Move Seven
The First Dance
~•~•~•~•~•~•~•~
Nagkakatuwaan at nagiingayan kaming lahat sa dressing room ng Troopers pagkatapos malaman ang resulta. Of course, the Troopers won. Sa galing ba naman ng choreography ni kuya Vin, Angelo, at Zane ay paanong hindi? I hate Zane's guts, but I can't deny his talent when it comes to dancing.
"So, ano? Paano tayo magce-celebrate?" sigaw ni Cody dahil sa lakas ng ingay. Natawa ako nang tumalon-talon na naman si Miko at hinalikan 'yung trophy nila.
"Babe, don't do that!" agad na suway ni Cait na nakaupo sa tabi ko.
Sumimangot si Miko. "Ngayon lang!"
Napailing nalang si Cait pero hindi na nagsalita. Tumingin siya sa'kin. "Ano naman ang akala nun? Hahalikan ko siya? Kadiri lang. Ang dami nang humawak sa trophy na 'yun, e."
Natawa ako. "Grabe ka, Cait. Masaya lang naman sila. First win nila 'to this year, e. Malamang magsasaya ng sobra." Napatingin ako kay kuya Vin at kay Patricia na parehong excited na naguusap sa isang gilid. Maski si Carmella ay halatang natutuwa din. It's always a fun time when they win, which is almost most of the time. They still experience quite a few losses, though. It's normal. It's life.
"Sa Neon Heights kaya tayo mag-celebrate?" sabi ni Cody na yakap na ngayon ang trophy. It's funny because he's not even a dancer.
"P'wede!" sigaw ni kuya Vin. "Hindi masyadong mausok doon."
They all started planning at tahimik na nakinig lang kami ni Cait. This is their celebration, anyway. Pero paniguradong sasama kami, kaya umaangal din kami kapag ayaw namin 'yung plano nila. They were just planning to stay sa Neon Heights for a little while—which usually means until midnight—tapos sa bahay nina Carmella na kami tutuloy since 'yun naman ang pinakamalapit. Dahil marami kami, hindi kami magkakasya lahat sa van kaya nagsama na si Miko at Cait sa kotse ni Cody. Carmella rode with them, too. Sa center seats ng van ako umupo and, as usual, tumabi na naman sa akin si Zane. Mahina niya akong tinulak sa bintana tapos ay ngumisi siya kaya naiinis na sinabunutan ko siya.
"Seryoso kayo?" ani Angelo na nakaupo sa likod namin. "Hindi pa nga puno 'tong van nag-aaway na kayo."
Napasimangot ako. "Si Zane kasi! Bigla nalang akong tinulak!"
"Shut up, Nessa," sabi niya at nagpaikot ng mata. Tapos mahina niyang sinabing, "Drama queen."
Hinampas ko ang braso niya. "Ang bastos mo talaga kamo!"
"Mas bratinella ka naman," giit niya.
"Che!" inis na sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko.
Tumawa si Angelo at inakbayan kami pareho ni Zane. "Napakahanep niyo talagang dalawa," sabi niya tapos ay hinalikan ako sa noo.
Nakita kong kumunot ang noo ni Zane at inis niyang tinulak palayo ang mukha ni Angelo na natatawa. Inirapan ako ni Zane kaya umiwas ako ng tingin. "Nessa," diin niya.
"Ano?"
"Wipe your face," utos niya at inabot sa'kin ang panyo niya.
Nagkibit-balikat nalang ako at pinunasan ang pawis sa leeg ko. Inabot ko sakanya ang panyo. "Oh. Salamat."
"Tsk," aniya at kinuha sa'kin ang panyo. Binaliktad niya ito tapos ay pinunasan ang buong mukha ko. Tinulak ko siya palayo pero hindi siya natinag.
"Aray, Zane! May problema ka ba sa noo ko?!" Kung hindi ba naman kasi siya engot, parang may dumi sa noo ko!
Tumatawa si Angelo sa likod namin at tinignan ko siya pero binato lang sakanya ni Zane 'yung panyo. Mas natawa si Angelo at ako naman ay nagtataka lang.
"Oh, ano'ng meron?" tanong ni kuya Vin na umupo na sa driver's seat. Sumunod si Patricia sa passenger's.
Tumawa ulit ng malakas si Angelo. "Wala! May nagselos lang!"
Tinignan ko si Zane pero inirapan niya lang ako. I shrugged. Boys are weird!
=•=
"Cait! OMG!"
Tumawa si Cait tapos ay hinila ako papunta sa gitna ng dance floor. "This is gonna be fun, Vanny! Let loose!"
"My dress is soaked because of you!" sigaw ko dahil sa sobrang lakas ng tunog sa loob ng bar. My dearest friend grabbed me a while ago, habang umiinom ako ng juice kaya natapon sa'kin 'yung juice noong bigla niya akong hinila. Maski sina kuya hindi na naka react dahil sa bilis ng paghila sa'kin ni Cait, e.
