Move Three
The First Drink
~•~•~•~•~•~•~
"Hey, Vanny, you okay?" tanong ni kuya nang lumingon siya from the passenger's seat.
Kumunot ang noo ko. "Yes, kuya. Bakit?"
Umiling siya. "Nothing," sagot niya. "Hanggang 3AM lang tayo doon, guys."
"Sure thing," mabilis na sagot ni Cait. She gave me a knowing look.
"Why?" angal ni Zane. Tinignan niya ako at inirapan. "Too late for your bedtime, brat?"
I rolled my eyes. "P'wede ka naming magpa-iwan, ah? Can't live without me?"
"I'd like to try," he hissed.
"Subukan mo," sabi ko ang ngumisi sakanya. "Your life will be boring."
"Without a killjoy?" It was his turn to smirk at me. "Baka nga mas gumanda pa, e."
Inirapan ko siya. "Ako nga lang exciting sa buhay mo, e."
"Feel mo din, ano?" sabi niya at ngumisi. "Keep dreaming, Nessa."
"I will," saad ko at pinaningkitan siya ng mata. "And call me Vanny! Not Nessa!"
He snorted. "I can call you whatever, you little brat."
"Jerk!"
"Annoying!"
"Rude as heck!"
"Retard!"
"Bas—"
"Okay, cease fire!" Pumagitna ang braso ni Cody sa amin ni Zane at nagpatayan kami ng tingin bago umiwas.
Tumawa si Angelo. "Ang weird niyo. Laging nag-aaway pero nagtatabi padin naman lagi. May sepanx ata kayo sa isa't isa, e."
"Ew!" sabay na sabi namin ni Zane at nagkatinginan ulit pero umiwas din.
"Aw," sambit ni Cait. "Feeling ko talaga malapit na tayo manalo sa pustahan, Angelo! Malapit na!"
"Babe, hindi kayo mananalo," sabi naman ni Miko mula sa likod. "Baka mauna pa silang magpatayan."
Umikot si Cait para harapin ang boyfriend niya at naa-amaze na pinanood ko siyang umirap. "Hoy, science major ako! I know chemistry when I see it."
"Iba ang love sa science," bwelta ni Cody at nag-apir sila ni Miko.
"Love?" Ngumiwi si Zane tapos ay tumingin sa'kin. "I love to hate you."
Nagpa-ikot ako ng mata. "And I would hate to love you," banat ko at ang baliw na sina Patricia at Cait ay kinikilig naman kaya napangiwi ako. "Ano ba! Kinikilig kayo d'yan? Grabe."
Tumawa si kuya Vin. "Loosen up, Vanny. Kahit ako nga kinikilig sainyong dalawa, e."
Nanlaki ang mata ko. "Kuya, seryoso?"
He shrugged. "Hey. You two fight a lot, pero matino naman 'yang si Zane."
Ngumisi si Zane sa'kin pero nagkunwari akong nasusuka kaya napasimangot siya. "What? Matino naman talaga ako!"
"As if," inis na sabi ko. But of course, matino naman talaga siya. Matinong gago. Malandi siya dahil kausap niya halos lahat ng babaeng—although sila ang lumalapit—pero hindi naman siya nanloloko, I guess. Now that I think about it, he never even introduced a girlfriend to us.
"Let's end the debate," sabi ni Cody na umiiling. "Andito na tayo. Okay. Base rules!"
"No drinking too much," mabilis na sabi ni Cait at pinaningkitan ng mata si Miko na umiwas ng tingin. Napangisi ako.
"Angelo is the designated driver," sambit ni kuya tapos ay umikot para tumingin sa'kin. "Vanny, stay close to us, okay?"
Tumango ako at kinuha mula kay Zane ang denim jacket niya. "Hiramin ko a."
"Bakit kasi 'di ka nagdala ng sa'yo?" inis na sabi niya at hinablot ang jacket niya.
Lumabi ako. "Hindi ko naman alam na malamig, e."
Cait pushed me out. "Hay nako, labas na nga. Mainit naman sa loob."
Hindi nalang ako sumagot at kumapit kay Cody. Sama-sama kaming pumasok sa frat house ng Alpha Phi Brotherhood, isang fraternity na nag-hold ng after-party para sa annual welcoming party. Apparently, may kilala si kuya at Cody dito kaya p'wede kaming pumasok. Added bonus lang din na gusto nilang i-recruit sina kuya.
"Ang laki naman ng bahay nila," puri ko at tumingin-tingin sa paligid. Of course, hindi ako masyado nakakakita dahil medyo madalim pero nakikita ko naman ang outline tsaka malaki talaga.
"Mayaman kasi 'yung founders kaya maganda ang funding," sagot ni Cody. "Pati mga alumni nila nagdo-donate padin kaya APB ang isa sa pinaka-mayaman at pinaka-malaking fraternities dito."
Tumingin ako sakanya. "Balak mong sumali?"
Nagkibit-balikat siya. "Siguro. Hindi ko pa naman kasi alam ang initiation nila, e. At wala naman akong panahon pa para sa isang frat."
Tumango nalang ako at sunod-sunod kaming nagpunta sa backyard. Agad na may mga lumapit sa amin na tao at binati sina kuya. Maski si Cait ay binati nila, ako lang ata ang walang kakilala. Well, that's because bago lang ako.
"—my sister, Vanny."
