Move Ten
The First Sign
~•~•~•~•~•~•~•~
Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari kagabi. Pagkatapos na sabihin ni Zane na nililigawan niya ako ay todo asaran na ang mga kaibigan namin. Sinimulan nadin nilang magbigayan ng pera dahil tapos na daw ang pustahan dahil nagkahulugan na kami ni Zane. Of course, umangal ako. Hindi naman ako in love kay Zane, e. Kahit man aminin ko na sa sarili ko na may konting pagtingin ako sakanya, hindi ko naman p'wedeng sabihin na in love ako sakanya. It's just too... weird.
I mean, I've hated the guy for so long. Paano naman nila ine-expect na bigla ko nalang siya mahal dahil lang sa manliligaw ko na siya? I'm not even sure if Zane was serious last night! Baka inaasar lang niya ako.
With that in mind, bumangon na ako. Mamayang ala-una pa ang pasok ko pero naisipan kong mag-jogging ngayon. Pampawala ng stress at init ng ulo sa mga nangyari kagabi. I still can't believe Zane would say all those things. Sa mga baliw pa naming mga kaibigan! Papaasahin niya lang ang mga 'yon.
At ako din!
Napailing ako sa sarili. No, hindi ako. Hindi ako kasali kasi hindi ako aasa.
Tumunog ang phone ko at na-realize kong halos ma-drain na ang battery nun dahil sa hindi natahimik na group chat namin. Napangiwi ako.
Cait: Still can't believe my ZaNy is happening
Patricia: Ano ba talaga? ZanNy o ZaNy?
Cait: ZANY
Miko: couple goals
Napatakip nalang ako ng unan sa mukha sa mga nababasa ko. Marami pa pero halos lahat ng 'yon ay pang-asar sa'kin na sagutin ko na daw si Zane. At ang hayop na 'yon, talagang kinunsinti pa ang pang-aasar sa'kin. Kung talagang manliligaw ko siya, ayoko siyang sagutin! Walang hiya.
"Vanny, gising na!" Kumatok si kuya sa pintuan ko. "May pasok ka pa."
Tumayo ako para pagbuksan siya. "Kuya, good morning." Bumeso ako sakanya bago umatras. "Wala akong morning classes today, e. Mamayang ala-una pa at hindi ata ako papasok ngayon."
Sumimangot siya. "Bakit naman hindi?" Nanlaki ang mata niya. "Okay ka lang ba?"
Natawa ako sa inasal niya at tumango. "Okay lang pakiramdam ko, kuya. Pero nagpapasama si mommy sa doctor ngayon. Tingin ko 'di ko din mahahabol 'yung class ko mamaya kasi alas-nueve 'yung appointment."
"Ahh," aniya at tumayo. "Sige ba. Labas ka na, pinagluto ka ni Zane."
Napairap ako sakanya nang mapang-asar siyang ngumisi sa'kin. "Kuya, huwag mo akong simulan ha! Umagang-umaga sinisira mo araw ko."
Tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Kalma, Vanny. Sinasabi ko lang naman."
"Hindi ko siya manliligaw, OK?"
Tumawa siya. "Weh? Iba sabi niya kagabi."
Napalabi ako. "Pinagtri-tripan lang niya ako, kuya. Nahulog naman kayo sa pakulo niya?" Napailing ako at pinag-krus ang mga braso ko. "At talaga bang naniniwala kayo na liligawan ako nun? E sangkatutak nga ang pagkademonito niya sa'kin, e!"
Hindi na pinansin ni kuya ang sinabi ko at ginulo nalang ang buhok ko. "Ang dami mong sinabi, Vanny. Mag-ayos ka nalang at lumabas na para makakain ka na. Hindi magandang pinaghihintay ang grasya."
I nodded. "Maliligo lang ako, kuya."
"Sige na. Bilisan mo na, kanina pa naghihintay si Zane."
Hindi na ako sumagot at padabog na sinara nalang ang pinto. Narinig kong humalakhak si kuya habang papalayo kaya mas napasimangot ako. Nakakainis talaga ang Zane na 'yun! At ang pinaka-malala pa ay hindi ako prepared sa mga pinaggagagawa niya. Hindi ako ready! Hindi ako na-orient!
