Chapter 1

BEFORE I MET DADDY...

"Hello, my Beshywaps! This is Purple, the ever-friendly pambansang campus beshy! And welcome to my daily vlog!"

Matapos ang nakakaumay na intro na araw-araw kong naririnig ay sinundan naman iyon ng matunog na flying kiss. Hindi pa roon natatapos, may kindat pa at pa-cute pose si Purple sa kanyang vlog opening.

"So beshywaps, we're here in our room and as you can see, walang tao rito maliban sa amin ng aking ultimate beshy." Itinuro niya ako. "You know her already since she's always with me in my vlogs. But just in case you forgot her name, it's Nina Aranda again!"

I ignored her. Masyado akong busy. Nakatutok ang aking mga mata sa pinag-aaralan kong equation na hindi ko makuha-kuha ang sagot. Badtrip talagang Math 'to.

Bakit kasi may math sa kursong BS Psychology? Pinili ko ang course na ito kasi akala ko, madali. Mahirap din pala. Anyway, fourth year graduating na ako ngayong taon. Sakto lang naman ang mga grades ko, pero ayaw ko ng ganoon. I wanted more than that. That was why I always study even we didn't have an exam.

I wanted to prove myself to him—to the person I owed everything to. The person who took me out of the orphanage thirteen years ago.

I wanted to show him that I was studying hard, that I was worth every penny, and the trust he had given to me. Most of all, I wanted him to be proud of me as he was all I had in this world... My savior. My daddy.

"So Nina is pretty, no?" Boses ni Purple na may kasamang hagikhik. Hindi pa pala siya tapos sa pag-v-vlog. "Of course, beshywaps, she's pretty because 'birds of a feather flock together'! Yey!"

Right. Mary Purple Atienza was my only girl best friend. Isa siyang vlogger with twenty thousand YT subscribers. Ang mga videos niya naman ay naglalaro ang mga views sa 5K to 10K.

Purple was pretty. Fashionista, friendly, and very lively. She was the total opposite of me. Ako ay masasabing boring mula ulo hanggang paa. Condo-university lang ang buhay, walang alam sa fashion, at hindi palakaibigan. Ang buong buhay ko ay nakatutok lang sa pag-aaral, kahit pa sa totoo lang, tanggap ko nang mahina ang aking utak. Ang lahat ay dinadaan ko na lang sa tiyaga at sipag.

Okay lang naman sa akin na maging hindi pansinin, mas gusto ko nga ang ganoon. But unfortunately, as much as I wanted to maintain a low profile, I could not do it. Takaw-pansin ako dahil sa dalawa kong uniformed bodyguards, plus my service was a freaking Limousine.

Kahit ipagtabuyan ko sina B1 at B2, patuloy pa rin ang pagsundo at pagbuntot sa akin ang mga ito. Of course, utos ni Daddy. Naging palaisipan tuloy ako sa lahat, kung sino raw ba ako? Bakit parang napakaimportante kong tao? Pero wala silang mapapala na sagot mula sa akin.

Back to Purple, ang mga content ng babae sa channel niya ay iba-iba. Karamihan ay tungkol sa araw-araw na ganap sa buhay niya. Sa lahat ng vlogs niya ay palaging nadadawit ako since lagi kaming magkasama.

Ang pinakamadalas niyang content ay tungkol sa mga exes niya na nagpaiyak sa kanya. Mabilis kasi siyang ma-fall. Siya iyong tipo na may makabunggo lang na guy sa daan, para sa kanya ay agad-agad mahal niya na.

Matagal na kaming magkakilala ni Purple dahil magkasabay kaming lumaki. Ang totoo niyan ay pareho kaming galing sa ampunan. As in sa iisang bahay ampunan. Pareho kaming paslit pa lang nang iwan kami sa ampunan.

Seven years old kami nang may umampon sa amin. Nauna lang siyang maampon ng ilang buwan. Isang mayamang mag-asawa na hindi magkaanak ang umampon sa kanya. She used to be a bullied fat little girl. Nang mag-high school siya ay nagsimula na siyang mag-diet at magpa-enhance ng facial features.

