XVIII

Chapter Eighteen

Heaven would flip, hell would raise and despite how surprised I was with everything, I still had the energy to get even more shocked.

I was shocked that I was here with Jungkook again but heaven and hell weren't still switching places yet. They were still on their grounds, tight and unmoving and that it was just me… it was just my world that quaked.

Ang buong akala ko noon ay hinding-hindi kami mapapagsama sa iisang lugar dahil hindi pa nga kami nagsasalita ay nag-aangilan na kami, nagtatapunan na ng masasamang tingin at pinapatay na ang bawat isa sa isipan ng isa't isa.

Who would think I would be silently giving in his simple and small talks? Siguro nga masyado pa akong gulat sa mga nalaman ko at napapagod na rin ako kaya hindi na ako nagmamatigas pa.

Alam kong nagulat siya kanina nang tahimik akong pumayag matapos niyang sabihing ihahatid na niya ako. Kahit nang pababa kami ng hagdan at palabas ng building patungo sa parking lot ay wala pa rin akong imik, samantalang napapansin ko ang paninitig niya sa akin.

He wasn't saying anything and I thanked him for that.

Gusto kong magprotesta at singhalan siya nang makita kong imbis na sasakyan ang naka-park sa usual spot niya ay nakita ko ang pamilyar niyang motor ngunit pinigilan ko ang sarili ko. I was seriously tired and I just wanted to go home.

Tamad ko siyang nilingon nang makalapit kami sa motor niya, madilim na ang paligid pero nakikita ko pa rin ang mukha niya dahil sa mga lighting sa parking lot. He bit his lower lip, seeing the hopeless situation. Sinulyapan niya muna ang motor niya bago niya pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko, ang mga mata ay nagtagal sa suot kong skirt.

Of course, he should know that I couldn't ride his motorcycle with this skirt.

"I'm sorry, I have my motorcycle instead of—"

"And you're probably not thinking of making me ride that." Kunot-noong sinulyapan ko ang motor niya saka siya muling binalingan para lang makita ang pagbubuntong-hininga niya.

"Or you can just…" He stopped purposely as he avoided my eyes. "You can just use my blazer to cover your l-legs." Mariin niyang isinara ang bibig niya pagkatapos.

Once again, I agreed to him silently. Hinayaan ko siya nang hubarin niya ang suot niyang blazer at maingat na itinali paharap sa baywang ko ang mga manggas nito. Luckily, it reached below my knees, at least, longer than my skirt.

Pinasakay niya ako sa motor, patagilid ang pagkaka-upo ko at mahigpit na nakasara ang mga binti ko dahil kahit na nakatakip ang blazer niya ay puwede pa rin akong masilipan. Sa dulo ng motor ako humawak habang nakapatong sa mga binti ko ang bag ko at suot ko sa ulo ang isang puting helmet.

"Hold on tight," was all he said before maneuvering the controller, the wheels rolling slowly and very carefully as if he was afraid we would get into an accident if he would raise a single line in the speedometer.

Burden, all I could feel was burden all the way home. Kung may choice lang ako at kung may lakas lang ako ay hinding-hindi niya ako mapapasakay sa motor niya pero dahil gustong-gusto ko nang maka-uwi ay pumayag ako. Now, I was burdened so the ten-minute ride home seemed like forever for me, even when he pulled the vehicle stop in front of our bar gate.

Hindi ako mabait, lalong-lalo na pagdating sa mga taong kina-aayawan ko pero sumasakit ang mga mata ko sa pasang nasa gilid ng mga labi niya. It was my fault, and my conscience wouldn't probably let me live if I didn't do something about it.

"Ate Milan's probably inside, get in so she can tend your wound," saad ko habang inaalis ko ang helmet sa ulo ko bago ko inabot pabalik sa kaniya. I saw how he stopped and intently stared at me, his thick brows soon crossing but it didn't happen, instead, he slowly nodded his head. "I'll tell the guard to open the door so just get inside."

"Hindi ka… sasakay?" he asked in a low voice.