Imbes na magtagal ay mabilis na naligo nalang ako. Simpleng damit lang ang ginamit ko at sinigurado kong disenteng tignan. Syempre, pupunta kami ni mommy sa hospital at ayoko namang mag-shorts ng maikli papunta doon. Nakakahiya kay Dr. Fryer.
Pagdating ko sa kusina ay si Angelo at Zane agad ang nadatnan ko. Ngumisi si Angelo sa'kin pero pinanlakihan ko siya ng mata habang si Zane naman ay inirapan ko.
Tumawa si Angelo. "Hindi ata maganda ang gising mo, Vanny?"
"Paano ba naman kasi... may isa d'yan na ininis ako kagabi," sabi ko sabay irap kay Zane. Napangisi lang siya sa'kin at nilapitan ako. "Huwag kang lumapit!"
Nagpa-ikot siya ng mata at sumandal sa countertop sa harap ko. "Don't be such a brat, Nessa. Ang aga aga."
"Sus. My brattiness knows no time," sabi ko bilang pang-inis at umabot ng apple.
Napailing si Zane at hinuli ang pulsuhan ko. "I made you breakfast."
Napatingin ako sa mesa at nakita kong nagluto siya ng pancakes at scrambled eggs. Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. "Bakit mo ako pinagluto?"
"Kasi nanliligaw ako sa'yo."
Sumipol si Angelo habang ako naman ay namumulang umiwas ng tingin. "Ayun oh! Idol ka talaga, Zane!"
"Don't encourage him," asik ko kay Angelo na tumawa nalang. Tinuro ko si Zane. "At ikaw naman! Huwag mo silang bigyan ng rason para asarin ako!"
"Hindi naman 'yun pang-asar," depensa niya at pinaningkitan ako ng mata. "Everything I said was true. Nililigawan kita."
Hindi ako nakasagot. Tumitig lang ako sa mga mata niya at kita kong seryoso nga siya. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. "Whatever," sabi ko at nilagpasan siya para umupo sa silya. "Gutom na ako."
"Just eat."
Nagpaalam na si Angelo dahil papasok na siya kaya naman naiwan na kami ni Zane. Umalis na si kuya kanina habang naliligo ako kaya alam kong wala nang p'wedeng sumingit sa usapan namin. Bwisit!
Nagulat nalang ako nang biglang gumalaw si Zane sa kusina at binigyan niya ako ng baso ng tubig. Utal na nagpasalamat ako sakanya at ngumisi lang siya sa'kin.
"Anything for you, my bratinella."
Napangiwi ako at tinago ko 'yun sa pag-inom. Hindi ako sanay na ganito kabait si Zane sa'kin. Noon lagi kong iniisip na tsaka lang siya gagawa ng mga bagay para sa'kin kung gugunaw na ang mundo. Pero sa pagkakaalam ko, hindi pa naman end of the world kaya talagang nakakapanibago na ganito siya sa'kin. Pinagsisilbihan niya ako. Nililigawan niya ako.
"Zane..."
"Hm?"
I gulped. "Ano... N-nanliligaw ka ba talaga?"
Seryosong hinarap niya ako. "Yes, Nessa. I'm serious."
Mahinang napasinghap ako. "Bakit? I mean, lagi tayong nag-aaway. We hate each other nga, diba? B-bakit biglaan ata?"
Nagkibit-balikat siya tapos ngumiti ng malawak sa'kin. "Don't ask me, Nessa. Hindi ko din namam alam ang sagot sa mga tanong mo. All I know is that I'm acting upon my feelings. And my feelings say that I want you."
Shit. Sana pala hindi nalang ako nagtanong. Kinilig tuloy ako.
=•=
"He's a nice man," komento ni mommy pagkatapos kong i-kwento sakanya ang mga nangyari kagabi at nitong umaga. Akala ko papanigan niya ako at sasang-ayon na sobrang biglaan naman ata pero natuwa lang siya. Matagal na pala niyang gusto si Zane na maging boyfriend ko. Unbelievable!
