyon.

I knew that Daddy was gorgeous, but I never thought that his body was this hot. Flawless, eight-pack abs, broad shoulders, sexy biceps. He looked like a work of art. Sakto sa matangkad na pangangatawan niya. Siya ba talaga ang daddy ko o isa siyang modelo?!

Wala ba talaga siyang kapintasan maliban sa useless ang dila niya? Parang lahat kasi sa kanya ay perpekto. Swerte naman ng magiging mommy ko!

Naramdaman niya ang aking presensiya kaya napahinto siya sa kanyang ginagawa. Nagtungo siya sa kusina at nagsuot ng apron.

"D-Daddy, good morning po!" Lumapit ako sa kanya. "Pasensiya na po tinanghali ako ng gising."

Hindi siya kumibo. May hawak siyang dalawang plato at isa-isa niya iyong nilatag sa mesa. Oh, may bago nang plato. Pina-deliver niya kaya ang mga iyon dito? Para sa akin? Napangiti ako sa loob-loob. Yey, happy kiddo!

Bigla kong naalala ang mga maleta ko. Parang hindi ko iyon nakita kanina nang magising ako. "Uhm, Daddy, magliligpit po sana ako ng mga gamit ko. Nakita niyo po ba yung mga maleta ko?"

"I already fixed your things," kaswal na sagot niya.

"P-po?" Namilog ang mga mata ko. Napatakbo tuloy ako bigla sa hagdan pabalik sa kuwarto.

Hinihingal pa ako nang buksan ko ang red wardrobe ko. Nandoon na nga ang mga damit ko. Ang mga panlakad at uniform ay mga naka-hanger habang ang mga pambahay ay nakatupi nang maayos. Organized at by colors!

Nag-aalala ako sa mga undies ko. Pati ba iyon ay tinupi niya? Paghila ko ng drawer ay nakatupi na rin ang mga ito nang maayos. Pati iyong bra ko! Naka-arranged na rin!

Ano'ng oras pa ba siya nagising? Bakit parang ang dami na niyang nagawa? Malinis na ang sala at nagawa na niyang matiklop ang aking mga damit. Nasa tamang lalagyan na rin ang lahat ng gamit ko.

Ganoon ba siya kabilis kumilos? How did he manage to do all these things? Lalo na't mag-isa lang siyang kumikilos nang walang katulong. Nakaka-impressed!

Handa na rin ang almusal, nakaamoy na ako ng masarap na pagkain. Ngayon ko lang napansin iyong red door sa dulo ng hallway paglabas ko ng kuwarto. Bakit hindi ko iyon nakita kagabi? Siguro dahil nasisikatan na iyon ng araw ngayon mula sa katabing bintana. Nang lapitan ko iyon at tangkaing buksan ay naka-lock ang pinto. Ano kayang meron sa loob? Hindi naman siguro additional banyo?

Bumaba na ako dahil tumunog na ang tiyan ko sa gutom. Nang matanaw ako ni Daddy na palapit sa table ay ipinaghila niya ako ng upuan.

Naka-plain black shirt na si Daddy. "Sit," tipid na utos niya.

Naupo naman ako sa upuan. Hindi ako makapagdesisyon kung ano ang mas mabango, kung ang luto niya o siya.

Sinalinan niya muna ako ng fried rice sa plato. Nilagyan niya rin iyon ng bacon, perfect sunnyside up egg, at tapa sa gilid. "Thank you po, Daddy."

Sa tabi ng pinggan ko ay sinalinan niya ang tasa ng brewed coffee. "Eat," utos muli niya bago siya naupo sa kabilang side kaharap ako.

Luto niya lang ang lahat ng ito? Mukhang masasarap. Mukhang mananaba ako rito sa place ni Daddy. Nag-umpisa na rin kumain si Daddy. Sobrang pino pa rin ng kilos niya. Ang sarap-sarap sa mata. I couldn't imagine that this moment would happen someday. I was having breakfast with Daddy and it was surreal. I was so happy!

Wala kaming kibuan habang kumakain. Hindi ko rin pati alam kung paano magsisimula ng conversation sa kanya. Napakatipid niyang sumagot.

Huminto ako sa pagkain. "Daddy, may I ask you something?"

"Hmm?"

"Bakit po wala kang maid? Hindi po ba kayo nahihirapan sa mga gawaing bahay?"

"I don't need help."

Oh, four words!

"How about guards? Sino po ang magprotekta sa 'yo?" tanong ko ulit.

