Move Fourteen
The Last Child
~•~•~•~•~•~•~
"Nessa? Aalis ka na naman?" tanong ni Zane at pumasok sa room ko.
Bumaling ako sakanya saglit bago pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko. "Weekend lang. Si mama kasi..."
"Balik ka sa Lunes?" aniya tapos ay naramdaman ko ang yakap niya sa'kin mula sa likod. Napapikit ako nang lumapat ang labi niya sa balikat ko tsaka siya bumulong. "Na-miss kita, brat."
Nag-init ang mata ko at pinigilan ko ang maiyak agad. God, please calm my heart. Hindi ko kakayanin 'to... "Miss din kita. Na-miss ko 'yung jerk ko."
"Pahalik nga, Nessa ko. Nasasabik ako," paglalandi niya sa'kin at tuluyan nang nawala ang iyak ko. Pero sa loob-loob ko ay parang nahuhulog ang tiyan ko sa sobrang sakit at takot. "Nessa? Babe, uma-arte ka na naman."
Napayuko at kumalma sa bisig niya. Sunod-sunod at mabagal ang mga halik na ginawad niya sa balikat hanggang sa leeg ko. Nanlalambing ang ulol at lintek, hindi ko alam ang mararamdaman sa kaalaman na balang araw ay kailanmang hindi ko na 'to mae-experience.
Bakit kailangan ko pang malaman?
Mas tatahimik ang buhay ko kung wala akong alam. Kung walang malay akong mamamatay dahil mas gugustuhin ko 'yon. Hindi na baleng wala nang pag-asa ang puso ko, pero sana naman mabura ang memorya ko. Dahil hindi ko na kaya. Sobrang napupuno na ako pero hindi ako p'wedeng lubusang masaktan dahil baka ikamatay ko 'yon. Literal na ikakamatay ko 'yon.
"Ang tahimik mo. O nagtatampo ka sa'kin?" masuyo niyang tanong.
Napangiti ako. "Bakit naman ako magtatampo? May ginawa ka na naman bang kagaguhan?"
"Malay ko. Baka nagd-drama ka na naman. Drama queen ka pa naman," asar niya sa'kin at naramdaman kong nasa loob ng shirt ko ang kamay niya, hinahaplos na ang tyan ko.
"Chumachansing ka, Zane! Bitaw nga!" kunwaring inis na sabi ko at lumayo sakanya. Natawa naman siya at lumapit sa'kin para mabilis na humalik bago pabagsak na humiga sa kama ko. Nagpaikot nalang ako ng mata. "Wala kang silbi dito, Zane. Lutuhan mo nalang ako ng pagkain."
"Tinataboy mo ako?" Tumaas ang kilay niya at niyakap ang unan ko. Komportable na naman ang bwisit.
Hinampas ko siya ng t-shirt pero hindi siya gumalaw. Napangiti nalang ako at umupo din sa kama ko habang nakatitig lang sakanya. "Zane... Hey, jerk."
"Hm?"
"Sama ka sa'min," utos ko.
Dumilat siya at tumingin sa'kin. "Saan?"
"Kay Vianna."
Nanlambot ang tingin niya at dahan-dahan na tumango. Nang tumitig lang ako sakanya ay hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan na hinila ako papalapit sakanya. Sumunod naman ako hanggang sa nahiga na ako sa tabi niya at agad akong pumikit para pakalmahin ang puso kong bumibilis na naman ang tibok.
"Ang ganda ng bratinella ko," bulong niya at malambing na hinahaplos ang buhok ag mukha ko.
"Binobola mo na naman ako."
"Buti alam mo."
Hinampas ko siya. "Bastos ka talaga."
"Shh." Kinagat niya ang labi ko kaya napadilat ako. Magsasalita sana ako pero ang malanding lalaki ay hinalikan lang ako. Hindi nalang ako umangal at sinagot na lamang ang halik niya.
Napunta ang kamay niya sa bewang ko at dahil nakahiga ako ay sa mismong balat ko napunta ang kamay niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at ninamnam ang bawat hagod ng labi niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla ay naalala ko ang mga sinabi ni Dr. Fryer noong isang araw. Pinigilan kong maiyak pero nang biglang humiwalay sa'kin si Zane ay alam kong naramdaman niya ang luha ko.
Nanatili akong nakapikit.
"Shit. Nakagat ba kita? Sorry, babe," alalang sabi niya pero napailing lamang ako at yumakap sakanya. "Oh? Ano'ng nangyari?"
Umiling ako at sumubsub sa dibdib niya. "Gusto lang kitang yakapin. Ang baho mo."
Natawa siya hinagod ang likod ko. "Style mo. Gusto mo lang din chumansing sa'kin e."
"Hmm... Maybe."
Saglit siyang hindi umimik tapos ay mahina at seryoso siyang nagsalita. "Tell me, Nessa. What's wrong? Kilala kita. Drama queen ka pero hindi ka ganito ka-drama."
Natawa ako sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita. I will not burden him with the knowledge of my impending death. Hinihiling ko sa Diyos na sana makalimot ako, si mama, si Cait at si kuya. Kailanman ay hindi ko idadamay si Zane. He deserves to have the right to decide for his life without any influence. Nang walang impluwensya galing sa sakit ko. Dahil mas masasaktan ako kung mananatili siya sa'kin dahil sa awa kapag dumating ang araw na ayaw na niya.
"Nessa... Tell me, you brat," kunwaring galit na sabi niya at mahinang nasuntok ko nalang ang tiyan niya nang paluin niya ang pwet ko.
"Manyak ka," komento ko pero sumiksik din sakanya. Hindi na baleng manyak, basta sa'kin lang siya manyak.
