Move Two
The First Show
~•~•~•~•~•~•~
"Pink kasi 'yun, e! Sino ba nagsabi na isasama ang pink sa white load?" galit na tanong ko kay Zane at tinignan ulit ang mga puting damit ko na ngayon ay may pink tint na. Yes, the idiot put a pink shirt in a white load. Ayan tuloy!
Pumadyak si Zane. "Hindi naman ako babae para malaman 'yan, e!"
"Common sense, tanga!"
"As if naman matalino ka masyado."
Umirap ako. "At least alam ko ang basics ng gawaing bahay! Paglalaba lang 'di mo kaya? E, sino naglalaba para sainyo this past year?!"
"May tinatawag na labandera, Nessa!" sigaw niya pabalik. "Hindi naman katapusan ng mundo kapag 'di marunong maglaba, a? OA ka lang!"
"OA?!" Hinampas ko sakanya 'yung dating white t-shirt ko. "Halos karamihan ng damit ko na puti sinira mo dahil sa kaengotan mo! Tapos OA pa ako ngayon? Wow ha!"
"Ang ingay mo, bwisit!"
"Mag-sorry ka nalang kasi!"
Inirapan niya ako. "Kapag maputi na ang buhok mo!"
"Matagal pa 'yun." Lumabi ako.
"Then start waiting," patapos niyang sabi at iniwan ako doon. Sa inis ko at binato ko nalang ulit lahat ng damit na hawak ko pero sinara na niya ang pinto. Huminga-hinga ako ng malalim para kumalma ako, pero nang maglaon ay inis na nilinis ko lang din ang laundry room. Kahit kailan talaga napaka-bastos ng lalaking 'yun! Wala siyang modo talaga!
Habang nagaayos ako ay tumunog ang phone ko at agad ko 'yung kinuha.
Cait: Kita tayo sa SB mga 4PM?
Huminga ako ng malalim at tumingin sa nilabhan kong mga damit. Napangiwi ako namg makitang pati ang tatlong tshirt ni kuya ay may pink tint nadin. Kasalanan naman ni Zane.
Vanessa: YES PLS. I need coffee so bad
Cait: zane??
Vanessa: Tumpak!
Cait: LMAO imagine when you're married
Kumunot ang noo ko at napalabi ako. Bakit ba lagi nilang sinasabi na magkakatuluyan kami ni Zane? E, alam naman nilang lahat na 'di pa nagkakaroon ng treaty 'tong war namin. Sa tagal ng panahon na magkakakilala kami, tsaka lang kami 'di nagbabangayan ni Zane kapag tulog kami pareho.
Vanessa: gonna ignore your comment. Kitakits! Papahatid ako kay Angelo.
Cait: wait and see. Okay!!
Napailing nalang ako at mabilis na tinapos ang pagtutupi sa mga damit. Magre-research nalang ako mamaya sa Google kung may chance bang ibalik sa dati 'yung kulay. May isang engot kasi na nagmagaling, e.
Nang matapos ako ay lumabas na ako at nakita ko agad si kuya na pawisan na sumasayaw. Pinanood ko muna siya dahil alam kong nagcho-choreograph siya ng sayaw. Pero para saan?
"Kuya," tawag ko nung matapos niya ang kanta.
Tumingin siya sa'kin. "Oh, Vanny. Andyan ka pala. Nag-away na naman kayo ni Zane?"
"Pano mo nalaman?" tanong ko at umupo sa may couch.
"Nagdadabog na lumabas, e. Ikaw lang naman dahilan ng pagka-inis nun," aniya at umupo sa harap ko, naka-squat sa sahig. "May performance nga pala kami bukas ng gabi. Annual welcoming party thing."
Tumango ako pero biglang naisip na makikita ko na namang sumayaw si Zane kaya agad akong napasimangot. "Ayoko pumunta, kuya."
Lumabi siya. "Sis, naman. Magpe-perform kami, o."
"Alam ko 'yun. Pero ilang beses ko na kayong nakitang mag-perform. Ngayon lang ako absent kasi naiinis pa ako sa pagmumukha ni Zane."
Napailing siya. "Hindi na talaga healthy 'yang pagbabangayan niyong 'yan. Kailan ba kayo magbabati?"
"Kapag bumait na 'yun sa'kin." Napasimangot ako. "Wala naman kasi akong ginagawa pero sinusungitan niya ako lagi. Nakakainis na, kuya."
Tumawa siya at tumayo. "I mean, I don't like it na away kayo ng away. Pero 'di ko rin naman ma-deny na kapag walang away, hindi kayo si Zane at Nessa." Kumindat siya at bumalik na sa pagsasayaw niya.
Zane and Vanessa? Napangiwi ako. Yuck. "Bakit ba lahat kayo pinagpipilitan na magiging kami? Halos magkapatayan na nga kami, e. We hate each other."
Tumawa si kuya. "Call me cliché, but there's a thin line between love and hate, Vanny."
