Move Eighteen

The Last Regret
~•~•~•~•~•~•~

ZANE

"Bye, Zane!" paalam ni Talia at tumango nalang ako bilang sagot. Muli ay ngumiti siya ng malawak bago pumasok sa kotse niya.

Nang maiwan ako sa labas ng studio namin ay agad akong napatingin sa phone ko. In-unlock ko 'yon at agad bumungad sa'kin ang huling text ni Nessa sa'kin.

Napapikit ako at napasuklay ng buhok.

Damn it.

Bakit ba hindi ako nagreply? Nagpasalamat man lang? Tangina talaga.

Noong isang linggo pa ang text niya'ng 'yon pero hanggang ngayon ay binabasa ko parin. Tinititigan. Kinakabisado. At sa bawat pagbasa ko nito ay mas lalong lumalaki ang pangungulila ko sakanya.

But fuck.

Fuck me.

Fuck my life.

Nasaan na ba kasi siya?

Ginusto kong makapag-usap kami noong dumating ako mula Vigan pero hindi na siya umuwi pa sa apartment. Gusto ko ding tanungin si Vin pero pinapangunahan na ako ng kaba at takot. Takot na baka hiningi ni Nessa na huwag akong makita. Na baka sabihin ni Vin na hindi na ako mahal ng babaeng pinakamamahal ko.

Hanggang ngayon hindi ko parin maatim kung bakit kinailangan niyang gawin 'yon. Hindi ko siya maintindihan dahil sa tuwing nagkakatinginan kami ay kita kong nangungulila din siya. Na tulad ko ay gusto na din niya akong lapitan at yakapin.

Fucking hell.

I miss my brat.

I miss my damn stubborn brat.

Umuwi na ako. Pero bago ako pumasok ng apartment ay huminga ako ng malalim. Hinahanda ang sarili sa katotohanang pagpasok ko ay walang Vanessa Decilva na babati sa'kin. Na wala ang mahal ko sa loob.

Si Angelo ang unang bumati sa'kin pagpasok ko. Tulad ng nakasanayan ay umikot ang paningin ko at nang mapagtantong wala parin siya ay may konting parte na naman ng puso ko ang namatay. Hanggang kailan ba niya ako papahirapin? Hanggang kailan ba niya ako lalayuan ng ganito?

"Zane..." tawag ni Angelo sa'kin.

Tumingin ako sakanya at tumango. "Pare."

Ngumiti siya. "Nakadating na si Vin."

Natahimik ako. Kasabay ng hindi pag-uwi ni Nessa ay ang pagkawala din ni Vin. Isa din sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya matanong-tanong tungkol sa kapatid niya. Alam kong kahit papano ay may kinalaman ako sa biglaang pagkawala nila pareho. Pero ngayon na nakabalik na si Vin ay nabuhay ng konti ang pag-asa ko. Pag-asa na baka sabihin niya kung nasaan siya.

"Nasaan siya?"

"Zane."

Napatingin ako sa may kusina at nakita na nakatayo doon si Vin habang nakapamulsa.

"Mag-usap tayo," aniya at pumunta na ng kusina.

Naramdaman kong tinapik ako sa balikat ni Angelo bago ito tumikhim. "Sige na, pare. May kailangan kang malaman."

Kumunot ang noo ko. Tungkol ba kay Nessa?

"Sige na. Sundan mo na si Vin."

Hindi na ako sumagot at tumungo nalang sa kusina. Kung ano man ang sasabihin sa'kin ni Vin ay ramdam ko nang hindi ko ito magugustuhan. At sigurado din ako na tungkol ito kay Vanessa.

Damn.

Is he mad at me? Galit ba siya sa'kin dahil hinayaan ko ang kapatid niya? Hindi ko naman ginusto e. Tangina. Kung ako lang, baka pinikot ko na ang babaeng 'yon para lang hindi na makawala sa'kin.

Pero ramdam ko ang sakit niya noong hilingin niya sa'kin 'yon kaya minabuti kong pagbigyan muna siya. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko na siya babawiin. Mas gugustuhin ko pang habang buhay nang huwag sumayaw kesa mawala sa'kin ang babaeng pinakamamahal ko.

Pagpasok ko sa kusina ay agad tumingala si Vin sa'kin. Tinuro niya ang upuan sa harap niya at nakita kong may lata ng beer doon. May hawak din siya at hindi ako nag-atubili na buksan 'yon at uminom.

"So..." panimula ko.

"Wala na si Vanny."

Natigilan ako bago ako napakurap-kurap. "N-nasaan siya?"

