Move Sixteen

The Last Time
~•~•~•~•~•~•~•~

Cait was busy annoying Miko when I entered the apartment. Lahat sila napatingin sa'kin kaya mabilis akong yumuko at lumapit kay Cody na nasa couch. Agad akong tumabi sakanya at nagkunwaring 'di alam na nakatingin parin sila sa akin.

I know what they're thinking... I'm just waiting for one of them to voice it out.

"Wala si Zane?" lakas-loob na tanong ni Pat.

Mahinang napangiti ako at napailing. "Busy siguro. May practice ata ngayon, e."

"Araw-araw nalang na may practice?" sambit ni kuya at nadinig ko na agad ang iritasyon sa boses niya. Hindi ako kumibo. "Shit, Vanny. Pang-ilang beses na 'to ha?! 'Di man lang niya naisipang mag-text man lang na hindi ka niya masusundo! Hindi 'yung mag-isa kang nagko-commute!"

"Kuya.... Nagpahatid naman ako," mahinahon na sabi ko at tumingin ako kay Patricia. Siya lang kasi ang nakakapagpakalma kay kuya pero imbes na tulungan niya ako ay umiwas siya ng tingin. Tumikhim ako. "Andon pa kasi si Adie kanina. Nagpasundo siya kay Drew kaya hinatid nalang din ni—"

"Vanny, what the hell!" sigaw ni kuya at natahimik ang buong apartment. Napapikit ako at napayuko. Alam ko na ang sasabihin niya. "Paano kung wala sila!? Sa sobrang katigasan ng ulo mo hindi mo kami tatawagan! Magt-taxi ka, ganon!? Paano kung mapahamak ka!? Babae ka pa naman! At mag-isa ka pa!"

"Vin...." malumanay na sambit ni Cait.

"Hindi Cait, e! Hindi natututo 'yan! At saan ba ang lintek na Zane na 'yon!? Putangina niya! Kung mas importante pa ang pagsasayaw niya kesa sa kapatid ko, putangina niya talaga!"

Galit na galit na talaga si kuya kaya hindi na ako maka-angal pa. Isa pa, hindi naman niya kailangang sabihin 'to ng paulit-ulit e. Dahil unti-unti ay natatanggap ko naman nang mas importante talaga ang pagsasayaw kesa sa'kin para kay Zane. Dahil pangarap niya 'yon e. Matagal na niyang gusto 'yon at ngayon ay nakamtan na niya. Anong klaseng girlfriend naman ako kung ako pa mismo ang magiging hadlang sa pangarap niya, diba?

Sino ba naman ako?

Girlfriend niya. Nakagat ko ang labi ko at pinigilan ang pag-iinit ng mga mata ko. Hindi ako p'weeng umiyak dahil baka mas dibdibin ko ang nararamdaman ko. Umiiwas na nga ako sa malalakas na emosyon e, bakit ko pa papalalain ang sakit? Ano ako, martyr?

"Vanessa! Nakikinig ka ba!?" sigaw ulit ni kuya at dahan-dahan ay tumango ako. "Kakausapin ko na talaga ang lalaking 'yan. Walang kwenta, tangina."

Pagkasabi niya non ay pumasok siya sa kwarto niya. Hinalikan muna ako ni Patricia sa pisngi bago sumunod kay kuya at agad akong niyakap ni Cody. Pero nang daluhan na ako ni Cait at inalo ay tahimik na tumulo ang mga luha ko.

"Pagpasensyahan mo na 'yun, Vanny," mahinang usal ni Cait. "Alam mo namang concerned lang siya sa'yo, diba? Intindihin mo nalang si Vin."

Tumango ako at sumandal kay Cody. Walang nagsalita ng matagal na panahon hanggang sa tumayo si Angelo at nagpunta sa kusina. Cody kept on comforting me habang si Cait ay nakasandal na sa'kin. Miko was just staring at nowhere.

It sucks. Ayoko namang idamay sila sa kadramahan ko. Ano naman ang mapapala namin kung lahat kami mage-emote diba? Kung sana alam kong andito silang lahat ay mas hinintay ko nalang si Zane. At least kapag magkasama kaming umuwi hindi ganito ang atmosphere dito sa apartment.

"Guys... I'm okay..." sabi ko at tumikhim na. Cait looked at me suspiciously. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "I'm fine. Maliligo lang ako. Mukhang nagluluto si Gelo, e."

"Gabi na..." usal ni Cody. "Baka magka-sipon ka pa 'pag naligo ka, Vanny. Bukas nalang."

Umiling ako at tumayo na. "I feel sticky. Nag-lab kami kanina sa Anatomy kaya amoy pusa pa ata ako. I'll be fine."