Matapos ang ilang taon, sumakto na sa iisang university lang kami nag-enroll. Iisa rin ang course na kinuha namin. Finally, kasama ko na ulit siya at kaklase pa. At ngayon nga ay pareho kaming 4th year BS Psychology student dito sa DEMU o Don Eusebio Mariano University.

"So mga beshywaps, alam niyo ba itong beshy ko na si Nina ay masyadong busy person," kuwento niya sa screen ng kanyang cellphone. "She's so serious. No BF, no crushes, and even hobbies, none. Please share this video for her. One share, one prayer."

"Tarantada," bulong ko.

"Alam niyo naman na rin ang life ni Beshy Nina, right? She has a mysterious daddy. Not a sugar daddy, okay? It's her dad, as in father. He adopted her when she was seven. But you know what? Hindi niya pa ito nakikita ever! So, share mo naman sa amin," baling niya sa akin. "Bakit blackboard ang tawag sa pisara eh 'di ba green 'yon?"

Inirapan ko siya.

"Ooops! Nina is mad, mga beshywaps!" Pagkasabi ay i-p-in-ause niya ang video recording sa kanyang cellphone.

"Plano mo bang i-upload 'yan sa channel mo?" yamot na tanong ko sa kanya habang nag-ko-compute ako sa calculator. "Walang manonood niyan."

"Excuse me, Nina Aranda! Wala pang video ko ang na-zero views! For your info, ang pinakamababang views ko na ay 250!"

"Oo na. Saka saan mo nga pala ako niyayaya?" Niyayaya niya na naman kasi ako sa kung saan. Madalas niya pa rin akong yayain sa mga labas niya, kahit never ko pa naman siyang napagbibigyan.

"Basta it's a fun place so you should come." Yumakap siya sa braso ko. "Come on, Beshy Nina, enjoy life."

Napabuntong-hininga ako. Enjoy life? Enjoy ko naman ang school-condo na routine ko araw-araw, ah? Nakasanayan ko nang umuwi nang maaga sa tinitirahan kong condo kaysa gumala.

Magkaibang-magkaiba kami ni Purple. Siya kasi ay socialite. Sinanay rin kasi siya ng mga rich adopted parents niya sa mga social gatherings. Hindi siya mabubuhay na walang pinupuntahang parties.

"Beshy Nina, remember the guy I told you last time? Damian?" Nagniningning ang mga mata ni Purple.

"Damian?" Nangunot ang noo ko. "Hindi ba Joseph? Iyong nakadikitan mo ng braso sa pagtawid, 'tapos na-inlove ka na."

"Gaga, iba 'yon. Itong si Damian iyong napahatsing sa mukha ko kahapon!"

"O tapos? Na-imagine mo na ang future niyo together? Ilan ang naging anak niyo sa imagination mo?" tamad na tanong ko.

Napahagikhik siya. "He's so cute at naisip ko lang, mukhang okay ang two girls at two boys. Puwede ring two sets of twins para dalawang ire lang pero apat agad!"

"Wow, Magic Flakes 'yan? Apat dapat?"

Hindi naman nabura ang ngiti ni Purple. Ang saya-saya niya. Hindi na bago sa akin ito. Mabilis nga kasi talaga siyang ma-fall. Ang problema lang ay mga ilang araw lang, broken na naman siya. Napapagod na lang din akong mag-advise at maawa sa kanya.

"So iyon nga. Birthday ng dog ni Damian sa Saturday. Mag-pa-party raw siya and he invited me. Actually, I am the only person he invited. The call time is 10:00 PM and the location of the party is his condo in QC. But of course, I'm shy so I can't go alone. Please, be my chaperone?"

"Sorry, Purple, but I can't go with you. Sa tingin ko rin, hindi ka rin dapat pumunta." Hinarap ko siya. "Birthday ng aso niya at may party pero ikaw lang ang inimbita? Sa condo niya? At 10:00 PM pa? Sinong ginago niya?"

"Taena naman o!" Nawala na ang kasosyalan sa tono niya.

Pigil ang ngiti ko. "Purple, come on. Mag-aral na lang tayo sa condo ko kaysa pumunta ka sa condo ng Damian na iyan. Mas matutuwa ang parents mo kapag tumaas ang grades mo this sem. Remember, ikaw ang heiress ng kompanya niyo."