Yumuko si Vin at sinuklay ang buhok niya. "Pasensya ka na, pare. Kung tinago namin 'to sainyo. Sa'yo. 'Yun ang hiling ni Vanny e."

"Vin," mariin na saad ko. Ramdam ko ang pamimilis ng tibok ng puso ko at mabilis na namuo ang kaba at takot sa dibdib ko. "Nasaan siya? Ano'ng nangyari sakanya?"

Huminga siya ng malalim. "Nasa Cebu na siya ngayon. Galing ako doon. Hinatid ko siya kasama si mommy at si ate Vicky."

Kahit papano ay naramdaman kong nawalan ako ng tensyon sa katawan. Pero hindi parin ito tuluyang nawawala. At hindi 'yon mawawala hanggang sa nasa bisig ko na ulit si Vanny.

"Susundan ko siya," ani ko at nagulat ako nang hindi siya umapila. Tumango siya at muli ay napahilamos. Kumunot ang noo ko. "Ano'ng sikreto ang tinago ninyo?" tanong ko nang maalala ang sinabi niya sa'kin kanina. Na may tinago siya mula sa'min. Sa'kin.

At pakiramdam ko ay may kinalaman 'yun kung bakit ako iniwan ni Nessa. Kung bakit biglaan ang pag-alis niya at kung bakit nawala silang dalawa ng ilang araw.

Handa ba ako?

Handa ba akong malaman ang totoong dahilan?

"Mahirap 'to para sa'kin, pare," mahinang usal ni Vin at hindi ako nagsalita. Base palang sa tono ng boses niya ay hindi ko na magugustuhan ang kung ano man ang sasabihin niya. Puno ng hinanakit at pagsisisi ang boses niya. Para saan? May kinalaman ba siya sa pag-iwan sa'kin ni Nessa?

Napahigpit ang hawak ko sa iniinom ko at napapikit ako. Ano ba kasi 'yon?

"Si Vanny..." Napamura si Vin kaya napadilat ako ng mga mata. Saglit ay nawala ang namumuong tampo sa dibdib ko nang makita kong tumulo ang mga luha niya. Akmang tatayo ako pero tinaas niya lamang ang kamay niya at pinunasan ang mga luha niya. Fuck. Ano'ng nangyari kay Vanessa?

"Shit, Vin. Okay lang ba si Nessa? Tangina! Dapat hindi ko siya hinayaang umalis e. Tangina ko talaga!"

"Hind mo kasalanan," malumanay na sabi ni Vin at napasinghot. Nagtama ang mga mata namin at kita ko ang sakit sa mga mata niya. Agad ay nanghina ako.

"Vin... a-ano'ng meron?" Hindi ko na tinago ang pag-piyok ng boses ko. Natatakot na ako.

"Shit. She's sick, man. Vanessa's sick."

Napalunok ako at napapikit, pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Tangina. "M-may lagnat siya?"

"I wish..." saad niya.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ng mga kamay ko at hinintay ang kasunod na sasabihin niya. Paniguradong hindi ko 'yon magugustuhan. Hindi ko 'yon mapapaniwalaan.

"Heart disease... Sabi ng doctor... anytime.."

Napamura ako at hindi na pinigilan ang luha ko. Maraming beses akong napalunok para mawala ang pag-iinit at pagbabara ng lalamunan ko. Hindi... Hindi p'wede...

No... Not my Nessa...

No.

Hindi p'wede.

"Tangina, hindi p'wede."

"She-she can't feel to the extremes, Zane. Hindi maluwag ang arteries niya at tuwing grabe ang nararamdaman niya ay masyadong mabilis ang production ng puso niya. Hindi 'yon p'wede kaya... kaya..."

Mahinang napahikbi ako. "Kaya niya ako iniwan. D-dahil literal na hindi kaya ng puso niyang mahalin ako... hindi ba?"

"Mahal ka niya."

Umupo ako ng tuwid at tumango. Napatingin ako sa mga kamay ko. "Alam ba niya?"

"Na alin?"

"Na mahal na mahal ko din siya?"

Nakita kong tumango siya. "Alam niya."

Napatiim-labi ako at nainis sa sarili ko nang maramdaman ko na naman ang pamumuo ng mga luha ko. Hindi ito ang panahon para maging mahina. Kailangan ako ni Vanessa. Kailangan niya ako at kailangan ko din siya.

"Gusto kong pumunta ng Cebu. G-gusto ko siyang makita, Vin. Huwag mo akong pipigilan."

Sunod-sunod na napailing siya. "Andito ako para sunduin ka. Kailangan ka ng kapatid ko."

Tumango ako at napatitig lamang sa beer ko.

Parang awa Niyo na po, huwag siya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top