Chapter 2

SO, THIS WAS DADDY'S PLACE?

Daddy was too quiet and I couldn't find the courage to approach him first. It was strange that despite his calm and gentle demeanor, his aura was very intimidating. Ni hindi ko siya masabihan na pakitulungan sana ako sa apat na maletang dala ko. Ako lang tuloy ang nagbuhat kanina mula sa aking condo pababa sa parking kung saan naroon ang kanyang midnight black Audi. Lawit ang dila ko sa pagod.

Gabi na kami nakarating sa place niya. Bumaba si Daddy sa kotse para buksan ang isang itim na malaking bakal na gate. Bumalik siya sa kotse pagkatapos. Pumasok kami sa isang napakatahimik at madilim na lupain. Nang bumaba kami sa kotse, ay may pinindot siya sa hawak na key at nagliwanag ang mga nagkalat na poste ng ilaw sa kung saan-saan. Napanganga ako sa gilas.

Ang laki ng lupain. Hindi ko na matanaw ang dulo ng matataas na batong pader dahil sa lawak ng lugar. Ilang ektarya kaya ito? At sa laki ng lugar na ito ay wala man lang ni isa na sumalubong sa amin. Walang katao-tao!

Oo nga pala, sabi nina B1 at B2 ay si Daddy lang daw ang mag-isang nakatira dito. There were no guards and helpers. Kaya napakatahimik ng paligid.

Si Daddy lang ang nag-drive ng kotse niya papunta rito. He had no personal driver as he didn't want to have one. Ayaw ni Daddy ng tao? Pero tao naman ako, ah? Ah, exception ako dahil anak niya ako?

Tahimik na nauna na si Daddy sa paglalakad. Nakasunod naman ako sa kanya. Mula sa likod ay pinag-aaralan ko ang kanyang itsura at tindig. Grabe, kahit nakatalikod ay nakakalunod ang presensiya niya. Hindi naman siya nakaporma, black long sleeve at black baston pants lang ang suot niya, pero ang lakas-lakas talaga ng dating niya.

Sa sobrang pagkailang ko nga sa kanya ay kandarapa ako kanina sa pag-iimpake ng mga damit at gamit ko. Ayaw ko siyang paghintayin, kahit pa mukhang chill lang naman siya habang nakaupo sa sofa ng condo ko kanina.

Sa kotse naman ay para akong hihimatayin sa pagkailang na makatabi siya. Siya ay kalmado sa driver's seat habang ako ay nasa passenger's seat at kulang na lang ay iumpog ko na ang aking ulo sa windshield.

Mabuti na lang talaga at nakarating na kami rito. At ngayong nandito na nga ako, ano na bang next step? Would he tour me around this place? Asa pa ako! Ito nga at iniwan na niya ako sa paglalakad. Ni hindi niya naisip na hirap na hirap ako sa paghila sa aking dala na apat na maleta. Ang tangkad kasi niya pa at ang hahaba ng biyas, kaya ang bilis at ang lalaki ng hakbang. Nahiya ang cute size legs ko.

Natanaw namin ang isang maliit na bahay. Kung gaano kalawak ang lupain dito sa labas, kalalaki ang mga nagtataasang batong pader at bakal na gate ay siya namang liit ng pinakabahay na nakatirik sa pinakagitna.

Daddy's little house was a modern black glass house. From the room, glass wall tints, everything was painted matte black. It looked sophisticated, manly... and kind of lonely.

Sa tapat ng bahay kung saan malawak ang lupain ay puno ng iba't ibang mamahaling sports car. Nasa sixteen siguro ang bilang. Parang mga laruang koleksyon lang na nakakalat. Parang kung ibebenta ko ang lahat ng iyon ay mabubuhay na nang marangya at hindi makakaranas ng gutom ang hanggang ika-tatlong generation ko.

We entered his living room. Itim na itim din ang paligid at ang interior ay minimalist. Simpleng-simple lang ang malambot na kulay itim na sofa, but I doubt kung simple lang din ang presyo. Cozy ang paligid dahil malinis, maayos ang bahay. Mabango rin at napakalamig dahil ang paligid ay centralized aircon.