"What do you think? We have a kilometer driveway, you think I'll walk when you have a motorcycle?" Hindi ko napigilang magtunog sarcastic pero napigilan kong umirap sa kaniya at nilapitan na ang gate kung nasaan ang intercom na konektado sa guard house.

Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong kami ng mga natatarantang kasambahay, ang iba ay abala sa paglilinis ng living room samantalang may ibang palakad-lakad, patungo sa iba't ibang bahagi ng bahay.

What was with the unusual rush?

Sinalubong din ang pang-amoy ko ng kung anong mabango at masarap na lutuin. Sure, our maids weren't being like this just because of a simple dinner, na madalas namang walang kumakain, so why was it like they were preparing for a celebration?

"Miss Hannan, dumating na po pala kayo." The maid on the living room, holding a feather dust and seemed like cleaning the table noticed me. Unti-unting nalaglag ang panga niya nang lumampas sa likod ko ang mga mata niya at mabilis na kumislap ang mga mata, or maybe, it was because of the house's lighting.

"Where's Ate M?" tanong ko.

"Nasa kuwarto po, Miss," sagot ng kasambahay, hindi inaalis ang tingin sa likod ko.

Hindi na ako sumagot at nilingon na lang si Jungkook, nagulat pa ako nang makitang mataman siyang nakatitig sa akin na para bang hinihintay ang paglingon ko. My heart stung a bit upon seeing again the pathetic bruise on his side lips, I couldn't help but think that I was the sole reason behind it.

Bumuntong-hininga ako. So much for me, seeing his annoying bruised face. Kahit ako, hindi ko talaga maiisip na magiging ganito ang pakikitungo ko sa kaniya. I couldn't believe I was restricting myself from screaming at him, from glaring and from picking a fight.

At least, just for this night, I would give us ceasefire.

"Stay here first, pabababain ko si Ate M," sabi ko sa kaniya at hindi na hinintay pa ang sagot niya saka binalingan ko ang kasambahay. "Please get him something to drink."

Umakyat ako sa second floor at unang tinungo ang kuwarto ng Ate ko. Isang katok lang ay bumukas na ang pinto, tanging asul na roba ang suot na tila kalalabas lang ng banyo at basa pa ang buhok. I immediately smelled her natural blueberry bubble bath. Mukhang nagbabad na naman siya sa bathtub niya katulad ng madalas niyang gawin sa gabi.

"Oh hi, S! Kararating mo lang?" she asked, smiling.

"Can you dress up quickly? Jungkook's downstairs. I need you to tend his wound—" Kusa akong huminto nang makita ang unti-unting pagguhit ng matamis at malapad na ngiti sa mga labi niya. Bakit ko nga ba nakalimutang balak nga pala ng babaeng ito na maging love cupid namin ni Jungkook?

Kung mayroon mang matutuwa sa pag-amin sa akin ni Jungkook ay si Ate Milan iyon, siya ang pinaka-unang magdidiwang. Paniguradong nagtatatalon na sa saya ang mga lamang-loob niya dahil lang sa ideyang isinama ko rito si Jungkook sa bahay.

"You're with him? It's almost seven, S. Five ang uwian kaya bakit ngayon lang kayo? Hm…" Ang boses niya ay puno ng malice.

I didn't even want to think of the possible things circulating her mind now but I couldn't let her think of her fantasy about Jungkook and I. I didn't even want to fail her, but Jungkook and I wouldn't be happening. And oh, sorry for ruining her fantasy.

Umirap ako sa kaniya. "Stop thinking things, Ate M. Bumaba ka na lang dahil naghihintay siya sa baba. You need to tend his wound. Please," sabi ko.

"Bakit hindi ikaw ang gumawa? S, kailangan ko nang magbihis dahil naghihintay ang call session namin ni Hobi. Oh, bilisan mo ang panggagamot kay Kookie. I heard, Daddy's coming, we'll have dinner together!" Halata sa boses niya ang excitement at kita ko ang pagkislap ng mga mata niya nang banggitin niya ang huling mga salita. "And don't forget to invite Kookie! He needs to meet Daddy."

