Move Eight

The First Date
~•~•~•~•~•~•~

"Hanggang ngayon, hindi ka padin kinakausap nyan?" rinig kong sabi ni Angelo kaya napairap ako sa ginagawa kong homework. Pero hindi ako nag-react, baka sabihin pang defensive ako masyado. Bahala sila mag-chismisan d'yan, wala akong pakialam.

"Drama queen nga kasi 'yan," sagot naman ni Zane at alam kong sinadya niyang lakasan ang boses niya para marinig ko. Again, hindi ako nag-react. Una, may homework ako at kailangan kong tapusin bago bukas. Pangalawa, naiinis padin ako sa pagmumukha ni Zane. Nakakabwisit parin siya. Pangatlo... Well. Okay. I only have two.

"Baka nagpapasuyo, brad," sabi ni Angelo at medyo natigilan ako. Napaisip ako sa sinabi ni Angelo and I found myself agreeing. Okay, then. Magpapasuyo ako!

But after the thought, napailing ako. As if naman susuyuin ako ni Zane. That man is too stubborn and too proud! Hindi siya magpapakababa ng pride na humingi ng tawad. All he knows is to steal kisses! Not ask for them!

Ask for them, Vanny?

I pursed my lips. Where are my thoughts leading to now?

Ask for them? So ibibigay mo din?

No! Napailing ako sa sarili ko. Hindi kaya ako papayag! As if naman.

You liked kissing him last night...

I groaned again. Lasing lang ako! And yes, nakakalasing ang juice! Gosh. My mind should just concentrate on my homework rather on some jerk!

"Vanny, 'yung kamay mo," biglang sabi ni kuya Vin at nagulat ako nang kunin niya mula sa kamay ko 'yung ballpen ko. I stared at my hand and gasped. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napansin na naputol ko ang ballpen na hawak ko at puno na ng ink 'yung buong kamay ko. "Ano ba 'yang iniisip mo at lutang na lutang ka?"

Umiwas ako ng tingin sa kunot-noo niyang mukha. "Wala. Hindi ko alam."

"Oh, ano'ng nangyari sa'yo, Vanny?" tanong ni Angelo na lumabas mula sa kitchen at pumasok sa sala kung asan ako. Napasimangot ako nang makita nakasunod si Zane sakanya at may hawak siyang bimpo at maliit na palanggana.

I shrugged. "Nag-spill lang 'yung ink."

Napabuntong-hininga si kuya Vin. "You know what? I don't even want to know. Gelo, samahan mo ako. Bibili tayo ng groceries." Aangal na sana ako pero tinignan ako ni kuya at napatiim-labi agad ako. "Mag-uusap kayo ni Zane. Seriously. The last time you guys kissed, mas lumala ang away ninyo. Pag-usapan niyo 'to."

Nagkatinginan kami ni Zane pero agad din akong umiwas ng tingin. The guy I hate, tsk.

"Ako ba magd-drive?" Angelo asked while they were exiting the apartment. Hindi ko na narinig ang sagot ni kuya dahil naisara at na-lock na nila ang apartment door. I snorted and tidied my station. Sa kwarto nalang ako magh-homework.

Tumayo na ako pero napatigil din noong tawagin ako ni Zane. "What?" iritableng tanong ko at hinarap siya.

Pinanliitan niya ako ng mata. "Sit down and stay there, Nessa," utos niya at lumapit sa'kin. Hindi ako gumalaw at pinanood lang siya na umupo sa couch at nilapag 'yung palanggana na hawak niya sa coffee table, away from my homework. Tumingala siya at nang makitang hindi ako gumalaw ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya. Napapadyak ako at tinulak ang mukha niya papalayo pero napailing lang siya at inabot niya 'yung maduming kamay ko. He silently dabbed on it hanggang sa medyo nawawala na 'yung ink at hindi ako nagsalita.

Well, kung mag-uusap kami, hindi ako ang unang magsasalita. Siya ang unang humalik, kaya siya unang magsalita.

"Nessa."

"What?!" Napaliyad ako nang kurutin niya ang hita ko. "Aray! Zane, sobra ka na! Akala ko ba magso-sorry ka?!"

Tinaasan niya ako ng kilay tapos pinagpatuloy ang paglilinis sa kamay ko. "Ang epal mo naman para isiping magso-sorry ako sa'yo."

Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko. The nerve of this guy! "What? Why not? I deserve an apology!"

Hindi siya sumagot at sinubsub lang sa tubig 'yung kamay ko. Tinadyakan ko siya pero pinalo niya lang ulit ang hita ko kaya 'di na ako nag-react. Hinayaan ko nalang siya na linisin ang kamay ko, kasi pagkatapos nun iiwan ko na siya kapag hindi pa siya nakipag-usap ng maayos. He needs to apologize!

"Thanks," I mumbled when it was all done. He dried my hand with his tshirt at napatiim-labi ako nang makita ko 'yung outline ng abs niya kasi naging manipis 'yung tshirt niya. White pa naman. "Aalis na ako. Hindi ka naman pala magso-sorry sa'kin tapos—"

"I don't lie," putol niya kaya napatingin ako sakanya.

"And so?"

Tinaasan niya ako ng kilay tapos sumandal siya sa couch. He reached out tapos pinitik niya ang noo ko kaya napangiwi ulit ako pero bago ko pa siya masuntok ay hinila niya ako kaya napasandal ako sakanya. Hinampas ko muna ang abs niya bago ako nakasimangot na nagpayakap sakanya.

"You know..." natatawang saad niya, "kapag naging tayo, we would make a really odd couple."

I scoffed. "Yeah right."