Dahil hindi naman nagsasalita si Daddy ay ako na lang ang gumala sa bahay niya para tingnan ang paligid. Wala pa rin siyang kibo kahit kung saan-saang parte na ako ng bahay nakarating. Meron din palang maliit na swimming pool sa likuran ng bakuran. Malinis at malinaw ang tubig kaya alam kong malalim ito. Maliit lang talaga ang bahay. Magkasunod lang ang dining at kitchen. Ang mesa ay dalawang piraso lang ang upuan. Pangdalawang tao lang.

Hindi yata siya nagkakaroon ng bisita. Naloka ako sa kusina, iisa lang ang plato, mangkok, baso at pares ng utensils. So, paano ako kakain? Pakamay sa palad ko?!

Inisa-isa kong kaladkarin ang mga maleta ko paakyat sa second floor ng bahay. Mas lalo akong naloka nang makarating sa itaas. Iisa lang ang kuwarto. Saan ako matutulog dito?!

I returned to the living room after I went around the whole area. Nakatayo pa rin si Daddy sa sala kung saan ko siya iniwan kanina. Kalmado pa rin ang ekspresyon. Mukhang anghel na sana kung hindi lang may taglay na tapang ang magandang uri ng kulay abo niyang mga mata.

"Daddy, iniwan ko po muna ang mga gamit ko sa itaas. Saka ko na aayusin. Okay lang po ba?" Pagod na kasi ako. Gusto ko na lang matulog doon sa sofa para makapagpahinga.

Sumagot si Daddy, "K."

"Uhm, Daddy?" Nahihiya akong napatingala ulit ako sa kanya.

Tiningnan niya lang ulit ako.

"A-ano'ng oras ka po natutulog?" Kasi nakakahiya naman na mauuna ako sa kanya na matulog.

"I don't know."

Napakamot ako ng aking pisngi. "Uhm, inaantok na po kasi ako. Puwede po bang magsaing na ko?"

Tumaas sa akin ang isa sa makakapal niyang kilay.

"I-I mean, puwede na po ba akong matulog?" What the heck?! Bakit magsaing nasabi ko? Lutang moments na naman ako!

"Let's sleep then." Naglakad na siya papunta sa hagdan.

"Ah, Daddy!" Hinabol ko siya.

"Hmm?" Nilingon niya ako.

"N-napansin ko po kasi na isa lang ang kuwarto sa taas. Okay lang po ako na dito matulog sa sofa." Itinuro ko ang sofa.

"No."

"Po, Daddy?"

"We'll sleep together." Pagkuwan ay sa gulat ko'y hinuli niya ang aking pulso.

Bigla akong kinabahan. May masama ba siyang plano sa akin? Saka bakit ang init ng palad niya na nakahawak sa aking pulso?! Bakit? OMG!!!

Naipilig ko ang aking ulo. Hindi naman siguro. He was my father and I was his daughter. Kahit kaunti lang ang taon na pagitan namin, mag-ama pa rin kami. Siya ang ulirang ama ko! Ang nag-iisang kamag-anak ko sa mundo! Hindi ko siya dapat pinag-iisipan ng kung anu-ano!

Sumunod na lang ako kay Daddy hanggang makarating kami sa itaas. Hawak niya pa rin ako sa pulso kahit nandito na kami. Pagpasok namin ng pinto ay bumungad sa akin ang loob ng kuwarto nang i-on niya ang ilaw.

Wow! Malawak. Kabuuhan ng sukat ng buong ibaba ang kuwarto sa itaas. Ang kaso ay iisa lang ang kama rito. A California king bed and it was positioned in the middle of the room. The color of the bed sheet was divided into two. Red on the right side and black on the left. Same with the color of pillows and comforters. Pula sa kanan at itim sa kaliwang side.

Sa right side ng kuwarto ay may red drawer, lampshade, closet, vanity mirror, blinds. Everything was red. Even the walls and floor. Meron ding sariling shower room and mini kitchen.

While on the left side were all black. Kahit ang coffee table at mini bar ay kulay itim sa side na ito. That side must be Daddy's territory while the right side was mine.

"D-Daddy, I need to go to the bathroom," paalam ko sa kanya.

"Right side is yours," aniya saka binitiwan ang pulso ko.