I was cursed. Siguro ay isinumpa ang araw na ito para sa akin, kasama ako dahil hindi pa pala tapos ang mga nakaka-inis na pangyayari.

The worst actually was just about to come.

Mabilis akong nagbihis, I just wore a simple black hoodie dress that only reached the above of my knees, I let my long hair cover my neck since it was still red from what happened earlier before going downstairs again with my pair of mint floral indoor slippers.

Nakita ko si Jungkook na pinalilibutan ng tatlo naming kasambahay, two of them were of my Ate Milan's age while the other one was a bit older. I also recognized Manang Percy, isa sa mga matagal nang maids dito sa bahay.

"Kaibigan mo si Sir Jimin?"

Nakita kong mabagal na tumango si Jungkook sa tanong na iyon kasunod ang pagsisikuan ng dalawang mas batang kasambahay, parehong malalapad ang ngiti at kumikislap ang mga mata sa lalaking naka-upo sa couch. Si Manang Percy ay medyo malayo sa mga ito ngunit halatang nakikinig. I saw her holding a tray and on the table were foods, a tall glass of orange juice and a plate of chocolate cookie sandwiches.

"Hijo, kaklase ka siguro ni Hannan. Kay-guwapo mo namang bata, nanliligaw ka ba? Alam mo bang masyadong pihikan ang batang iyon? Ikaw pa lang ang pangalawang kaklaseng lalaki na dinala niya rito maliban kay Jimin." Manang Percy's voice was very soft and very pampering, kaya kahit na hindi ko nagustuhan ang sinabi niya ay hindi ko magawang lapitan sila para patigilin.

Jungkook immediately swung his head to the direction of the older lady, titig na titig siya at iniignora ang mga titig ng dalawa pang kasambahay.

"Pangalawa… was there other guy coming here for her?" Jungkook asked, his voice a bit stern and firm but low, almost inaudible to my ears.

"Ay oo, Sir Jung—"

"Manang Percy." Hindi ko na hinintay pa na kung anu-anong mga bagay ang masabi nila dahil tuluyan na akong lumapit. Nakita ko kung paanong parang napapasong napalayo ang dalawa mula kay Jungkook at kung paanong tumuwid ng upo ang huli.

Jungkook's stern and deep eyes watched me as I made my way to them. Hindi ko hinayaang ma-apektuhan ako ng mga titig niya.

"Pasensya ka na, hija. Kina-usap na muna namin itong bisita mo para hindi siya mainip."

"It's fine. Pakikuhanan na lang po ako ng first-aid kit." Naupo ako sa single couch na katabi lang ng long couch na kina-uupuan ni Jungkook. "And please, leave us alone."

Nang maiwan nila kami ay sumulyap ako sa mesa, hindi pa nababawasan ang orange juice kaya nalaman kong hindi pa niya ito nagagalaw. From the sides of my eyes, I could feel his deep stares, still lacerating through my skin and making me chill.

Hindi ba niya alam na hindi maganda ang tumitig?

"Ate Milan's busy, so if you don't mind, I'll tend—"

"I know I'm not in the place to be asking this but…" Pinutol niya ang sinasabi ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Muli na namang pinasakit ng pasa niya ang mga mata ko, it seriously needed an immediate attention. "Aside from Jimin, may dinadala kang lalaki rito? May nanliligaw ba sa'yo bukod sa akin—"

Nagsalubong kaagad ang mga kilay ko. "Bukod sa'yo? You're not courting me, Jung—"

"And I believe I don't need to tell you that. Liligawan ki—"

"And I believe I have the right to know! Hindi mo ako liligawan!" Tumaas ang boses ko dahil sa pamumutol niya sa mga sinasabi ko at sa mga pinagsasabi niya. "And yes, you're not in the place to be asking that! Wala kang paki-alam!"

Sumama ang timpla ng mukha niya pero saglit lang iyon dahil agad din siyang huminahon, hanggang sa mawalan na ng emosyon ang mga mata niya. He just looked at anywhere else but me. Mukha siyang taong handa nang manakit kanina at ngayon ay mukha na siyang walang paki-alam.