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Edi manyakin mo rin ako. Slow mo talaga," pang-aasar niya pero dinig ko ang lambing sa tinig niya. "Nessa... Will you tell me what's wrong?"
Umiling ako. "Sobrang na-miss lang kita."
"Alam ko. At alam ko ding hindi 'yan totoo," aniya at tinulak ako para tignan mismo ako sa mata. Sinubukan kong umiwas ng tingin pero hinalikan niya ako para mapatingin ako sakanya. "Tell me. Trust me, Nessa."
Kinagat ko ang labi ko at hinaplos ko ang panga niya. "Huwag mo 'kong iwan ha..." Matamis na ngumiti ako sakanya at hinalikan ang labi niya ng mabilis. "Dahil mahal na ata kita."
Nakita kong nagulat siya at maang na tumitig lang siya sa'kin. Tumulo na naman ang luha ko pero ngumiti ako para itagong dahil sa tuwa ang luha na 'yon. Pero hindi. Sa takot 'yon. Takot na mahal ko na siya at balang araw ay hindi ko na siya p'wedeng mahalin.
"M-mahal mo ako?" Ngisi niya.
Natawa ako. "Sabi ko ata."
Dinikit niya ang ilong niya sa'kin at pumikit din. Tumitig lang ako sakanya at kita ko ang kalmado niyang ekspresyon sa mukha.
"Sabihan mo ako 'pag sigurado ka na," bulong niya tapos ay humikab.
Hinaplos ko ang buhok niya. "I think I love you, Zane."
Humikab ulit siya at ngumiti. "Maybe I love you too."
=•=
"Ma!"
Tumaas ang kilay ko nang marinig ang sigaw ni Zane at mas lalong tumaas ito nang yumakap siya at kinamusta si mama habang naka-akbay pa dito.
"Aba. Feeling close ata?" asar ni kuya Vin sa'kin at natawa naman si ate Vicky na ka-Facetime ni kuya.
"Hayaan mo na, Vin. Nagpapasipsip ata kay mama," sabi naman ni ate kaya bumelat ako sakanya. Natawa kami pero biglang nagseryoso ang mukha ni ate. "Alam ba niya, Vanny?"
Ngumiti ako. "Hindi, ate. At hinding-hindi niya malalaman."
"Vanny..." panimula ni kuya pero naputol siya ni ate.
"Why the hell not?" tanong ni ate at nakita kong nakasimangot na siya. "Vanny, the guy is your boyfriend. He deserves to know."
Huminga ako ng malalim. "Ate, please. Ayokong i-explain dahil ayoko talaga."
"Vanny, masasaktan 'yun," sabi ni kuya Vin at inakbayan ako. "Kung ako, masasaktan din ako."
Sumandal ako kay kuya at napatingin sa screen kung saan magkasalubong parin ang kilay ni ate. "I'm not doing it to hurt him..."
"Then why, sis?"
Nag-init ang mga mata ko pero hindi ko hinayaang may tumulo na luha. "Don't you wish you had no idea?" mahinang tanong ko dahil unti-unti nang papalapit sila mama sa'kin. Hindi sila sumagot. "Mas nasasaktan tayo dahil alam natin. At ayokong saktan siya."
Hindi na sumagot sila ate dahil nakalapit na sila mama at Zane. Agad lumapit sa'kin si Zane at hinila ako mula kay kuya tsaka ako niyakap. Nakita kong napailing si kuya habang si mama ay kinausap si ate.
Hinaplos ni Zane ang braso ko. "Asan si Vianna?"
Tinuro ko ang isang azul na museleo sa isang gilid. "Hinihintay lang natin 'yung caretaker. Hindi nadala ni mama 'yung key niya."
"Naka-lock?" manghang tanong niya at tumango ako. "Bakit? May ginto ba diyan?" biro niya at maski ako ay natawa. Pero habang tumatawa ako ay humalik siya sa pisngi. "Gandang tanga mo talaga."
Nagpaikot nalang ako ng mata at hindi na sumagot. Ganyan naman yan. Nang-iinsulto kasabay ng komplimento. Masasanay din.
"Zane, Vanny," tawag ni mama at tinuro ang museleo na binubuksan na ng isang caretaker. Naglakad na kami ni Zane para sumunod na.
"Babe, bakit pala tayo andito?"
"Yuck! Ano'ng babe ka diyan?" angal ko. Kadiri naman. Baboy ba ako?!
Nanlaki ang mata niya. "Init ng ulo mo. Nagtatanong lang."
Napailing ako at kusang kumapit sakanya kaya napangisi siya sa'kin. "Na-miss kitang kaaway. Mag-away nga tayo."
"The fuck," sabi niya at napatingin sa'kin. "May saltik ka talaga, ano?"
I grinned and didn't answer.
Pumasok kami sa museleo at agad kong nakita si mama na inaayos ang mga bulaklak na binili niya. Nag-uusap parin si kuya at si ate nang biglang tumayo si mama at hinarap kami.
"Ma? Bakit?" tanong ni kuya at hinawakan ang braso ni mama. Pero si mama ay nakatingin lang sa'kin kaya napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Zane. I shook my head pero tumulo lang ang luha ni mama kaya napapikit na ako.
"Masakit mawalan ng anak," aniya at napasulyap agad si kuya sa'kin habang nakita kong napatakip ng mukha si ate. Ako naman ay napalunok lang. "Sobrang sakit. And I don't want to outlive any of you. Dahil 'pag mangyari pa 'yon ay mawawasak na talaga ako."
"Ma... Please," mahinang ulat ko at napatingin sa'kin si Zane.
Mama wiped her eyes. "I want Vianna to be the last child I bury. That's it."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top