I was right. Akin nga ang kanan. Nanakbo na ako papunta sa shower room na nasa right side. Pagpasok ko ay isinara ko agad ang pinto at ni-lock iyon. Humarap agad ako sa shower mirror.

I felt so nervous. Ito kasi ang unang pagkakataon na may makakatabi akong lalaki sa pagtulog. Kahit daddy ko siya, nakakakaba pa rin. Kahit nakakasulatan at email ko siya, ang tipid naman niyang mag-reply. Hindi pa kami ganoon ka-close!

But I had no choice. Simula kasi ngayon ay magsasama na kami ni Daddy bilang isang pamilya sa iisang bubong, iisang kwarto. And I shouldn't think badly of him. Malalim akong napahugot ng paghinga pagkatapos kong sampalin ang aking sarili sa harapan ng salamin.

I should be glad because I was going to live with Daddy now. It was my greatest dream. Finally, I was now with Daddy, with my only family.

Normal lang din naman siguro na magtabi kami sa pagtulog, since mag-isa lang siya rito sa bahay. Malawak naman ang kama, tagkabilang side kami. Mabubuhay na kami sa ganoon.

Naghilamos na ako at nag-toothbrush gamit ang red toothbrush na naririto. Akin ito, kasama ng mga skincare na naririto. Mukhang pinaghandaan ni Daddy ang pagdating ko. Siguro ay inutos niya kina B1 at B2.

Paglabas ko ng shower room ay nakapantulog na si Daddy. Simpleng black long sleeves at pajama ang kanyang suot. Nakaupo siya sa left side ng kama habang nakasandal sa headboard. He was looking at the tablet in his hand and he was wearing a wireless headset.

Marahan akong lumapit sa kama at maingat na naupo sa right side. Nakalutang pa ang aking puwet dahil sa pagkailang.

"Uncomfortable?" maaligasgas ang boses na biglang tanong ni Daddy matapos niyang tanggalin sa kanyang tainga ang kanyang wireless headset.

Tumango ako. "F-first time ko po kasi, Daddy."

Nangunot ang kanyang makinis na noo. "First time?"

"I-I mean, first time ko po kasing magtanim ng talong."

"Huh?"

"E-este, first time ko pong may makatabing lalaki sa pagtulog." Ano na naman ba iyong nasabi ko? Kapag talaga kinakabahan ako, lutang talaga ang isip ko. Kung anu-ano ang mga nasasabi ko.

"You should get used to it." Nahiga na siya sa kama at tumalikod sa akin.

Hindi ko alam kung makakatulog ako nito nang maayos. Nasanay akong matulog nang walang katabi. Pero malawak ang kama at may ilang dipa ang layo niya sa akin. Siguro naman ay makakatulog ako lalo na't pagod na pagod ang aking katawang lupa.

"G-good night, Daddy," sabi ko sa kanya.

"Hmm," tipid na sagot niya.

Humiga na rin ako sa kama at tumalikod sa kanya. Halos mahulog na ko dahil nasa dulo na ako. Nakahinga lang ako nang maluwag nang marinig ko na ang malalim na paghinga ni Daddy.

Marahan ko siyang nilingon sa kinahihigaan niya. Malalim na ang tulog niya. Parang mas pagod pa siya kaysa sa akin eh hindi naman niya ako tinulungan magbuhat ng mga maleta ko kanina.

Nag-vibrate muli ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pajama. Tiningnan ko. May message sa akin si B1 kaya binuksan ko ang inbox.

B1

How's everything with your daddy?

Na-inform ko na sila ni B1 at B2 na magsasama na kami ni Daddy sa iisang bahay. Sila rin ang nagkwento sa akin na mag-isa lang si Daddy sa bahay nito dahil walang maids at guards ang lalaki. Introvert, loner, at pa-mysterious.

Me:

He's sleeping now. Matutulog na rin ako. Katabi ko siya sa kama.

Nag-reply agad si B1.

B1:

You're sleeping in the same bed with him?! No way it's going to happen!

Napakunot ang noo ko. Ano bang problema kung magkatabi kami ni Daddy? Ano ang hindi kapani-paniwala roon? Nagtipa ako ng reply.

Me:

Magkatabi nga kami. I'm not lying. Want me to take a pic?

