Move Five
The First Smile
~•~•~•~•~•~•~
The first week of freshman college should be considered suicide. It was so different from High School, halos hindi ako nakapag-adjust agad. 'Yung mga teachers mas strict, at hindi na nila ina-accommodate ang mga students, unlike noong nasa high school ako na tinitigil ng teacher 'yung lesson for one on ones. And the projects and homework they give us are ridiculous! Ngayon alam ko na kung bakit tinatawanan ako ni kuya nung sabihin kong excited na akong mag-college.
"Vanny, you okay?" Angelo sat beside me at agad akong napailing. Natawa siya. "Ano, nahihirapan ka na?"
Napangiwi ako. "Hindi niyo naman ako sinabihan na ganito pala 'yun. Grabe, Ange, ang sakit ng ulo ko!"
He tapped my head softly. "Don't worry, masasanay ka din naman. Ganyan talaga ang first month."
"Month?" Huminga ako ng malalim. "It's worse than I thought! Katatapos lang ng second week ko, e."
"Find some time to relax," aniya tapos ay tumayo siya.
Kumunot ang noo ko. "Saan ka pupunta na naman?"
"May trabaho ako. Mga 4PM na ako babalik, or around 6PM. Depende sa daloy ng trapiko ngayon," saad niya tapos ay naglakad na papunta sa room niya.
"Wait!" sigaw ko. "Magu-uwi ka ba ng food mamaya?"
"Yes!"
I grinned. "Thank you!"
"Ba't ang ingay mo? Ang aga-aga."
I groaned. "Zane, huwag ngayon. Masyadong masakit ang ulo ko."
"Stop being dramatic, Nessa. Ikaw lang naman nag-iisip na masakit ang ulo mo," inis na sabi niya tapos ay mahinang tinulak ako sa couch tapos tinabihan ako. He grabbed a pillow and put it on his lap kaya humiga ako doon. Mahina niyang tinapik ang noo ko kaya napangiwi ako ulit at sinampal siya pero tinakpan niya lang ang buong mukha ko.
"Zane, ano ba?! Huwag nga kasi!"
Tumawa siya. "Tanga mo naman kasi, nakikipag-asaran ka sa'kin."
Napalabi ako. "Huwag mo kasi akong inaasar. Nakakainis ka naman, e."
"Jeez, Nessa. Such a drama queen."
Napairap ako. "And you're such a jerk. Kailan ka ba babait sa'kin? Ninakawan mo na nga ako ng halik, ganyan ka pa sa'kin!"
He scoffed at me. "Hanggang ngayon ba naman 'di mo pa nakakalimutan 'yan? Baka gusto mong gawin ko ulit sa'yo kaya mo pinapa-alala?"
I mocked a gag. "Tarantado ka rin, e. Bakit ko naman gustong halikan ka? You tasted like onions!"
Napangisi si Zane at alam kong aasarin na naman niya ako. "So natatandaan mo pa? Ikaw, Nessa. You must like me so much."
"In your dreams, Zane. Baka ikaw ang may gusto sa'kin kasi hinalikan mo ako noon. You kiss stealer!"
"Sure, Nessa. Keep telling yourself that. As if someone will believe you, you brat," aniya tapos ay sinimulang hilutin ang ulo ko.
I closed my eyes and sighed. "Zane..."
"Hm?"
"Don't you find us weird?"
"Weird? Paano naman?"
I shrugged. "Lagi tayong nag-aaway. Halos patayin na natin ang isa't isa, pero we have moments like this."
Tumawa siya ng mahina. "Moments like this? Ano'ng ibig mong sabihin?"
Napadilat ako at tumingala para tumingin sakanya. "Moments of.... you know, peace. And hindi ka ba nagtataka kung bakit lagi nila tayong nirereto? It's—"
"I get you," aniya at minasahe ang leeg ko. I relaxed even more. "Nakakairita. You annoy the shit out of me."
"You're the shit of my life."
Nakita kong ngumiti siya. "I hate you so much, Nessa."
I closed my eyes in content. "Not as much as I hate you, Zane."
=•=
"Cait, hindi ko gets. Wala namang romantic bone sa amin ni Zane, e. Well, not towards each other."
"Actually, meron naman. Hindi mo lang talaga napapansin," she said on the other line. Huminga siya ng malalim tapos biglang tumili na para bang kinikilig. "I can't wait for the day na ma-realize niyong in love kayo with each other!"
Muli ay napangiwi ako. "Kami? Cait, you're delusional. Wala nga kaming romantic feelings for each other, e."
"Meron 'yan! In denial lang kasi kayo pareho kaya 'di niyo pa nakikita. But we all see it. Jeez, Vanny. Even Vin sees it!"