"It would be funny," sabi niya. Huminga siya ng malalim at naramdaman ko ang mga kamay niya sa bewang ko, pulling me up hanggang sa nasa balikat na niya ang ulo ko. "Just imagine. We'll probably try to kill each other one second, then make out the next. Basically."

Kahit ayoko ay medyo natawa ako. "That sounds like you and me."

"Hmm. Sounds like us." Humigpit ang hawak niya sa'kin at napatingin ako sakanya. He met my gaze. "I won't apologize, brat. I did what I did on purpose."

Nanlaki ang mata ko ng konti. "Hindi ka talaga magso-sorry?"

Sumimangot siya. "Bakit ba gusto mong mag-sorry ako? Hindi nga!"

"Jerk ka talaga kamo! Sorry lang naman e! Iniwan mo kaya ako doon na mag-isa," akusa ko sakanya.

He groaned tapos tinakpan niya ang buong mukha ko gamit ang dalawang kamay niya. "Damn! You're such a talkative brat!"

"Zaaane!" inis na sigaw ko at hinihingal na sumadal sakanya nung tanggalin na niya ang kamay niya sa mukha ko. Natatawang hinila niya ako at binuhat ang mga hita ko para nasa taas ito ng mga hita niya. He shuffled. "Ano na naman ginagawa mo?!"

"Lay back doon," utos niya at tinuro 'yung medyo mataas na armrest. Sumandal ako doon at lumapit siya, his hand still up on my knee.

I stared at him for a while. "We really are weird, huh?"

Tumango siya tapos nagulat ako nung halikan niya ako ng mabilis sa labi. "I still don't like you."

I grinned. "I still hate you."

"Good," saad niya tapos umayos hanggang sa nakahiga na siya sa gilid ko at magkatabi na kami sa couch, the armrest acting as our pillow. "Gutom ako, Nessa. Order kaya tayo ng Pizza Hut? Game?"

Nagkibit-balikat ako at pinaglaruan ang buhok niya. My eyes were closed. "Sure. Hawaiian, please."

"Magbayad ka this time," sabi niya tapos napadilat ako nang tumayo siya. He looked through his pockets for his phone tapos ako naman ay inabot 'yung bag ko na nasa floor. I know my wallet was in there somewhere. "Oh, san ka na naman pupunta?"

I stood up and looked at him drily. "Well, idiot, my wallet isn't here. Nasa kwarto ko ata."

"Bastos talaga ng bunganga mo," sabi niya sa'kin at nagkibit-balikat lang ako. "Nessa!"

"What?" sigaw ko kasi nasa kwarto ko na ako.

"Come back outside, okay?"

"Duh! Kakain pa kaya ako!"

"I know. But go back to my side, okay?"

I fought the smile, I really did. Pero hindi ko din napigilan. "Okay!"

"Hurry up, brat!"

"Shut up, jerk!" sigaw ko pabalik at hinanap ang wallet ko. I found it by my phone, which I left on my night stand. Nakita kong may texts.

Vin: Balik na ba kami ni gelo?

Zane: stay away

Cait: PARAPARAAN SI KOYA

Cait: Pero good job! Go ZaNny!!

Angelo: akala ko ba zanessa??

Cait: ZANNY FTW

Patricia: Sarap i silent ng convo na ito.

Vin: ;)

Cait: Landi :P

Natatawang napailing nalang ako at lumabas ng room ko. Mas lumawak ang ngiti ko nang makita kong nakahiga na si Zane sa couch, the same way he was laying a while ago. Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa—or nakikilig—sa mga nangyayari at sa inaaakto ni Zane, pero ayoko munang isipin. It's better this way.

"Ako ba magbabayad ng buong pizza?"

"Nope," sagot niya tapos tinuro 'yung one hundred fifty pesos na nasa coffee table. Naglabas din ako ng one-fifty tapos umupo na ako sa couch kung asan siya. His hand went to my waist. "Nessa."

"Yes, jerk?"

Mahina siyang natawa. "Hindi ka ba mab-bwisit sa'kin?"

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko at hinarap siya.

He smirked tapos inabot niya sa'kin ang phone niya. Nasa group chat siya. "Nabasa mo na ba lahat?"

"Um," sabi ko lang at binasa na 'yung mga bagong text.

Angelo: ayos na ba kayo ni vanny? balik na kami ni vin

Zane: ayos na

Vin: Ge. Daan kami ng pagkain.

Zane: stay away

Vin: Bakit?

Zane: we're on a date

Cait: WEH

Patricia: OMG TALAGA

Vin: What?? Seryoso?

Angelo: ejsidisksmfls!!!!

Zane: yes

Zane: stay away for a while

Cait: LOL

Cait: Paraparaan talaga e!!

Medyo hindi pa ako naka-react nung una hanggang sa tumikhim si Zane.

"So?" aniya.

Binaba ko 'yung phone niya tapis binatukan ko siya. "Date sinasabi mo d'yan? Forever tanga mo talaga!"

"Date 'to!"

"Ordering in pizza is a date to you now?!" inis na sabi ko at hinampas ulit siya.

Kumunot ang noo niya. "Ang arte mo!"

"Ang engot mo!"

He rolled his eyes at me. "It's a date."

"No."

"Yes."

"No."

"Yes."

"No, Zane."

"Yes, Nessa. It's a date. Now shut up, lay down beside me, and we can start the making out part."

I gaped at him. "Jerk!"

He smirked. "Brat, come. here."

"Demanding mother fucker."

Hinampas niya ng mahina ang braso ko. "One more foul word and I'm kissing you."

I laid down beside him. "Whatever."

"Not so tough now, eh, brat?"

Sinuntok ko nalang ang tyan niya. "Such. a. jerk!"

Jerk wasn't even a bad word. But the damn idiot still kissed me. And being the idiot that I am, I kissed him back.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top