Umahon ako nang kaunti sa kama para mag-selfie. Isinama ko sa pagkuha ng photo ang katabing lalaki na nakatalikod sa akin at isinend kay B1. It took him a while to reply. Mukhang na-shookt pa ang lolo.

B1

Amazing! Hindi natutulog si Master Lion nang may katabi. Ever since. He hates it.

Really? Hindi kaya lasing lang itong si B1? Pero kailanman ay hindi nagsinungaling o nagbiro sa akin si B1. Si B2 pa puwede, subalit hindi si B1. Katulad ko, first time din pala ni Daddy na may nakatabi sa pagtulog.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na napapangiti matapos kong mabasa ang huling message sa akin ni B1. Hindi ko na siya ni-reply-an.

Maingat akong lumundag pababa ng kama para puntahan ang puwesto ni Daddy sa kabilang side. Plano ko na pagmasdan mabuti ang kanyang mukha. Simula kasi kanina ay pasulyap-sulyap lang ako sa kanya. Hindi ko siya magawang mapagmasdan nang matagal kapag gising siya.

Na-e-excite ako na magkasama na kami ngayong dalawa. Finally, napakatagal ko itong hinintay. Ang tagal kong pinangarap na makita at makilala siya. Paglapit ko sa kanya ay umupo at pumantay sa kanyang mukha upang mas maayos na mapagmasdan siya.

Lumapit pa ako ng bahagya sa kanya. Ang bango niya lalo na sa malapitan. Ang sarap amuy-amuyin. At hindi nga ako namilik-mata lang. Napakaguwapo niya nga talaga. Parang anghel sa amo ang mukha. Makakapal ang kilay, makinis ang pangahang mukha, mahahaba ang pilik-mata, matangos ang perpektong ilong, mapula ang senswal na mga labi.

Nasa hitsura naman ni Daddy na mabuti siyang tao. Tamad nga lang yata talaga siya magsalita. May times pa nga na hindi siya sumasagot sa tanong ko. Pero masaya ako na may daddy na ako. Meron na akong daddy na makakasama sa birthday ko at sa iba pang okasyon. Sobrang sarap sa pakiramdam na may daddy na akong gagabay sa akin sa lahat ng oras.

At bilang pasasalamat, nangangako ako na pagbubutihan ko ang pag-aaral para sa kanya. Ayaw ko siyang biguin at gusto kong masuklian lahat ng kabutihan na ibinigay niya sa akin. Nangangako ako na magiging mabuting anak sa kanya.

Ano kayang sasabihin ng mga classmates ko ngayong may daddy na ako? Excited na ako to be with Daddy sa lahat ng event ng buhay ko. Hindi na rin ako malulungkot sa graduation ko. Excited na rin akong magkuwento kay Purple.

"Why are you still awake?" Biglang nagsalita si Daddy kahit nakapikit.

Napabalikwas ako at agad na nanakbo papunta sa right side ng kama. Paghiga ko ay nagtalukbong ako ng kumot. "G-good luck po, Daddy, este, good night po!"

Alam niya kaya na kanina ko pa siya tinititigan habang tulog?! Nakakahiya! Matutulog na talaga ako, promise!

Finally, nakatulog na rin ako. Masarap ang tulog ko, pero naaalala ko kung ilang beses akong nagpagulong-gulong sa kinahihigaan ng malambot na kama.

Bakit ang sarap ng tulog ko yata ngayon? Ganito ba talaga kalambot ang kama ko? At bakit parang ang pakiramdam ko ay may katabi ako? Nananaginip ba ako?

Ang sarap ng pakiramdam kaya hindi ko na napigilang i-enjoy pa ang panaginip na meron akong katabi. Buong buhay ko ay wala akong katabi sa kama. Ang sarap pala kapag meron. Lalo na kapag mabango ang katabi mo.

Inabot ko ang mabangong bagay na aking katabi. Naramdaman ko ang pagpiksi niyon. Nakapikit na napangiti ako at lumapit para yakapin iyon. Ang bango, ang tigas. Hinigpitan ko ang yakap para hindi makawala...

Sa una lang parang kumakawala iyon, kalaunan ay naramdaman ko na marahang gumanti na sa akin ng yakap. Ang init ng pakiramdam. Ah, ang sarap ng may kayakap. At oo, mukhang masarap ang tulog ko nito...


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top