"Mom, seryoso?" angal ko at napapadyak. "Hindi ka dapat agree!"
Natawa si mommy. "Anak, what do you want me to say? Na ayoko kay Zane?" Tumango ako at mas lalo siyang natawa. "Then I would be lying, anak. Gusto ko si Zane para sa'yo. Mabait siya at kaya niyang makipag-sabayan sa'yo."
Lumabi ako at kokontrahin na sana siya pero tinawag na kami ng nurse. Ngumiti muna sa'kin si mommy bago naunang sumunod habang ako naman ay huminga ng malalim. Ayoko munang isipin 'yung pakulo ni Zane, dahil sa ngayon ay may mas importanteng bagay akong dapat na pangambahan. This first—that later.
=•=
From: Kuya Vin
Ano? Kumusta check-up?
To: Kuya Vin
Okay naman lahat, kuya. No complications daw at nag-improve na ang results sabi ni Doc.
From: Kuya Vin
Good to know. Pauwi ka na ba?
To: Kuya Vin
I'm home na. Mommy dropped me off. Nagho-homework ako, why?
From: Kuya Vin
Hindi ka aalis? To visit Vianna?
To: Kuya Vin
Later pa kuya. Finish ko muna yung isang module ko for Lit.
From: Kuya Vin
OK. Ingat ka Vanny. I love you.
To: Kuya Vin
I love you kuya :)
I sighed and locked my phone. Tinitigan ko ang papers na nasa harapan ko at agad akong tinamaan ng Espiritu ng Katamaran. Ewan ko ba, lagi nalang ako binibisita nitong mga nakaraang araw. Pero iba ata ngayon, dahil distracted ako.
Masaya kasi ako na may improvement na daw sabi ni Doc, kaya hindi na masyadong magaalala ang buong pamilya. Pero alam kong kahit ano'ng mangyari ay mag-aalala parin ang lahat. Buti nalang konti lang nakaka-alam dahil ayaw din naman na ipaalam ni Mommy sa iba, ganon din kami ni kuya. At may pag-asa pa naman daw na maagapan sabi ni Doc, basta huwag lang daw masyadong ma-stress. Sana sapat na 'yon para kay Mommy. Ayokong ma-stress pa siya lalo.
"Kainis," sabi ko sa sarili ko at niligpit nalang ang mga gamit ko. Mamaya nalang ako magho-homework, 'pag 'di na ako masyadong tinatamad.
Agad akong nag-ayos pagkatapos dahil dadalawin ko si Vianna. Matagal na rin noong huli akong bumisita at dadaan pa ako ng bulaklak. Nagpalit ako ng jeans at kinuha ko ang isang t-shirt ni Zane mula sa kwarto niya. 'Yung paborito kong shirt niya na may silhouette ni Marilyn Monroe.
"Nessa?"
Natigilan ako nang marinig ko siya. Agad na namang bumilis ang tibok ng puso ko at napalunok ako. This is so not good! Bakit andito na siya? Ang aga naman!
"Nessa, asan ka?"
"Room mo," malakas na sagot ko at hinintay siyang makapasok. Hinanda ko ang sarili ko sa sigaw niya pero nang makapasok siya ay nagulat ako dahil tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Namumuro ka na sa closet ko ha? Mas ikaw pa gumagamit ng mga damit ko," komento niya tapos ay lumapit sa'kin. Nagkibit-balikat lang ako at pinanood siyang humiga sa kama. Dahan-dahan din akong umupo sa tabi niya habang nakatingala siya sa'kin. "Oh? Saan naman punta mo? Lakwatsera."
Nanlaki ang mga mata ko. "Akala ko ba nanliligaw ka ha? Dapat mabait ka na sa'kin para sagutin kita!"
Natawa siya. "Nessa, gusto kita pero hindi ibig sabihin non ay mawawala na ang bangayan sa'tin. Brat ka parin naman e. Pero ang pinagkaiba lang, brat kita. Akin."
Shit. Stop it, puso! Bawal 'yan! Hindi p'wede! Si Zane 'to!
"Oh? Natameme ka d'yan?" Ngumisi si Zane. "Akala ko pa naman halik lang nakakapagpatahimik sa'yo."
