Move Twelve

The Last Song
~•~•~•~•~•~

"Cait! Kumalma ka nga!" inis na sabi ko at pilit na pinipigilan si Cait sa pagtatalon niya pero malakas na tumili lang siya kaya bumitaw ako. "Cait naman!! Masakit sa tenga!"

"Kalokaaa!!" tili niya ulit at kumapit kay Zane na mukhang naiinis na rin. Binatukan niya si Zane kaya nanlaki ang mga mata ko. "Hayop ka, Zane! Sabi na e!! Sabi ko na e!! Magiging kayo na e!! Kaloka!!"

"Babe, masasapak ka na ni Zane," utas ni Miko at hinili palayo si Cait mula kay Zane. Natawa nalang ako pero natahimik rin nang irapan ko ng masungit kong boyfriend.

Napangisi ako. 'Di parin ako makapaniwala na boyfriend ko na ang ugok na 'to. Akalain mo 'yon? Sabi ko na e. Matagal nang may crush 'to sa'kin. In-denial lang ng sobra!

"Layuan mo nga ako, Miko! Kinikilig pa ako for my best friend e!" angal naman ni Cait pero wala din siyang nagawa nang pinaupo na siya ni Miko sa harap ng TV. "Miko! Ib-break kita!"

"Subukan mo," sabi naman ni Miko. "Papakasalan agad kita, sige ka."

Hindi na sumagot si Cait, tumahimik nalang kaya natawa ako. Nagulat nalang ako nang biglang umupo sa tabi ko si Zane at mapang-asar na ngumisi siya sa'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ganyan ka makatingin?"

Inakbayan niya ako. "'La naman, Nessa ko. Masaya ka?"

"Hindi. Ang baho ng kili-kili mo," asar ko at nagkunwaring ngumiwi pa.

Inirapan niya ako. "Ang arte mo. Mas mabaho ka naman."

"Huwag mo akong nilalait d'yan, Zane. I-break kita gusto mo?"

"Halik gusto ko," banat niya. "Pahingi nga."

"Yuck," asik ko at lumayo ng konti pero hinila niya din ako pabalik sakanya. Natawa ako nang halikan niya ng maraming beses ang pisngi ko. "Zane! Lintek! Nakikiliti ako!"

Natawa siya at tumigil din. "Ganda naman ng syota ko."

Nagpaikot ako ng mata sa ka-cornyhan niya. Medyo naninibago pa ako na sweet siya sa'kin. Sobrang sanay na siguro akong lagi niya akong nilalait—hindi pinapakilig. At ang malala pa, kinikilig naman ako. Kailan ko ba siya nagustuhan? Kailan ako nagsimulang kiligin kay Zane?

"Kain na!" sigaw ni kuya mula sa kusina at agad tumayo ang buong barkada.

"Ay sus ang mag-syota," asar muna ni Patricia bago pumasok sa dining room kaya hindi ako nakapagsalita. Naninibago pa talaga ako.

"Huwag mo na pansinin, brat," saad ni Zane at umakbay ulit sa'kin. Kala mo kung sino para maging clingy ng ganito.

"Kadiri lang kasi. Ikaw boyfriend ko," pang-iinis ko sakanya at gumana naman dahil sumimangot siya at alam kong susungitan na naman ako kaya inunahan ko na. "Oh, biro lang. 'Nong nangyari sa'yo huy? Naging tayo lang, nawala na wit mo."

Ngumisi siya at hinalikan ako ng mabilis. "Di bale nang mawala 'yon, naging akin ka naman na."

Umiwas ako ng tingin at naramdaman kong nag-init ang buong mukha ko. Shit. Ganito pala 'tong lalaking 'to? Mahilig palang bumanat ng sobra. Kailangan kong masanay!!

"Hoy, lovebirds, kain na!" sigaw ni Cody at binilisan ko ang lakad dahil tinatawanan na naman ako ni Zane na kinikilig ako.

"Tagal ah?" asar ni Patricia pagka-upo ko sa tabi ni Miko. Bumelat nalang ako at hindi na sumagot. Pinanood nalang na tumabi sa'kin si Zane na agad sumandok ng kanin.

"Hoy! 'Di pa nagdadasal," suway ni Cait kay Zane na parang tutang sumimangot at binitawan ang sandok. Natawa nalang ako.

"Pray na. Ikaw na mag-lead, Vanny," sabi naman ni kuya Vin.

Nanlaki ang mata ko. "Oh, bakit ako? Ikaw nalang kuya."

"Sige na, be. Ikaw na," pilit ni Patricia sa'kin. "Ipagdasal mo relasyon niyo ni Zane."