"You know, Nina, ang boringa mo. Mula pa yata elementary ka e puro aral na lang ang ginagawa mo. Alam ko naman na ang ultimate goal mo is to make your daddy proud of you. Pero ang tanong, may pakialam ba siya sa 'yo, ha? Ilang taon na pero never pa siyang nagpakita. Eh hindi nga tayo sigurado kung may daddy ka nga talaga."

Naiintindihan ko ang doubt niya. Alam niya kasi na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang taong umampon sa akin. Ultimo ang edad, itsura at maging pangalan nito ay hindi ko pa alam.

Meron lang dalawang bodyguards slash personal assistants na umaasikaso sa akin on his behalf. Sa mga bills naman, including electricity, water, internet, tuition ay automatically paid na kada matatapos ang buwan. Other expenses like baon ay kinukuha ko sa monthly allowance na pumapasok sa aking ATM card. Meron akong na-re-receive na five hundred thousand a month pwera pa sa hawak kong platinum credit card. Hindi ko gaanong ginagalaw, gumagastos lang ako ng sapat dahil kompleto naman ako sa lahat. Hatid-sundo ako ng bodyguards ko sa university.

Regarding food and other necessities, my bodyguards were supplying me with monthly groceries, they even cooked for me sometimes. Yes, they were all around. Sa groceries naman ay kompleto na rin, including my vitamins and toiletries.

"Nina, for thirteen freakin' years, that daddy of yours has never shown himself to you. Even on important occasions in your life, birthday, graduation, Christmas, or the new year, and even when you got sick, he didn't even come to see you."

"He's real," mahina pero mariing bigkas ko. Naniniwala ako na totoo si Daddy. Kahit hindi ko pa siya nakikita o naririnig man lang ang boses niya, alam ko sa aking puso na totoo siya.

"How can you say that he's real? Hindi mo pa siya nakikita. Hindi pa siya nagpapakita."

"Pero nag-re-reply siya sa mga messages ko." Mula pa noong seven years old ako, hilig ko nang magpadala ng letter kay Daddy. Nang matuto akong gumamit ng computer, nagsimula na rin ako na mag-email sa kanya.

"At ano naman mga reply niya sa 'yo? HBD, Grats, Nice, Yes, No, at masaklap ay madalas K?"

Napangiwi ako. Kabisado niya na kasi dahil paulit-ulit ay ganoon lang talaga ang reply ni Daddy sa akin, gaano man kahaba o kaiksi ang message ko.

"At ano ang kasunod niyang reply sa 'yo, Nina? SML?"

"Basta, naniniwala ako na nag-e-exist si Daddy," parang sa sarili ko na lang higit na sinasabi iyon. "Siya ang nag-iisang pamilya na meron ako sa mundo. Siya lang ang meron ako. And one day I will finally meet him."

"Kailan pa? Kapag matandangdalaga ka na?"

"Nakakapikon ka na, ah!"

Pero kahit ano pa man ang sabihin ni Purple ay hindi ako papanghinaan ng loob. Nananalig ako na darating din ang panahon na makakaharap ko si Daddy. Uhaw ako sa pagmamahal ng magulang. At kahit hindi ko pa nakikita si Daddy ay sapat na sa akin ang isiping meron akong pamilya sa katauhan niya.

"Okay, ito na lang. What if he's too old?" Napahimas sa baba si Purple. "Paano kung kaya pala ayaw niyang magpakita sa 'yo ay dahil nakaratay na siya sa katandaan?"

Minsan na ring sumagi sa isip ko iyon. Posible naman talaga na isang matandang lalaki na si Daddy. Pero ayaw ko naman isipin na nakaratay na siya. Hindi pa siya puwedeng mamatay dahil aalagaan at mamahalin ko pa siya.

Nabaling ang atensyon namin ni Purple sa pinto ng room nang may kumatok doon. Sabay kaming napalingon. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo roon. Maamo ang guwapong mukha nito at may magandang ngiti sa mapulang mga labi.

Napatindig si Purple. "Oh, our Beshywap Kael is finally here!"