Napakurap ako at tumingin kay kuya na pinapakilala ako. Tinawanan ako ni Zane kaya umirap ako sakanya bago humarap sa mga kaibigan ni kuya. I smiled. "Hi," bati ko at kumaway.
"Ganda niya," komento ng isa kaya naman namumulang ngumiti ako at sumiksik kay Cody. Hindi ako mahiyain, pero hindi din naman ako komportable sa mga taong kakakilala ko palang—lalo na kapag pinupuri nila ako.
"Uh huh," sagot naman ni kuya at nagpa-ikot ako ng mata. Minsan nagtataka talaga ako kung bakit hindi siya kasing-protective ng ibang mga kuya. Granted na naiinis ako tuwing nagiging protective siya, pero sana mapilit siya! Para naman sibling goals kaming dalawa. "May free table pa ba?"
"Yeah," sagot nung lalaki na ang pangalan daw ay Lester. "May sarili kayong table doon. Enjoy the party, everyone! And no sex on the second floor, okay?"
We laughed and thanked him. Si kuya na ang nag-lead papunta sa isang table at kita kong naka-set up na ang beer pong doon.
"Beer, guys?" tanong ni Angelo.
"Get one for all," sagot ni kuya tapos napatingin sa'kin. "Except Vanny. She gets a coke."
Zane snorted beside me. "Such a killjoy, Nessa."
Sumimangot ako. "Hindi lang talaga ako umiinom. And, technically, underage pa naman ako. 21 ang legal age to drink."
"Alam mo, Vanny, 'di naman strikto ang Pinas, e. Kaya hindi naman talaga 'yan naga-apply kasi wala namang sumusunod d'yan," singit ni Patricia. Agad siyang siniko ni kuya kaya napangiwi siya. "Bakit? Sinasabi ko lang naman, e!"
"Gusto mo siyang uminom, ganun?" tanong ni kuya at sumimangot.
Nagpa-ikot ng mata si Patricia. "Babe, p'wede bang kumalma ka? Gusto ko lang naman na mag-enjoy si Vanny. Freshman year niya, it's the year where a lot of things change."
"And she needs to embrace it," dagdag ni Cody tapos ay umakbay sa'kin. "Besides, andito naman tayo para bantayan ang alcohol intake niya, e."
Nagkatinginan kami ni kuya at pilit n ngumiti ako. "Guys, na-appreciate ko na gusto niyong magsaya ako, pero hindi ko naman kailangan uminom para mag-enjoy, e." Nagkatinginan kami ni Angelo na kakadating lang dala ang maraming beer. "Besides, Angelo needs a sober pal later."
"Ang sabihin mo, KJ ka lang," pangiinis ni Zane at kumuha ng isang bote ng beer. Inalok niya sa'kin 'yun. "C'mon, Nessa. Drink up."
Umiling ako. "Zane, 'di talaga ako umiinom n'yan."
"Huwag niyo nang pilitin," sambit naman ni Cait at binuksan ang isang pack ng ping-pong balls. "Magsimula nalang tayo sa laro natin. Zane, ikaw na mag-sub sa drinks ni Vanny, ha?"
"Bakit ako?" kunot-noong tanong niya. "Ako pa malalasing agad dahil KJ 'tong isang 'to."
Lumabi ako. "Hindi nga ako KJ! Hindi lang talaga ako umiinom ng beer."
Zane snorted. "Oh, sorry, Your Highness, did you want the most expensive wine?" sarkastikong aniya.
Inirapan ko siya. "Off with your head!"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano ka, Red Queen? Geez, Nessa. Stop your obsession with Disney movies."
"I can't help it," inis na asik ko. "The freaking Mad Hatter is always around me."
"Then tell Cody to fuck off," aniya.
Nanlaki ang mata ni Cody. "Hoy, labas ako d'yan sa bangayan ninyo!"
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Why don't you?"
"Why don't I what?" hamon ni Zane.
Napalunok ako. "Why don't you fuck off instead?"
Napangisi siya. "Wow. Growing a backbone, huh? What next? Boobs?"
Sumimangot ako. "Bwisit ka! Hindi naman ako flat-chested, e!"
"Hindi nga," aniya tapos ngumisi. "Sobrang laki lang kasi ng pwet mo na nagmukha kang flat-chested."
Sa inis ko ay sinabunutan ko siya. "Bwisit ka talaga! Wala kang magawa sa buhay mo, Zane!"
"Oy, tama na," singit ni Cait at hinila ako papalayo kay Zane na nakangiwing sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"Kayong dalawa nagiging physical na," komento ni Miko at tinapik sa balikat si Zane na umupo sa tabi niya.
"Next time, halikan na 'yan!" asar ni Angelo at sabay namin siyang tinadyakan ni Zane. "Aray! Tangina, meant to be talaga!"
"Baka gusto mong mabaog, p're?" pikon na sambit ni Zane tapos umirap sa'kin.
"Ano?!" inis na tanong ko nang patuloy siyang tumitig.
Nangiinis na ngumiti siya. "Killjoy."
That did it!
Tumayo ako at lumapit sa'kin. Umatras siya at tinakpan ang buhok niya kaya saglit akong napangisi pero binalewala ko din. Inagaw ko sakanya ang bote ng beer niya at kalahati na 'yun.
"Vanny—"
I tipped my head back and drank what was left, then slammed it when I was done. Nagkantyawan ang mga kaibigan ko pero nakay Zane ang tingin ko. Inirapan ko siya. "I am not a killjoy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top