Prologue

The First Kiss
~•~•~•~•~•~

"Kuya Vin?"

Tumingin siya sa'kin. "Oh, Vanny, what are you doing here? Akala ko ba sasamahan mo si Mama?"

"Dapat," sabi ko at tumabi sakanya. "Kaso dumating si ate kaya sabi ko siya nalang. Ayoko mag-shopping, e."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Himala ata 'yan? You're obsessed with shopping."

Lumabi ako. "It's my stress reliever, you know that, kuya."

"Of course," tawa niya at nilipat ulit ang channel. He was watching a movie, pero knowing him, alam kong nagsawa na siya agad. He can never keep his attention focused on one thing. Madali siyang magsawa. "So, ate Vicky's visiting, huh? Sana naman buong weekend siya dito."

"Para manood ng dance show?" tanong ko. Dancer si kuya, and he is part of our High School's dance team. Noong una, hindi ko talaga trip ang nanonood. But he dragged me to a show of theirs one time, and I enjoyed it. Ang gagaling kasi nilang sumayaw, e. Talagang mapapanganga ka at hindi mo p'wedeng ma-miss ang kahit isang move lang nila. They're so good that they once performed on It's Showtime, pero hindi nila tinuloy ang competition dahil may namatay na Trooper.

Tumango siya. "Yeah. 'Di pa niya ako napapanood this year," aniya.

Ate Vicky is two years older than kuya Vincent "Vin" Decilva. Si kuya naman isang taon lang ang tanda sa akin. Senior na siya, and I'm a Junior. We were supposed to have another baby sister, pero nagka-miscarriage si Mama. Those were dark days for us.

"Vanny, may outing pala tayo next week, ah? Before school officially starts," sabi niya sa'kin at napangiwi ako. Close kami ni kuya, kaya naging close ko din ang barkada niya. Mostly Troopers sila, and they are all so nice to me. Maliban kay Zane.

"Kasama si Zane?" tanong ko at alam kong lukot na naman ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang problema ni Zane sa'kin, pero napakasungit niya kapag ako na ang kaharap niya.

Kuya Vin looked apologetic. "Sorry, Vanny. He's still a Trooper."

Lumabi nalang ako at tumango. Ayoko naman na mag-cancel dahil lang sakanya, dahil masungit siya sa'kin. Medyo nasasanay naman na ako sa ugali niya, e. At isa pa, andoon naman 'yung iba pang kaibigan namin ni kuya kaya hindi sakanya ang buong atensyon ko. That's okay with me.

"Mag-pack ka nalang, dali," aniya at tinulak ako patayo. Napapadyak ako at tumawa naman siya. "Go, Vanny. Alam ko kung gaano ka kabagal mag-empake ng gamit mo."

"Sa Monday pa naman, e, 'di ba?" simangot na tanong ko sakanya.

Napailing siya. "We leave Sunday night. Mga 11PM," sambit niya.

"Who's driving?" tanong ko at nagsalubong ang kilay ko. "Pretty sure pagod kayo lahat dahil competition niyo ng Sunday, 7PM!"

Tumawa si kuya. "Sasama naman si Angelo, e. Pati si Cody. Alternate daw sila sa pagmamaneho."

"Camping tayo saan, kuya?"

"Basta. Magha-hiking tayo," aniya. "Just try to pack lightly."

Tumango ako at pumanhik na sa kwarto ko. It's two days away, pero tama naman si kuya na matagal ako mag-impake ng gamit. But that's only because I make a checklist all the time, para wala akong maiwan or makalimutan na kahit ano. Mahirap na.

~•~•~•~

"Ang aga mo namang aalis, ate," nakapalabing sabi ko kay ate pagkatapos ko siyang yakapin.

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Vanny, ano ka ba? Madalas naman ako dumalaw, e," nakangiting sabi niya. Her pearly whites were so straight, I had to pout. 'Di pa nga nag-braces si ate, pero ang ganda ng ngipin niya!

"Sayang mami-miss mo competition nina kuya," sabi ko at inalalang mamaya na pala 'yun.

Nagpaikot ng mata si ate. "Kung 'di ba naman baliw ang kapatid natin, hindi man lang ako sinabihan. E 'di sana nag-off ako ng Monday din."

Tumawa ako. "Kilala mo naman si kuya Vin, ate. Last minute siya masyado."

Ngumiti si ate at bineso ako. "Oh, ikaw na bahala kay Mama at kay Vin, ha? Huwag mong kakalimutan 'yung mga visit niyo ni Mama sa hospital. Importante ang monthly check up."

"Opo, ate." Yumakap ako ulit ng mahigpit sakanya.

"Bye, Vanessa," bulong niya at niyakap ako. I hugged her back, but she let go. "See you soon, okay? Usap tayo sa Skype. And mag-ingat sa outing ninyo, ha? Huwag pasaway."

Tumawa ako dahil para siyang nanay. "Opo, mommy," asar ko sakanya at kinurot niya lang ang bewang ko bago tuluyang nagpaalam.

Napangiti nalang din ako at dire-diretso sa driver namin na si kuya Binoe. Diretso agad kami sa performing arts center para sa performance ng Troopers.