"I can protect myself."

"Ayaw nyo po ba kumuha ng driver—" Hindi na ako nagpatuloy sa pagtatanong dahil mukhang wala na siyang balak sumagot. Nanulis ang nguso ko. "S-sorry po, Daddy."

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng sausage at fried rice. Humigop din ako ng mainit na kape. Nang makatapos na si Daddy sa pagkain ay pinunasan niya ng tissue ang kanyang labi. Pagkatapos ay tumingin sa akin ang kalmado niyang kulay abong mga mata.

Napahinto ako sa pagnguya. Kahit kalmado ang mga matang iyon ay tila kayang paghiwalayin ang katawan ko at kaluluwa. Lalo kapag ganitong direktang nakatingin ang mga iyon sa akin.

Bumukas ang mga labi ni Daddy, "There's only one rule, Nina."

Napatuwid ako sa pagkakaupo. "Y-yes, Daddy."

"There's a red door at the end of the dark narrowed hallway upstairs." Lumalim ang boses niya.

Napakurap ako. Iyon ba iyong napansin kong pinto kanina? Ngayon ko lang din iyon nakita at hindi napansin kagabi.

"I want you to stay away from that door, do you understand me?" Bagaman malumanay ang boses niya ay malamig iyon.

Pasimple akong napalunok ng laway. Naalala ko na kanina lang ay tinangka ko iyong buksan. May CCTV ba rito? Baka malaman niya na sinubukan kong pumasok sa pintong iyon kanina!

"Say you understand me, Nina."

"Y-yes, Daddy. I understand."

"If you try to enter that room..." Nagkaroon ng ningas ang abuhin niyang mga mata. "You will be punished."

Malalim akong napalunok sa takot. Parang ibang Daddy ang kaharap ko ngayon. Sa kabila ng maamo niyang mukha at kalmadong pananalita, tila siya isang mabangis na leon!

════

SECOND DAY AT THE LION'S DEN.

I survived. Buhay pa ako. Humihinga pa. Buo pa. Hindi pa namamatay sa pagka-bored at nalalapa ng mabangis na hayop. Okay ako rito. Hindi ako ginugutom. Pinagluluto ako ni Daddy mula almusal, tanghalian, merienda, at hanggang hapunan. Hindi siya palasalita at parang walang pakialam, pero simpleng maasikaso siya.

Nang makalimutan ko ang tuwalya na ginamit ko kanina sa pagligo ay siya ang dumampot niyon at nag-hanger. Bago pa ako maghugas ng pinagkainan namin ay nauuna na siya. Parang ayaw niya akong pakilusin. Siya ang lahat ng gumagawa ng gawain.

Pasimple naman akong nanonood sa kanya. Sobrang pino, sigurado at kalmado ng bawat kilos at galaw niya. Very smooth, may finese at elegance kahit simpleng paggalaw ng mahahaba at malakandila niyang mga daliri.

Hindi ko namalayang naaaliw na akong panoorin siya. Mukhang wala naman siyang pakialam dahil wala siyang kibo. Minsan ay naaawa na ako sa dila niya, hindi kasi masyadong nagagamit.

Nang tumunog ang doorbell ay tiningnan niya lang ang monitor sa tabi ng pinto. May nagse-census yata sa labas. Ang layo ng gate at mukhang wala siyang balak lumabas. Ganito ba talaga ang buhay ni Daddy? Ito ba ang nakasanayan niya? Mag-isa, walang kausap at para bang hindi niya kakayaning makatagal sa lugar na marami siyang taong nakakasalamuha.

Lion Foresteir was a rich man, so I thought that Google probably had some articles about him. But sad to say, there was only limited information about him on the Internet. In short, wala rin akong napala.

After lunch ay umalis si Daddy. Walang pasabi. Nagulat na lang ako nang lumabas siya ng pinto. Black long sleeves polo, dark jeans and black loafers ang suot. Walang accessories maliban sa black band expensive wrist watch na nasa kaliwang pulso. Simple lang pero kahit malayo ay ang halatang guwapo at mabango.

Basta umalis si Daddy kaya hindi ko alam kung saan bang lupalop pupunta. Kung hindi pa tumawag sa landline dito si B1 ay hindi ko pa malalaman. May emergency meeting pala sa kompanya.