Muli ay inirapan ko siya. "Hindi kita sagutin niyan e. Nakakainis ka na!"
"Ahhh. So may balak ka ngang sagutin ako?"
Sinabunutan ko siya kaya napangiwi siya. "Wala! Shit ka!"
"Shit ka din," balik niya tapos ay umupo ng maayos at mabilis na hinalikan ako. Napasinghap ako at nagnakaw na naman siya. "Hmmm. Pa-kiss nga ulit."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Wow. Buti naman at nanghihingi ka na ng permiso?"
Inirapan niya ako. "I wasn't asking for permission. Sinasabi ko lang para aware ka."
"Zane, bwisit kang—"
And he was once again kissing me.
Nakakainis! Kinikilig na naman ako.
=•=
"Malayo pa?"
Napairap ako sakanya. "Kanina ka pa ah! Sana hindi ka nalang sumama kung angal ka ng angal diyan."
"Ang highblood mo! Brat ka talaga. Nagtatanong lang naman," aniya sa'kin habang pasulyap-sulyap lang kasi nagmamaneho siya.
"Ikaw naman kasi. Pang-ilang beses mo nang tinanong 'yan e wala pa atang twenty minutes 'yung byahe natin," inis kong sabi sakanya. Ang kulit kulit kasi niya. At paanong hindi kami matatagalan kung imbes na magmaneho ng maayos nanghihipo nalang sa'kin. Gago lang.
"Gusto ko nga kasing malaman!" asik niya. "Bakit ba ang sungit mo? Are you on your period again?"
Nanlaki ang mata ko. "Zane, OA! Kakatapos lang last week meron na naman ganon?"
"Aba malay ko ba. 'Di naman ako nakinig noon sa Anatomy o sa Biology e."
"Ewan ko sa'yo. Sarap mong kutusan."
Natawa siya. "Halikan mo nalang ako."
"Sige ba."
Nang ma-realize ko ang sinabi ko ay agad nag-init pisngi ko. Tinakpan ko ang mukha ko nang marinig ang malakas niyang tawa at kung p'wede lang ay sinuntok ko na ang sarili ko.
Oh my gosh! Hindi ako makapaniwalang sinabi ko 'yon! Bwisit ka, Vanny, ano ka ba naman?!
"Gusto mo pala ha," pang-aasar niya sa'kin at mas lalo akong napangiwi. Bwisit bwisit bwisit!
"Tumahimik ka diyan!"
"Halikan na ba, Nessa ko?"
Mas lalo akong namula sa sinabi niya at aaminin kong hindi 'yon dahil sa inis. Kinikilig talaga ako sakanya, nakakaloka. Ano bang nangyayari sa'kin? Dapat pala pina-check up ko kay Doc Fryer 'yung utak at puso ng maigi, kasi nahihibang na ako.
"Nessa, huy!"
"Shit ka, Zane! Huwag mo akong kausapin!"
"Kasi hahalikan nalang kita?"
"Zane!! Tumahimik ka na! Bwisit!"
"Asus. Kailan ka pa nahiya, ikaw na exhibitionist ha?" Hindi ako sumagot, inirapan ko lang siya kay mas natawa siya. "Alam mo ba kung ano 'yan, Nessa ko?"
Nessa ko? Naman e! Nakakakilig na masyado! Bwisit na Zane 'to!
Ngumuso ako. "Ano ibig sabihin?"
He smiled at me. "It's the first sign of falling in love."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at wala akong naisagot. Gusto kong umangal at kontrahin siya pero hindi ko nagawa. Parang wala sa sariling tinanggap ko ang sinabi niya kahit na ayoko.
Me? Falling in love? H-hindi p'wede...
"Hear that, babe? Mai-in love ka na sa'kin. Dahil, tangina. Konti nalang at hulog na hulog na ako sa'yo."
Tahimik na nakipagtitigan ako sakanya. At nang hindi ko na nakaya ang intensidad ng tingin niya ay umiwas ako ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ko ang puso kong OA kung tumibok.
Hindi pa ba ako in love sa lagay na 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top