Napailing nalang ako sa sinabi nila at sinimulan nang magdasal. "Lord, lakihan niyo pa ho ang pasensya ko dito kay Zane. Baka sakaling magtagal kami kung ganon."

"Babaeng 'to talaga," inis na sabi ni Zane at inirapan ako pero ngumisi lang ako. "Lord, lakihan niyo rin ho pasensya ko dito sa syota ko. Baka iwan ko agad 'to."

Sumimangot ako sakanya pero kumindat lang siya.

"Kaloka hoy. Pati sa dasalan may harutan?" pang-asar ni Cody at hindi na ako sumagot. Tinapos ko nalang ang dasal pero bago ako mag-sign of the cross at tahimik akong humiling sa Diyos.

Lord, kayo na ho bahala sa'min. Huwag sana akong taruntaduhin ni Zane. Salamat. Amen.

"Oh, kain na!" sigaw ni Cait at naunang kumuha ng pagkain.

"Baboy talaga ng girlfriend mo," sabi ni kuya Vin kay Miko at imbes na umapila si Miko ay natatawang sumang-ayon lang ito.

"Mahal ko naman, pre, okay lang," saad ni Miko tapos ay pinunasan ang bibig ni Cait.

"Huy ha. Manood tayo ng movie mamaya. Ano'ng maganda kaya?" tanong ni Patricia habang pinupuno ng pagkain ang plato ni kuya.

"Gusto ko ng romantic drama," mabilis na sagot ni Cait at agad umapila ang mga lalaki kaya natawa ako. Tinignan ko si Zane na nakairap na sa best friend ko kaya mahina ko siyang siniko. Tumingin siya sa'kin at lumabi bago pagtuunan ng pansin ang pagkain niya. "Ang arte ninyo ha. Last time nga nag-Sinister tayo kahit ayaw namin e. Kami naman this time kaya huwag kayo."

Ngumiwi si kuya. "Tara, inuman nalang—"

"Hindi puwede," mabilis na putol ni Patricia. "Pinagbigyan namin kayo noon. Kaya kami naman pagbigyan niyo ngayon."

Napabuntong-hininga si kuya at mahinang ngumiti kay Cody. "Ano pa nga ba? Nagsalita na ang batas ko."

Nakita kong ngumisi si Patricia kaya napangiti din ako. Halata ngang under na under si kuya kay Pat. Sana maging official na sila.

"Yuck. Under," mahinang asar ni Zane kaya ako lang nakarinig.

Hinampas ko siya sa balikat. "Ganyan ka rin."

Bumelat siya. "Under sa'yo? Huwag nalang."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ah, ayaw mo ha? So lagi mong ko-kontrahin mga sasabihin ko, ganun ba?"

Sumubo siya at ngumuya. "Ganon na nga."

Ngumisi din ako. "Ganon pala. Sige, 'di rin ako makikinig sa'yo."

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Nessa.." may banta sa tono niya pagkasabi niya non pero nagkibit-balikat lang ako at pa-inosenteng ngumiti sakanya. Akala neto. Magiging under din 'yan sa'kin! Hindi ko 'yan hahalikan 'pag hindi. Charot!

"—ko na! 'Yung movie nalang ni Liam Hemsworth at Miley Cyrus," sabi ni Cait. "Tagal ko nang 'di napapanood 'yon e."

"Last Song ba 'yun?" tanong ni Angelo.

Natawa si Cait. "Bakit mo alam?"

"Paborito ng pinsan ko 'yon," paliwanag ni Angelo tapos ay nagkibit-balikat. "It's not that bad. At least hindi parang The Notebook. Mas corny 'yon a."

Cody scoffed. "Umamin ka nga, Ang. Ikaw ba ang addict o pinsan mo?"

"Maka-bully ka naman, Co," simangot ko. "Ang cool kaya na nanonood siya ng romantic dramas. Lalo na 'yung mga Nicholas Sparks."

Sa sinabi ko ay taas-noong ngumisi si Angelo. "Kita niyo na? Kaya ako pinaka-maraming chics sa'tin e."

"Ulul," sambit ni Zane at binatukan si Angelo. "Ako kaya. Pinipilahan nga e."

Binatukan ko rin si Zane. "Ikaw!"

Naiilang na ngumiti siya. "Dati. 'Di mo ako pinatapos e. Dati 'yon. Hindi na ngayon."

"Siguraduhin mo 'yan, Santiago."

"Hala! Bumakod na," asar ni Cait at natawa ng malakas. "Akalain mo 'yon? Selosa ka pala, be."

"Hindi kaya. Manood na ba tayo?"

"Change topic," mahinang asar ni Patricia kaya inirapan ko siya. Kumindat lang siya sa'kin.