Nagligpit-ligpit na lang ako sa sala para may magawa. Wala na palang ligpitin dahil ultimo isang pirasong alikabok ay nalinis na ni Daddy. Bandang hapon ay umakyat ako sa kuwarto. Sunday at may pasok na bukas. Ngayon ko naalala na hindi ko pa nga pala nare-reply-an ang aking best friend na si Purple.

Si Kael lang ang na-text ko kahapon. Isang maiksing text lang kasi ay puwede na kay Kael, unlike kay Purple na kailangan ng mga apat na paragraph at kung puwede nga lang ay may presentation pa.

Naka-silent ang phone ko kaya hindi ko na nakita ang mga bagong text messages at missed calls. Dagdag pa na natuon ang buong atensyon ko sa pagkaaliw sa pagmamatyag kay Daddy.

Tinawagan ko na si Purple para maibuhos na nito ang hinanakit sa akin. Malakas ang boses nito na nagpasakit sa tainga ko. [ My gosh, Beshywap Nina Aranda! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?! ]

Napangiwi ako dahil na-i-imagine ko ang gigil ni Purple sa akin. Alam ko na kung magkaharap lang kami ngayon ay malamang na sinabunutan niya na ako.

"I'm sorry, Purple. Windang pa kasi ako sa mga ganap, eh. Sorry talaga kung napag-alala kita. Hindi ka ba nasabihan ni Kael? Nakapag-text pala ako sa kanya kahapon."

[ Iyon nga, mabuti pa sa future hubby mo, nag-update ka. Sabagay, sino ba ako? Future ninang lang naman ng apat na magiging anak niyo na dalawang babae at dalawang lalaki. ]

Napangiti ako. "Wala na bang ia-advance pa 'yan? Baka naman malaman mo na rin kung ilan at ano-ano ang gender ng mga magiging apo namin ni Kael."

[ Speaking of your future husband, Mikaelis Aguirre, he was so worried about you! I'm glad you've updated him already. Para iyong hilong talong kahapon kakaisip kung ano na ang nangyari sa 'yo, dahil baka inadobo ka na raw ng daddy mo. ]

Napahawak ako sa aking dibdib. I missed Kael. Panandalian siyang nawala sa isip ko simula nang makilala ko si Daddy.

[ So, what happened, Nina? Nagkita na ba kayo ng daddy mo?] untag ni Purple sa biglang pananahimik ko. [ Ano'ng itsura niya? Ilan na ang kulubot sa noo? Uugod-ugod na ba? May malubhang karamdaman kaya biglang naisipan na sa waka na makipagkita na sa 'yo? ]

Pigil ang ngiti ko sa mga tanong niya. Excited na tuloy akong pumasok sa university para makuwento ko na sa kanila ni Kael ang tungkol kay Daddy.

[ Beshywap Nina, magtapat ka nga. I know you, girl. Excited kang magkuwento kapag tungkol sa daddy mo. Ano ba talagang nangyari? Nagkita ba talaga kayo ng daddy mo? ] pangungulit pa rin sa akin ni Purple.

"Oo."

[ So, nag-away ba kayo? ]

"Hindi."

[ Naiilang ka sa kanya? ]

Natigilan ako bago sumagot. "Uhm, puwede..."

[ Hindi kayo nagpansinan? ]

"Puwede."

[ Pero nagkita na nga kayo? ]

"Oo."

[ Masungit siya sa'yo? ]

"Uhm, puwede..."

[ Letse, Pinoy Henyo ba 'to? ]

Napahagikhik ako.

[ Naiinis na talaga ako, Nina Aranda of BS Psychology, ha! ] Beast mode na siya sa akin.

"Promise, I'll tell you tomorrow." Sakto may pasok na bukas. Gusto ko kasi ay in person ikuwento ang tungkol sa pagkikita namin ni Daddy, para makita ko ang reaksyon niya. Gusto ko rin na kasama si Kael para isahang kuwento na lang at hindi na ako mag-uulit pa. Nakakatamad kasi magkuwento nang dalawang beses.

Pagkatapos ng call namin ay padapa ako na nahiga sa kama. Sinakop ko pati ang space ni Daddy. Niyakap ko pa ang unan sa parteng ito. Kilig na kilig ako sa excitement.

Nakatitig ako sa kisame at pinagninilayan pa rin ang mga nangyari. Para pa ring panaginip. Bukas ay maipagmamalaki ko na nagkita na kami ni Daddy. Naghintay ako hanggang dinner na umuwi si Daddy pero inabot na ako ng 12:00 midnight sa kakahintay, wala pa rin ang lalaki.