"Take a shower then," mahinang sambit ni Cait. "Baka mas gumaan pa pakiramdam mo."

"I will," ani ko at naglakad na papunta sa kwarto ko. Pero bago ako makapasok ay narinig naming bumukas ang pinto ng apartment. I looked.

Zane came in and he looked shocked to see everyone here. Napatingin din ako sa mga kaibigan namin at kita kong nakairap na si Cajt sakanya habang si Cody naman ay napailing. Tumitig lang si Miko kay Zane at kahit papano ay gumaan ang loob ko. At least I know na andito ang mga kaibigan ko... I can always rely on them kahit ano man ang mangyari.

"Nessa baby," malambing na tawag ni Zane kaya naman napatingin ako sakanya. Akmang lalapit na siya sa'kin pero mabilis na pumasok na ako ng kwarto at dumiretso sa pinto na naka-link sa banyo.

I heard him knock pero binuksan ko nalang ang shower at pilit na nagbibingihan sa bawat tawag niya sa'kin. Damn. Stupid tears. Stupid Vanny!

Dapat binati ko nalang siya. Dapat nagpanggap nalang ako na okay lang sa'kin ang mga nangyayari dahil paniguradong maguusap kami at maiiyak na naman ako. Masasaktan na naman ako dahil kahit na ano pa ang sabihin niya, nakaukit na ata sa isipan kong ang dahilan ng pagiging late niya at pagiging cold niya sa'kin ay dahil sa Natalia'ng iyon. At kapag nasaktan na naman ako.... Paano na ako?

Pero alam ko din na hindi ko na 'to p'wedeng iwasan. Kung pilit kong ini-ignora ang problema ay mas lalo lang itong lalaki at sa huli ay mas lalo lamang akong masasaktan. Mas mabuti nang ngayon ko na damdamin ang bawat hapdi kung kailan hindi pa grabe, kesa naman sa bukas o sa makalawa na hindi ko na kayanin pa. Hindi kakayanin ng puso ko.

"Vanessa..." rinig kong tawag niya.

Natigilan ako. He never calls me by my full name. Mas lalong nag-init na naman ang mga mata ko. Pumikit ako.

"Baby, come out... please let's talk."

Do it, Vanny. Do it!

"Nessa, please. Mag-usap tayo. I'm sorry kung nalate na naman ako. Naipit kasi ako sa practice."

Practice.... Mas mariin na napapikit ako at pilit winawaksi sa isipan ko ang imahe ni Natalia. Ang imahe nilang dalawa na masayang naguusap at nagtatawanan. Ouch.

"Come out, Nessa. Let's talk."

"Yes," sagot ko pero masyadong mahina kaya naman inulit ko ito sa mas malakas na boses. Narinig kong naglakad na siya at agad kong pinatay ang shower. I grabbed my towel and wrapped it around my hair. Sunod ay kinuha ko ang mas malaki kong towel at pinaikot 'yon sa sarili ko.

Lumabas ako ng banyo at agad siyang napatingin sa'kin. Nagtagpo ang mga mata namin bago bumaba ang tingin niya sa katawan ko kaya naman umiwas ako ng tingin at naglakad na papunta sa closet ko. I dressed up in front of him. Dahil ang totoo niyan ay wala akong maramdaman. I am too numb to feel ashamed or embarrassed. Isa pa... madalas naman akong magbikini na kasama siya. Ano pa ba ang ikakahiya ko? He's my boyfriend.

For now, isip ko at saglit akong natigilan.

"What's wrong?" mahinang tanong niya mula sa likod ko.

Everything...

"Nothing," sagot ko at sinuot ang pajamas ko. I grabbed a shirt na alam kong kay kuya at sinuot 'yon bago siya hinarap. He smiled at me pero nilagpasan ko lamang siya at umupo sa may kama. Sumunod siya.

"Nessa..."

"A-anong pag-uusapan natin?" mabilis na sabi ko.

Hinawi niya ang buhok niya. "Pasensya ka na kung hindi kita nasundo. Late na naman ako. Pagdating ko kasi don wala ka na..."

Napatitig ako sakanya. "Alas-diez na akong bumyahe pauwi, Zane. Ang usapan naman natin alas-sais diba? Malamang naka-alis na ako non."

"I'm sorry..."

"Don't bother. Save it for the next time you'll be late."

Napabuntong-hininga siya. "Stop being petty right now. Sinusubukan kong mag-usap tayo ng maayos para naman magkaintindihan na tayo. Alam kong paulit-ulit na kitang nadi-disappoint lately pero—"

"There! You finally said it!" Tumayo ako at naramdaman ko ang pamimilis ng tibok ng puso ko. "Alam mo naman pala na paulit-ulit mo na akong nasasaktan, bakit mo pa patuloy na ginagawa, Zane!? Ano? Wala kang pakialam dahil alam mong bibigay ako agad kapag nag-sorry ka. Ganon ba ha!?"