Napailing ako. "Anyway, changing the topic. Ano pala ang oras na magkikita tayo bukas?"
"After ng class mo. Mga 2PM?"
"2:30 matatapos 'yung last class ko. Trinoma ba tayo?"
"Sounds good. I think off naman si Pat tapos p'wede tayong i-drive ni Miko," sabi niya at pumayag nalang ako sa plano niya.
We talked for a little while more about almost everything. Halos isang oras din kaming nag-usap bago siya nagpaalam kasi daw may date sila ni Miko. I bid her good-bye and started on my homework. Kahapon lang binigay pero gusto ko nang tapusin kasi alam kong makakalimutan ko 'yun in a couple of days.
However, in the middle of it all.... I felt it.
"No," I moaned in agony. Mabilis na tumakbo ako sa CR at umupo sa may silya. I looked at my shorts and there it is. The curse of all women—period. "Shet naman, Lord, bakit ngayon pa? Wala akong pads!"
I groaned and cleaned up, hand-washing my clothes. I sat on the toilet bowl again and cursed everyone I can curse. Sa sobrang stress ko, na-distract na ata ako at nakalimutan kong bumili. Mustering all my energy, I screamed, "ZANE!"
Pagkatapos ng ilang minuto, narinig ko ang yapak ng paa niya tapos ay kumatok siya sa pinto ng CR. "The fuck is your problem, brat?"
"Zane, nadatnan ako!"
Natahimik siya saglit. "So?"
"Ehh! Wala kasi akong pads, e."
"Fuck, Nessa. I'm not about to go to a store alone to buy you damn pads!"
Napabuntong-hininga ako. "Bakit naman hindi? Sige na, please! I need some real bad."
"Tanga mo naman kasi. 'Yun pa talaga makakalimutan mo?"
"Please, Zane! Please!"
He groaned. "Get dressed. Sasamahan mo ako!"
"Wala nga akong pad, e!" Jeez. How stupid can he be? Alangan namang lumabas ako na may tagos?!
"Don't move," he hissed.
Nagpaikot ako ng mata. "May choice ba ako, ha? Talino mo talaga!"
"Tanga, tumahimik ka!"
Hindi nalang ako nagsalita at hinintay siya. I swear, if he leaves me here.... Ugh! Duduguan ko ang kama niya! That jerk better help me.
"Nessa, open up!"
Nanlaki ang mata ko. "Ano? Ha?"
"Linisin mo utak mo, I have an extra pad for you here."
"San mo naman nakuha?" Tumayo ako at pinaikot sa bewang ko 'yung twalya. Binuksan ko 'yung pinto. "Bakit ka meron nyan?"
"Babae 'yung kapitbahay natin," sagot niya at inabot sa'kin 'yung pad. "Bilisan mo na. Aalis pa tayo."
I shrugged and accepted the pad. Sinara ko 'yung pinto at nagready na muna. Nang matapos ako ay kumuha ako ng flannel para ibalot sa bewang ko, just in case makatagos na naman ako. I don't want a redo of what happened. Nakakahiya!
"Nessa, hurry the fuck up!"
I rolled my eyes. "Palabas na nga, e." Lumabas na ako at agad siyang sumimangot sa suot ko. "What now?"
"Exhibitionist brat. Go change!"
"Whatever, Zane. Aalis na ba tayo o hindi? I need a whole pack!"
Napailing nalang siya at walang sabing hinila ako papalabas ng apartment. Ni-lock ko muna ang apartment bago kami tuluyang umalis, kasi noong minsan na naiwan naming nakabukas 'yung apartment, sobrang nagalit si kuya Vin sa amin. Nag-aaway kasi kami ni Zane noon kaya nakaligtaan naming i-lock 'yung pinto. We certainly got an earful from kuya Vin.
"May pharmacy na malapit dito, pero ayokong maglakad," aniya at tumungo sa parking lot kaya sumunod ako sakanya ng walang angal. Tumingin siya sa'kin. "The next time this happens, I'm leaving you."
"Sure, sure." Nagkibit-balikat ako at patakbong lumapit sa sasakyan niya. Hinintay kong i-unlock niya bago ako mabilis na pumasok. I love Zane's truck. The newest F-150. Maganda talaga 'yung sasakyan niya, pero mas nagagandahan lang ako kasi ang bango ng sasakyan niya. Amoy.... Zane. Hindi ako madalas sumakay dito kasi ayaw ni Zane na pinapasakay ako o dina-drive ako. I think this is about the fifth time I got to ride in his truck.
"Ano ba ang cologne mo? It smells so good!" puri ko nang makasakay na siya.
He glanced at me tapos pina-andar na ang truck niya. "None of your business. Sit still, Nessa. Seatbelt mo."
