Move Thirteen

The Last Promise
~•~•~•~•~•~•~•~


"Vanny, anak, asan ka na?" narinig kong sabi ni mommy at nang natawa ako ay agad niya akong nilingon. Inirapan niya ako at pinatay ang tawag kaya naman binaba ko na rin ang phone ko. "Ikaw na bata ka! Halika nga! Yakapin mo ako! Na-miss kita!"

Natatawang lumapit ako sakanya at yumakap. "Ikaw naman, ma. Parang 'di mo ako nakita last week ah?"

"Aba, e single ka pa last week e," pang-aasar niya sa'kin kaya ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko. Natawa siya at sinundot ang tagiliran ko kaya lumayo ako. "Ay ang baby ko, malaki na. Tinalo mo pa ang ate mo."

Inakbayan ko siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa mall. "Alam mo naman kasi si ate, ma. Napakasungit naman kasi non sa mga lalaki kaya walang nagkakamaling lumapit. Parang kakatayin niya lahat ng manliligaw niya."

"Vicky is just too career-driven, anak," aniya at tinapik ang kamay kong nasa balikat niya. "You cannot fault her for wanting to succeed in life."

"Sus. Si ate pa. Pero baka hindi ka na magkaka-apo doon, ma," biro ko pero sumandal lang sa'kin si mama. Buti nalang at mas matangkad ako kesa sakanya. Nagmana ako kay dad ng height, e. Hindi kay mama na halos 'di na five footer.

"Ayos lang, 'nak. Andyan ka naman at ni Vin. Sainyo nalang ako magkaka-apo," aniya.

Sa sinabi niya ay hindi ako naka-imik. Ngumiti nalang ako ng tipid at sabay na kaming pumasok sa mall kung saan kami magpapa-hair salon.

"Oh, tahimik ka bigla? Huwag mong sabihing pati ikaw hindi ako bibigyan ng apo?"

Lumabi ako. "Ma naman. Ang bata ko pa. Buntis agad?"

Kumindat si mama. "Willing siguro si—"

"Ma, yuck!" mabilis na putol ko kay mama. Minsan talaga masyadong chill si mama, pero mas madalas na OA 'yan at ma-drama. Ewan ko d'yan. Kung ano-ano sinasabi.

"Biro lang, Vanny. Huwag muna 'no! Kasal muna dapat," sambit niya at inakay akong papunta sa escalator. "Maayos naman pakiramdam mo nitong mga nakaraang araw? Hindi ka nas-stress sa school?"

Nagkibit-balikat ako. "Okay lang, ma. Nakakaya ko naman po. It's bearable."

LOL. Asa pa ako. Sunog na ata kilay ko e.

"Mabuti naman kung ganon. Ang kuya mo halos umiyak na noong una siyang umuwi galing UP," kwento ni mama tapos ay pinanlakihan ako ng mata. "Huwag mong sabihin, ha? Sa'kin pa mainis 'yon."

Natawa naman ako sa sinabi ni mama. Hindi naman kailangang sabihin 'yun dahil andun din naman ako. Balak nga ni kuya mag drop out after the first month e. Magiging stripper nalang daw siya, baka mas malaki pa daw ang kita. Tarantado din 'yun e.

"Anyway... Nasabi na sa'kin ng kuya mo na mamaya daw ang huling appointment kay Dr. Fryer," sabi ni mama at tumingin siya sa'kin. Tumango ako bilang sagot at hinintay ang sasabihin niya. "Anak, tingin mo ba kaya na natin? Sainyo palang ng kuya mo ang dami niyo nang stress."

Ngumiti ako ng pilit. "Diba sinabi mo naman na kaya mo na, ma? Na hindi na kailangan ng treatment o kung ano-ano pa."

Dahan-dahan na tumango si mama at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "Natatakot lang ako, 'nak... Sinabi man ni Dr. Fryer na wala nang ibang magagawa kundi maghintay," aniya at napasimangot ako nang marinig ang pagpiyok ng boses niya. Iiyak na naman siya.

"Ma... Don't cry. 'Yung BP mo tataas na naman sa stress," paalala ko sakanya at inakay siya papunta sa salon kung saan kami nagpa-appointment.

Huminga siya ng malalim at napailing. "Paanong mas malakas ka kesa sa'kin, Vanny? You've been so strong despite everything that has happened. What's your secret?"

I smiled tightly. "I left everything in God's hands, ma. Siya ang secret weapon ko."

Mama hugged me before entering the salon. 

Napatitig ako sa likod niya at naramdaman kong namamasa ang mga mata ko. Despite the fact that I show such a strong front, natatakot parin ako sa pwedeng mangyari. Sa posibilidad na balang araw ay hindi ko na makakasama ang pinakamamahal kong mama. Na pagkatapos nito ay hindi ko na mararamdaman ang mga mainit niyang yakap o marinig ang malambing niyang boses. It scares the shit out of me.

"Vanny, halika na," tawag niya mula sa loob at dahan-dahan akong pumasok. Minuwestra niya akong umupo sa tabi niya at agad kong binati ang hair-stylist ko. "Tell her what you want, Vanny."

I smiled tightly. "Gusto ko sanang ipa-layers ang buhok ko. And maybe a little bit of light brown highlights?"

"Maganda 'yon. Ayaw mo bang ipa-light brown ng kumpleto?" tanong niya at hinanda ang pang-shampoo niya sa'kin.

Umiling ako. "Just highlights, please."

"Okay. Higa ka na, hija. I-shampoo natin ang buhok mo."