Hindi ako nakasagot.
=•=
"Sinabi niya 'yun?" natatawang tanong ni Cait at nakasimangot na tumango naman ako bilang sagot. Tumawa siya ng malakas. "Grabe talaga si Vin! Siya ang boses naming lahat."
Nagsalubong ang kilay ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" takang tanong ko.
Ngumiti siya ng malawak. "May long-running pustahan kasi kami," aniya at agad nanlaki ang mata ko. "Yes, about sainyo ni Zane. Pusta ko, ni Vin, at ni Angelo na magiging kayo din. Si Cody, Patricia, at Miko naman ang pusta nila ay hindi kayo magkakatuluyan."
Napakurap ako. "At kailan matatapos ang pustahan na 'to?"
"Kapag naging kayo na," sagot niya at tinaasan ko siya ng kilay. "Or kapag nagka-boyfriend or girlfriend ang isa sainyo. Preferably, isa't isa ang maging syota niyo." Tumawa ulit siya.
Napailing ako. "Talo kayo, Cait. Hindi nga kami makapag-usap ng maayos ni Zane, e. Maging kami pa kaya?"
"Bakit parang disappointed ka?" pang-aasar niya at tumawa nang mapairap ako. "But, on a serious note, sinabi sa'kin ni Vin na 'di ka daw pupunta sa party mamaya?"
Tumango ako. "Wala ako sa mood, sinira ni Zane. Bwisit talaga siya, e!"
"Nako, Vanny, magsisisi ka kapag 'di ka pumunta. Sobrang fun kaya ng annual welcoming party," saad ni Cait at uminom ng frappe niya. "Last year, muntik na akong 'di pumunta pero pinilit ako ni Miko. I enjoyed it so much! You will, too."
Sumimangot ako. "Ano ba gagawin doon?"
"A lot," sagot niya. "There's a long buffet table filled with the best food ever. And then never-ending 'yung band, and sometimes may mga performances around 10PM."
Nanlaki ang mata ko. "10PM? How long is the party?"
"From 5PM to 3AM," aniya tapos tumawa nang makita ang reaksyon ko. "Vanny, what do you expect? It's the best and biggest party before college life actually starts. Think of it as your first taste."
"First taste?" Tumawa ako at napailing. "I still don't want to go."
Cait groaned. "I can't believe you. Hindi ka pupunta dahil lang kay Zane?"
"Alam mo naman kung paano kami mag-away nun, e." Napangiwi ako nang maisip ko na naman ang pinag-awayan naming dalawa. "Ewan ko ba doon, Cait, wala naman akong ginagawa sakanya. Bigla nalang siyang nagsungit sa'kin. Okay naman ang pakikitungo ko sakanya the first time we met, hanggang sa napuno na ako noong Sophomore year."
"Ah, yes." Cait grinned. "The start of World War III. Grabe kayo, ah? Three years na ang war ninyo. Baka matapos sa fourth year!"
Kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"World War I ended on its fourth year," sagot niya tapos chineck ang phone niya. She typed something quickly before looking at me. "Ano, punta na tayo sa mall? Shopping tayo for later."
"Hindi nga ako pupunta, Cait," ani ko at huminga ng malalim.
Ngumisi si Cait. "I love how you think you have a choice."
I just groaned and let her pull me up. Agad kong inabot ang SB cup ko at sinunod ko siya papalabas ng Starbucks. Nagulat ako nang makita si Patricia sa harap ng isang sasakyan at tumili ako bago tumakbo papalapit sakanya. "Pat!"
Tumawa siya at niyakap ako pabalik. "Vanny! I missed you!"
"Na-miss din kita," sabi ko at humiwalay na. Cait stood beside me and kissed Patricia's cheek. "Bakit wala ka noong dumating ako?"
"Hi, Cait," bati ni Patricia bago tumingin sa'kin. "Sorry. 'Yung boss ko kasi, 'di ako pinayagan na mag-day off kasi may event kami."
Tumango ako. "Ganun ba? Well, at least you're here now. Shopping daw tayo, e."
"Yup," saad ni Patricia. "And party later."
Tumawa si Cait at inakbayan ako. "See, Vanny? You have no choice at all."
Sumimangot ako at pinag-krus ang mga braso ko.
"Why?" tanong ni Patricia. "Hindi ka ba dapat pupunta?"
"Pinilit ko pa, e," sagot ni Cait. Kumunot ang noo ni Patricia kaya nagsalita ulit ti Cait. "Nag-away kasi sila ni Zane kanina. You know them naman."
Napailing si Patricia. "Some things never change talaga. Don't worry, magiging kayo din."
Nanlaki ang mata ko at aangal na sana pero nauna na silang sumakay sa kotse ni Patricia at wala na akong nagawa kundi ang sumunod na din. I wondered what they see between me and Zane para ispin na may posibilidad na maging kami. I don't see anything but dislike.