~•~•~•~

As per usual, they got into the Top Five. Kaso nga lang, First runner up lang sila, and I have to admit na magaling talaga 'yung mga nanalo.

After the competition—which ended at around 9PM—nagpunta nalang kami sa bahay nina Cait, my closest Senior friend. Buti nalang hindi siya Trooper, boyfriend lang niya.

We decided to rest there, and of course hyper na naman ang lahat dahil sa adrenaline rush na nakuha nila sa competition kaya kami ni Cait ang nagkasama sa couch, talking about the Kardashians. We love their show.

"You packed everything you need, right?" pang-limang tanong na ni Cait.

Natawa ako. She's always been the mom in the group. "Yup. Except for a tent," sabi ko.

"Tent?" Sumimangot siya at humarap sa mga nagkakaguluhang kaibigan namin. I saw kuya Vin rough-housing with Zane and I rolled my eyes. "Guys! Sino ang walang tent partner?"

Walang sumagot kaya tumikhim ng malakas si Cait.

Tumingin si Angelo. "Si Zane."

Nanlaki ang mata ko. Shit!

"Wait, sure ba kayo na pagsasamahin niyo sa isang tent 'yang aso at pusa na 'yan?" tanong ni Patricia, my kuya's partner and tent partner.

"What the hell?"

Tumigil na si Zane at kuya sa paglolokahan nila at naging seryoso ang atmosphere.

Tumikhim si Cait. "Yes, Zane?"

"Hindi ako makiki-share sakanya," aniya sabay irap sa'kin. Inirapan ko din siya pabalik.

"Ayaw ko din naman sa'yo," saad ko at umiwas ng tingin. "Magka-STD pa ako sa'yo, e. Kadiri."

Ngumisi siya. "Tingin mo naman papatulan kita? Yuck."

Lumabi ako. "Akala mo naman kung sino'ng gwapo," mahinang sabi ko pero siniguro kong maririnig parin nila. "Mas malayo naman ang agwat ni Angelo sa'yo."

Nanliit ang mata niya at nakita kong napatiin-labi siya. "Ang pangit mo."

"Mas ka naman," sabi ko at bumelat.

Tumaas ang mga kilay niya. "Isip-bata!"

"Mukhang matanda!"

"Anorexic!"

"Obese!"

"Dwende!"

"Halimaw!" sigaw ko pabalik. Hindi naman ako ganun kaliit, e. Mas matangkad lang siya sa'kin.

May sasabihin sana siya pero sumingit na si kuya Vin. "Tumigil na nga kayo!" Hindi kami nagsalita ni Zane pero nagkairapan lang kami. Huminga ng malalim si kuya. "Alam niyo, away kayo ng away! Wala naman kayong pinag-aawayan."

"Siya ang nagsimula!" sabay namin na sigaw ni Zane at nakita kong natatawa na si Patricia sa gilid. Mas lalong pinatay namin ang isa't isa sa tingin.

"Shut up," diin na sabi ni kuya. Napailing siya. "Magsasama kayo sa tent. And that's final."

Pumadyak ako. "Pero, kuya... bakit mo ako isasama sa isang demonyo?"

"Vanessa," tiim-labing sabi ni kuya.

Lumabi nalang ako at tumango.

"Spoiled brat," narinig kong sabi ni Zane kaya naman sa inis ko ay tinapakan ko ang paa niya. "The fuck!"

"Vanessa!"

"Papatayin kita!" nanggigil na sabi ni Zane kaya napatili ako at tumakbo papalayo sakanya.

"Aso't pusa talaga," rinig kong sabi ni Cody bago ako nakalabas ng bahay hanggang nasa veranda na ako.

Madilim sa labas at wala namang ilaw dito sa labas nina Cait kaya wala akong makita. Nagtago ako sa ilalim ng table sa veranda at hinintay na lagpasan ako ni Zane pero wala talaga akong makita.

Then, biglang may tumakip sa bibig ko at may brasong pumalibot sa bewang ko. Sinubukan kong makawala pero wala, mas malakas talaga siya kesa sakin. No use trying.

"Akala mo ha?" bulong niya sa tenga ko at bigla nalang ako pinahiga sa sahig.

Nanlaki ang mata ko. "Z-zane!"

"You damn brat!"

"Maka-brat ka!" sigaw ko. "Bitawan mo na nga ako. Nakakainis, ang bigat mo."

I heard him smirk.

"What, you brat?"

Nanigas ako ng naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa bandang mukha ko. Ew! "Ano ba? Ang lapit mo! Umalis ka na—Oh my gosh!" He just kissed me on my cheek!

"Crap," aniya at akala ko lalaitin niya ako pero dinagdag niyang, "I missed."

"A-ano?" utal kong tanong at sinubukan siyang paalisin pero mas dinaganan niya lang ako. "Zane, naiinis na talaga ako sa'yo!"

"Good," saad niya at ang sunod kong naramdaman nalang ay ang labi niya... sa mismong labi ko.

I tried pushing him away, pero wala padin. He was now licking my lips. I remained frozen as he kissed my mouth.

Nang matapos siya, tulala padin ako.

M-my first kiss...

"Not bad, Nessa," bulong niya sa tenga ko. "But your kissing skills are lame."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top