Move Four
The First Feeling
~•~•~•~•~•~•~•~
Bago pa ako magmulat ay naramdaman ko na ang sakit sa ulo ko at naririnig ko na ang mga boses nina kuya. I knew I'm experiencing my first hangover, at muli ko na namang pinagsisihan ang ginawa kong pag-inom kagabi. Syempre, nauwi sa full-blown inuman ang game namin. Hindi ininum ni Zane ang mga beer ko dahil first time ko naman daw. During the game, I felt really nice and calm and free and freaking intoxicated. Ni hindi ko matandaan ang kalahati ng gabi, pero alam kong nag-enjoy ako. Mas masarap talaga ang mga bagay na bawal.
"Kaya na niya ang sarili niya," rinig kong sabi ni Zane at napangiwi ako. Ganun pala ang hangover, ano? Parang mina-martilyo ang utak mo.
"Zane, first time niyang magka-hangover kaya dapat mo siyang bantayan." Alam kong si kuya 'yun at kahit masakit ang ulo ko ay pinilit kong bumangon. Pero nang gawin ko 'yun ay nag-ikot ang buong mundo ko at patakbo akong lumabas ng kwarto na kinagulat nilang tatlo nina Angelo, pero 'di na ako nagsalita at diretso lang sa banyo para magsuka.
"Welcome to the wonderful world of college," biro ni Angelo mula sa pintuan at wala akong nagawa kundi ang irapan siya. Napangiwi siya nang magsuka na naman ako. "Um, Vanny, mauna na ako. May maaga akong pasok ngayon, e."
Tumango ako at kumaway nalang dahil biglang naubos ang lakas ko na magsalita o mag-isip ng sasabihin. I feel so drained. Napangiwi ako nang maamoy ko ang mabahong amoy ng suka ko kaya tumayo na ako. I gargled and washed my face before looking at the mirror and I looked like hell.
"Vanny?" Mahinahon ang boses ni kuya and I want to thank him. Feeling ko kapag sobrang malakas na tunog ang maririnig ko, sasabog ang utak ko.
"Kuya?" mahinang tanong ko at hinarap siya. Tinanggap ko ang nilahad niyang twalya at nagpunas ako ng mukha.
He smiled. "Vanny, may work ako ngayon. Pero maiiwan si Zane para bantayan ka, okay?"
Sumimangot ako. "Kuya, ayoko makipag-away sakanya ngayon. Masakit na ang ulo ko."
"Yes, alam na niya." Lumapit si kuya at hinimas ang likod ko. "Besides, may hangover din 'yun. Mas sanay lang siya kesa sa'yo kaya maaalagaan ka niya."
"Wow. Zane taking care of me?" I mumbled and looked at kuya. "Ibang experience 'to."
Ngumiti lang siya at inakay na akong lumabas ng CR. Agad kong nakita si Zane na nakaupo sa couch, nakikinig ng violin tunes at maski ako ay napapikit dahil nakakawala ng stress. "Zane, iwan ko na kayo, ah? May breakfast sa kitchen. Magpakabait kayong dalawa, kahit ngayon lang."
Inirapan ako ni Zane bago tumango kay kuya. "Got it, Vin."
"I'll see you both later," paalam ni kuya at hinalikan ako sa noo bago kami iwan ni Zane.
Masakit parin ang ulo ko kaya nagdadabog na umupo ako sa tabi niya. Napailing siya sa'kin pero tinadyakan ko siya. "Zane, kumot nga."
"Tingin mo sa'kin, yaya mo?" inis na sabi niya sa'kin at tinulak papalayo ang paa ko mula sakanya.
"Zane, please," I whined and kicked him again.
He groaned. "Vanessa Decilva, hindi ka ba titigil?"
Napangiwi ako sa lakas ng boses niya at feeling ko ay maiiyak ako.
Napansin niya siguro dahil tumayo siya at pagbalik niya ay may dala na siyang kumot, bottle of water, at Advil pills para sa sakit ng ulo ko. "You are such a brat, Nessa."
"Thank you, Jerk."
"Shut up," asik niya at tumabi sa'kin. "On my lap, Nessa. I'll massage your damn head."