That was more like it. Jungkook couldn't get engaged with a deep feelings for me. Natatakot akong baka kapag nangyari iyon ay kakailanganin ko siyang saktan.

Nang dumating ang first-aid kit na pinakuha ko ay ginamot ko na ang sugat niya. Sa kada pagtama ng bulak sa sugat niya ay napapangiwi siya na nagpapangiwi rin sa akin. I really hated wounds and bruises. They looked painful and awful. Sayang talaga ang guwapong mukha ni Jungkook kung parati siyang magkakapasa.

His heroic stunt earlier wouldn't save the fact that I hated how he fist-fought with Cael Severino and how I hated physical fights.

"You look ugly," walang pakundangang komento ko matapos kong ibaba ang huling bulak na pinanglinis ko sa sugat niya. Kumuha naman ako ng isang skin-tone bandaid at marahas na itinapal sa gilid ng labi niya.

"Aww, a little careful there, my love." Ngumiwi siya saka inilayo sa akin ang mukha niya. "You should have your eyes checked then. Ikaw lang yata ang nagsabi niyan," sagot niya.

Hindi ko pinansin ang itinawag niya sa akin dahil baka dagdagan ko lang ang pasa niyang kagagamot ko lang.

"Of course, hindi naman ako kabilang sa mga babaeng nababaliw sa'yo." Umirap ako habang inililigpit na ang mga ginamit namin.

"I don't need those girls, ikaw ang gusto kong mabaliw sa akin—" Natigilan siya dahil sinamaan ko siya ng tingin. "And don't look at me like that 'cause I know my place, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa'yo pero hindi mo rin puwedeng ipilit na huwag kitang gustuhin. 'Cause I love that I like you."

Surely, any living fan girls of him would die once they heard him say those words to me, once they found out that their beloved Jungkook Jeon liked me.

Nakakatawa talaga. Si Jungkook Jeon, may gusto kay Hannan Urduja. Just, how lucky was that bitch? Just what did that bitch do in her past life to deserve such luck? Just who the hell was that bitch?!

Right, I could only imagine how more of a bitch I would become for I would be hurting him, I knew.

Niyaya ko siyang dito na mag-dinner sa bahay para kay Ate Milan na malugod naman niyang pinaunlakan lalo na nang sinabi kong makakasama namin si Daddy sa dinner samantalang hindi ako natutuwa sa mga nangyayari.

Ano naman ang naisip ni Daddy at inabala pa ang mga kasambahay dahil lang dito sa siya mag-di-dinner? Wala na ba siyang pinagkaka-abalahan sa kumpanya niya?

"Jungkook Jeon? You're one of the heirs of JJG Group? Son of Martino Jeon?" Daddy had been asking Jungkook questions ever since the meal started. Tig-isang bati at halik sa pisngi lang ang natanggap namin ni Ate Milan mula sa kaniya bago magsimula ang dinner at since then ay puro si Jungkook na lang ang kinaka-usap niya.

"Yes Sir," magalang na sagot ni Jungkook.

Nanatiling nakayuko lang ako habang mahigpit na hawak ko ang silverware, I couldn't bring myself to look at Daddy and let him eat in peace as if we were not here, his children. Hindi ako naiinis kay Jungkook dahil nasa kaniya ang atensyon ni Daddy pero hindi ko mapigilang magsisisi kung bakit ko pa siya niyayang dito mag-dinner.

Si Ate Milan ay tahimik lang din kumakain pero attentive na nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa. She was really so soft for Daddy, she always understood him and always gave attention to him even though she wasn't reciprocated.

Ngayon na nga lang siya nagpakita at sumabay mag-dinner sa amin, could he at least spare time and attention to ask about us? Why was he so cruel?

"You know, I'm an acquaintance of your parents. It's glad that you're friends with my daughter, perhaps, you like my Hannan—"

"Daddy!" Hindi ko sinasadyang sumigaw sa hapag dahil hindi ko inaasahan na bubuksan niya ang topic na ganoon. Sinalubong ko ang mga mata niya ngunit mabilis rin akong nag-iwas dahil sa lamig ng mga ito. "I'm sorry, I didn't mean to shout."