Sinunod ko ang utos niya at tumitig na lamang sa kisame tsaka ko pinakinggan ang boses ni mama habang nag-iisip siya kung ano ang gusto niyang gupit. At nang magsimula na ang hairdresser ko na i-shampoo ang buhok ko ay pumikit ako. Doon ko lamang hinayaan ang sarili kong alalahanin ang huling pagkikita namin ni Dr. Fryer noong isang linggo lamang.

"Doc, hindi na ho ba talaga p'wedeng magpa-opera?" tanong ni mama at mahigpit na humawak sa kamay ko. Hindi ko dinagdagan ang sinabi ni mama at hinintay na lamang ang isasagot ni Doc sa amin. Base sa ekspresyon niya... alam kong malabo na talaga.

Umiling si Doc at huminga ng malalim. "Kung sana ay mas maaga natin nakita ang abnormality na 'yun ay sana may magagawa pa tayo, Mrs. Decilva. Pero, ayun nga... Hindi naagapan agad kaya naman masyado nang lumala ang plaque. I'm sorry, Mrs. Decilva, but this case of coronary artery disease is not rare but it also is not very common," aniya tapos at saglit na sumulyap sa'kin. Pilit na ngumiti ako at napalunok na lamang. Nagpatuloy siya. "You see, masyadong late na nakita natin ang pamumuo ng plaque sa blood vessels at nang ma-track na natin ito ay masyado nang malaki. Now you both know that there are no cures to this type of disease, only treatment. Pero inuulit ko na dahil nga sa hindi agad nabigyan ng atensyon ay masyado na itong malaki."

Naiiyak na si mama at maagap ko siyang niyakap para pakalmahin. Napapikit ako at pinigilang umiyak. Kailangan kong maging metatag para sa'ming dalawa.

"A-Ano'ng ibig mong sabihin, Doc?"

Bumuntong-hininga si Dr. Fryer at alam ko na agad na hindi maganda ang susunod niyang sasabihin. "Well, Mrs. Decilva, it only means that there are higher chances of ischemia. It basically means the artery is so narrow na hindi na makalagpas ang oxygen-filled blood papunta sa puso. This is one of the major causes of heart attacks and... Well."

Napalunok ako at napatingin kay Dr. Fryer. "Ano po?"

Hinilot niya ang sentido niya at pilit na ngumiti. "Heart attacks are so sudden that we never know. They can happen anytime. Which is why I suggest you make the most of it."

"W-wala na ho bang pwedeng gawin?" tanong ko at pilit na hindi pinapansin ang pag-iyak ni mama. Mas nasasaktan ako sa bawat hikbi niya. Kung p'wede lamang ay sa'kin nalang lahat ng sakit na nadarama niya. Sana...

"I'm sorry, Miss Decilva. Pero sa nakikita ko ay kahit mag-araw-araw ang gawin nating treatment ay hindi na talaga maisasagawa ito. Maliban na lamang kung gusto nais ninyong magpa-heart transplant. Pero kahit 'yun ay hindi sigurado na makakatulong."

Napalunok ako para pigilan ang hikbi kong namumuo. "So, ganon nalang po 'yun, Doc? Wala na talagang pag-asa na mabuhay ako ng mas matagal?"

Kinagat niya ang labi niya at umiwas ng tingin. "Manalig ka sa Diyos, Vanessa. He gives us the miracles that He knows we need."

Sa sakit na naramdaman ko ay napahikbi na ako at napakapit kay mama. "Ganon nalang po? 'Yung puso ko... Hindi ako k-kayang buhayin?"

"I'm so sorry, Vanessa. We all did our best."

Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang pangalan ko. Agad kong nakita si mama na nasa harapan ko na at kita kong lumuluha na siya. Iniwan din kami ng mga hairdresser kaya dahan-dahan akong umupo para maka-usap si mama ng maayos.

"Sorry, ma," mahinang sambit ko at yumuko. "Y-you told me I was so strong pero... pero, sorry, natatakot parin ako. Natatakot ako na sa pag-alis ko hindi na kita makakasama pa. O mahahawakan pa muli. Ma, takot na takot na ako..."

Agad niya akong niyakap at muli ay hinayaan ko ang sarili kong umiyak. Hindi na baleng maraming nakatingin sa'min dahil gusto kong namnamin ang bawat yakap ni mama habang nararamdaman ko pa ito. Natatakot akong mamatay hindi dahil sa ideya na mawawala na ako sa mundo. Sobrang natatakot akong mamatay dahil sa ideya na kapag ako ang umalis, mawawasak na naman ang mga mahal ko sa buhay. We lost Vianna and we were all broken-hearted with it. Ano pa ako? Paano na ang mama ko? Ang kuya at ang ate ko? Paano na 'yung mga taong iiwan ko? Si Cait? Si Zane? Paano na sila?

"Vanny... Tahan na, anak. Alam mo naman h-hindi p'wede ang malalakas na emosyon sa'yo diba? Tahan na," alo ni mama sa'kin at mariin lamang akong napapikit. "Anak..."

"I-I love you, ma... Mahal na mahal ko po kayo..."

"Mahal din kita, Vanny. Mahal na mahal," malumanay na sabi niya at pinakalma ko na ang sarili ko.

Oo, tanggap ko nang mamamatay ako. Na isa sa mga araw na 'to ay mawawala din ako sa mundong ito. Pero hangga't makakaya ko ay hindi ako gagawa ng paraan para mapabilis ang pagkawala ko. No. I have so much more to do in my life. At hangga't walang taning ang buhay ko hindi ako titigil.

This will be the last promise I make to myself: Lalaban ako. Kakayanin ko 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top