Kahit masungit siya ay napangiti padin ako sa concern niya. Sinunod ko ang sinabi niya pero naglagay muna ako ng unan dahil masyadong mababa ang hita niya. "Thank you," mahinang sabi ko dahil sensitive padin ang hearing ko. Sumasakit padin ang ulo ko.
"Whatever," aniya at sinimulang i-massage ang ulo ko.
His hands were so warm and big and were stealing away the stress and tension from my body. Sumasakit parin ang ulo ko pero unti-unting nawawala dahil sa ginagawa niya. And the fact na hindi kami nagbabangayan ay nakaka-relax din dahil lagi kaming nag-aaway, at tsaka lang kami hindi nagpapatayan kapag tulog kaming pareho. But I guess kapag pareho kaming may hangover ay normal lang ang buhay naming dalawa.
"Did you even take your meds, stupid?"
I moaned and shifted closer to him. "Shh. I'm sleeping."
"Tanga mo," muling asik niya at ginising ako. Nakairap na naman siya sa akin. "Kapag hindi ka uminom ng gamot mo, ibabato kita, Nessa."
I choked on a sob then reached for my Advil. "Ang sama mo," sabi ko nang malunok ko na 'yung ubod ng laki na pill na pinapainom niya sa'kin.
"Shut up, Nessa, and go to sleep," nakasimangot na sabi niya sa'kin.
"Zane, be nice!"
Naningkit ang mata niya at nagulat ako nang bumaba ito sa hita ko. Namula ako nang mapagtantong naka-spandex lang pala ako at halos kita na ang pwet ko dahil sa iksi nito. "You are such an exhibitionist, Nessa. Paano kung may ibang tao dito?"
"Sorry na," naiiyak na sabi ko at hinilot ang ulo ko. "Mainit dito, e. Tapos lasing ako kagabi. Huwag ka na kasing magsungit. Ang sakit na ng ulo ko."
Huminga siya ng malalim at mahina akong hinila para mahiga sa tabi niya. "Fine. You're a headache."
"I have one," sambit ko tapos tumingala para tigan siya. "You know, kaya mo naman palang maging mabait sa'kin, e. Bakit 'di mo gawin lagi?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Because that would be boring, Nessa."
"Pero—"
"Sleep," giit niya at tinakpan ang mukha ko ng unan.
Ngumiti nalang ako at natulog.
Zane's Point Of View
I closed my eyes for the hundred time for the past hour, pero hindi ko padin mapigilan ang sarili kong dumilat at mapatingin sa makinis at mapuputing hita ni Nessa. I groaned again. Gusto kong abutin ang shorts niya at hilain pababa pero baka magising pa siya. It doesn't help that she has a big butt.
She moaned and stirred in my lap, causing me to groan—again. She needs to stop doing that, dahil kung hindi ay baka mas mag-away kaming dalawa. Nung una ko siyang hinalikan ay nagalit ako sakanya ng sobra dahil hindi na 'yun nawala sa isip ko. Hindi ko na kasalanan na na-apektuhan ako.
Tumunog ang cellphone ko at sinagot ko na bago pa magising si Nessa. Baka umangal-angal na naman siya na parang bata at mag-away na talaga kami. Nakakainis pa naman siya.
"Hello?"
"Oy, Zane," bati ni Angelo sa kabilang linya.
"Angelo, bakit?"
"Um, pauwi na kasi ako. Pero dadaan ako ng pagkain. Ano gusto niyo from Pizza Hut?"
Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba pizza lang ang tinitinda doon?"
Tumawa siya. "Gago. Hindi. Ano, gusto niyo ng lasagna?"
"Yeah. Gutom na siguro 'tong prinsesa natin," sarkastikong saad ko at napatingin ulit sa maamong mukha ni Nessa. Sana lagi siyang tulog para hindi siya nagmumukhang dragon. A really hot dragon. Napakurap ako at napailing sa naisip.
"Okay, Meat Lover's and Supreme."
"Thanks, dude."
"Be there in half an hour."
Natapos ang tawag at napangiwi ako. Great, inis na isip ko at napatingin sa shorts ko. I have less than an hour to get rid of this damn boner.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top