"Last Song talaga? Hindi na p'wedeng baguhin?" angal ni Cody sa'min.

Umiling si Cait. "Don't worry, Cods, you'll like it. Napanood mo na ba?"

"Hindi pa. Ayoko nga. Ang cheesy," sabi ni Cody.

"Psst," pagkuha ni Zane ng atensyon ko kaya napatingin ako sakanya. Napaatras pa ako ng konti dahil ang lapit ng mukha niya sa'kin pero ang mokong nilapit lang din at nginisihan ako.

"Zane, ang lapit," reklamo ko ng mahina para kami lang makarinig. Nagkaingayan na din naman kaya 'di masyadong mahirap.

Nagpaikot siya ng mata. "Layo nga e," aniya at humalik ng mabilis sa balikat ko. "May sasabihin kasi ako. Secret natin."

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano 'yun?"

Nakakalokong ngumiti siya sa'kin. "Ang ganda mo, Nessa ko. Kahit tanga ka."

Natatawang tinulak ko palayo ang mukha niya. "Talagang tanga ako. Boyfriend kita e."

Ngumisi siya at humalik naman sa kamay kong nasa harap ng mukha niya. Napangiti ako. "Hmm... Malas ko naman. Engot pala ng girlfriend ko."

"Shut up."

"Halik muna."

Natawa ako, "Zane!"

"Sige na oh."

"Ang harot nila!" biglang tili ni Cait kaya napatingin kaming lahat sakanya. Nanonood pala sa'min ang baliw. Hinampas niya si Miko kaya napahiyaw ang boyfriend niya sa sakit. "Grabehan! Iba rin kayo e! You na!"

"Cait, masakit!" angal ni Miko nang sabunutan na siya ni Cait.

"Ay, sorry. Cute kasi nila, babe," hingi ng tawaf ni Cait at tumili ulit. "Kaloka! Naloloka ako!"

"Matagal ka nang loka-loka," sabi ko nalang.

"Ako din naloloka na," bulong sa'kin ni Zane.

Bumaling ako sakanya. "Ha?"

Humalik siya sa labi ko at napatili na naman si Cait habang si Zane ay kumindat. "Naloloka na ako sa'yo."

Muli ay napahiyaw sa sakit si Miko.

Ang landi!

=•=

"Gutom ka?" bulong ni Zane at hinigpitan ang yakap sa'kin. Umiling ako at sumiksik sakanya. Ayoko siyang sagutin dahil baka sungitan ko pa. Kanina pa ako naiinis sakanya dahil 'di siya matahimik! Nagp-play na 'yung movie daldal parin siya ng daldal.

"Ingay mo, pare," suway sakanya ni Cody na kanina ay nagrereklamo pero ngayon ay nakatuon ng sobra sa movie. Style pa kasi.

"Nagtatanong lang," simangot na sabi ni Zane at tumahimik na. Naramdaman kong napunta sa hita ko ang isang kamay niya pero prente lang siyang nanood ng movie. Palibhasa nakakumot kaming dalawa. Jusko. Mamanyakin na naman ata ako.

"Hmm," bawal ko nang nagsimula siyang humaplos. Ngumisi ang mokong ang ginawaran ako ng mabilis na halik sa labi bago sumandal sa'kin. Napailing nalang ako at nag-relaks na. Bahala siya diyan. Ang kulit.

"Nessa ko..." sobrang hinang aniya at hinalikan pa ang tenga ko. Ang touchy pala niya? Kaloka.

"Hm?"

Mahina siyang natawa at kinagat ang tenga ko. "Ganda mo."

Napailing nalang ako sa kalokohan niya at tinago ang ngiti ko gamit ang kumot. Sinubukan kong mag-concentrate sa pinapanood ko pero halik ng halik si Zane sa leeg, tenga, at pisngi ko kaya 'di ako mapakali. Buti nalang at madilim kaya 'di makikita ng iba, maliban nalang kay Miko kung tumingin talaga siya sa'min dahil nasa harap lang namin siya. Maharot kasi 'tong isa, e.

"Nessa ko..." tawag niya ulit ng sobrang hina.

Tinignan ko siya ng nagtataka pero ngumiti siya. At dahil sa ngiting 'yon, na-estatwa ako. Walang imik na napatitig lang ako sakanya at naramdaman ko ang pamimilis ng tibok ng puso ko. Napalunok ako.

Shit. Hindi maaari. Kalma lang, puso.

"Nessa..." aniya ulit at nilapit ang mukha sa'kin.

"B-bakit?"

Hinalikan niya ako ng matagal sa ilong ko at bumulong ng, "Mahuhulog na ata ako sa isang tanga."

Tangina. I need a heart doctor.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top