Kahit si Ate Milan ay nakita ko rin ang gulat na mukha, hindi rin malamang inaasahang gagawin ko iyon gayong alam naming pareho na mahalaga para kay Daddy ang hapag at hindi niya pinapahintulutan ang kahit na anong wrong manners.

Jungkook just raised a confused stare at me, his jaw moving slowly for the food in his mouth.

"Alam mong mali ang sumabat sa usapan ng may usapan, Hannan at hindi ko gustong sumisigaw sa hapag, what's wrong with you?" Daddy's hard voice soothed through me. "I'm sorry, Mister Jeon. My daughter must've forgotten her manner."

I gritted my teeth. Mas humigpit ang hawak ko sa kutsara't kutsilyo dahil kahit na gusto kong sumabat, hindi ko kaya.  He was still my Daddy, tama ang lahat ng mga sinasabi niya kahit na sa totoo lang, masyado nang malayo ang loob ko sa kaniya para malaman niya pa ang mga bagay-bagay sa akin.

I must have forgotten my manner? Yes, he should know! And why didn't he spare time teaching me right manner? I believed it wouldn't hurt.

"Anyway, you should tell your parents that one of these day, I might ring them. I want to personally meet them, I didn't know you're getting along with my daughter. Hannan…" Bumaling siya sa akin pagkatapos niya kay Jungkook na kanina pa rin nakatingin sa akin. "A boy like Jungkook Jeon is what's best for you, is he courting you?"

Napasinghap ako dahil sa diretsahang tanong na iyon ni Daddy. Nasa harap lang si Jungkook! Nakita ko kung paanong nanlaki ang mga mata ni Jungkook kaya tinitigan ko siya ng mariin para iparating sa kaniyang hindi siya puwedeng magsalita dahil malalagot siya sa akin.

"He's just a friend, Daddy," mahina kong sagot.

"Really, hijo? You don't like my daughter? Perhaps, you have a girlfriend?" sabi ni Daddy kay Jungkook.

Mas kinabahan ako nang makita ko ang paghihirap sa mukha ni Jungkook, tila humihingi ng tulong.

Oh no, you can't delight my father by admitting that you like me!

Bahagya akong umiling sa kaniya habang nasa kaniya pa ang atensyon ni Daddy.

"I… I don't have a girlfriend but y-yes, Hannan and I are just friends."

Sa lahat, sa lahat ng mga bagay na nagawa at nasabi sa akin ni Jungkook sa araw na ito, maging sa mga nakaraan ay ito ang pinakagusto ko. Tila binura ng mga sinabi niya ngayon ang lahat ng mga inis ko sa kaniya noon. It felt to me like he just saved me from something my father was planning to do, something I wouldn't want, for sure.

Hindi nakalagpas sa mga mata ko kung paanong dumilim ang mga mata ni Daddy nang marinig ang sagot ni Jungkook at bahagyang umiling pero hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain, hindi na rin ulit nagbukas ng paksang pag-uusapan nila ni Jungkook hanggang sa matapos ang dinner.

"Thanks for the meal, Hannan." Jungkook told me when we reached his motorcycle that parked in front of the Urduja Mansion.

"Right, Jungkook. Just go and never go back here. Huwag mo na ring babanggitin pa sa mga magulang mo ang tungkol dito. I don't want them to meet, there's no point."

Pinanood ko nang sumakay siya sa motor niya, isang tingin muli sa akin bago niya iyon pinaharurot paalis hanggang sa mawala sa paningin ko.

So much for today. Sobrang daming nangyari at sana hanggang dito na lang. I was ending this day, and would leave everything as it was.

Pabalik na ako sa loob ng bahay nang may masulyapan ako mula sa malayo palapit sa kinaroroonan ko. It took me a minute before realizing what that was… or who that was.

It was Jimin Park, riding a bicycle.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top