"Enjooooy!" sabi niya at hinawakan ang dalawang kamay ko. She started swaying to the beat and I shook my head. Pero pumikit ako at dininig ang tunog bago ko hinay-hinay na hinayaan ang sarili kong mag-enjoy. Just for tonight, then I can go back to my stressful life outside this bar.
I was having so much time na hindi ko napansing wala na si Cait sa tabi ko. Nakikita ko parin siya, pero medyo malayo na. I didn't mind, I just kept dancing to the beat.
"Nessa."
I knew that voice and I groaned. "Zane, don't ruin my fun, please."
"I'm not here to do that, Nessa," sambit niya tapos naramdaman ko nalang ang mga kamay niya sa bewang ko. I felt his breath on my neck and I relaxed against him—don't ask, I didn't know why, either. "Didn't know you were a good dancer."
Huminga ako ng malalim. "I'm not."
"Hmm," aniya tapos ay naramdaman kong sumasabay na siya sa sayaw ko. His arms wrapped around me and we continued to dance. Pero natigil kaming lahat nung nagsalita ang DJ. I was still wrapped in Zane's embrace and instead of kicking him in the shins... I leaned back and smiled. I must be so drunk right now. Kahit juice lang naman ang ininom ko.
"Okay everyone! A pal of mine here is going through some sick shit! And he requested a song to be played for him. Give a round of applause to my broken hearted friend!" sabi ng DJ at lahat kami ay pumalakpak. Narinig kong natawa si Zane at maski ako ay napatawa din. I saw the guy who requested the next song and he raised his beer bottle with a smile, pero napansin ko din na naiiyak na siya. Another love story that ended.
"Let's get it on!"
I turned in Zane's arms and wrapped my arms around his neck. Nakita kong nagulat siya pero nang maglaon ay mas hinila lang niya ako papalapit sakanya. "Peace ata tayo ngayon?" malakas na sabi ko para marinig niya ako. I smiled when the song Tuloy Parin started playing. Para nga sa mga brokenhearted. Para sa mga taong napag-iwanan ng taong mahal nila.
Zane shrugged. "Don't ruin it."
Mahina ko siyang sinampal at umikot para hindi ko na siya kaharap. He pulled me back, closer to him and the song started. Natatawa ako dahil halos lahat ay nakikipagkantahan, no one seemed to mind na medyo luma na ang kanta. Everyone was having fun.
I raised my arms in the air like everyone else when the chorus came closer. "Tuloy padin ang awit ng buhay ko! Nagbago man ang hugis ng puso mo! Handa na 'kong hamunin ang aking mundo! Basta't tuloy parin!"
Nagulat ako nang pinaikot ako ni Zane. I was laughing so much and having so much fun that I jumped and Zane caught me. His arms were under my butt and my legs around his waist, then my arms around his neck. "Zane, oh gosh! Baka mahulog ako!"
Hindi niya ako sinagot. He just surprised me by kissing my neck once or twice. Tapos ay binaba niya ako. He kept staring at me and medyo na-conscious ako.
"Zane?" mahinang tanong ko. He was acting really weird tonight. Madami kaya siyang nainom?
He cupped my face. "Handa na akong hamunin ang aking mundo..." He looked into my eyes and leaned closer. Napalunok ako. "Pagka't tuloy parin."
And Zane freaking Santiago kissed me.
I was so shocked at first na hindi ako nakagalaw, pero siya patuloy parin sa paghalik sa'kin. Unlike the first time, this was slow and it was inviting. It was begging me to respond. The guy who I hate and hates me is kissing me. Dapat tinulak ko na siya, dapat tinadyakan ko na siya, dapat sinuntok ko na siya... but.
But in the sea of people, in the middle of it all, I kissed the man I hated with everything in me and wondered if hate was the right word.
I kissed him back, pero saglit lang dahil humiwalay na siya sa akin. Hinihingal na tinignan ko siya, trying to find out why he kissed me—again. "Zane?"
He kissed me one more time, pero mas maiksi. Maraming beses pa niya ako hinalik-halikan hanggang sa medyo natatawa na ako sa ina-akto niya. Gosh, the man I always fight with is showing so much compassion towards me! Siguro sa mata ng ibang tao, para kaming magsyota. I was distracted again nung halikan niya ako ng mabilis.
"Zane," natatawang sabi ko. "Ilang halik na 'yung ninakaw mo? Grabe ka!"
He kissed me one more time and then..
The guy I was starting to not hate left.
=•=
"Talaga?" manghang saad ni Cait at inis na tumango ako at uminom sa juice ko. Only this time, it had a little bit of vodka. Naiinis kasi ako kay Zane!