Itiniklop ko na ang mga notebooks at libro na patong-patong sa ibabaw ng table. Ang dumating ay kabigan namin. Business Ad 4th year student. Si Kael na ang buong pangalan ay Mikaelis Aguirre.

"Hi, ladies. Sorry, I'm late." Pumasok na siya sa room at lumapit sa amin.

"Okay lang. Ito namang si Nina ay busy pa sa pag-aaral kahit walang klase. Ewan ko ba rito. Mabuti sana kung magiging cum laude, e."

Magaan na hinawakan ako ni Kael sa ulo. "Nagmeryenda ka na, Nina?"

Umiling ako. "Inaral ko pa kasi iyong hindi ko maintindihan sa math."

Naupo si Kael sa inalisang upuan ni Purple para tabihan ako. Masuyo ang boses niya nang magsalita, "Patingin nga."

Nangingiting napatakip ng bibig si Purple habang nakatingin sa amin. Tinitigan ko nang masama ang babae para hindi magsalita.

Si Kael naman ay sinilip ang libro na hawak ko. "Nina, saan ka ba nahihirapan dito? Ito ba?" Tinuro niya ang isang pahina ng libro. "Madali lang ito. Gusto mo bang turuan kita mamaya? Pero magmeryenda ka muna."

Hindi na napigilan ni Purple ang bibig. "Parang gusto ko nang mag-isip ng pangalan para sa magiging anak niyo!"

Natawa si Kael at tumingin sa akin. "Pangalan daw o."

"Gagu." Namumulang inirapan ko siya.

Normal na ang mga ganitong eksena. Si Kael ay hindi iba sa amin ni Purple. Kasama rin kasi namin noon sa ampunan ang lalaki. Matanda sa amin ni Purple ng isang taon si Kael kaya siya ang tumayong kuya namin noon. Kumbaga ay magkababata kaming tatlo. Binansagan kami na 'The Tria' ng mga madre o trio dahil magkakasama kami noon palagi.

At nang maunang maampon si Purple ay si Kael ang natira sa akin. Siya ang nagpapatahan sa akin tuwing umiiyak ako dahil nami-miss ko si Purple. Minsan pa nga ay pumupuslit siya sa mga madre tuwing gabi para lang tabihan ako sa higaan. Niyayakap niya ako sa magdamag. Pinaparamdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa. Na hindi niya ako iiwan at pababayaan.

Masaya man ako na naampon ako noon ay naging mahirap din sa akin na iwan si Kael. Iyak ako nang iyak noon habang yakap-yakap siya. Nangako naman siya na kapag lumaki kami ay hahanapin niya ako. At ito na nga, ang pagkakaibigan naming tatlo nina Purple ay muling nabuhay nang magkita-kita ulit kami at mag-aral sa isang university.

Kami na ngayon ang "Tria". Tatlong magkakaibigan hanggang end of the world!

Kinalabit ni Purple ang lalaki. "Hoy, Kael, i-feature kita sa vlog ko, ha? Para naman madagdagan ang views ko!"

"Ask Nina first kung papayag siya."

"Ano 'yan, nanay mo?" Napasimangot si Purple. "I-support nyo naman ang channel, mga bwiset kayo!"

Ganito ang ugali ni Kael, hindi lang kay Purple. Pati sa iba ay ako ang palaging sinasangkalan niya. Kapag may nagyayaya sa kanya na gumimik, lagi niyang inuutusan ang mga ito na humingi muna sa akin ng permiso. Ang akala tuloy ng mga tao ay girlfriend niya ako.

Sinilip ni Purple ang mukha ko. "So, papayagan mo ba siya, Nina? Para madagdagan ang viewers ko."

"My answer is no."

"Ay, possessive ka? Kayo na?"

Umiling ako. "Graduating na tayo, Purp. Focus na lang tayo ngayong sem. Saka na iyong vlog, okay?"

Saka, ewan ko ba. Ayaw kong masyadong ma-expose si Kael. Pero kahit naman hindi masali sa vlog ang lalaki ay sikat na talaga siya. Marami ang nagkakagusto sa kanya. Hindi lang kasi guwapo, mabait at matalino siya. Pati mga prof ay paborito si Kael dahil masipag siya at magalang na estudyante.