Ang sakit na ng tiyan ko sa gutom kaya naghanap na ako ng makakain sa kusina. May ulam pala siya na inihanda para sa akin, nakalagay iyon sa microwave. Breaded chicken breasts with lemon. May maliit na papel sa gilid ng plato kung saan nakasulat ang maiksing note: 'Eat'

Kumain akong mag-isa. Ang lungkot kahit sanay naman na ako na palaging mag-isang kumakain. Iba lang kasi ngayon dahil akala ko ay may makakasabay na ako.

Hanggang sa pagtulog ay ang lungkot. Solo ko ang napakalaking kama. Kahit magpagulong-gulong ako at umikot-ikot pa ay walang may paki. Hindi umuwi sa magdamag si Daddy. Wala man lang siyang tawag o kahit text sa akin. Tamad na nga magsalita, tamad din magparamdam.

Mag-isa pa naman ako rito sa bahay at wala man lang kasama. Iyong tipo na may kumaluskos lang sa baba ay napapraning ako na baka may magnanakaw o multo. Iba naman kasi ang lugar na ito kaysa sa kinasanayan kong condo na well lit, with 24/7 guards, at CCTV network with a centralized round-the-clock security system.

I hardly slept knowing that it was very dark outside this small glass house. Nag-iisa lang ako rito at babae pa. Walang katao-tao o maski aso, at malayo sa mga kapitbahay. Hindi ba naisip iyon ni Daddy? Ano'ng klase siyang magulang?!

Naubos ang excitement ko dahil sa sama ng loob at pagtatampo. Mahal ba talaga ako ni Daddy? O baka naman kaya siya ginabi ay bukod sa meeting ay may kasama na siyang babae ngayon? Balak niya na ba akong bigyan ng step-mother? Paano kung apihin lang ako niyon?!

Paggising ko kinabukasan ay para akong panda dahil sa pangingitim ng ilalim ng aking mga mata. Napabangon ako nang may marinig na kaluskos mula sa labas. It must be Daddy!

Nakalimutan ko na ang tampo ko. Na-excite na naman ako dahil baka meron siyang pasalubong sa akin. Narinig ko ang mga mahihinang yabag na palapit, pero nilampasan nito ang pintuan nitong kuwarto. Maingat kong binuksan ang pinto at sumilip.

Nakita ko ang matangkad na lalaki. I was right. It was Daddy. Nakatalikod siya sa akin habang naglalakad papunta sa red door sa dulo ng hallway. He went straight to the red door at the end of the hallway? Nabuhay ang kuryosidad ko. Ano ba talaga ang meron sa pulang pintong iyon?

Pumasok si Daddy sa loob. Naiwan niyang bahagyang nakabukas ang pinto. Napapikit ako matapos mapabuga ng hangin. Tuksong-tukso na akong sumilip. Umiling ako. Ayokong magalit sa akin si Daddy. Ayaw kong suwayin ang nag-iisang batas niya sa bahay na ito. Ayaw ko ring maparusahan niya ako.

Isinara ko na ang pinto ng aking kinaroroonang kuwarto at bumalik ako sa kama. But, dang! Hindi ako mapakali! Sinubukan kong humiga sa kama at nagtalukbong ako ng kumot. Kailangan kong pigilang ang sarili ko. Subalit ilang sandali pa'y napabalikwas ako ng bangon. Hindi naman siguro ako mahuhuli ni Daddy kung sisilip lang ako sandali.

Mukhang busy si Daddy kaya hindi niya ako mapapansin. I just wanted to see what was inside that room and what was he doing there. I wanted to understand why that room was forbidden.

Marahan akong naglakad palabas ng kuwarto. Halos matalisod pa ako sa kaba at takot na baka biglang lumabas si Daddy mula sa red door na iyon at mahuli ako. Pero pasaway tayo for today's videow, kaya let's gow!

Hanggang sa nakalapit na ako sa pinto na bahagyang nakaawang. Nakalimutan yata talaga ni Daddy na i-lock ang pinto. Nakalimutan niya yata na live-in na kami. Dahan-dahan pa akong lumapit at sumilip sa maliit na pagkakabukas ng pinto. And I think I made the biggest mistake of my life by doing it.

Daddy was standing in the middle of the room while his cold grey eyes were staring right at me! Isa lang ang ibig sabihin niyon, alam niya na lalabagin ko ang batas niya at naghihintay lang siya!


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top