"Can you believe him? What a jerk!"
"Affected ka ata masyado?" tanong ni Cait sa akin.
Inirapan ko siya. "Malamang! That's the second time he kissed me then left! Tapos ngayon, maraming beses pa! Kisses, Cait! Plural!"
Natawa si Cait. "Then why are you so pissed? Hoy, Vanny, umamin ka nga. Gusto mo ba si Zane?"
"The heck?" Tinignan ko siya at agad akong napailing. "That guy pisses me off! So, so much!"
"You guys are—"
"Hi, miss."
Pareho kaming umikot ni Cait at nakita namin ang isang lalaki na halatang lasing na. I felt nervous all of a sudden at agad akong napatingin sa table na ino-occupy ng barkada namin. Cait and I chose a table na medyo malayo para makapag-usap at dahil nandoon si Zane. Ayoko pa siyang makita.
"Kuya, busy kami. Shoo!" saad ni Cait at tinulak 'yung lalaki pero natawa lang siya. Cait and I winced dahil sa sobrang baho ng hininga niya. Ang dami siguro niyang nainom na iba't ibang uri ng alcohol dahil sobrang baho! He must've smoked, too!
"Miss, gusto mo sumama sa'kin? May kwwwarto ako sa taassss," he said with slurred speech. Lasing na nga talaga.
Naiinis na si Cait. Maski ako. The guy was disturbing our girl time!
"Kuya, bitawan mo ako!" biglang tili ni Cait kaya napatingin ako sa kamay ng lalaki na nasa braso ni Cait.
Agad akong tumayo at tinulak palayo 'yung lasing tapos tumayo sa harap ni Cait. "Ano ba?! Stay away!"
Tumawa siya at medyo kinabahan ako. I looked at where the others were at nagtama ang tingin namin ni Zane. Kunot-noong tinignan niya ako tapos 'yung lalaki. As much as I want to throttle him right now, natuwa ako nang makitang mabilis siyang lumapit sa amin.
"—baka gusto mo kasing ikaw nalang?" The guy in front of me grabbed my wrist kaya nanlaki ang mata ko. Nandiri ako sa pagtingin niya sa'kin pero hindi ko hinayaang makababa si Cait sa likuran ko.
"Bitawan mo ako! Papatayin ka ng boyfriend ko, sige ka!" banta ko sakanya nang makita kong malapit na si Zane. Nakita kong natigilan siya saglit pero pinanlakihan ko siya ng mata at mabilis na siyang nakalapit sa amin.
"Boyfriend? Miss, bakaaaa masssapak ko 'yang boyf—"
Hindi na niya natapos kasi hinawakan siya ni Zane sa likod ng t-shirt niya at hinila niya papalayo sa'min 'yung lalaki. Zane looked pissed as hell. "Gago ka ha. Syota ko pa talaga hinawakan mo?!"
Medyo natameme ako sa sinabi niya pero natandaan kong hindi pala totoo. Napasimangot ako pero napasinghap din ako nang suntukin ni Zane 'yung lalaki sa tyan. "Zane!"
Hindi niya ako pinansin. Inirapan niya lang 'yung lalaki. "Sa susunod, kapag sinabi ng babae na ayaw nila—ayaw nila. Naiintindihan mo ba?"
Nanlalaki ang mata nung lalaki. "O-o-opo, sir. Pasensya na p-p-po."
"Umalis ka na!" Zane was still fuming kahit na noong humarap siya sa amin. Kunot noong tinignan niya kami ni Cait. "Okay lang kayo?"
"Yes," sagot ni Cait. "Thanks, Zane."
Napatiim-labi siya. "Kung bakit ba kasi lumayo pa kayo?"
I crossed my arms. "Duh! I was bashing you, of course."
Tinaasan ako ng kilay ni Zane. "What?"
"Ayaw kitang kausapin," giit ko at tinulak ko siya para makapunta na ako sa inuupuan ko kanina. Cait was looking amused, and Zane was bemused. "Ano pa ginagawa mo dito? Chupi na!"
Napailing si Zane. "Brat."
Inirapan ko siya. "Kiss stealer!"
Hindi na siya sumagot at ngumisi lang. Nagulat ako nang lumapit siya sa'kin at hinalikan ako ng mabilis sa labi. Napasinghap ako at hindi agad naka-react. "Balik na kayo doon, Cait," sabi niya sa kaibigan kong gulat din. Then he faced me. "If this is how you act whenever I kiss you, mas dadalasan ko na."
Hinampas ko ang braso niya.
Again, his cocky smirk widened. "A kiss shuts you up. Who would've known," aniya tapos tumalikod na at iniwan kami ni Cait doon.
"Whoa," saad ni Cait.
"Whatever."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top