Magsasalita pa si Purple nang mag-ring ang phone ko. Ang tumatawag ay ang isa sa mga bodyguard ko, si Bodyguard 1 o B1.

Bakit kaya tumatawag? Sinagot ko agad ito. "Hello?"

[ Nina, brace yourself. Master wants to meet you... today. ]

Muntik ko nang mabitiwan ang phone sa pagkabigla. "A-ano'ng sabi mo?"

Nagkatinginan sina Purple at Kael.

"B1, totoo ba ang sinasabi mo? Hindi ba ito it's a prank lang? Baka vlogger ka na rin?"

[ This is real, Nina. Gusto ka na niyang makita. ]

Nagluha ang aking mga mata kasabay ng pagngiti ng mga labi ko. Hindi ako makapaniwala. This was the moment that I had been waiting for.

[ Let's meet outside your school. We're here, ] sabi ni B1. [ Now na. ]

Kandasubsob ako sa pag-alis sa upuan. "Yes, yes! I'm coming!"

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Kael sa akin. "Nina, are you okay?"

"M-magkikita na kami ni Daddy!" tigagal kong sagot sa kanya.

"Really?!" bulalas ni Purple.

"Y-yes. Ngayon na mismo." Dinampot ko ang bag ko. "I have to go."

Biglang humarap si Purple sa screen ng kanyang cellphone at tinap ang resume recording. "And that's our today's video. Don't forget to hit the subscribe button and notification bell, mga beshywaps! See you on my next vlog!"

AFTER I MET DADDY...

Limang oras na yata akong tulala habang nakaupo sa sofa. Nandito na pala ako ngayon sa condo matapos akong ihatid kanina nina B1 at B2.

Tinampal ko ang aking pisngi. Gising ako. Hindi ako tulog kaya hindi panaginip ang nangyari. Totoo nga na na-meet ko na kanina si Daddy. Totoo na nagkita na kami. At totoo rin na hindi siya matanda, kundi isang saksakan ng guwapong binata!

Oh. My. Freakin'. Gawd.

Tinampal ko ulit ang aking pisngi. This time, sinabunutan ko na rin ang aking sarili. I should wake up from this dream! Yeah, this must be a dream. A nightmare. Pero gula-gulanit na ang buhok ko sa aking kasasabunot ay talagang hindi panaginip ang lahat ng nangyari!

Tumayo ako. Nauuhaw ako. Kailangan kong uminom. Pumunta ako sa kitchen ng condo ko at nagbukas ng ref para kumuha ng tubig.

Dang, bakit nasa loob ng ref ang bag ko? Napalingon ako sa dining table. At bakit nasa ibabaw ng mesa ang sapatos ko?

Napatakbo ako sa shoe rack malapit sa pinto. Nandoon ang isang pitsel ng malamig na tubig. Ah, right. Kumuha na nga pala ako ng tubig kanina pero hindi ko maalala kung nakainom na ba ako.

May narinig akong message alert tone. Paglingon ko sa trashcan ay naroon pala ang aking cell phone. Ano'ng ginagawa niyon doon?! Napatingin ako sa phone ko na kanina pa nag-v-vibrate sa ibabaw ng center table. Tambak na iyon ng mga messages nina Purple at Kael.

Napatapik na lang ako sa noo ko. Dahil sa aking sobrang pagkawindang ngayong araw ay kung saan-saan ko na tuloy nailagay ang mga gamit. Anyways, ganito rin ako kapag may iniisip na malalim. Madalas ay hindi ko talaga namamalayan ang mga ginagawa ko sa sobrang lutang.

Minsan na akong bumili sa tindahan tapos ang sabi ko ay "tabi-tabi po". Habang noong minsang napadaan naman ako sa liblib na lugar ay ang sabi ko naman ay "pabili po".

Yes, I was that kind of person.

Dinampot ko ang phone. Tambak na ako ng messagesmula kay Purple. Naghahanap na ng update ang babae tungkol sa meet up namin ni Daddy.