"Seryoso nga, ano? Parang gusto kong 'yun ang gamitin ko," saad ko at nagbuckle up.
Sinimangutan niya ako. "P'wede bang tumahimik ka na muna? Nakakairita na, Nessa."
"Mas nakakairita ka. Nagtatanong lang naman ako, ah?"
Bumuntong-hininga siya. "May mga CD d'yan sa compartment. Why don't you busy yourself with those instead?"
"Nagtatanong lang," inis na sabi ko pero ginawa ko naman 'yung sinabi niya. I opened his compartment and saw dozens of albums. Na-amuse ako dahil ngayon ko lang makikita ang taste in music ni Zane. He never shares his earphones with me, tapos 'yung phone naman niya may jailbreak kaya may password 'yung music app tsaka messages niya, pati nadin photos. He's really sly.
"You listen to Mayday Parade?" Tinignan ko siya at nagkibit-balikat lang siya. "Wow ha. Hindi ba't senti lahat ng songs nila?"
"Hmm."
"Letting Go is highlighted. So 'yun ba favorite song mo sakanila?"
Again, he hummed.
Medyo naiinis na ako kasi hindi naman niya sinasagot ang mga tanong ko. Kanina pa ata ako nagdadaldal at nagtatanong sakanya pero sinusungitan niya lang ako. And my friends wonder why we always fight! Napakasungit naman kasi ni Zane. "Hoy, sagutin mo naman mga tanong ko!"
Inirapan niya ako ng mabilis. "I'm not obliged to do so, Nessa. Such a brat."
"And you're such a jerk."
"Jerk?" Nagpaikot siya ng mata. "May jerk bang ipagmamaneho ka sa pharmacy para bumili ng lintek na napkin mo? Stop being ungrateful."
Napalabi ako. "Nagthank you kaya ako kanina! Hindi mo lang ako pinansin."
"Whatever," aniya.
"Tignan mo, ang sungit mo talaga sa'kin!"
"God, will you ever shut it?"
Bumelat ako sakanya at inayos nalang 'yung mga CD niya habang na-stuck kami sa traffic. When I was done, naghahanap na siya ng parking space kaya naman mabilis akong bumaba ng truck niya nong pinatay na niya ang makina. I jogged inside the store tapos mabilis akong naghanap ng napkin. I bought five packs, just in case mangyari na naman 'to. Ayoko namang mainis na naman sa'kin si Zane dahil lang doon. Dagdag pa sa mga pag-aawayan naming dalawa.
"Tapos na?" tanong niya nung bumalik ako sa truck niya at tumango ako.
I grinned. "Thanks, Zane. May silbi ka din pala minsan."
Naningkit ang mata niya sa sinabi ko. "Wala kang silbi kahit kailan."
Napalabi nalang ako pero napawi din 'yun. "Uuwi na ba tayo?"
"No," sagot niya kaya nagtatakang napatingin ako sakanya. "You disturbed me a while ago. Kumakain ako kanina."
"Oh? Sorry naman. Pero uwi na tayo para naman maka—"
"Gusto ko mag-tapsilog," saad niya at walang sabing pina-andar na ang truck niya.
Napatango ako. "Libre mo ba?"
"Hindi."
"Fine," sabi ko at napasimangot. "Pa-thank you ko nalang 'yun sa'yo para wala na akong utang na loob sa'yo."
"Matagal nang malaki ang utang na loob mo sa'kin, tanga."
Inirapan ko siya. "At kailan pa?"
Nakangising tinignan niya ako. "Noong hinalikan kita."
Nanlaki ang mata ko at hinampas ko siya. "Paano namang utang na loob ko 'yun sa'yo? Hanep ka talaga sa kaepalan, Zane!"
"Hindi mo ba alam na ang daming may gustong halikan ko sila? Pasalamat ka nga may humalik pa sa'yo, e," nakangising sabi niya sa'kin kaya alam kong sinusubukan na naman niya akong pikunin—like he always does.
"Ang epal mo kamo! Sa ganda kong 'to, tingin mo may ayaw humalik sa'kin?"
Nangiinis na tumawa siya. "At ako pa talaga ang epal sa ating dalawa huh?"
"Shut up. Mas epal ka naman talaga."
He laughed out loud. "Damn you."
"Damn you din."
Then Zane did the unthinkable. Habang na-stuck kami sa traffic, on a really hot sunny Friday afternoon, Zane Santiago turned to me and offered me the sweetest smile na nakita ko sa mukha niya. Medyo natulala pa ako dahil sa ganda ng ngipin niya, pero mas lumakas ang tibog ng puso ko nang magsalita siya.
"You know why I hate you so much?"
Maang na napailing ako. "Bakit?"
He smiled that sweet smile again. "Because you make me smile, brat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top