~*~*~*~
I lost Cait and Patricia fifteen minutes after we arrived. Of course, I managed fine on my own, hindi naman kasi boring ang party. I've met two people already, and they are extremely nice and my age. Everyone here is so... liberated. Biglang naisip ko ang isang San Diego party na pinuntahan ko nang nasa America ako last summer, with one of my cousins. It was so wild, but this party was milder. But was equally fun.
"Brat?"
Umikot ako at agad napasimangot nang makita si Zane. "What now, jerk?"
Ngumisi siya at lumapit sa'kin. May sinabi siya pero 'di ko narinig kaya tinuro ko ang tenga ko tapos ay umiling. He rolled his eyes, and surprised me by leaning towards me. Napasinghap ako ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko. "I can't believe you came!"
Sumimangot ako tapos nilapit ang labi ko sa tenga niya. "Bakit naman hindi? Bawal ba?"
"Vin told me na naiinis ka daw sa'kin, kaya hindi ka pupunta."
"That was the plan!" malakas na sigaw ko nang biglang magtilian ang lahat. One Last Time by Ariana Grande was playing, and everyone was singing along.
Ngumisi si Zane tapos ay hinila ako papalayo sa make-shift dance floor. He led me to the standing tables, and grabbed two champagne flutes. "I hate your outfit."
Tinanggap ko ang flute at nagpa-ikot ng mata. "I can say the same to you," saad ko at tinignan ang outfit niya. Well, he was only wearing jeans and a plain shirt. Nothing to hate there. I snickered and looked down at my outfit. Of course, si Cait ang pumili ng outfit ko. My leather mini skirt hugs my hips and butt tightly, and my sequined-style halter top showed my side boobs and it was bare-back. Then my heels were borrowed from Patricia's closet. Okay, I look like a San Diego party girl.
"—so I'm calling all performers to please go backstage. Performances will start in a few minutes."
Nagkatinginan kami ni Zane at nabigla ako ng hawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa backstage.
"Hey, hindi ako performer!"
Hindi niya ako pinansin hanggang sa makapunta kami sa entrance. A big, bulky guy was there and no doubt he was the bouncer.
"Pangalan," demanda niya at tinignan ang clip board niya.
"Zane Santiago."
Tumango ang bouncer at tumingin sa'kin. "Ikaw?"
"She's not on the list," sabi ni Zane dahilan para tumaas ang kilay ng bouncer. "Pero she's with me. She's my girlfriend."
Sinubukan kong umaktong normal kahit sa loob-loob ko ay halos mahulog na ako. I can't believe he just... Oh my gosh.
Tumango ang bouncer at hinayaan na kaming pumasok. Hinawakan ni Zane ng mahigpit ang kamay ko at hinila na ako sa hallway. It was buzzing with people, all dancing and warming up.
"Huy, bakit mo sinabi 'yun?" tanong ko sakanya.
"Para makapasok ka," sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Okay lang naman na sa labas lang ako, e. Actually, mas prefer ko doon. Para mapanood ko 'yung ibang—"
"Shut up, brat. You're staying here."
Nagpaikot ako ng mata at hindi nalang umangal. Baka sungitan pa niya ako at mainis na naman ako sakanya. Kumalma na ako dahil sa party at hindi ko hahayaan na sirain niya ulit ang mood ko. "Okay, so asan ang Troopers?"
Again, hindi niya ako sinagot kaya 'di nadin ako nagsalita. Doon ko napansin na magka-hawak parin ang kamay naming dalawa. Hindi nadin ako nagsalita tungkol doon. I just...
~*~*~*~
"Ay, kinikilig ako!" sambit ni Cait at tumili.
Sinimangutan ko siya. "Ano naman nakakakilig doon? Napaka-bossy talaga niya. Jerk."
Cait rolled her eyes. "Sobrang manhid mo or sobrang in-denial mo," saad niya tapos ay tumingin sa stage. Nasa upper-box kami ngayon, kung saan nakaupo din ang ibang mga VIPs and such. The performances started five minutes ago, at susunod na ang Troopers. We were just waiting for them comfortably dahil mataas naman kami kaya kita namin ng maayos ang stage. "Oh, ayan na sila."
The lights dimmed and I saw the Troopers going to their first positions. Hinanda ko ang DSLR ko para makakuha ng pictures. When the dance started, I gaped for a while dahil biglang nag-iba na ang genre ng sayaw nila. Cait was smirking at me and I just took pictures. Kinunan ko muna si kuya Vin na ansa center, tapos silang dalawa ni Patricia. I took pics of Miko dancing, and also Carmella. Then my lens concentrated on Zane and I took three pictures of him before putting my camera down. Pinanood ko sila, pero nakay Zane ang mata ko. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko matanggal ang atensyon ko sakanya. He was luring me in with his moves.
"Oh, akala ko ba naiinis ka kay Zane?" saad ni Cait.
I blinked. "To be honest, mas naiinis ako sa sarili ko."
"Bakit naman?"
Because I find Zane so fucking hot right now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top