Tumunog bigla ang cellphone ko. Nabasa ko sa screen ang pangalan ni Kael. Wala ako sa mood na makausap siya. Baka mali-mali lang ang aking masabi dahil windang pa talaga ang isip ko.

Maya-maya ay tumunog ang doorbell. May food delivery ba ako? Gee, baka wala sa sariling um-order pala ako. Nangyari na iyon sa akin dati.

Nanakbo ako sa pinto at agad itong binuksan. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang hindi delivery guy ang bumungad sa akin, kundi isang matangkad na lalaki na nagtataglay ng pares ng magandang abuhing mga mata.

Napaatras ako ako nang makilala siya. "D-Daddy..."

Nakatingala ako dahil matangkad siya. Hanggang sa makinis na leeg niya lang abot ang mukha ko. Kung tatantyahin ay kasing-tangkad niya si Kael. Ang bango-bango rin niya. Iyong preskong bango na alam mong mamahalin. Nakakawiling singhut-singhutin.

Nababanguhan ako sa sarili kong daddy, tama ba iyon?!

Oo obviously na halos magkaedad lang kami, pero hinding-hindi magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang taong pinagkakautangan ko, ang nag-alis sa akin sa ampunan, ang benefactor ko, ang dahilan ng pagsusumikap ko, ang aking nag-iisang pamilya—my one and only daddy, Lion Foresteir!

Pero ano'ng ginagawa ni Daddy Lion ngayon dito sa condo ko?!

Basta na lang pumasok si Daddy. Nilampasan niya ako at dumeretso siya sa sala!

Iba na ang suot ni Daddy ngayon. Black na long sleeves polo at immaculate white baston slacks. Ang mga kamay niya ay nakapamulsa sa suot na pantalon habang sinisipat ng abuhin niyang mga mata ang paligid.

Mabuti na lang at palaging malinis ang condo ko. Wala naman kasi akong ibang libangan sa buhay kundi ang mag-aral, maglinis, mag-aral, maglinis at ganoon lang paulit-ulit.

Sa paglilinis ng condo ay talagang seryoso ako. Mula pa noon ay kinasanayan ko nang mag-general cleaning araw-araw. Hindi ako pumapalya. Araw-araw kasi ay panibagong pag-asa na baka biglang maisipan ni Daddy na bisitahin ako, kaya naman naman sinisigurado ko na palaging nasa ayos, malinis at mabango ang condo.

At nangyari na nga. After thirteen long years, bigla na lang siyang sumulpot dito.

Tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan. "Uhm, Daddy, nag-dinner ka na ba?"

Hindi niya ako pinansin. Ang kanyang atensyon ay doon sa mga frames ko na nasa ibabaw ng istante tumuon. Mga pictures ko iyon. Iyong mga nangunguna ay mga nakatoga ako, mula elementary graduation, high school graduation hanggang senior high school graduation.

"D-Daddy, tumaas pala ang grades ko ngayong 2nd semester. Nag-email ako sa 'yo, nabasa mo ba?"

Walang sagot mula sa kanya. Parang hangin lang ang sinabi ko na hindi niya pinagkaabalahang pansinin. Nagpalakad-lakad siya hanggang sa makarating sa isa pang estante sa sala. Napatingin siya sa nakapatong doon na picture frame kung saan naka-swimsuit ako. Itinaob niya iyon. Hala, nagalit ba siya?

"You." Tumalikod siya sa akin. "Let me ask you." Ang bagaman kalmado ay malamig at buo niyang boses na tila nanuot sa mga kalamnan ko.

"Y-yes, Daddy."

"Do you have a boyfriend?"

"H-ha?" Sa dami ng puwedeng itanong, hindi ko inaasahan iyon.

"Should I repeat myself?"

"S-sorry, Daddy." Napanguso ako. "W-wala akong boyfriend. Focus ako sa pag-aaral." Marami akong gustong patunayan sa kanya kaya ako nag-aaral nang mabuti.

Namulsa siya at tumanaw sa glass wall. "Pack your things. I'm taking you to my place."

Napakurap ako sa sinabi niya. "Po, Daddy?!"

Humarap siya sa akin habang nag-aalab ang abuhin niyang mga mata. "Let's live together from now on, Nina."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top