"No!" Tumaas din ang boses niya pero napatiim-labi siya at hininaan ito. "Nessa. Mag-usap tayo nang hindi nagsisigawan. Please. Hindi 'yong ganito na pinapairal mo 'yang galit mo—"

"Shit. Kasalanan ko na naman ba?" Napalunok ako nang marinig ang pagpiyok ng boses ko. Napatingin din siya sa'kin dahil don. "Zane... ang tagal ko nang kinikimkim 'to! Tapos ngayon na gusto ko namang ipaalam sa'yo 'yung nararamdaman ko, ayaw mo namang makinig! Pakinggan mo naman ako! Isipin mo naman ako! Iparamdam mo naman sa'kin na importante ako sa'yo!"

Tumayo siya at hinawakan ako sa siko pero tinulak ko siya palayo. "Nessa, importante ka sa'kin. Girlfriend kita."

"Talaga ba?" Napailing ako. "Pwes, hindi 'yon ang nararamdaman ko. Hindi 'yon ang pinaparamdam mo sa'kin!"

"You're being stupid. I—"

"Stupid? I'm being stupid?" Tumawa ako ng mapakla at napaupo sa kama. Yumuko ako at nagpunas ng luha. No. He doesn't deserve my tears. Hindi siya worth it.

"Nessa baby..."

"Don't... call me that," puno ng disgusto na sabi ko at nanatiling nakayuko.

"Look. I really am sorry."

"And I'm serious. Don't bother saying sorry."

Huminga siya ng malalim at dahan-dahan na umupo sa tabi ko. He pulled me to him at hinayaan ko siya pero 'di ako nag-react. I just silently cried.

"Nessa, I promise this is the last time this will happen."

Dahan-dahan akong tumango. "Yeah.. I know."

"Hindi na kita bibigyuin pa dahil—"

"Dahil hindi na 'to mangyayari ulit," mariin na sabi ko at humiwalay sakanya. I glanced at him quickly at nakita kong nakakunot noo na siya.

"H-ha?"

"Ito na ang huling beses na mangyayari 'to, Zane. Dahil ito na ang huling beses na aasa ako, na maghihintay ako sa'yo."

Nakita kong napalunok siya at nanlalaki na ang mga mata niya. "Nessa... What do you..."

"I'm breaking up with you."

Napasinghap siya at napatayo. Nagpalakad-lakad siya sa harapan ko ng ilang beses bago ako hinarap. "Dahil dito? Nessa, itatapon mo ang matagal na samahan natin dahil na-late ako? Putangina! No. Hindi ako papayag!"

Napailing ako. "You have no choice... Ayoko na." Hindi na kakayanin pa ng puso ko na mahalin ka, Zane. Kasiyahan man o kalungkutan ang ibigay mo sa'kin, hindi ko na kaya.

"Nessa! No! Aayusin natin 'to for fuck's sake. Ano bang napasok sa kokote mo at ganito ka mag-isip!? We are not breaking up!" galit na sigaw niya at gusto ko sana siyang awayin din pero nang mapatingin ako sa mukha niya ay kita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya.

My heart broke even more. Mabilis niya itong pinunasan at tinalikuran ako. Oh, Zane...

"No... Hindi ako papayag sa gusto mo."

"Zane... Please..." pagmamakaawa ko.

Hindi siya kumibo ng ilang segundo at mahigpit na humawak ako sa kumot ko para pigilan ang sarili kong lapitan siya at yakapin. I wanted to take back everything I said pero para saan pa? Para mas lalo siyang saktan pagdating ng araw na tuluyan nang susuko ang puso ko?

Mas gugustuhin kong ngayon na siya masaktan kesa mamaya. Baka sakaling mababawasan ang maramdaman niya pagdating ng panahon.

"Zane.... please," ulit ko.

"I-ito ba talaga ang gusto mo? Ang iwan ako?"

Napailing ako pero hindi siya nakatingin sa'kin. "Yes.. I'm done."

Unti-unti ay tumango siya at lumabas ng kwarto ko. At pagkasara niya ng pinto ay siya ding pagbagsak ng mga luha ko at paghikbi ko.

Ang selfish-selfish ko. Ang unfair ko din sakanya. Bakit ba kasi hindi ko nalang sabihin?

"Tangina!"

I hugged my knees and cried. Parusa ko 'to. Parusa ko dahil sinaktan ko ang lalaking pinakamamahal ko. Dahil ang tanga tanga ko. Dahil ang damot damot ko. Dahil makasarili ako. Dahil ang unfair ko.

Parusa ko 'to. Kasalanan ko 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top